Diane’s P.O.V.
Hindi ako pwedeng makita ng mga kapatid ko sa ganitong kalagayan kung kaya’t dali-dali akong dumiretso sa loob ng kuwarto ko. Hilam ang mukhang hinubad ko ang punit-punit kong damit at patuloy pa ring umiiyak na naligo sa banyo.
Paulit-ulit kong kinuskos ng sabon ang buong katawan ko sa pagpupumilit na matanggal ang bahid ng mga nakadidiring halik at haplos ng taong gumawa sa akin ng kahayupan na iyon. Sa sobrang gigil ko nga ay hindi naiwasang mamula ng balat ko.
Hindi na nga nakapag-isip pa nang maayos ang utak ko dahil maski ang shampoo ay natatarantang ibinuhos ko na rin sa katawan ko. Desperado akong tanggalin ang mga pulang marka kahit na alam kong mananatili pa ang mga iyon ng ilang araw sa balat ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa tulala akong napaupo sa malamig na tiles habang ang tubig sa shower ay rumaragasa pa ring bumubuhos sa aking hubad na katawan. Nakadilat lang ang aking mga mata na animo’y nabubulag sa tubig na aking nakikita.
No matter what I do, things would still remain the same. I could no longer change the fact that in just a blink of an eye, I was entirely ruined and broken. Some things would no longer change no matter how unfair they were.
Muli na naman akong humikbi hanggang sa wala na akong tigil sa pag-iyak. Bakit kailangang mangyari sa akin ito? Bakit sa lahat ng tao, bakit sa akin pa? Buong buhay ko ay naging mabuti akong tao. Ano bang nagawa kong masama?
It was my eighteenth birthday yesterday. It was my debut—kung saan ang isang babae ay nagiging ganap nang dalaga tapos ito pa ang nangyari sa akin? Deserve ko ba ang ma-rape?
Losing my virginity on the night of my debut was damn real hard to accept! I just wanted to die and end everything here.
How could I receive justice when that rapist was possibly rich? We didn’t have enough money to file a complaint, pay a lawyer, and I didn’t want this scandal to stain my name. I had a well-known reputation in the university. I didn’t want anyone to know about this.
But I just didn’t get it! Nag-aabang lang naman ako ng bus na masasakyan ko kagabi! Maayos naman ang aking pananamit at lalong hindi naman ako mukhang babaeng bayaran. Ni wala nga akong makeup! Bakit ako pa ang dinukot nila? Bakit ako pa?
My lips couldn’t stop quivering as I continued to shed painful tears. I was still sobbing my heart out while sinking myself in the shower when my bathroom door opened and Mom strode in.
Dali-dali niya akong sinugod ng yakap at bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. Basang-basa na rin siya bago pa niya mapihit pasara ang shower knob. “Anak, anong nangyari? Kagabi pa kami nag-aalala. Teka, bakit ka umiiyak? Saan ka ba nagpunta?”
Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para sagutin ang mga katanungan niya. Pakiramdam ko ay masyado na akong nanghihina, kung kaya’t dahan-dahan ko na lang siyang niyakap habang wala pa ring tigil sa pag-iyak.
“M-Mama, sorry po. Kung hindi po sana ako umalis, h-hindi mangyayari sa akin ito. Ma, dinukot po ako kagabi at… at…” hindi ko na nakayanan pang ituloy ang mga sasabihin ko sana sa kanya nang bigla na lamang akong mawalan ng malay.
Nagising ako na nasa loob ng isang puting kuwarto na para bang napakabigat idilat ng mga mata ko. Naririnig ko rin na may kung anong mga aparatong tumutunog sa gilid ko.
Hindi ko pinansin ‘yon at tahimik ko lamang na inikot ang aking mga mata sa kisame. Nakatulala lang ako roon nang marinig kong bumukas ang pinto. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog.
