"Kumusta ang plano, Syrie did it work?" usisa agad ni Trina kasunod si Vernon nang madatnan ko sila sa bahay.
Dumeretso ako sa sofa at hinarap silang seryoso ang mukha. Tumango ako. "Mukhang gumagana naman ang plano," pagkumpirma ko. "Pero hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang planong ito," dagdag ko.
"Bakit? Paano mo nasabi?" tanong naman ni Vernon.
Huminga ako ng malalim. "Alam nating hindi siya basta-bastang taong lobo, he's not that idiot na madaling paikutin."
"Then, act normal," ani Trina.
Tumango naman si Vernon. "At saka, mukhang iba ang tingin sa 'yo ng lobong 'yon, hindi ba?" dagdag pa niya na may kasamang panunukso.
Ngumiti ang magkapatid at nagtinginan pa. "Anong pagtingin? Ginagawa lang niya ang lahat ng 'yon para umanib ako sa kanila na hindi kailanman mangyayari." Umikot ang mga mata ko at humalukipkip. "Oo nga pala, nasaan si Persuz?"
"Si Persuz? Sabi niya diyan lang daw siya mangha-hunt," ani Trina.
Tumango na lang ako at hindi na umimik.
Hindi ko alam kung anong magiging resulta ng planong ito. Natatakot ako sa 'di ko malamang dahilan. Alam ko sa sarili ko na may kakaiba sa lalaking 'yon na tila nagpapalambot sa akin at baka bumigay ako at mawala sa plano.
–
Naiwan akong mag-isa sa bahay ng araw na 'yon dahil ang magkapatid na sina Trina at Vernon ay nasa gubat para mang-hunting ng mga hayop habang si Persuz naman ay 'di alam kung nasaan.
Humalukipkip ako at humarap sa bintana. Hindi ko alam pero bakit may bahagi sa akin na gusto kong makita si Marcus o baka dahil lang 'yon sa kuryosidad ko sa pagkatao ko. Baka dahil alam kong siya lang ang tanging makakasagot sa mga tanong ko pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan? Natatakot ako sa maaari kong malaman.
Bumuga ako ng hangin at tumalikod na, gusto ko nang magpahinga pati ng utak ko. Nang akmang hahakbang na ako, napahinto ako at mabilis na pinagana ang pandinig at pang-amoy ko. Saglit akong pumikit para makiramdam. Mabilis akong gumalaw at nagtungo sa tagong bahagi ng bahay at doon sumilip.
Nakita ko mula sa kinalalagyan ko ang limang taong lobo na dahan-dahang lumalapit sa bahay at alam kong nakikiramdam. Humanda agad ako nang makita ko ang paglapit pa nila sa bahay.
Naramdaman ko ang utay-utay na pagpapalit ng anyo ng buo kong katawan at sa isang iglap lang, naging malaking taong lobo ako, higit na mas malaki sa kanila. Tumalon ako mula sa bintana, kaya naman naagaw ko ang atensyon nila, gulat silang pumihit paharap sa akin.
"Grrr!" gigil na ungol ng mga taong lobo na isa-isang pumwesto paikot sa akin habang umaalulong.
Dahan-dahan akong gumalaw para paghandaan ang pagsugod nilang limang. Umiikot ang mga mata ko para makita sila at ang kanilang mga galaw. Saglit silang nagpalibot-libot sa akin at saka nagsimulang umatake. Sabay-sabay silang tumalon patungo sa akin at dahil marami sila, nagawa nila akong mapahiga at daganan.
Nararamdaman ko ang bawat kalmot ng mga kuko nila at kung gaano sila kabigat. Nagpupumiglas ako at pinipilit bumangon. Sumipa ako ng malakas at naramdaman ko ang pagtama sa isa sa kanila, tumalbog iyon. Isa pang sipa ang ginawa ko at nagawa kong mapatalbog ang isa pa. Ginawa ko uli 'yon at isa-isa silang tumalsik sa kung saan.
Nagawa kong bumangon pero alam kong may sugat na ako sa katawan. Ramdam ko iyon.
