Share

Kabanata 3: Plano ni Syrie

Maraming tanong ang ibinato sa akin nila Vernon at Trina nang makauwi ako nang nagdaang gabi habang si Persuz, tahimik lang sa isang tabi. Sino nga naman ang hindi magtatanong kung uuwi kang suot ang damit ng lalaki at walang pang-ibaba kung di isang Jacket.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?"

Agad akong nabalik sa huwisyo at lumingon kay Trina na nagtataka. "Oh? Akala ko umalis ka kasama nila Vernon?" tanong ko.

"Hindi ako sumama," aniya. "For sure mangha-hunt na naman sila ng mababangis na hayop at mas gusto kong maghintay ng sariwang dugo."

Sa lahi ng mga bampirang kinagisnan ko, iilan na lang sa kanila ang hindi umiinom ng dugo ng tao at isa roon sila Trina. Iyon ang isang dahilan kung bakit ayaw kong bumalik kay Volter, hindi ko kayang makita kung paano sila pumatay ng mga inosenteng tao at kung paano nila ikinakalat ang pagiging bampira. Naniniwala kasi akong hindi dapat madamay ang mga inosenteng tao sa kung anong meron ang mundong kinabibilangan ko.

Hindi ako umimik, bumalik ang mga mata ko sa labas ng bintana kung saan may malalaking puno. Bakit hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang etrangherong lalaking iyon? Bakit ganoon na lang naramdaman ko nang dumampi ako sa katawan niya? Bakit ako nanghina? Hindi ko alam at wala akong sagot na mahanap. Marahil ba dahil wala akong alam sa pagiging taong lobo ko?

"Tell me, anong iniisip mo?"

"A-ah! W-wala, may naisip lang ako," pagsisinungalin ko. Nakamot ko na lang ang noo ko ng bahagya.

"C'mon, Syrie, I know something happened," tila siguradong sabi niya.

Huminga ako ng malalim at humarap sa kaniya. "Anong alam mo sa mga taong lobo bukod sa kaya nilang bumasa ng isip ng tao?"

Kumunot ang noo ni Trina, nagtataka. "Ahm!" Saglit siyang nag-isip. "Alpha and his/her Pack."

"Alpha?"

"Yes. Alpha ang isa sa pinakamalalakas na taong lobong at tinuturing na pinuno ng isang Pack o grupo ng mga taong lobo. They are strongest among werewolves. Mas marami silang kakayahan kaysa sa normal na taong lobo. They can hipnotize, can make you weak by their strong aroma releases by their hormones or even shift into an animals."

Hindi ako agad nakahuma sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala na mayroong ganoong taong lobo. Simula kasi ng lumaki ako, wala ni isa ang nagkwento sa akin tungkol sa mga kagaya ko kahit na ang mga kinilala kong magulang. May mga nakalaban na akong taong lobo at marami na ring napatay pero lahat sila, mahihina.

"Alpha si much bigger than anyone," dagdag pa niya.

Is he an Alpha?

Kung may ganoon, saan ako nabibilang sa kanila?

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may higit na mas malakas sa kahit sinong taong lobo. Kung sabagay, sa lahi ng mga bampira ay mayroon ding ganoon pero dahil 'yon sa kakayahan at impluwensiya nila at hindi dahil pinanganak sila sa ganoong status.

"Syrie!"

Napaigtad ako nang biglang umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Trina mula sa labas ng bahay. Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya at ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makita ang maraming tao sa labas. Mga taong lobo na tila handa nang magpalit anyo at sakmalin si Trina.

Mabilis kong tinungo si Trina at itinago sa aking likod. Marami sila at malamang na hindi namin kayanin ang mga ito.

"Anong kailangan niyo?" nababahala kong tanong.

Nakita ko kung paano ako titigan ng mga taong nasa harap na para bang inuusig ako sa malaking kasalanan.

"Werewolf," mahinang sabi ng isang lalaki na nangunguna sa iba, bakas ang pagtataka.

"Sino kayo?" tanong ko.

"Bakit mo prinoprotektahan ang bampirang 'yan?" giit ng lalaki.