“Mrs. Rivera, I found traces of laceration as well as genital and extra-genital injuries sa maselang parte ng katawan ng anak ninyo.” Narinig ko ang mahinahong boses ng isang babae. Mukhang si Mama ang tinawag niyang Mrs. Rivera.
“H-Hindi ko ho kayo maintindihan. A-Ano ho bang ibig niyong sabihin, Doktora? ‘Yon ho ba ‘yong mga pulang marka ni Diane sa katawan?” nag-aalalang tanong ni Mama sa kausap. Doon ko napagtantong isinugod ako sa ospital at ang kausap ni Mama ay walang iba kung hindi isang doktora.
“I’ll get straight to the point, pero huwag ho sana kayong mabibigla. What happened was so unfortunate to accept… but I was afraid that Diane was raped, Mrs. Rivera. Those red marks on her body are bruises known as hickeys or kiss marks.”
Nang marinig ko ‘yon ay mapait akong napangiwi at napalunok. Nanginig na naman ang buong katawan ko kung saan nagtaasan din ang mga balahibo ko. Kasabay niyon ang unti-unting pangingilid ng mga luha sa mga mata ko kahit na nakapikit pa rin ako.
“Ho? Pero—” tutol ni Mama na wari’y ayaw niya pang tanggapin ang mapait na sinapit ko. Naputol ang dapat sanang sasabihin niya nang ipinasya kong dumilat at dahan-dahang bumangon mula sa aking pagkakahiga.
“Mama…” mahinang usal ko. Nagtataas-baba rin ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong labis na umiyak dahil alam kong sa mga sandaling ito ay hindi lamang panaginip ang lahat at kahit kailan ay hindi na mababago pa ang kahindik-hindik na nangyari sa akin.
From being a freshman beauty queen and a respected female Cadet Lieutenant Colonel of Reserve Officer Training Corps or ROTC, I now became a disgraceful rape victim. Kumbaga sa gulong, ang buhay ko noon ay laging nasa ibabaw kahit mahirap lang kami. Ngayon, ang buhay ko ay nasa ilalim.
Sa isang iglap lang, kinuha ng taong ‘yon ang kinabukasan ko. Sa isang iglap lang, nasira ang buhay ko. Sa isang iglap lang ay nawasak ang lahat ng mga pangarap ko. Napahilamos ako sa sariling mga palad at saka lalo pang humagulgol.
Now, I was deprived of making my dreams come true.
What now? My body was not only ruined once, but for so many rounds I could no longer count! What will I do now?
“Anak, kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? May masakit ba sa’yo? Teka, bakit ka umiiyak?” sunod-sunod na tanong ni Mama na maingat na tinanggal ang mga palad ko sa mukha.
Tiningnan ko lamang siya at saka isinubsob ang mukha sa dibdib niya, pero hindi ako sumagot sa kanya. Mamayamaya lang ay bumaling naman sa akin ‘yong doktora.
Tipid lamang itong ngumiti sa akin ngunit kinakitaan ko naman ng totoong simpatiya ang mga mata niya. “Diane, ako si Dra. Ava Manuel. May itatanong lang sana ako sa’yo, ha? Naaalala mo ba kung anong nangyari sa’yo kagabi?” mahinahon niyang tanong sa akin na para bang ingat na ingat siyang may masabi na kung anong lalo lamang na makapagpapa-iyak sa akin.
Kasabay nang pagtango ko sa kanya ang impit na daing at hindi mapigilang pagbuhos ng mga luha sa magkabila kong pisngi. Ayoko nang balikan pa ang masalimuot na alaalang ‘yon na patuloy lamang na nakapagpapabigat sa aking dibdib.
“Maaari mo bang ikuwento sa akin?” tanong niya ulit pero umiling lamang ako at isinubsob ko na lamang muli ang ulo sa dibdib ng Mama ko. Hindi ko alam pero natatakot ako. Hindi ko kayang magkuwento.
