Share

Mikaela
Mikaela
Author: DreamingPen

Chapter 1

Chapter 1: Mischance is a good luck

"...WITH all the indirect presumptions. The charge does not have enough evidence. Furthermore, there is no direct proof to prove this case."

Tumingala ako at ngumiti ng peke sa aking kliyente. You can easily presage the happiness that is slowly showing on his face. Daig pa niya ang nanalo sa lotto kung ngumiti. Nakita ko ang pagbaling niya ng tingin sa akin bago itinaas ang hinlalaki niya mula sa kamay na nakaposas.

"By the later part of the Criminal Law Article..., I hereby sentenced acquittal to the accused."

Nakarinig ako ng ilang paghagulhol. Still seeking for justice, kinekwestyon pa rin ang batas dahil hindi nabigyang katarungan ang nangyari sa kamag-anak nila. But what can they do? Law is law. A decision is a decision. Luckily, lagi sa akin pumapabor ang tadhana. Sobrang malas lang nila dahil ang inosenteng biktima ay hindi na mabibigyan ng katarungan.

I instantly went out after the trial. I'm heading to my office. I should get some rest. This case took so much of my time but ne'therless, i got hundred thousands with me. Napangiti ako sa isiping iyon. I'm getting richer and richer again.

"Attorney Perez!"

Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang tumawag sa akin. Tumalikod ako at ngumiti ng makita si Atty. Soriano. He was smiling from ear to ear na para bang ang ganda kong tanawin.

"Yes?" saad ko.

"Uh-h- I heard that you won this case. And- and I just want to congratulate you again." inilahad niya ang kaniyang kamay kaya tinanggap ko iyon.

"Oh? Sige. Salamat."

"You're still the best attorney. This company is lucky to have a fearless lawyer like you! Paniguradong may prize ka na naman kay Sir Attorney!"

Tumawa ako. "I wish. Sana naman sosyal na this time." biro ko pa.

"Panigurado! That was a real big case! A CEO of the most esteemed company in this country just got arrested and now acquitted! This is going to be a big news!"

"Sus. Puring-puri mo na yata ako?" saad ko.

Umiling sya at ngumiti. "I'm just amazed. I'm sorry for doubting you. Hindi ko talaga alam na inosente pala si Mr. Guzman. I'm thinking of him as the real suspect. Lahat ng anggulo tiningnan ko at iyon talaga ang nakikita ko. But you..... j-just wow. How can you see those sides? Ni minsan hindi ko naisip na tumingin sa ganoong anggulo kaya it was really great."

Nginitian ko lang sya at tinanguhan. Mukhang wala na syang maisip na sasabihin kaya nag-paalam na sya. Hindi pa ako nakakahakbang ng may tumawag na naman sa akin. And there, I saw Mr. Guzman wearing a big smirk.

"Atty. Perez, Atty. Perez." ulit niya sa pangalan ko ng makalapit sya.

"Yes, Mr. Guzman?" I formally asked.

Umiling sya. "Wala. It's just that hindi nga sila nagkamali sa sinabi nila sa'yo at hindi nga ako nagkamali na ikaw ang pinili ko. " tuma-tawa niyang saad.

"You're such a great lawyer! Kaya mong gawing tama ang mali. You can even make the murderer innocent."

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya kaya pinanlakihan ko sya ng mata at nginitian ng pagkatamis-tamis. "Mr. Guzman. Medyo may kalakasan na ang boses mo. Pwedeng pakihinaan kahit konti?" lumapit ako sakaniya.

"Ikaw na ang nagsabi. Ginawa na kitang inosente sa harap ng mga tao at ng batas. I already helped you. Kaya pwede po ba? Manahimik na lang kayo at huwag ng banggitin pa ang nangyari sa kaso? Besides, the case is closed. Nanalo ka na. Okay?"

Humalakhak si Mr. Guzman. "Oh come on, your secret is safe with me, Atty. Perez. Hindi ko naman tatraydurin ang taong naging tapat sa akin, right? At isa pa. You saved me from being a poor detainee. May kalayaan pa ako ng dahil sa'yo!"

Nginitian ko lang sya ng peke. Mahirap na. Baka may masabi pa ako na ikagalit niya. I know him. Tuso si Mr. Guzman. And after working with him, lalo kong nalaman kung gaano sya kasama. And he's not a good adversary. Kaya niyang gamitin ang kayamanan niya maitumba ka lang. Knowing that he is a Billionare? Hindi pa mangangalahati ang pera niya, bumagsak ka na.

"Then it's settled Ms. Perez! I'll keep your secret and you'll always stay by my side each and every case! Got it?"

My forehead creased after hearing what he just said. Nakita ko ang paglaki ng ngisi niya.

"Are you... perhaps... blackmailing me?" itinuro ko pa ang sarili ko.

Napangiti ako ng peke ng muli syang humalakhak. "Oh come on, Atty. Perez! It depends on how you take my offer. Look. Nagse-set lang ako ng agreement. There's no blackmailing there. Unless..." napawi ang ngiti niya kaya napalunok ako. "Sumuway ka at nan-traydor. You know Attorney, ayoko ng ginagago ako. Gago ako pero ayoko non." muli syang humalakhak kaya napangiwi ako. Mukhang sira-ulo.

Alam kong seryoso si Mr. Guzman sa sinasabi niya. Ginagawa niya lang pabiro dahil may mga tao sa paligid. You see. This guy is a fake one, a good pretender. Honestly, I only accepted his offer just because of his money, kilala ko sya bilang multi-billionare, that's why.