"Because she's my family and don't you dare to do anything with her," matapang kong balik.

Ngumiti ang lalaki na tila nang-uuyam. "Isa ka sa mga tumalikod sa lahi ng mga taong lobo. You're a traitor," galit na panunumbat niya.

"Nagkakamali ka, hindi ako traydor dahil simula pa lang hindi na ako kabilang sa lahi ninyo."

"Kung ganoon, magsisisi ka sa pagtalikod sa lahing pinagmulan mo. I will let you regret!"

Napaatras ako nang biglang naging isang taong lobo ang lalaking kaharap ko. Kulay itim ang mga balahibo niya at may matilos na mga pangil at kuko. Hindi siya normal kagaya ng mga kasama niya na naging taong lobo din kasunod niya. Mas malaki siya sa mga iyon.

"Lalaban ako, Syrie," bulong ni Trina sa likod ko.

"Pero–"

"No, Syrie I'll fight hindi kita hahayaang harapin silang lahat ng mag-isa."

Mabilis na umalis si Trina sa likod ko at mabilis na nagpalit ng anyo. Naging isa na siyang bampira na may matutulis na pangil at kuko. Matatapang na mukha na handang lumaban.

"Stop it!"

Sigaw ng isang lalaki nang akmang susugod na ang mga taong lobo at handa na sana akong magbagong anyo para matapatan silang lahat.

Mabilis na nagsi-atrasan ang mga taong lobo na tila takot sa lalaking lumabas mula sa kung saan. Nakaharap siya sa mga taong lobo na pamilyar sa akin ang tindig.

"Kung hindi mo 'to ititigil, Etros you'll regret it," banta pa ng pamilyar na boses. Kumunot ang noo ko.

"Grrr!" tanging sagot ng mayabang na lobo.

"And who are you?" nagtataka kong tanong. Alam kong taong lobo siya pero bakit pinigilan niya ang mga kalahi niya?

Humarap ako kay Trina na katulad ko ay nagtataka. Kumibit balikat na lang siya.

Dahan-dahang humarap ang matipunong lalaki na agad nagpalaki sa mga mata ko.

"Ikaw?" gulat kong bulalas.

"Yeah, it's me again, Miss. Tell me if they did something bad to you," seryosong sabi niya.

Kumunot ang noo ko na halos magpatong-patong na ang guhit doon. "Huh?"

Imbis na sumagot humarap muli ang lalaki sa mga kalahi niya. "Umalis na kayo," maawtoridad na utos ng lalaki na agad namang tumalima ang mga kalahi niya ng ganoon kadali.

"I'm so sorry, Miss they did not know what they were doing," paghingi ng pasensiya ng lalaki.

Sumeryoso ako. "Bakit ka humihingi ng sorry? Hindi ba't pabor pa sa 'yo kung sakaling napatay nila kami?" hamon ko.

Simpleng ngumiti lang ang lalaki at humakbang palapit sa amin. "C'mon, Miss kung 'yon ang intensyon ko, noon pa lang ako na mismo ang pumatay sayo but look, you're alive after we've met two times so far?" Napaka-cool ng lalaking ito na tila hindi naiinis sa akin.

"I don't really know what you're intention is pero wala akong balak magtiwala o kumampi sa 'yo," pangunguna ko sa iniisip kong instensyon niya.

"Sabihin na lang nating, I'm interested in you. I want to know you more. Alam kong may dahilan kung bakit ka ganiyan."

"Mind your own business. Whatever my reason is, it has nothing to do with you. At kung hindi ka titigil sa kasusunod sa akin, magsisisi ka!" banta ko sa huli.

Lumapit si Trina sa akin at bumulong. "Isa siya sa mga Alpha-ng sinasabi ko sa 'yo, Syrie."

Lumingon lang ako saglit kay Trina at muling lumingon sa lalaki. Wala akong pakialam kung sino siya basta ang alam ko kalaban siya. "I'm not interested in you so please stop chasing me at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko," aniko.

