Share

Kabanata 4 Pwede Bang Ikaw Ang Bride?

“Ha? Bakit naman?”

Takang tanong ni Alex. Ngumunguya siya ng pagkain nang tanungin siya ni Daniel St. Claire nang nakakatawang tanong. Buti na lang hindi siya nabulunan sa pagkain. 

“Gusto kitang pakasalan pero ayokong pakasalan kita.”

Misteryosong wika nito.

Nalito si Alex sa sinabi nito. “Ano bang pinagsasabi mo? Linawin mo nga ang sinasabi mo. Naka-drugs ka ba?”

Tiningnan siya ni Daniel ng masama. “Geek ako, Alex, hindi mental patient.”

Sagot nito sa kanya. Binuksan nito ang lalagyan ng chewing gum na nakatago sa bulsa ng pantalon nito at nginuya ang gums. Binigay nito ang lalagyan sa kanya at kumuha siya ng dalawang piraso at nilagay sa gilid ng plato.

“Yan ba ang rason kung bakit ikaw ang bagong CEO ng kompanya para maglaro ng mga empleyadong katulad ko na susundin anumang gusto mo?"

Mahigpit niyang tanong. Napikon siya dito.

“Baliw ka ba? Bakit kita papakasalan? Hindi naman kita mahal.”

Walang pakialam niyang sagot dito.

"Isa pa hindi kita kilala," mapang-uyam niyang dagdag.

“Nasa danger of bankruptcy ang kompanya niyo, Alex at nagdecide akong bilhin ito para hindi mawala ang mga talents na tulad mo,” ani ni Daniel. “Mahalaga sakin ang mga manunulat at taga-disenyo ng mga libro sa Juggle House. Dati ring copywriter at author ang lolo ko dito nang buhay pa siya.”

Paliwanag ni Daniel.

“Ah, okay. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ka naging CEO namin. Masyado mong mahal ang mga libro para mamuno sa kumpanya naming.”

“Oo, tama ka,” sang-ayon nito na tiningnan siya sa mata.

“Salamat sa paglitas ng kompanya,” nakangiti niyang baling dito.

“Walang problema. Pinapahalagahan ko ang mga aklat at mga talentadong tao, oo. Di ba sinabi ko sayo na gusto ko ang mga illustrations mo?” tanong ni Daniel sa kanya.

Tumango siya bilang pagsang-ayon at pinasadahan niya ito ng tingin saka nagpatuloy sa pagkain.

“Pwede ba mamaya natin pag-usapan ang illustrations?” pakiusap ni Alex kay Daniel. “In-enjoy ko pa ang Black Forest ni mommy.”

“Paborito mo bang keyk yan?” tanong nito na tahimik na tiningnan ang tsokaleteng keyk sa plato niya.

Tumango si Alex sabay subo ng keyk.

“Pinakapaborito ko tong cake ni mommy kasi ang lambot at super chewy," paliwanag niya. "Natutunaw ito sa bibig ko kahit di pa ako ngumunguya kaya wala akong ibang iniisip habang kinakain ang cake.”

Excited si Alex na kumuha pa ng bagong slice ng cake at nilagay ito sa plato.

“Siyanga pala, bakit mo naman naisipan na alokin ako ng kasal hindi mo naman ako gustong pakasalan, di ba?” tanong ni Alex habang kumakain.

“Sa totoo lang, gusto ko naman talagang gawin 'to,” sagot ni Daniel sa kanya.

“Ha?” litong tanong ni Alex.

“Ang magpakasal,” turan nito.

“Talaga?” usisa niya. “Pero hindi sa akin, di ba? Hindi nga natin kilala ang isa’t isa.”

Pagkaklaro ni Alex.

Tumango lang si Daniel sa kanya.

“Teka, teka," wika ni Alex. "Nalilito ako sa sinasabi mo, St. Claire. Linawin mo nga. Gusto mong magpakasal sa akin pero hindi naman talaga sa akin.”

Tinitigan ni Alex si Daniel ng matagal, nag-aarok ang mga mata. Tiningnan lang siya nito.

