Share

Shadows 03: Bits And Pieces

Diane’s P.O.V.

“Mrs. Rivera, based on how Diane initially responded to me, it was confirmed. She has *post-traumatic stress disorder now because of what happened to her and that’s the number one reason why she needs to undergo psychological counseling,” Dra. Ava compassionately explained.

“PTSD can cause vivid flashbacks and it may feel like the trauma is still happening at the recent time, so I’m hoping for your patience in case Diane will be troubled by her nightmares. She also needs to continue her medical and health treatments until her full recovery. She may feel upset most of the time, and I don’t know when she will recover. It could be soon, but it depends to Diane how she could help herself.”

Tiningnan ako ni Dra. Manuel at saka maingat na hinimas ang aking ulo pababa sa dulo ng buhok ko na hanggang baywang. Bakas ko ang awa sa mga mata niya.

“Huwag niyo rin ho siyang basta-bastang iiwan dahil sigurado akong sa mga oras na ito ay mas kailangan niya ng makakausap. But what’s most important for us right now ay malaman natin kung sino ang gumawa nito kay Diane. We need to file a rape case against that person as soon as possible, and I promise to help you for as long as I can. Diane, please cooperate…” malambing na sabi sa akin ni Dra. Manuel pagkatapos ay hinawakan naman niya ang mga kamay ko.

Umiling ako. “H-Hindi na po kailangan, Doc. Ayoko po. Natatakot po ako. H-Hindi po ako magsasampa ng kaso. Gusto ko pong kalimutan na lang ang lahat… please, a-ayoko pong maeskandalo,” umiiyak na sabi ko habang sapo-sapo ang dibdib ko.

Hindi ko na mapigilan ang panginginig ng buong katawan ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito: pagkagalit, pandidiri, pagsisisi, at pagkatakot.

Ayokong malaman ng ibang tao na ginahasa ako. Ayokong mapag-usapan ako at baka makarating pa ang balitang ito sa Quego del Mar Public University na pinapasukan ko.

‘Ano na lang ang sasabihin nila? Na ang freshman student na nanalo bilang Ms. QDMPU noong March ay na-rape lang sa mismong debut pa? Ayoko!’ sigaw ng utak ko. Sa patuloy kong pag-iyak ay halos hindi na ako makahinga pa nang maayos.

Nandidiri ako sa sarili ko. I loathed every part of me nang dahil sa pangyayaring ‘yon. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko at ang pambababoy na ginawa sa akin ng hayop na ‘yon ay tuluyan nang mananatili sa sistema ko.

Sirang-sira na ako. Gaano ko man kagustong kalimutan na lang ang lahat nang ‘yon ay hindi na ‘yon kailanman maaalis kahit ilang ligo pa ang gawin ko dahil nakatatak na ‘yon sa buong pagkatao ko!

It was like a tattoo. You could remove it, but the marks would stay on your skin forever. The inner wounds would never heal. A rapist stole my virginity, and nothing could ever change it!

I was already damaged, and that was what judgmental people would label me. No one aside from my family would ever dare to love me. I was a raped victim, and that was what the blind society would only see me.

Sa mata ng mga tao—isa na akong babaeng walang puri at dangal. Isang napakaruming babae na hindi na karapat-dapat pang igalang.

“Diane, ano ka ba? Nilapastangan ng taong ‘yon ang pagkababae mo!” galit na baling sa akin ni Mama na niyugyog pa ang aking mga balikat para lang magising ako sa katotohanan. “Kahit anong mangyari ay hindi natin ‘yon palalagpasin nang gano’n gano’n lang. Kahit gamitin ko pa ang lahat ng perang naiwan ng tatay mo makapagsampa lang tayo ng kaso ay gagawin ko. Lalaban tayo, anak! Mapapakulong natin ang sino mang hayop na ‘yon.”

Pero hindi naging madali ang lahat—ni hindi ko alam ang tunay niyang pangalan. Ang alam ko lang ay mayaman siya at makapangyarihan. Sa LC Towers pa nga siya nakatira. Nahirapan kaming makakuha ng abogadong tatanggap ng kaso ko nang walang hinihinging mataas na kabayaran. Gustuhin ko mang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa akin ay huli na ang lahat.

Tinulungan kami ni Dra. Ava, pero nang handa na kaming magsampa ng kaso ay saka naman namin nalaman na umalis na ang hayop na ‘yon upang pumunta sa America. Tanging ang mga kabarkada lamang daw niya ang nakulong sa kasalanang sila namang lahat ang may kagagawan.

Isa siyang duwag para takasan ang kasalanan niya. Kahit kailan ay hindi ko siya mapapatawad.

Two weeks after what happened to me, I continued my studies while attending different sessions of counseling, psychological interviews, and testing aptitudes. Seminar dito, seminar doon. Dra. Ava helped me a lot and made sure that I would recover soon.

Minsan ay nakakapagod na ring pagsabayin ang pagse-seminar at pag-aaral, pero hindi pa rin ako sumuko. I had to deal with the aftermath of the sexual trauma and post-traumatic stress disorder.

Two months later, I learned so many things with my colleagues and teammates from different seminars. They were victims of sexual harassment and some were even rape victims too.

Dahil sa kanila—kung paano sila unti-unting bumangon mula sa kapareho kong trahedya—hindi na rin ako nahihiyang mag-open up sa kanila. Ni minsan, wala akong narinig sa kanila na panghuhusga… hanggang sa unti-unti ko na ngang natutunang buksan ang puso ko para magpatawad.

To boost my morale, I stepped towards moving on and bringing myself to closure. I must admit, I was ready to forget everything that happened before. I was ready to gain back my lost self-confidence, ready to start a new life, ready to give myself a chance to finally move on, and ready to forgive that person.

I was more than ready, but not until…

Pinahid ko ang mga luhang nasa aking mukha nang pinili kong putulin ang masalimuot na alaala sa mga nangyari noon. Sana ay tuluyang nakalimutan ko na lang ang lahat nang hindi ako nahihirapang ipaintindi sa sarili ko kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon.

Now, I didn’t know how to start all over again. Everything was horrible now that I could remember all the bits and pieces of my dark past, which was gradually giving me a full torment. It felt like my whole life was falling apart as I was being crushed into pieces. How could I ever make myself be whole again?

“Paano mo nagawa sa akin ang bagay na ‘yon?”

tanong ko na para bang kaharap ko lang siya habang nakatingin pa rin sa diyamanteng singsing na hawak-hawak ko ngayon.

_________________________

Post-traumatic stress disorder or PTSD* is a mental health condition triggered by a terrifying event, causing flashbacks, nightmares, and severe anxiety.

People with PTSD have intense, disturbing thoughts and feelings related to their experiences that last long after the traumatic event has ended. They may relive the event through flashbacks or nightmares; they may feel sadness, fear, or anger; and they may feel detached or estranged from other people.

[Source: G****e]

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Phine Soria
thank you author sa msgandang plot.
goodnovel comment avatar
Karen Renfro Alejandre
i love your book! when is the English version coming out? I am anxious to continuing the story......
goodnovel comment avatar
Carizza Balingit Maderas
Bkit po naka locked? diko tuloy mabasa chapter 4 ng book 2 shadows of my dark past.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status