Ngumiti na naman ang lalaki. Mas lumapit pa siya sa akin kaya napaatras ako. Inilapit pa niya ang mukha sa akin "Huwag mong pigilan ang sarili mo, hayaan mong pumasok ako diyan sa buhay mo kung gusto mong makilala ang tunay na ikaw. Paalam, Miss," pabulong niyang sabi.

Sa isang iglap ay nawala ang lalaki at ako ay naiwang tulala dahil sa mga huling sinabi niya. Anong alam niya sa tunay kong pagkatao?

"Don't believe him, Syrie nililinlang ka lang ng lalaking 'yon para makuha ka niya," paalala ni Trina sa akin nang makapasok kami sa loob ng bahay.

Huminga ako ng malalim. "Alam ko, Trina pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko siyang tanungin kung sino ako? Kung ano ako? Trina, alam nating pareho na taong lobo lang din ang makakasagot sa tunay na ako," mahaba kong litanya.

"Alam ko, Syrie pero hindi malabong kalaban siya. Baka sinasabi lang niya 'yon dahil may motibo siya sa 'yo."

"Alam ko ang posibilidad na 'yon, Trina pero alam ko sa sarili ko kung dapat na akong lumaban o pumatay."

"Gaano mo na ba kakilala ang lalaking 'yon? He's not ordinary, malakas siya," paalala ni Trina.

"Alam ko dahil nakalaban ko na siya. Hindi siya normal na taong lobo, he even made me weakened," pagtatapat ko na ikinagulat ni Trina.

"Nakalaban mo na siya? And let me guess, siya rin ang may-a*i no'ng jacket at t-shirt na suot mo no'ng nakaraan, tama?"

Dahan-dahan akong tumango. "Hindi ko alam pero palagi na lang siya sumusulpot sa kung saan para tulungan ako." Tumalikod ako kay Trina at tumingin sa labas ng bintana.

"Dahil may motibo siya, Syrie at kung ano man 'yon huwag mo siyang hahayaan."

"Sinong may motibo?"

Sabay kaming napalingon kay Vernon at Persuz na sumulpot kung saan. Tumingin sa akin si Trina na nababahala.

Huminga ako ng malalim at nasapo ang noo.

"A group of werewolf came here a few minutes ago at balak kaming patayin but suddenly an Alpha came out from somewhere para pigilan ang mga uhaw na mga lobo. Mukhang admirer ata nitong si Syrie," pagtatapat ni Trina sa dalawa na may dagdag pang kongklusyon.

"An alpha?" gulat na sabi ni Vernon.

Tumango lang si Trina.

"Admirer ni Syrie?" nagtataka namang tanong ni Persuz.

"Maybe, palagi raw kasing sumusulpot kung nasaan si Syrie para iligtas."

Pinalo ko si Trina sa braso dahil sa kadaldalan niya. May pagbabantang tingin pa ang iginawad ko sa kaniya.

Nakita kong natawa si Vernon habang seryoso lang si Persuz na tila may iniisip.

"Admirer? Palaging sumusulpot? Alpha?" sunod-sunod na bigkas ni Persuz kapagkuwa'y napataas ang hintuturo na parang may magandang naisip. "It's your time, Syrie," aniya.

Kunot noo akong tumingin sa kaniya.

"Panahon mo na para pasukin ang mundo ng mga werewolf, Syrie," patuloy niya.

"Pasukin?" nagtataka ko pa ring sabi.

"Tama ang pagkakarinig mo, Syrie, pasukin ang mundo ng mga werewolf. Hindi ba't gusto mong ipaghigante ang mga magulang ninyo ni Volter? Ito na ang tamang panahon, Syrie kapag napasok mo ang mundo ng mga werewolf, pagkakataon mo na para hanapin doon ang mga pumatay sa magulang mo. Maari mong makita roon ang mga lobong may ukit na buwan sa kanilang kanang balikat," mahabang paliwanag ni Persuz.

Nagkatingin kaming apat habang ako natahimik. Bakit hindi ko naisip ang ideyang iyon? Tama si Persuz pwede kong gamitin ang lalaking 'yon para makapaghigante sa kanila. Pero paano ko sisimulan?

