Share

Kabanata 6: Susubukan Ko

"Anong ginagawa mo rito, Volter?" gulat kong bungad nang bigla na lang sumulpot si Volter mula sa kung saan.

"I'm here to visit your place, Syrie kung komportable ka ba rito o baka gusto mo ng another place to live," sagot niya na nagpakunot sa noo ko.

Inilibot ni Volter ang mga mata niya sa paligid, tinitingnan ang bawat sulok ng bahay. "I don't need, Volter komportable na ako sa lugar na ito," pagtanggi ko sa gusto niyang sabihin.

Kumibit-balikat si Volter. "Kung 'yan ang gusto mo, pero tandaam mo welcome ka pa rin sa mansiyon kapag nagbago ang isip mo," aniya, saka umupo sa sofa habang nakadipa ang mga braso sa sandalan niyon.

Umupo ako malapit sa kaniya habang tinitingnan ko ng seryoso ang mukha niya.

Alam kong hindi lang 'yon ang pakay ni Volter kung bakit siya nandito. "Anong kailangan mo, Volter?" diretsa kong tanong nang makaupo ako sa katapat niyang sofa. Wala akong oras para makipag usap sa walang kwentang mga bagay.

Ngumiti siya. "Mukhang kilala mo na nga ako higit sa akala ko, Syrie." He paused. "Its about Marcus, Syrie." Ako ang nagulat sa pangalang binanggit niya. "You look surprised."

Kumurap ako at pilit tinaboy ang pagkagulat sa aking sistema. "What's about Marcus, Volter?" kalmado kong tanong.

"I know everything about you and that alpha, Syrie. Tell me, balak mo bang ipagkanulo ang kinagisnan mong pamilya?" Bahagya pa niyang inilapit ang ulo sa akin at kita sa mga mata niya ang tila pagdududa.

Ngumisi ako. "Then, you don't really know everything, Volter. Hindi ako hangal para ipagkanulo at isuko ang lahat para lang sa alpha-ng 'yon. It is just a plan, Volter a plan for my revenge," pagtama ko sa hinala niya.

Hindi ako naghirap at nagsanay para lang isuko ang lahat dahil lang sa lalaking iyon. Hindi ko 'yon hahayaan at wala akong sasayanging pagkakataon. Kung iniisip ni Volter na baka mahulog ako sa Alpha-ng 'yon, it won't happen. Wala sa sistema ko ang pag-ibig na sinasabi nila.

Matamis siyang ngumiti na para bang nakaramdam ng relief dahil sa narinig. "Well, kung ganoon, wala na pala akong dapat ikabahala dahil mukhang may plano ka na para patayin ang mga kaaway. You need help? I can help if you want," alok pa niya.

Ngumisi ako. "I can do this by myself, Volter at hindi ko kailangan ng tulong mula kaninuman man. It's my own plan and my own way," matapang kong balik.

Hindi ako ang lobong palaging hihingi ng tulong, lalo na kung kay Volter. Iba ang paraan niya ng paghihigante at hindi ako sang-ayon doon. Magkaiba kami ng pananaw at kahit kailan hindi kami magkakaisa ng isip.

Kumibit-balikat siya. "Ok, fine," aniya. "Just make sure that you will make it, Syrie," tila may pagdududang dagdag pa niya.

Ngumisi ako. "Kilala mo ako, Volter hindi ako simpleng taong lobo na inaakala ng marami. Don't underestimate what I can do," palaban kong sagot sa pagdududa niya.

Ngumuso si Volter at tumango-tango. "You're right, kilala na kita at alam kong sa huli magtatagumpay ka." Umayos siya ng upo. "Just tell me if you need anything," dagdag pa niya.

Tiningnan ko lang si Volter na tila may iba pang iniisip.

"Ops! Wait, I just want to remind you, Syrie na ang Alpha-ng iyon ay kaaway, so make sure you're guarded. I mean, iwasan mong mapalapit ng husto sa lalaking 'yon at baka mamalayan mong nahuhulog ka na sa kaniya at kapag nangyari 'yon, talo ka. Talo tayo," paalala niya na para bang natatakot siyang dumating ang puntong 'yon.