Nakita kong nakabangon na ang limang taong lobo at handa na uling lumaban. Ganoon na lang ang gulat ko nang biglang may malaking taong lobo ang bumagsak sa harap ko. Mas malaki siya ng konting kumpara sa akin. Kulay grey ang mga balahibo niya. Humarap siya sa akin at tumango.
Sinugod niya ang limang taong lobo, sumunod ako. Tinalon ko ang isa sa kanila at walang pakundangan ibinaon ang mga pangil sa leeg niya. Naramdaman ko naman ang pagdagan ng isa pa sa likod ko, ginalaw-galaw ko ang katawan ko, sapat para tumalsik siya.
Nakita ko ang dumating na lobo at alam kong si Marcus siya. Tumalbog ang dalawang lobo at kapwa sila tumama sa malaking puno, sinakmal naman niya ang isa pa. Hindi ko mapigilang mamangha sa kaniya. Ganoon lang niya kadaling natalo ang tatlong iyon.
Nagulat na lang ako ng tumalon siya patungo sa akin, akala ko sa akin siya babagsak pero sa likod ko pala. Pumihit ako, nakita ko na lang ang wala nang buhay na taong lobo na aatake sana sa akin.
Humarap sa akin si Marcus, nagtama ang mga mata namin at sa 'di ko malamang dahilan parang nag-init bigla ang katawan ko. Dahan-dahang lumapit sa akin si Marcus ng hindi napapatid ang titig namin.
Umiwas ako nang malapit na siya at mabilis na tumakbo patungo sa loob ng bahay. Nagpalit anyo agad ako at ginamit ang mga sugat na natamo ko. Nagbihis na rin agad ako. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko dahil lang sa titig ni Marcus na tila tagos sa pagkatao ko.
Dahan-dahan akong sumilip sa bintana, nagulat ako nandoon pa si Marcus, nakatingin sa gawi ko. Hindi pa ba siya aalis? O dito pa niya balak magpalit ng anyo? Napaatras ako nang tumalon siya mula sa malaking bintana at lumapit sa akin, nabasa ko naman ang iniisip niya dahil hinayaan niyang malaya kong mapasok ang isip niya. Pero hindi agad ako nakagalaw dahil sa malapit niyang ulo sa akin habang nakatitig sa mukha ko, naiilang ako.
"S-saglit lang, kukuha lang ako ng isusuot mo," sabi ko at mabilis na tumakbo patungo sa silid ni Vernon. Hindi naman sila nagkakalayo ng laki ng katawan at tindig, kaya sigurado akong kasiya sa kaniya ang mga damit ni Vernon.
Iniabot ko sa kaniya ang mga damit. Mabilis siyang lumabas muli sa bintana at tumungo sa kung saan. Hindi naman kasi siya kakasiya sa silid ko o kahit sa banyo.
Maya-maya pa'y bumalik na si Marcus mula sa malagong damo. Tumalon siya mula sa baba at sa bintana dumaan.
Nakaramdam uli ako ng pagkailang nang maramdaman ko agad ang presensiya niya. Idagdag pa ang pagngiti niya sa akin na tila nang-aakit. Ngayon ko lang naramdaman na babae ako.
"Thanks for this, mukhang sinukat sa akin, eh," aniya na tinutukoy ang damit.
Hindi ko alam pero naubusan ako ng sasabihin. Paano ko maisasagawa ang plano ko kung ganito ako sa tuwing kaharap ko siya? Hindi kaya't kaya ring manggayuma ng mga Alpha?
"T-thanks," mahina kong sabi. "Salamat sa pagdating," paglilinaw ko.
"It's my responsibility. I mean, responsibilidad kong tumulong sa nangangailangan lalo na't ikaw." Ngumiti pa siya.
Lumihis ang tingin ko sa kaniya. Parang ang dating niyon ay tila nilalandi niya ako. "Wow! You're a hero, literally a superhero," pagbibiro ko.
"Then, you're considered me as your hero or your knight and shining armor?" nakangiting aniya.