Hindi na ako mapakaling maisakatuparan ko ang plano ko. Ito na ang panahon para pasukin ang lugar nila para sa inaasam kong paghihigante.

Mabilis akong nagbihis at nagsuot ng jacket para pumunta sa gubat. Kailangan kong makita ang lalaking 'yon at maisagawa ang unang bahagi ng plano.

Habang naglalakad ako sa kagubatan, iba't ibang huni ng mga hayop at insekto ang naririnig ko kasama ang simoy at pagsayaw ng mga puno.

Tumungo ako sa may batis at naupo sa malaking tipak ng bato, nagbabakasakaling magtatagpo muli kami. Kumuha ako ng mga bato at inihagis iyon sa tubig isa-isa para gumawa ng ingay. Kailangang makita ko ang lalaking 'yon dahil siya ang magiging tulay ko sa paghihigante ko.

Lumipas ang mga oras pero wala pa ring lalaking dumadating o kahit nga mga hayop na mapapaslang.

Naghintay pa ako ng ilang oras pero mukhang walang lalabas na lalaki sa paligid. Wala rin akong maamoy o maramdamang nilalang na malapit sa akin.

"You here again."

Hindi ko alam pero parang lumukso ang puso ko nang marinig ko ang baritono niyang boses. Nakaramdam ako ng kaba sa 'di ko malamang dahilan.

Bakit hindi ko siya naramdaman? Bakit hindi ko man lang naamoy ang pagdating niya?

Humarap ako sa kaniya. "Hinintay talaga kita rito," kalmado kung turan.

Tumaas ang kilay niya. "Wow! I can't believe it, ikaw hinintay ako sa sungit mong 'yan? Ni thank you nga–"

"Thank you...thank you sa pagtulong sa akin," pagputol ko sa kaniya. Plano ito pero bakit pakiramdam ko tunay iyong lumabas sa mga labi ko.

Na-master ko na ang pagharang ng kakayahan ng kahit sino para 'di m****a o maramdaman ang iniisip ko. Alam ko na kung paano hindi mabisto. Pinaghandaan ko 'to.

Nagliwanag ang mukha ng lalaki sa narinig, hindi siya makapaniwala. "Wait, am I dreaming? I heard it right?" gulat na tanong niya.

Gusto ko siyang sapakin para maramdaman niyang tunay ang sinabi ko na hindi siya nananaginip.

"Gusto mo sapak para ma-realize mong nasa realidad ka?" alok ko.

Natawa siya. "No, thanks alam kong masakit 'yon. Hindi lang ako makapaniwala parang ang bilis lang," aniya.

"Werewolf change," maikli kong sabi.

Lumapit siya sa akin. "Tell me, it is because of what I've said, isn't?" diretsang aniya.

Hindi agad ako nakaimik at umiwas ng tingin sa kaniya. "Maybe, pero dahil sa pagligtas mo sa amin nong araw na 'yon, nakita kong hindi ka masamang lobo, na mapagkakatiwalaan kita," pagsisinungalin ko.

Alam ko ang kakayahan ng isang taong lobo at pinaghandaan ko 'yon para hindi niya ako m****a.

"Okay," sagot niya na tila hindi na nagduda. "But before anything else, can I ask your name?"

"My name?"

"Uh-uh!"

"Syrie, ikaw?"

"Its Marcus," pakilala niya kasunod ang paglahad ng kamay sa akin.

Saglit ko 'yong tinitigan bago ako nagdesisyon kunin. Mabilis akong napabitaw sa kamay niya dahil sa 'di ko malamang dahilan tila may kung anong enerhiyang dumaloy sa aking katawan. Bahagya akong nanghina kasunod ang pagtibok ng puso ko nang mabilis.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
baka ikaw Syrie ang itinakda para kay Marcus kung alpha xa ikaw ung magiging luna nya
goodnovel comment avatar
Totoy
love is in the air na ba?...
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Marcus pala Ang pangalan ng Alpha na tumulong sa iyo Syrie, pag ibig Ang nararamdaman mo Syrie
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status