Ngumisi ako. Hanggang sa bagay ba na 'yon pagdududahan pa rin niya ako. "Natatakot kang mahulog ako sa Alpha-ng 'yon? Volter, I know my limitations. Alam ko ang ginagawa ko at hindi ko sasayangin ang nasimulan ko just for that f*cking what they called love. Hindi ako mangmang, prepared akong sasabak sa laban," mahaba kong paliwanag para maalis sa isip ni Volter na pwede akong mahulog sa lalaking 'yon.

Hindi nga ba? Hinayaan mo ngang halikan ka niya, 'di ba? tudyo ng isip ko na agad kong sinaway. Kasama iyon sa plano, ang mahulog si Marcus sa akin. Pero sigurado akong sarado ang puso ko para sa kahit kanino.

"Ok, that's good. Malinaw tayo sa pakay natin, ang paghihigante sa kanila."

Iyon naman talaga ang nasa isip ko, ang maghigante at tuluyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang na umaruga sa akin at nagparamdam ng pagmamahal.

Hindi ko isusuko ang hustisya para lang sa pag-ibig na sinasabi nilang nagpapabago sa puso at isip ng isang tao.

MABILIS kong sinuong ang malagong damo at masukal na gubat patungo sa batis kung saan maaring naroon si Marcus. Kailangan mas malapit pa ako sa kaniya hanggang mahulog siya sa akin at tuluyan kong mapasok ang mundo niya.

Higit pa sa tumatakbong sasakyan ang bilis ko para marating ang lugar na iyon. Hindi rin lingid sa akin ang pananib na nakaamba sa masukal na gubat na ito. Sa bawat bahagi, maaring may pangil at kukong nakatutok sa akin.

Tanging tunog ng lagaslas ng tubig ang sumalubong sa akin sa batis, wala roon si Marcus at hindi ko rin siya maramdaman sa paligid.

Nagmasid at nakiramdam muna ako sa paligid para siguraduhing walang ibang nilalang doon at nang makasigurado ako na nag-iisa lamang ako, lumapit ako sa malaking bato at umupo roon.

Kailangan kong mag-isip ng plano para tuluyan kong mapa-ibig si Marcus at alam kong hindi ako mabibigo roon. Nararamdaman ko at nakikita ko ang pagkahumaling niya sa akin. At 'yong h***k, ramdam ko kung paano nag-alab ang katawan niya at ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.

Maging ikaw, Syrie, nagustuhan mo rin ang ginawa niya, mabilis na sabi ng bahagi ng isip ko. Umiling ako para alisin iyon. Hindi, marahil iyon lamang ang epekto niyon para sa unang pagkakataong maranasan ko iyon.

Pero alam ko sa sarili ko na may kakaibang epekto sa akin ang bawat pagdampi ni Marcus sa katawan ko, alam kong apektado ako sa presensiya niya na para bang sinasabi ng katawan ko na comfortable ako kapag nasa tabi ko siya. Pero hindi ako dapat magpatalo roon dahil kalaban si Marcus at may plano ako.

"Are you here."

Mabilis na napaangat ako nang tingin nang marinig ko ang baritong boses ni Marcus. Hindi ko namalayan na nasa harap ko pala siya kakaisip sa plano ko.

Agad akong ngumiti at tumayo mula sa pagkakaupo ko. "Yes, I'm here to meet you," pakli ko.

Ngumiti si Marcus, lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin na tila naging dahilan para magliwanag ang mukha niya. "You miss me, huh."

"I don't think so, I just want to hear about your plan. May balita na ba?" ani ko para ilayo ang usapan doon.

Saglit na hindi nakaimik si Marcus, nabuo ang lungkot sa mukha niya, saka humarap sa malalagong puno. "Syrie, I'm sorry to tell you pero hindi nagtagumpay ang plano. Wala akong nakuhang impormasyon," pagtatapat niya.

Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ko at nasapo ang aking noo. "Akala ko ba sabi mo magtiwala lang ako sa 'yo at magtatagumpay ang plano mo? Anong nagawa ng tiwala ko?" Napataas ang boses ko dahil sa dismayado ako. Umaasa akong may mapapala ako sa kaniya.