“Hindi pa ako nakakakilala ng sintu-sintong lalaking katulad mo. Kapag pumayag ba ako, sasabihin mo sa akin kung sino ang maswerteng babae?” giit niya.

“Gusto mo bang sumagot ng misteryo, Alex? Nakakatuwa yan,” makahulugang wika nito.

Ngumisi lang si Alex sa kanya.

“Gee. Hindi ko alam na napaka-misteryosong tao mo pala, boss.  Napipi ka ba sa pag-amin sa babaeng mahal mo?”

Pang-aasar ni Alex. Mayabang siyang ngumiti dito. “Inayawan ka ba niya?”

Biglang tumahimik si Daniel. Nagtiim ang mga bagang nito at lumihis ang mga mata mula sa kanya.

Naalarma si Alexandra sa pamimikon dito at bigla ding tumahimik.

“Okay. Hindi na kita pipikonin,” sabi niya na tinaas ang mga kamay bilang pagsuko. “Gumawa ba si mommy ng salad?”

Tanong ni Alex pag-iiba ng usapan.

“Nasa ref,” maikling sagot nito.

Tumayo siya mula sa upuan at pumunta sa ref. Bago buksan ang pinto ng ref, humarap si Alex dito at nagtanong uli.

“Cheese and potato salad ba ang ginawa niya?”

Tiningnan siya ni Daniel sa mata at sumagot. 

“Hindi ko tsinek. Hindi ko pa nabuksan,” sagot nito.

"Hindi ba galing ka dito kanina?" tanong niya. "Ba't di mo nakita?"

"Sorry. Hindi ko napansin," paumanhin nito.

Kinuha ni Alex ang cellophane covered na malaking mangkok at dinala ito sa mesa.

“Gusto mo?” alok niya dito habang nagsasandok ng salad.

Umiling si Daniel ng ulo.

“Busog na ko,” tugon nito.

“Okay.” 

Bumalik si Alex sa pagkakaupo at nagpatuloy kumain.

Matapos ang mahabang katahimikan na umabot ng isang minuto, muling nagsalita si Daniel habang tahimik siyang pinagmamasdang kumain.

“Pero pagbibigyan mo ba ako? Pwede bang ikaw ang bride?” Muling kulit nito sa kanya.

Ipinatong nito ang mga siko sa ibabaw ng mesa at ibinabaw ang ulo sa pinagsiklop na kamay habang nakatitig sa kanya ang mga asul nitong mata.

Tinitigan ni Alex ang mukha nito at ipiniling niya ang ulo sa kaliwa habang nakasara ang kanang mata habang ngumunguya at nakataas ang tinidor. Mas gusto niyang asarin ito.

“Oh, come on, Alex," pangungulit nito. "Tulungan mo ko bilang isang kaibigan na nangangailangan. Habambuhay ko itong utang.”

“Pwede mo kong bigyan ng promosyon,” biro niya dito.

“Done,” mabilis nitong sagot.

Masamang ngumiti si Alex.

“Okay.”

Mabilisan niyang pagsasang-ayon at ibinaba ang tinidor. Itinaas niya ang kanang kamay paharap dito.

“Tinatanggap ko na ang alok mo," pag-sang-ayon niya dito. "Papayag akong fake bride mo.”

Saglit siya nitong tiningnan at muling tumingin sa nakataas niyang kamay at nakipagkamayan sa kanya bago binalik ang mga mata nito sa sariling laptop.

“Salamat sa pagtanggap ng proposal ko.”

Tahimik nitong inusod ang isang yellow envelope palapit sa kanya.

Saglit na tiningnan ito ni Alex at nagtanong.

“Ano to?”

“Yan ang papeles ng bahay. Di ba sabi ko sayo na binili ko ang bahay na to? Pero pag mamay-ari niyo pa rin ng mommy mo ang 50% ng bahay. Ire-renovate lang natin tong bahay para gawing lodge inn.”

Paliwanag ni Daniel sa kanya.

“Bibilhin mo ba ang bahay na to kung hindi nag-open up si mommy tungkol sa plano niya dito?” nagtatakang tanong ni Alex.

