Share

Kabanata 10 Minsan Pink Ang Mga Rosas

Ang linggo ay lumipas at ang mga pusang sina Nimbus at Stratus ay bumalik na ang sigla. Inokupa nila ang bandang likod na bahagi ng kusina kung saan sila hinayaan ni Alex na maglagi. Si Smarty na dating natutulog sa kwarto ni Alex ay nanatili rin sa kusina para samahan ang mga pusa.

Isang mainit na Sabadong hapon pumunta si Alex sa kanyang kwarto at naupo sa sofa sa terasa ng kanyang kwarto. Maliwanag pa rin ang sinag ng araw sa ilalim ng terasa na natatakpang ng kubyerta at mainit sa kanyang balat. Ang araw ay hindi pa lulubog hanggang mamayang alas sais ng gabi.

Kinuha niya ang telepono mula sa lalagyan at idinial ang numero ni Sabina at hinintay ang sagot sa kabilang linya subalit automated caller’s message ang sumagot. Dinial niya ulit ang numero nito at pareho pa ring sagot. Muling denial ni Alex ang numero sa huling pagkakataon at sa wakas ay narinig na nag-ring ang telepono sa kabilang linya.

“Hello.” Wika ni Sabina sa kabilang linya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status