"Sort of," maikli kong sabi habang nakangiti. Umupo ako sa sofa at sumunod naman siya.
Iginiya ni Marcus ang paningin niya sa kabuuan ng bahay. "How long have you been living here?" tanong niya.
"I've been living here for almost two years since my parents died," balik ko. Gumuhit ang lungkot sa mukha ko na agad kong pinawi.
"Your parents? Is they a vampire or a werewolves?"
Hindi agad ako sumagot. Seryoso akong tumingin sa kaniya.
"I'm sorry, hindi mo kailangang sumagot," aniya saka pinagsalikop ang mga palad.
"Bampira ang mga magulang ko," sabi ko at yumuko. "Yes, mga bampira sila," segunda ko pa.
Katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan naming dalawa. Para kaming mga normal na tao na nagkakailangan sa isa't isa.
"Are you okay?"
"Yeah I'm okay," sagot ko at ngumiti. "Siyanga pala, why did you killed those werewolves? Hindi ba't mga kalahi mo sila?" nagtataka kong tanong.
"Noon 'yon. That was their chose. Pinili nilang kumawala at ipagkanulo ang sarili nilang lahi."
Gumuhit ang pagtataka at pagtatanong sa mukha ko. "What do you mean?"
"It's Volter," aniya na nagpagulat sa akin.
"Volter?"
"Yes, iniisa-isa niya ang mga taong lobo para sumapi sa kaniya at kung hindi nila 'yon gagawin, papatayin sila ni Volter."
Bakit? Hindi ba dapat natutuwa ako sa balitang 'yon? Kalaban sila dahil sila ang pumatay sa mga magulang ko. Pero bakit may awa akong nararamdaman? Bakit nasa kanila ang simpatiya ko?
"Gusto mo bang sabihin na baka si Volter ang nagpadala ng mga taong lobong sumugod dito?" tanong ko.
Tumango siya. "Hindi ko alam ang motibo niya pero alam kong siya ang nagpadala ng mga iyon para patayin ka."
Umiling ako. "Hindi totoo ang sinasabi mo, Marcus. Kapatid ko si Volter at hindi niya ako magagawang ipapatay," galit kong balik.
Oo, maraming pagkakataon na ang pagtatangka sa akin ng mga tauhan ni Volter pero hindi iyon iniutos ni Volter, kusang atake iyon ng mga tauhan niya na ayaw sa akin at gusto akong patayin.
"Hindi mo siya kapatid, Syrie."
Natigilan ako. "Paano mo nasabi?" nagtataka kong tanong.
"Dahil bampira siya at taong lobo ka. Mali ka ng pagkakakilala kay Volter, Syrie. He's devil!"
Mabilis akong nakalapit kay Marcus at nakwelyuhan siya. "How dare you! He's not devil at mali ka ng akala, Marcus. Hindi niya ako ipapapatay," gigil kong sabi.
Hindi kami minsan magkasundo ni Volter pero alam kong hindi siya ganoong nilalang. Naramdaman ko rin naman sa kaniya nag pagiging kapatid noong nabubuhay pa ang mga magulang namin.
"If you don't want to believe, ikaw na mismo ang tumuklas," balik niya na hindi man lang natinag.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kwelyo niya. "Papatunayan ko sa 'yong mali ka, Marcus." Galit kong binitawan ang kwelyo niya. "Leave!"
"Aalis ako, Syrie pero babalik ako."
Hindi ko na siya nilingon, narinig ko na lang ang pagtalon niya sa bintana. Naiwan akong naguguluhan. Bakit kailangan kong magduda? Kakampi ko si Volter at sa kaniya ako dapat maniwala higit kanino man dahil kaming dalawa ang nawalan ng magulang.
Mali ito! Alam kong mali pero bakit may bahaging gusto kong alamin ang totoo? Gusto kong komprontahin si Volter kung tunay lahat ng sinasabi ni Marcus. Naguguluhan ako.
–
Mabilis kong pinatakbo ang kabayong sinasakyan ko, kailangan kong makausap si Volter para mapatunayan ko kay Marcus na mali siya.