“Malamang hindi, kung hindi siya nagsalita,” pilosopong sagot ni Daniel. “Nagre-renovate ako ng mga abandonadong bahay as sideline sa free time ko or kung naisipan ko. Ginagawa ko silang game hub lodge inns para sa mga cosplayers at gamers na nagme-meet buwan-buwan. Sa normal operation, normal inn lang sila.”

“Ilan ang mga game hubs mo?” mapang-usisang tanong ni Alex.

“Sampu ang huli kong bilang,” sambit nito.

“Wow! Ang dami naman,” mangha niyang wika. "Ang tindi mo, pare."

Saglit lang siya nitong tiningnan bago nagtanong.

“Nakapag-attend ka na ba ng game event?”

Umiling si Alex. “Hindi pa. Hindi naman ako gamer para malaman ang ganyang mga events. Pero naglalaro ako ng Candy Crush.”

“Gusto mo bang dumalo sometime?” alok nito sa kanya. “Sadyang mag-eenjoy ka.”

“Hmmm…pag-iisipan ko,” turan niya dito.

“O sige, pabubulaanan kita pag merong event,” sabi ni Daniel. “May game hub ako sa kabilang lungsod.”

“Wow, ang galing naman! Sige, sabihan mo ko pag meron,” sang-ayon ni Alex at muling sumubo ng salad.

“Tiyak na matutuwa ka. Mage-enjoy ka pa, promise," masiglang wika nito sa kanya. "Nagsusuot ng mga character designs ang mga gamers at enthusiasts at buong gabi ang party.”

“Nagde-desinyo ka ba ng mga laro, Daniel?” curious na tanong ni Alex.

“Ako ang gumagawa ng konsepto ng laro tapos may team ako na nagde-design,” paliwanag ni Daniel.

“Ah, okay. Yung illustrations na nais mong ipagawa sa akin, para ba yun sa next game concept?” curious na tanong ni Alex.

“Buti nagtatanong ka na," sabi ni Daniel. "Oo, Alex. Gustung-gusto ko ang style at fluidity ng mga illustrations mo. Eye-catching sila para sa mga bata na mahilig maglaro ng games.”

“Hmm…mas gumagawa ako ng mga illustrations para sa mga bata," nag-iisip niyang wika. "Pero depende pa rin yan sa konsepto ng libro ng author.”

“Sa totoo lang, Alex, first time kong gumawa ng laro para sa mga bata. Mas sanay ako sa teenage and adult concept games na dinedisenyo ko. Pero yung pamangkin kong si Kleia na five years old mahilig siyang maglaro ng games sa tablet ko," wika ni Daniel na ngumingiti. "Anak siya ni kuya. Nahihirapan siyang maglaro ng ibang games sa app o minsan yung ginawa ko pero ayon, todo pa rin. Pinipilit ang sariling maglaro. One time lumapit siya sa akin at sinabi, ‘Tito Dan, gawan mo ko ng games na madaling laruin’ habang nakatingin sa akin na mapungay ang mga mata. Hindi ko siya mahihindian, Alex.”

Nakangiting kwento ni Daniel.

Ngumiti si Alex sa sinabi nito.

“Ang cute mo, St. Claire. Mapagpalayaw ka ring tito, no?” biro niya dito.

“Heh, wag mo kong asarin, Alex," sagot nito. "Sino ang hihindi sa isang makulit na pamangkin katulad ni Kleia na ang mga paboritong gawin ay maglaro at kumain ng maraming tsokolate at cupcakes?”

“Sige, tutulungangan kita,” pag-sang-ayon niya dito.

“Salamat. Ikaw, wala ka bang pamangkin?” baling na tanong nito sa kanya.

“Hindi mo ba natanong sina mommy at daddy?” direktong tanong niya dito.

“Na-mention ng mom mo na may ate ka na ang pangalan ay Ava. May asawa na ba siya?” tanong ni Daniel.

“Asawa niya ang trabaho niya. Mas mahal pa nun ang trabaho kaysa sa tinatawag na pag-ibi," sagot niya dito. "Nagtatrabaho siya sa Real Estate.”

“Maaari natin siyang makita. Maghold tayo ng engagement party."

Hayag ni Daniel St.  Claire kay Alexandra.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status