Share

Kabanata 2 Komportableng Estranghero Sa Bahay Ko

Ininat ni Alexandra ang kanyang mga braso at humikab ng malalim. Inalis niya ang night mask na ginagamit niya sa pagtulog mula sa kanyang mga mata. Medyo madilim pa sa labas. Tiningnan niya ang kanyang alarm clock. Alas kuwatro pa lang ng umaga.

Umalis siya sa higaan at pinalitan ang suot niyang pajamas ng damit pang-exercise. Isang pares ng itim na jogging pants na may pink linings ang pinair-up niya sa isang black pink na jacket. Sinuklay niya ang mahaba at itim niyang buhok at ipinusod ito sa isang ponytail habang nakaharap sa salamin. Saka tiningnan ang sarili sa salamin. Ang kanyang hazel-brown na mga mata ay bumalik ng tingin sa kanya.

Pagkatapos kinuha niya ang isang pares ng medyas at isuot ito sa kanyang mga paa. Naglakad siya sa fluffy sleepers niya at pumunta sa front door at isinuot ang kanyang running shoes. Habang sinusuot niya ang sapatos, si Smarty naman ay nakamasid sa kanya naghihintay sa may pintuan ng salas.

Palagi niyang kasama si Smarty sa kanyang early morning jogs. Tatakbo sila paakyat sa munting bundok kung saan ang bahay niya ay labindalawang kalye ang layo. Mahigit isang oras ang kailangan para marating ang tuktok at isang oras uli pababa. Kaya meron siyang malusog na dalawang oras na pagjo-jog araw-araw. Pero meron ding mga oras na lumiliban siya sa pagjo-jog. Halimbawa kung tinatamad siya or kung dumating ang first period niya.

Nang lumabas si Alex ng bahay, hindi pa bukang liwayway. Madilim pa rin ang langit ngunit maputla at malarosas ang guhit tagpuan ng langit at bundok. Maaaring sa sunod na sampung minuto, naisip niya. Si Smarty ay nasa tabi niya habang masiglang kumakawag ang buntot.

“Halika na, Smarty. Oras na para ibinat natin ang ating mga binti para sa morning jog,” masigla niyang turing sa aso habang inuunat ang mga braso at binti. Nagsimula siyang tumakbo sa gilid ng daan.

Siya pa lang ang tumatakbo. Nag-iisa. Bakante ang daan. Wala pang ibang tao. Sabagay lagpas alas kwatro pa lang. 

Medyo malamig pa ang hangin.

Nang makarating sila sa ikalawang kalye, nakita niya ang isang lalaki na mahinang tumatakbo.

“Magandang umaga, Max!” magiliw na bati ni Alex sa lalaking nakasuot ng puting band sa ulo nang maabot niya ito.

“Ah, ikaw pala, Alex. Magandang umaga din,” matamlay nitog turing sa kanya nang bumaling ito para makita siya. Nakita din nito si Smarty at binati ang aso. “Kamusta, Smarty!”

Lumipat ang St. Bernard sa tabi nito at huminto si Max ng ilang saglit para haplusin ang aso, tapos saka siya nagpatuloy tumakbo.

“Bakit ang bagal mo ngayon, Max?” tanong ni Alex na sumasabay sa kanyang bilis.

Hindi siya sanay kay Max na mabagal tumakbo. Karaniwan kapag nagkikita sila kung nagkataon tuwing early morning jogs katulad ngayon, mas masigla silang tumatakbo habang sinusuri ang bilis ng isa’t isa.

“Napilay ka ba?”

Tanong niyang tinitingnan ang mga paa nito.

“Hindi, luka,” sagot ni Max, waksi nito sa tanong niya. “Hangover.”

Simpleng turan nito.

“Bakit hindi mo ko inimbitahan kagabi?” tanong niya. “Sinaluhan sana kita.”

“Nagpakalunod ako sa pighati ko kagabi.”

“Nag-away ba kayo ni John?” malumanay niyang tanong.

“Oo. Nalaman ko mula sa phone niya kagabi nang hindi ko sinasadyang ma-tsek na dine-date niya pa rin  pala ang dati niyang girlfriend habang kami ng dalawa ngayon," malungkot nitong kuwento.

“Ah…” turan ni Alex na walang masabi, iniisip kung ano ang susunod niyang sasabihin.

Tinapik niya na lang ang balikat nito para i-comfort habang tumatakbo sila papasok sa ikatlong kalye.

“Napakadaya niya sa akin,” dramatikong iyak ni Max subalit makikita sa mukha nito ang kalungkutan. Umiiyak ito habang sila ay nagjo-jogging.

Sanay na si Alex sa dramatikong Max at kung mas malala pa ito pero mas sanay siya dito na maingay at masayang dramatikong bakla kaysa sa malungkot na bakla na kasama niya sa morning run.

Simpatetiko siyang humarap dito.

“Makakalimutan mo rin yan,” mahinahon niyang ani.