Tiningnan ako ni Marcus na tila ba humihingi ng paumanhin. "I'm sorry, Syrie maraming kalaban sa paligid at lahat sila nakaabang sa mga plano ko," pagdadahilan niya.

Napasinghap ako. "Fine, from now on hindi na ako aasa sa iba, kililos ako para sa sarili ko," madiin kong sabi.

Tama, hindi nga pala ako dapat umasa kahit kanino, kung 'di sa sarili kong kakayahan. Bakit nga ba nagtiwala ako kay Marcus nang sabihin niyang magtiwala ako?

"Syrie, I'm still doing something to help you." Lumapit pa siya sa akin at kita ko ang tila malungkot na emosyon sa mga mata niya.

"Sorry, Marcus I don't need your help anymore, kaya ko ng lutasin ang sarili kong problema without asking anyone help."

"Pero gusto kong tulungan ka."

"Sabing kaya ko, Marcus. I can do it by myself," giit ko.

"Syrie, please akala ko ba ok na tayo?" dismayadong tanong niya.

Ok ba kami? Iyon ba ang iniisip niya na ok kami? Tama, umaayon ang lahat sa plano.

Pilit kong inalis sa isip ko ang pagkadismaya ang inis ko kay Marcus. Nagagalit ako dahil umasa ako sa sinabi niyang magtiwala lang ako at magtatagumpay ang plano niya, pero ngayon wala naman pala.

Bumuntong-hininga ako. "I-I'm sorry, Marcus nadala lang ako ng galit dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang kalaban sa likod ko," dahilan ko.

Tila nakaramdam ng relief si Marcus nang huminahon ako. Ngumiti siya. "Don't worry, I'm here to protect you from your enemy," matapang na sabi pa niya.

Gusto kong ngumisi at matawa. Hindi ko kailangan ng tagapagtanggol dahil kaya ko ang sarili ko sa kahit anong sitwasyon.

Kahit tila masusuka ako, ngumiti ako. "Salamat, Marcus," aniko kahit gusto kong matawa.

Napangiti ako sa loob ko. Tama, aakto akong mahina sa harap ni Marcus para isipin niyang ganoon ako. Sa pamamagitan ng pagprotekta niya sa akin, maaring lalo pa siyang mahulog sa akin hanggang sa mahawakan ko na ang leeg niya.

"HE'S, Marcus," banggit ko sa pangalan ni Marcus sa harap ng maghapatid na si Trina at Vernon.

Pinagbigyan ko ang gusto ni Marcus na makilala ang mga taong kasama ko sa bahay na ito at kasama sa plano ang pagsang-ayon ko para isipin ni Marcus na may tiwala na ako sa kaniya.

"And he's Vernon and his sister Trina." Tinuro ko naman ang dalawa na agad ngumiti kay Marcus na ginantihan naman niya.

"Nice meeting you, Marcus palagi ka ngang kinukwento nitong si Syrie, eh," natatawang sabi ni Trina na tila ba may pahiwatig.

"Ano bang kinukwento nitong si Syrie sa 'yo? It was good or bad?" balik ni Marcus na tila gusto ang takbo ng usapan.

Kunyaring nag-isip si Trina. "Hmmm! She was totally praised you, Marcus."

Gusto kong palakpakan si Trina sa husay niya sa pag-arte. Maasahan ko talaga ang magkapatid na ito.

"Trina stop it, she's blushing right now," saway ni Vernon pero nang-alaska rin sa dulo.

Kunyaring nahihiya ako sa usapang iyon kaya umiwas ako ng tingin kay Marcus. Alam ko ring nakatitig siya sa akin ngayon.

"Totoo ba, Syrie? Hindi mo naman sinabi na humahanga ka pala sa akin," ani Marcus.

As you wish Marcus. Hindi ako humahanga sa kahit kanino bukod sa sarili ko at sa mga magulang na nagpalaki sa akin.

Hindi ako makahagilap ng salitang sasabihin doon. Paano ko ba sasakyan ang usapang ito? Hindi ko alam.