Bumaba ako sa kabayo nang marating ko ang malaking bakuran ng bahay ni Volter. Pumasok ako sa gate at dire-diretsong naglakad, walang pakialam sa mga bampirang naroon. Bumukas ang maindoor, pumasok ako roon at hindi pinansin ang bantay. Dumeretso ako sa silid kung nasaan si Volter at walang pakundangang pumasok doon.
Pero kakaibang presensiya ang agad bumungad sa akin. Kakaibang nilalang na dapat wala roon. Nakita ko si Volter na nagulat sa pagdating ko.
"Oh! Syrie, what you're doing here? It's a sudden, huh?" aniya.
"What they're doing here, Volter?" tanong ko at bumaling sa mga lalaking nandoon, mga taong lobo.
"Sila?" Ngumiti si Volter. "Mga bagong alagad."
Kinabahan agad ako sa narinig ko. Maaaring tama si Marcus sa sinabi niya.
"Bagong alagad?"
Tumango siya. "Lumabas na muna kayo," baling niya sa mga taong lobo na agad namang tumalima. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Ayaw mo ba nito? Utay-utay nang tumatalikod ang mga taong lobo sa sarili nilang lahi para sumapi sa atin and we will use it to fight them, Syrie."
"Then, how will you explain those werewolves who were tried to kill me na sumapi na sa 'yo?"
Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"
Ngumisi ako. "Hindi mo ba talaga alam? Sinubukan akong patayin ng mga taong lobong 'yon na sumapi sa 'yo," giit ko.
"Wait, Syrie pinagbibintangan mo ba ako na ako ang nagpadala sa mga lobong 'yon para patayin ka?" aniya na tila disappointed sa tanong ko.
"Hindi ko alam, Volter pero alagad mo ang sumugod para patayin ako. Ano ba ang dapat kong isipin?" naguguluhan kong balik.
"Oh, c'mon, Syrie kapatid kita at hindi ako ganoon kasama at kababaw para ipapatay ka ng walang dahilan." Umiling-iling pa siya.
Huminga ako ng malalim. "I'm so sorry, Volter mali akong pinaghinalaan ka," paghingi ko ng paumanhin nang ma-realize kong pinagbibintangan ko na pala ang kakampi ko sa laban. Mali akong pinagbintangan siya.
"Ako lang ang kakampi mo higit kanino man, Syrie. Ako lang ang dapat mong paniwalaan."
"I'm really sorry, Volter...I was wrong!"
Tama si Volter, wala higit kanino man bukod sa kaniya ang dapat kong pagkatiwalaan dahil kaming dalawa ang nawalan.
Sinusubukan akong linlangin ni Marcus at guluhin ang relasyon namin ni Volter para kami mismo mag-away. Sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay sa plano niya dahil hindi ko hahayaang sirain niya ang plano naming paghihiganti laban sa lahi niya.