“Pero mahal ko si John, Alex. Hindi to ganun kadaling kalimutan.”

Amin ni Max.

“Sabagay, tama ka, Max,” sang-ayon ni Alex. “Pag-usapan niyong dalawa to. Pilitin mong aminin niya sa harap ng mukha mo para hindi ka masyadong masaktan.”

“Pag-iisipan ko.” Walang gana nitong sagot.

Huminto si Alex sa kanyang pagtakbo at nilagay ang mga kamay sa kanyang baywang. Huminto rin si Max nang makita siya nitong huminto.

“Ano?” nayayamot nitong tanong.

“Hindi mo to pag-iisipan,” mariing sabi ni Alex. “Pag-uusapan niyo to.”

“Sabi ko, pag-iisipan—“ sagot ni Max na hindi tumitingin sa mata niya. Ang mga mata nito ay pahapyaw na nakatingin sa paligid nila. Mukhang malayo ang iniisip.

Nagtimpi si Alex out of frustration sa sinabi ni Max.

“Pag-usapan niyo agad,” demanda niya.

“Masyado kang bossy sakin ngayon, Alexandra.”

Saad ni Max na itinaas ang kanang braso at kinamot and likod ng ulo.

“Dapat nakikiramay ka sakin dahil malungkot ako.”

“Oo, naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Max, pero mas maigi kung pag-uusapan niyo ito ni John sa mas madaling panahon para malagpasan mo na tong problema. Nagagalit ako kapag nakikita kong malungkot ang isa sa mga kaibigan ko dahil sa mga ganyang bagay. Either makipag-break siya sa dati niyang girlfriend or ikaw ang makipag-break sa kanya.”

Diretsang sabi ni Alex.

Tinitigan siya ni Max sa loob ng isang minuto na akala mo ay nagbagong anyo siya at naging isang halimaw. 

“Bakit tinubuan na ba ko ng sungay?” tanong niyang nakatago ang ngiti sa labi.

“Hindi ka tinubuan ng sungay,” sabi ni Max na ngumingiti. “Pero tinubuan ka ng pangil, Alex.”

“Buti naman kung ganun, Maxwell Cordale.”

Panalo niyang ngiti at ipinag-ekis ang mga braso sa harap ng dibdib.

“Siguro sa’yo na lang ako dapat ma-in love, Alexandra Diaz,” biro nito sa kanya.

Biglang kinalibutan si Alex sa sinabi ni Max. Parang naramdaman niya ang saglit at biglang paglamig ng hangin. This time, siya naman ang tumingin sa mukha nito ng kalahating minuto saka umiling ng ulo. 

“Siguradong lalamunin ako ng apoy pagkatapos magiging abo ako, Maxwell, pag nangyari yan.”

Biglang tumawa si Max. Pinagmasdan lang ito ni Alex.

“Tama ka, Alex. Kahit ang apog ng kaluluwa ko ay ipinagbabawal ang ganyang mga nakapanghihilakbot na ideya.”

Biglang binigyan ni Alex ng halik ito sa pisngi.

“Mabuti naman at cheered up ka na.”

Muli siyang nagjog una kay Max. Pero hindi pa rin ito sumusunod. Muling tumalikod si Alex paharap dito.

“Uy! Ano ba, boyfriend? Halika na.”

Nakabalik si Alex sa kanyang bahay matapos ang dalawang oras na pag-jog niya kasama si Maxwell Cordale, ang kaibigan niyang kapitbahay sa Ikalawang Kalye.

Habang sila’y tumatakbo palapit sa bahay ni Max, nakita nila si John na mapanglaw na nakatayo sa balkonahe. Nang marating nila ang bahay ni Max, nakita ni Alex na tumuwid ng tayo si John at nagrelax nang makita nito si Max.

“Goodluck. Ayusin niyo, Max.”

“Oo. See you around.”

Naglakad si Max palapit kay John. Nagsimula silang mag-usap. Nakita siya ni John at kumaway sa kanya at kumaway din siya dito at patuloy na nag-jog hanggang marating niya ang bahay niya.

Mabilis siyang nagshower, nagsuot ng yellow top at jeans at dumapa sa kama para kunin ang pulang suitcase sa ilalim. Tapos, pumunta siya sa closet at kumuha ng mga damit at saka tinupi ang mga ito papasok sa suitcase. Dinala niya sa baba ang suitcase at nilapag sa paa ng hagdan at saka dumiretso sa kusina. 

Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel ng aloe vera juice at isinalin ito sa mataas na baso. Habang umiinom ng juice, binuksan niya uli ang ref at kinuha ang kartong gatas at ang kainan ni Smarty sa may pinto. Matapos niyang isalin ang gatas sa kainan ni Smarty, nilagay niya ito malapit sa exit door ng kusina kung saan nakatayo si Smarty na naghihintay.

Gumawa siya ng apat na sandwiches sa plato. Gumawa siya ng scramble egg at nagprito ng ham, nagsliced ng keso at nilagay ang mga ito sa tinapay. Matapos niyang kainin ang isang sandwich, nilagay niya ang natitirang tatlong sandwiches sa magkakahiwalay na Ziplock.

