Share

Shadows 10: Senior Accountant

Diane’s P.O.V.

Hindi madali ang maglihi. Umaga, tanghali at gabi, wala akong ibang ginawa kung hindi isuka lang ang lahat ng mga kinain ko. Dalawang linggo na akong ganito. Wala rin akong ibang gustong kainin kung hindi hilaw na mangga at bagoong, samahan pa ng inihaw na pusit at ginisang kangkong—kung saan diring-diri naman ako noon.

Sobrang nag-iingat din ako na malaman ni Mama ang totoo. Kaso, hanggang kailan ko naman kaya matatago ang lahat ng sintomas ng pagdadalang-tao? Paano na lang kapag lumaki na ang tiyan ko? Ang pagbubuntis talaga ang isa sa mga bagay na hindi panghabambuhay na matatago.

Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Mama tungkol dito at ayoko naman siyang labis na mag-alala. Masyado na kaming maraming problema. Mabuti nga at kahit magkakasama lang kami sa iisang bahay ay hindi pa rin napapansin nina Mama at ng mga kapatid ko ang kalagayan ko. Hindi pa rin a

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status