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon sa blessing na ito nq binigay sa akin. Sa editor ko na walang sawang nag-guide sa akin at sa mga redaers ko na sumusuporta sa akin. Sana suportahan niyo pa itong story na ito. Salamat. To God be the glory
"Huh? Ginawa mo 'yon, Syrie?" gulat na reaction ni Vernon ng malaman niya ang mga naganap at ang pagkompronta ko kay Volter. Tumango ako. "Hindi ko alam kung bakit naniwala ako kay Marcus." "Pero bakit gusto kang patayin ng mga taong lobo na 'yon kung kasapi na sila ni Volter?" tanong naman ni Trina. Seryoso akong tumingin kay Trina maging si Vernon. "Anong ibig mong sabihin?" "Nakakapagtaka lang kasi, Syrie." Saglit siyang huminto. "Kung nagsisinungalin si Marcus, bakit niya pinatay ang mga kalahi niya? Hindi rin ito ang unang beses na sinubukan kang patayin ng mga alagad ni Volter. Kung hindi si Volter baka may ibang taong nasa likod nito," mahabang paliwanag ni Trina sa konklusyon niya. Hindi ako nakaimik. Tama si Trina, hindi lang naman ito ang unang beses na gusto siyang patayin ng mga kakampi ni Volter. Kung hindi si Volter sino? Bampira ba o lobo ang nasa likod ng pag-atakeng iyon? "At sino naman ang gagawa nito sa iyo?" nagtata
"Anong ginagawa mo rito, Volter?" gulat kong bungad nang bigla na lang sumulpot si Volter mula sa kung saan. "I'm here to visit your place, Syrie kung komportable ka ba rito o baka gusto mo ng another place to live," sagot niya na nagpakunot sa noo ko. Inilibot ni Volter ang mga mata niya sa paligid, tinitingnan ang bawat sulok ng bahay. "I don't need, Volter komportable na ako sa lugar na ito," pagtanggi ko sa gusto niyang sabihin. Kumibit-balikat si Volter. "Kung 'yan ang gusto mo, pero tandaam mo welcome ka pa rin sa mansiyon kapag nagbago ang isip mo," aniya, saka umupo sa sofa habang nakadipa ang mga braso sa sandalan niyon. Umupo ako malapit sa kaniya habang tinitingnan ko ng seryoso ang mukha niya. Alam kong hindi lang 'yon ang pakay ni Volter kung bakit siya nandito. "Anong kailangan mo, Volter?" diretsa kong tanong nang makaupo ako sa katapat niyang sofa. Wala akong oras para
KINAUMAGAHAN, maaga akong naghanda para mangaso sa gubat. Hindi ko na maalala kung kailan 'yong huling pagkakataong nangaso ako. Nami-miss ko nang mang-hunting ng mababangis na hayop at patayin sila. Isa na rin 'yon sa paraan ng pag-e-ensayo ko at nagbibigay ng libang sa akin. "Oh, sa'n ka pupunta, Syrie?" bungad ni Trina na kalalabas lang sa silid niya. Inayos ko ang leather jacket na suot ko. "Sa gubat, mangangaso," simple kong sagot. "Matagal na rin kasing hindi ko nagagamit ang kakayahan ko sa paghuli ng mababangis na hayop," dagdag ko. "Are you with, Marcus?" Saglit akong natahimik at kapagkuwa'y umiling. "Hindi. ako lang ang aalis, Trina," sabi ko. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Marcus. Napangisi ako nang maalala ko ang kagustuhan nitong magkaroon ng kapayapaan para sa lahat. Isang suntok iyon sa buwan. Sa ngayon, gusto ko munang mag-isip ng magandang
WALANG pakundangang pinasok ko ang bukana ng mansiyon, maraming nakatingin na mga mata sa akin, ang ila'y hindi natutuwa na makita ako roon. Hindi na 'yon bago. Ang ilan pa'y napapaatras sa pagdaan ko sa kanila. Dapat lang nila akong katakutan dahil kahit sino sa kanila na gumawa ng bagay na hindi ko magustuhan, hindi ko sila sasantuhin. Nang makapasok ako sa malaking bahay na iyon, lumingon ako sa paligid at may ilang mga bampira doon at mayroon ding mga lobo na tuluyan nang umanib kay Volter. In some way, makatutulong 'yon sa plano ni Volter na gamitin ang lahi ng lobo laban sa sariling lahi nito. Nakararamdam ako ng pagkasabik at pangungulila nang maramdaman ko uli ang yakap ng bahay na ito, ang mga alaalang nabuo ko kasama ang pamilyang kinikilala ko. Ang mga tawa at harutan na hanggang ngayon, nasa puso ko na tanging nagpapaalala sa kanila sa tuwing nangungulila ako. Sa totoo lang, nami-miss ko ang tahanan na 'to,