"Oh, siya pumasok na nga kayo sa loob at doon na lang tayo mag-usap," sa wakas ay putol ni Trina sa katahimikang ginawa ko.

"Maigi pa nga," segunda naman ni Vernon.

Ramdam ko pa rin ang malalagkit na titig ni Marcus sa akin na nangingiti pa rin.

"Let's go inside," aya ko at nauna na akong naglakad papasok sa loob ng bahay.

Umupo ako sa isahang sofa habang magkatabi si Trina at Vernon sa mahabang upuan, si Marcus naman ay pumwesto sa katabing isahang sofa na inuupuan ko.

"By the way, Marcus hindi ka ba natatakot na nasa lugar ka ng kaaway?" makahulugang tanong ni Vernon nang makaupo na ang lahat.

Prente lang na ngumiti si Marcus na tila hindi apektado sa pasaring na 'yon ni Vernon.

"Kaaway? Ibig bang sabihin kaaway ako sa paningin niyo?" balik niyang tanong.

Nagkatinginan kaming tatlo na tila nagkaunawan naman kami. Ngumiti si Trina. "Ang ibig sabihin ni Vernon, maraming bampira sa paligid at isa kang taong lobo at maaring sugurin ka ng mga iyon," paliwanag ni Trina para hindi mapansin ni Marcus ang sinabi ni Vernon.

Ngumiti si Marcus na parang balewala ang narinig. "I don't really care if there are a lot of vampires here. Nandito si Syrie, we are both werewolf," aniya.

Nagkatinginan ang magkapatid. Gusto kong taasan ng kilay ang sinabing iyon ni Marcus pero hindi ko ginawa para hindi ako pagdudahan.

Iniisip ba ni Marcus na dahil isa akong werewolf ay maari na niya akong maging kakampi?

"But don't worry, Marcus as long as you are friend of Syrie, you are safe here at walang gagalaw sa 'yo," paninigurado ni Vernon para na rin hindi makahalata si Marcus.

Hindi ko makitaan ng takot o pagkabahala man ang mukha ni Marcus. Prente lang siyang nakaupo at umaayon sa usapan.

"And besides alam ko ang pinasok ko. I'm prepared for this. Sigurado din ako na walang gagalaw sa akin dahil nandito si Syrie." Hindi ko alam pero parang sigurado si Marcus sa mga sinabi niya.

"Naniniwala ba kayo na someday those vampires and werewolves will be united for a peace?"

Napakunot ang noo ko nang marinig ang tanong na iyon ni Marcus na nakatingin sa amin. Umaasa ba siyang balang aaraw magkakaroon ng kapayapaan para sa mga bampira at taong lobo? Gusto kong matawa sa tanong na iyon.

"Umaasa kang magkakaroon ng kapayapaan?" seryoso kong balik na tanong sa kaniya.

"I'm still hoping, Syrie umaasa ako ma matatapos ang alitan at magkakaroon ng kapayapaan." Kita ko sa mga mata ni Marcus ang kagustuhan niyang mangyari iyon.

"Pero paano, Marcus? Hindi iyon madaling mangyari dahil malalim na ang alitan ng bawat nilalang," sabat naman ni Trina.

"Mukhang imposible pero kung ang bawat isa ay gugustuhin ng kapayapaan, mangyayari iyon," sagot ni Marcus.

"Pero hindi kapayapaan ang gusto ng marami, Marcus, paghihigante, kapangyirihan at kayamanan." Tama si Vernon, iyon ang gusto ng marami.

"Tama ka, Vernon maaaring iyon nga ang hangad ng marami pero mayroon pa ring gusto ng kapayapaan at sa kanila 'yon magsisimula," tila siguradong pahayag ni Marcus.

Hindi magkakaroon ng kapayapaan at hindi ko gugustuhin ang kapayapaan hanggat hindi ako nakakapaghigante sa mga taong lobong pumatay sa mga magulang ko.

"There won't be peace, Marcus," madiin kong sabi.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naiintriga aq nito, cno kaya ang totoong magulang ni Syrie
goodnovel comment avatar
Totoy
fight for peace HEHE
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Tama si Marcus basta may gusto ng kapayapaan mangyayari Yun
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status