Share

Kabanata 22: Plano Pt.2

HINDI AKO makapaniwala sa naging desisyon ko sa pagpayag ko sa pakikipagkaibigang inalok ni Marcus sa akin. Tama ba ang desisyon kong tanggapin iyon? Umiling ako habang pauwi ako sa bahay. Hindi maalis sa isip ko ang tagpong iyon sa pagitan namin ni Marcus.

Tama, ginawa ko lang iyon para sa maaari kong malaman sa kaniya at wala ng ibang dahilan. Pwede ko siyang gamitin at kapag nalaman ko na ang mga bagay na nais kong maintindihan, saka ko siya iiwasang muli at itataboy na parang basura. Pwede ko rin siyang magamit bilang tulay sa paghihigante ko. Kung iisipin niyang magkaibigan na kami, magiging madali na sa akin na mahanap ang mga lobong hinahanap ko. Itutuloy ko na ang plano ko sa kaniya at sisiguraduhin kong magtatagumpay na ako sa pagkakataong ito.

Pero hindi ko pa rin pwedeng ilapit ng husto ang sarili ko sa kaniya dahil alam kong may posibilidad na magkaroon ng emosyong pwede kong maramdaman. Hindi ako pwedeng ma-attach sa kaniya o sa kahit kanino man. Kailangan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku Syrie mukhang naguguluhan k n, bakit kc ayaw mong tanggapin ang katotohanan na ikaw ay isang taong lobo at doon k tlga nababagay
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Sarili mo yata Ang niloloko mo Syrie
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status