"Another thing.... ayoko sa sinungaling."

Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi niya. Seriously? Sa bibig niya pa talaga nanggaling? Galing.

Tumawa ako ng peke. "Oh, that? Ayaw mo pala sa sinanguling, Mr. Guzman? Talaga?" tumigil ako sa pagtawa. "Then why did you let me lie? Then why did you let me tell things thet ain't true? Then why did you pay me to prove your fake innocence?"

Umayos ako ng tayo. "You know, Mr. Guzman. You can't hate your own stripe. And I can't promise to stay by your side."

Tiningnan ko sya. "We're not friends. It just happened that money make us connected. You need a lawyer and I need your money. This world is a give-and-take one."

Nginitian ko sya. "Goodbye, Mr. Guzman. Nice working with you."

Tuluyan ko na syang nilayasan. Nang makalayo ay napasandal ako sa wall at napahawak sa dibdib. Shiz. Napabuntong hininga ako. Nakakakaba yon.

"Oh? Attorney. Are you alright?"

Mabilis akong napatuwid ng tayo at pormal na ngumiti kay Atty. Sales. "Don't mind me, sir. I'm completely fine."

Tinanguhan na lang niya ako kaya nakangiti na lumakad na ako paalis. Napawi ang ngiti ko ng makapasok ako sa aking opisina. I bit my lowered lip while reminiscing the colloqui with Mr. Guzman earlier. Nakakakapos ng hininga. Napahawak ako sa aking ulo. What have I done? I'm so dead. So so dead. Mikaela Perez you're so so so dead.

"Wooooh!" tumayo ako at nagtatalon. Inistretch ko pa ang mga braso ko.

I need to calm down. I am known as a fearless lawyer. I can always win the case. I can have a hundred thousand salary if I want. I can make the suspect innocent. I can... I can't calm down!

Huminga ako ng malalim bago napagdesisyunan na umalis na. Magpapa-SPA na lang muna ako. In that way, I can releive my stress.

I pick up my car keys at dire-diretsong lumabas ng company. Sumakay kaagad ako sa aking sasakyan at nagsimulang magmaneho. Napahinto ako sa highway ng maabutan kong red ang traffic light.

Napatingin ako sa cellphone ko biglang itong mag-ring. Nakita ko ang pangalan ni Ate Kim sa screen kaya sinagot ko ito bago ikinabit ang bluetooth earphone sa tenga. Napatingin ako sa harapan at binuksan ang makina ng makitang seven seconds na lamang ang natitira.

"Hello, Ate?"

("Hello? Mikela-- I want to see tita!-- Wait baby, tinatawagan ko pa ang tita mo. Hello? Mikaela?")

Mahina akong natawa bago nagsimulang magmaneho.

"Oh? Ate. Bakit nag sisisigaw nanaman si Shzane dyan?"

("-- Let me talk to ti-- wait baby, I'm still talking to your tita-- Hello? Oo. Pwede ka bang pumunta dito? Shzane is looking for you.")

Napangiti ako. I can imagine Shzane grabbing the phone from her mom while pouting.

"At bakit naman daw?"

("Ewan ko ba dito. So makakapunta ka ba? Hindi ka ba busy ngayon? If may tatapusin ka, ako na lang ang mag-eexplain sakaniya.")

"Ahm." napatingin ako sa daan.

"Actually, katatapos lang ng trabaho ko. I'm heading to SPA EXPERTS. Magpapa-spa sana ako. Alam mo na. Stress releiver."

("Oh? Sige. Magpa-spa ka na muna. Baka mastress ka. Ayan kasi. Sabi huwag masyadong magpuyat.)

"Ano ka ba, ate? Kaya ko 'to."

("So, hindi ka makakarating tonight-- Noooooo! Pupunta si Tita!-- Baby, may pupuntahan ang tita mo-- No! Let me talk to tita-- Hell-- Hello Tita!")

Napangiti ako lalo ng marinig ang boses ni Shzane sa phone.

"Hello? Shzane? Why? Did you miss me?"

("Opooooo. So much! I feel gloomy! Mommy always left me at home with yaya! Tapos hindi mo pa po ako vini-visit!")

"Ay. Kawawa naman ang baby ko. Busy kasi si tita this past few weeks, e."

("Hmp! Visit mo na po ako ngayon. I'm with mommy po dito sa bahay.")

Napatingin ako sa aking relo bago napangiti. "Sige nga. Pupunta ako at ivi-visit si Shzane!"

Narinig ko ang pag-yehey ni Shzane sa kabilang liniya.

("Oh? Ay naku, Mikaela. Pasensya ka na dito. Naabala ka pa. Don't worry, sasamahan na lang kita magpa-spa bukas.") saad ni Ate kaya napangiti ako.

Tumingin ako sa salamin at nagsimulang iliko ang sasakyan papunta kila ate. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang rumaragasang ambulansya na papalapit sa direksyon ko. Pilit kong iniliko ang sasakyan ko hanggang sa makarinig ako ng pagsalpok.

("Mikaela! What's happening?! Where are you?! Hell--")

Nakaramdam ako ng pagkahilo and then everything went black.

"MIKAELA! Mikaela! Just hold on! We'll save you!"

Napamulat ako at tanging liwanag lang ang sumalubong sa akin. Pumikit pikit ako hanggang sa makita ko si ate suot ang kaniyang uniform na tumatakbo. Sa tabi niya ay ang swero na mukhang sa akin nakakabit. Nakita kong nagkakagulo ang mga nurse doon hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status