HUMAHANGOS AT halatang takot na takot ang lobong iyon nang dumating siya sa silid ni amang Trigo kung nasaan kami. Animo'y hinabol siya ng sampung kabayo. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ito na Natatakot.
"A-ang mga bampira! Na-nandiyan na sila!" anunsiyo ng lobong iyon ba halata ang takot at kaba sa boses nito.
Mabilis kaming napatayong lahat at gulat na nagkatinginan sa isa't isa. "Kailangan nating maghanda!" ani amang Trigo. "Ihanda ang mga lobo at ilikas ang mga bata," utos pa niya na agad namang tumalima ang mga lobong nandoon. "Magsipaghanda kayo, sasalubungin natin sila sa gubat!" Mabilis na lumabas ng silid si amang Trigo matapos niyang sabihin iyon.
Mabilis na nagsipaghanda ang mga naroon habang ako'y napatulala. Nakaramdam ano ng pangamba at kaba sa pwedeng mangyari. Ito na ba ang tuluyang pagwawakas ng kasamaan o patuloy na paghahari ng kasamaan?
"Syrie!"
<"VOLTER AKONG harapin mo!" pagkuha ko sa atensyon niya. Humarap siya sa akin at ngumisi matapos niyang patayin ang lobong kalaban niya. "Hindi na ako makapaghintay na patayin ka," madiin ko pang dagdag."The feelings is mutual, Syrie," seryosong ani Volter. Bakas sa mukha niya ang galit at kagustuhang mapatay ako pero hindi ko siya hahayaang gawin iyon. "Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, ako naman ang magwawagi, Syrie. Ikaw naman ang matatalo ko," determinado aniya na marahil ang tinutukoy ay ang pagkatalo ko sa kaniya noon sa isang pagsasanay.Tumawa ako. "Natalo na kita noon sa duelo at sigurado akong magagawa ko uli iyon sa iyo," matapang kong balik.Ngumisi si Volter. "Masyado kang mayabang, Syrie. Tingnan natin kung hanggang saan ka kayang dalhin ng katapangan mo.""Sa tagumpay, Volter. Dadalhin ako ng katapangan ko sa tagumpay laban sa iyo," seryoso kong balik sa kaniya.
HINDI MAIPALIWANAG ang sayang bumabalot sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga lobong nasa village na na tanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Ito na iyong pinapangarap kong pagkakataon at sitwasyon. Ang bawat isa ay makangingiti na ng masaya, na walang banta. Na hindi nila kailangang matakot sa banta ng kasamaan. Ang lahat ngayo'y makapamumuhay na ng masaya at payapa."Nagawa mo, Syrie. Nagawa mong ipaglaban ang lahing pinagmulan mo."Naramdaman ko si Marcus na yumakap sa akin mula sa likod ko. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na si Marcus lang ang nakakapagpabuhay niyon. "Nagawa natin, Marcus. Nagawa nating iligtas ang marami. Nagawa nating ipaglaban ang kapayapaan at ang kabutihan," balik ko. Marahan kong hinaplos ang braso niya habang masaya akong nakangiti habang nakikita ko ang bawat lobo na payapaya nang mamumuhay."Maraming nangyari, Syrie pero ang lahat ay nakatakdang magtapos sa ganito. Nabulag ka sa