MALUNGKOT na tiningnan ko si Yena na tahimik na nilalaro ang isang manika na nakita ko pa sa lumang mga gamit ko at ibinigay ko sa kaniya. Nalulungkot ako sa bata dahil alam kong nami-miss na niya ang mga magulang niya, kagaya ko. Dalawang araw na siya rito at alam ko ang pakiramdam na malayo sa mga magulang kahit sa loob lamang ng maikling panahon. "Look, Ate Syrie ang sexy nang manika," masayang sabi ni Yena sa akin. Ngumiti ako. "Parang ikaw, 'di ba? Ang sexy mong bata," balik ko sa kaniya. "Hindi po, Ate Syrie parang ikaw po kasi ang sexy mo at ang ganda pa." Na-flutter naman ako sa papuring iyon ni Yena sa akin. "Yena, may kapatid ka ba sa inyo?" Marahil kung hindi niya magulang ang dalawang nakita ko sa gubat, maaaring kapatid niya iyon. Tumango ang bata habang nakagiti. Napa-cute. "Kapatid ko po si Ate Rossa," aniya. "Sexy po din siya kagaya niyo," masayang da
"SYRIE, are you ok?" gulat at puno ng pag-aalalang salubong sa akin ni Trina nang makita niya ako sa labas. Mabilis niya akong dinaluhan. Doon sa harap ng bahay, nagpalit ako ng anyo. Walang saplot. Hinubad ni Trina ang suot niyang Jacket at agad iyong ibinalot sa katawan ko at iginiya niya ako papasok sa loob ng bahay. Halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan, ramdam na ramdam ko ang panghihina ko na hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Ramdam ko rin lahat ng hapdi at kirot ng mga sugat sa katawan ko na hindi ko magawang pagaliin. Dahan-dahan akong pinaupo ni Trina sa kama ko. Nakita kong tinungo niya ang closet ko at naghanap ng damit doon. Nang makakita siya, agad niya iyong isinuot sa akin. "What happened, Syrie? Anong nangyari sa 'yo?" nababahalang tanong ni Trina habang inaayos ang pagkakasuot ng damit ko. "I don't know, Trina I feel weak hindi ko makuha ang lakas sa katawa
HANGGANG ngayon hindi ko pa rin tuluyang naaalis sa isip ko ang mga katagang binitawan ni Marcus. Apektado pa rin ako niyon at aminin ko man o hindi, alam kong tila may kulang sa akin ngayon na nasira na ang plano ko. Wala na, nawalang kabuluhan ang sinimulan ko.Mabilis kong isinuot ang itim na leather jacket, pupunta ako sa mansyon para hanapin ang bampirang muntik ng pumatay kay Yena. Hindi ko papatawarin ang kapangahasan niyon. Kilala ko sa mukhang ang lalaking iyon at ako mismo ang kikitil sa buhay niya. Hindi ako papayag na magpatuloy pa ang ganoong mga pangyayari. Hindi dapat nadadamay ang mga inosenteng nilalang.Lumabas ako ng bahay. Wala roon sila Vernon at Trina habang si Persuz nasa mansyon para isagawa ang unang hakbang ng plano namin, na sana sa pagkakataong ito, maging matagumpay na kami.Ilang dekada ko na bang hinahanap ang mga lobong may ukit na buwan sa kanang braso nila? Hanggang ngayon, hustisya pa rin
WALANG pakundangang pumasok ako sa loob ng mansyon kahit pa nakatingin sa akin ang mga bampirang naroon na tila ba gusto na akong sakmalin. Pero dahil sa takot nila sa akin, hindi nila magawa. Bumukas ang main door ng mansyon at tumambad sa akin ang ilang bampira na may matatas na katayuan sa lipunang ginagalawan namin. Napalingon sila sa akin pero hindi ko sila pinag-aksayahan ng panahon. Hindi sila ang kailangan ko. Dumeretso ako sa silid ni Volter sa gawing kanan. Hindi ko na kailangan pang kumatok o humingi ng permiso sa kaniya na papasok ako roon. Walang paalam na binuksan ko ang pinto niyon at pumasok doon. Saglit lang na nagulat si Volter nang tumambad ako sa paningin niya pero ang ilang bampira roon, gulat na gulat at naramdaman ko pa ang takot nila. Napangisi ako nang makita ko ang bampirang hinahanap ko. Naroon siya, kaharap ni Volter na ngayon ay takot na takot na. Nakayuko ang lal