“Okay lang kung ayaw mo munang ikuwento, hija. Pero kapag ready ka na, nandito lang si doktora ha? Handa kaming makinig ng Mama mo sa’yo.”
Nahihiya at nanginginig na tumingin lamang ako sa kanya at nakita kong bumaling siya kay Mama. Kulang na lang ay magdugo ang ibaba kong labi sa diin ng aking pagkagat.
Diane’s P.O.V.“Mrs. Rivera, based on how Diane initially responded to me, it was confirmed. She has *post-traumatic stress disorder now because of what happened to her and that’s the number one reason why she needs to undergo psychological counseling,” Dra. Ava compassionately explained. “PTSD can cause vivid flashbacks and it may feel like the trauma is still happening at the recent time, so I’m hoping for your patience in case Diane will be troubled by her nightmares. She also needs to continue her medical and health treatments until her full recovery. She may feel upset most of the time, and I don’t know when she will recover. It could be soon, but it depends to Diane how she could help herself.”Tiningnan ako ni Dra. Manuel at saka maingat na hinimas ang aking ulo pababa sa dulo ng buhok ko na hanggang
Diane’s P.O.V.Hindi na pumayag si Mama na bumalik pa akong muli sa club dahil kailangan ko raw munang magpahinga. Bukod sa nangyaring aksidente, kailangan ko ring pagtuunan ng pansin ang kawalan ko ng memorya.Kailangan kong araw-araw na mag-ehersisyo at tingnan ang mga larawan na kuha sa loob ng apat na taon na maaaring makatulong sa mabilis na pagbalik ng mga alaala ko. So far, I already remembered a few necessary things regarding the past four years.Ang ipinagtataka ko lang, kasabay ng aksidente ay nawala rin daw bigla ang telepono ko. Wala naman akong pakialam kung kinuha man ni Liam ‘yon. Pero, makakatulong din sana ‘yon sa mabilis na paggaling ko.Nakapagtataka ring bigla na lang daw nasira ‘yong DSLR camera na bigay raw ni Liam kay David, kung kaya’t hindi raw nakuha ng kapatid ko ‘yong digital copies ng engagement photos namin ni Liam. Ki
Diane’s P.O.V.Nang gabing maaksidente raw kami ay natagpuan sa kotse ng Liam na ‘yon ang signature pen ni Leandro, ngunit napatunayan namang wala itong sala dahil nasa Davao raw ito nang mga panahong iyon. His alibi was confirmed when police and detectives even flew to Davao to investigate and asked the people he got associated with. Was he that kind of a monster who could really kill his own sibling?Hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari sa kaso, or better yet, wala naman talaga akong pakialam. Kung hindi ako nakakulong lang sa loob ng bahay, Karen had been my spokesperson all the time. Gusto ko nang tuluyang makalimutan ang lahat, most especially, if that would only concern Liam.At least, hindi natuloy ang kasal namin na maaari ko pang pagsisihan sa huli, so I guessed, blessing in disguise na rin ang nangyari. Kung hindi kami naaksidente, patuloy lang akong lolokohin ng Liam
Diane’s P.O.V.Naka-black tuxedo siya at may hawak siyang isang palumpon ng mga naggagandahang mga rosas na tingin ko ay para sa akin. Nakapostura ang buhok niya at hindi ko maitatangging gwapo siyang lalaki. Nang makita nga niya akong nakatingin sa gawi niya ay unti-unti siyang ngumiti.Pero nang kinurap-kurap ko naman ang mga mata ko, saka ko napagtantong hindi naman pala talaga si Liam ang nakita ko sa unti-unting pagbabago ng mukha nito. Ibang tao pala—hanggang sa may isang babae ang lumabas sa restaurant at dagling sinalubong ang lalaking inakala kong si Liam. Napangiti ako nang mapakla.Sa totoo lang, hindi lang ngayon nangyari ito. Hindi ko man sinasabi pero palagi na lang ganoon ang mga nangyayari—katulad na lang noong nakaraang linggo.Palagi na lang siyang biglang sumusulpot sa paningin ko, pero ilang saglit lang din naman ang lilipas ay mare-realize kong