Kinuha niya ang bag mula sa stool at isinilid ang mga sandwiches sa loob ng bag. Pinuno niya ang isang jug ng aloe vera juice, saka kumuha ng isang malaking bote ng tubig, nilinisan ang kainan ni Smarty at umalis sa kusina.

Nakita niyang 7:30 am sa wall clock. Kinuha niya ang silver chain red collar mula sa wall pin at nilagay ang collar kay Smarty.

“Alright, buddy,” sabi ni Alex kausap ang aso habang nilalagay ang collar sa leeg nito. “Pupunta tayo sa dati kong hometown sa Avery Hill at magda-drive tayo ng matagal kaya be a good dog habang nagmamaneho ako ng kotse, okay?”

Tumahol si Smarty bilang pagtugon.

Kinuha niya ang suitcase at kinuha niya ang susi mula sa front pocket ng kanyang jeans at binuksan ang main door. Tapos, sinara ito at ni-lock. Pumunta siya sa garahe para sa kanyang kotse at bago siya pumasok sa loob, lumukso si Smarty sa driver’s seat at umupo sa passenger’s seat.

Matapos ang kalahating araw na pagdrive ni Alexandra narating niya ang Avery Hill. Maliwanag at mainit ang hapon nang dumating siya. Mukhang walang tao sa bahay subalit malinis ang front yard. Dati itong bahay ng lolo’t lola niya subalit nang mamatay ang mga ito, ipinamana nila sa kanya ang bahay pero paminsan-minsan ang mga magulang niya ang kadalasang tumitira sa bahay kapag feel nilang mag-stay over tuwing katapusan ng lingo o ng isang buwan.

Tiningnan niya ang bahay mula sa kabilang kalye subalit mukhang walang tao doon. Siguro lumabas si Daniel St. Claire. Titingnan niya mamaya kung nakabalik na ito.

Binuksan niya ang kotse at tumalon si Smarty diretsong takbo sa likod ng bahay.

Naglakad siya papunta sa front door at kinuha ang susi mula sa kanyang pants para i-unlock ang pinto subalit siya’y nasorpresa nang buksan niya ito dahil dati ng bukas ang pinto. 

“Mom? Dad? Andiyan ba kayo?”

Tawag ni Alex sa mga magulang nang pumasok sa bahay. Ibinaba niya ang suitcase sa sahig ng salas at tinapon ang kanyang bag sa malapit na sofa. Narining niya si Smarty na tumahol mula sa kusina at iniisip na maaaring mayroong pusa na hindi nito kilala, tumungo siya sa kusina.

Nagulat siya nang makita niyang may hindi kilalang lalaki na nakaupo sa kitchen table, abala sa harap ng laptop habang komportableng kumakain. Mukhang siya ang may-ari ng bahay. Itim ang kanyang buhok at nakasuot siya ng dark navy sweater at itim na pants na napansin niya nang tumayo ito mula sa mesa at pumunta sa ref para kumuha ng pitsel at inilagay sa mesa.

Hindi man lang nito napansin na nakatayo siya sa pintuan ng kusina. Naghintay siya ng isang pang minuto bago umubo.

Noon lang napansin ng lalaki nang nakabalik na ito sa pag-upo at umiinom ng Coke mula sa mataas na baso at nilagay nito sa mesa saka nito hinanap ang sariling salamin na malapit sa kanyang laptop at nilagay ito sa kanyang mga mata.

“Aba, hindi kita napansin. Alexandra Jane Diaz?” mahinahon nitong tanong habang pinagmasdan siyang nakatayo sa may pintuan. “Halika, maupo ka at saluhan mo ko. Meron ako ditong lasagna. Bake pala to ng mommy mo.”

Walang anumang sabi nito.

Pumasok siya sa kusina at sinilip ang gilid ng lalaki, napansin niyang komportableng nakahiga malapit dito si Smarty.

“Aso mo ba to?” tanong nito sa kanya habang tinitingnan ang aso. Nilapit nito ang kanang kamay kay Smarty at tumaas ang ulo ng aso at inamoy ang kamay nito at dinilaan.

Tumango siya at pinanood kung paano ang aso ay mabilis na lumambot sa estranghero.

“So, sino ka at ano ang ginagawa mo sa bahay ko, Mr. Stranger?”

Tanong ni Alex tago ang halong sorpresa’t pagkairita subalit pilit na ngumingiti nang makita niya na ang estranghero na mas malupit pa sa magnanakaw ay sobrang komportable sa kanyang bahay. 

Hinaplos ng lalaki ang aso sa ulo bago siya tiningnan. Walang tigatig at kibit balikat itong tumingin sa kanya, walang emosyon ang mukha at diretso sa kanyang mga mata at nagsalita.

“Ako si Daniel St. Claire, ang bagong may-ari ng bahay, Miss Diaz.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status