Diane’s P.O.V.Luke or Lucas Regor was Kuya Greco’s only son. Kababata ko siya. Iyon nga lang, wala akong ibang naaalala maliban na lang sa kung paano niya ako bully-hin noon dahil hindi raw ako maganda.The last time I saw Luke was before his flight to Europe to study Commerce together with her elder sister, and that was five years ago. Kuya Greco was separated from Luke’s mom, Ate Linda, who already resided in Belgium. Hindi na ako magtataka kung nakuha niya ang bago kong number kay Kuya Greco.What could be his reason to suddenly call me after all these years? Is he not yet over with all his bullying tactics? Did he also tried to reach me during the recent four years that I had forgotten? Just hearing about his name made me want to puke already, even though I hadn’t yet started eating.“Hello?” walang ganang sagot ko sa telepon
Diane’s P.O.V.“Arck… arck… ugh,” tuloy-tuloy na pagduwal ko sa lababo. I opted to puke at the toilet bowl, but I was running out of time. I wasn’t able to open even the nearest cubicle door to get inside.Kaysa naman sa sahig ako sumuka ay dito na lang sa lababo. Puro tubig lang lahat ang sinuka ko at kahit wala nang laman ang sikmura ko ay tila pilit pa rin itong iniipit para sumuka pa ako. Ang bilis din ng tibok ng puso ko at parang nangangatal ang mga tuhod ko.“Sissy?” Narinig kong bumukas ang pinto ng CR. Tumingin ako sa direksiyon nito at pumasok mula roon si Karen. Sinundan niya pala ako.“Oh my God! What’s happening to you? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. Banayad niyang hinahagod ang aking likuran, habang ako naman ay wala pa ring tigil sa pagsusuka. “If you don’t like to eat here, we
Diane’s P.O.V.“Excuse me, Doc Vangie. You need to sign some papers,” bungad ng isang nurse sa may pinto na nakapukaw sa atensiyon ng doktora. Mabuti na lang. Kung hindi ay baka sa harap niya pa ako nag-breakdown.“Excuse me for a while. If ever you need of anything, I’m just at my office located at the second floor and left-wing corner of this building. Okay?” paalam ng doktora sa amin. Hindi pa rin ako umiimik at patuloy lang na nanginginig.“Thanks, Doc. Anyway, I’m sorry for talking to you that way. I’m just confused on what’s happening to my best friend,” narinig kong sabi ni Karen.“It’s okay, miss. I understand. Ms. Rivera was really lucky to have a best friend like you. Actually, I like your over-protective attitude. Excuse me for now.” Hindi ko na halos namalayan pa ang pag-alis no’ng d
Diane’s P.O.V.Hindi madali ang maglihi. Umaga, tanghali at gabi, wala akong ibang ginawa kung hindi isuka lang ang lahat ng mga kinain ko. Dalawang linggo na akong ganito. Wala rin akong ibang gustong kainin kung hindi hilaw na mangga at bagoong, samahan pa ng inihaw na pusit at ginisang kangkong—kung saan diring-diri naman ako noon.Sobrang nag-iingat din ako na malaman ni Mama ang totoo. Kaso, hanggang kailan ko naman kaya matatago ang lahat ng sintomas ng pagdadalang-tao? Paano na lang kapag lumaki na ang tiyan ko? Ang pagbubuntis talaga ang isa sa mga bagay na hindi panghabambuhay na matatago.Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Mama tungkol dito at ayoko naman siyang labis na mag-alala. Masyado na kaming maraming problema. Mabuti nga at kahit magkakasama lang kami sa iisang bahay ay hindi pa rin napapansin nina Mama at ng mga kapatid ko ang kalagayan ko. Hindi pa rin a