Share

Chapter 2

Chapter 2: Enlighten me, please

"Mommy, kailan po ba magigising si Tita? Namimiss ko na po sya."

"Hush. Baby. Natutulog lang ang tita mo. Don't worry. She'll wake up later."

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata dahil sa narinig ngunit puting ilaw lamang ang sumalubong sa akin. Kumurap-kurap ako hanggang sa luminaw na ang mata ko.

"Kailan pong later? Ang tagal na po ng later na yan mommy. I can't wait na."

"Later is mamaya, baby."

"Mamaya po?"

"Yes--- Mikaela! Oh God you're awake!"

Dahan-dahan akong napatingin ng may biglang lumapit sa akin.

"Tita Mikaaaaaaaa!"

Napaigtad ako ng biglang may dumamba sa akin. Napatingin ako sa doctor na may kausap sa phone, maya-maya pa ay pumasok na ang ilang nurse dito sa loob.

"Baby, bitaw ka muna kay tita. Che-check ko lang sya."

"Hmm. Sige po." umalis sya sa ibabaw ko.

Kaagad naman lumapit yung babae sa akin. Napapikit ako ng tapatan niya ng ilaw ang mga mata ko.

Mabilis niya rin ibinaba ang ilaw at hinawakan ako.

"C-Can you hear me, Mikaela?"

Tumango ako bilang sagot kaya napabuntong hininga sya.

"C-Can you--recognize me? Can you tell me who I am?" tanong nito kaya kumunot ang noo ko at umayos ng upo. Kaagad naman nila akong inalalayan.

"W-What are you talking about?" nakita kong nakunot ang noo niya.

"Ofcourse, I do. Kausap lang kita kahapon, ate." natawa ako at umiling.

Mukhang nakahinga sya ng maluwag saka pinalabas na ang nurse sa room. Naiwan dito si Shzane saka sya.

"Shzane, come to tita." inistretch ko ang kamay ko at inabot sya. Kaagad naman syang lumapit at yumakap sa akin.

"Tita! I miss you so much!"

Natawa ako. "I know. Kasasabi mo lang sa akin kahapon."

Tumingin ako kay ate. "By the way, ano nga pa lang ganap kahapon, ate?"

Tumingin sya sa akin ng seryoso bago napa-buntong hininga kaya kumunot ang noo ko. "Walang nangyari sa'yo kahapon, Mikaela."

"Ha? I mean, anong nangyari after kong mabangga? Ang natatandaan ko lang, may ambulansyang rumaragasa ang nakabunggo sa akin tapos nawalan na ako ng malay. W-What happened after?"

"Mikaela," bahagya akong kinabahan sa tono ng pananalita niya.

"You're in coma for seven months."

"Mikaela, you're in coma for seven months."

"Mikaela, you're in coma for seven months."

"Mikaela, you're in coma for seven months."

"Mikaela, you're in coma for seven months."

"Mikaela, you're in coma for seven months."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?! Seriously?!"

Tumango sya. "You suffered from a serious head injury and Intra-Cerebal Bleeding. And also cervical dislocation."

(Intra-Cerebal Bleedeng- bleeding inside the brain.)

(Cervical dislocation- major form of neck injury.)

"You're not wearing your seatbelt again." bumuntong hininga sya. Napangiti na lang ako sa pag-aalala niya kaya sya naman ang napakunot ang noo.

"Stop smiling! You think it's a joke?! You almost die for Pete's sake!" napahawak sya sa kaniyang sentido.

"Your brain bleed too much! Malapit ng mamatay ang utak mo! Kung hindi lang naagapan malamang we're all gathering on your grave!"

Napatulala at napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. I can't believe it. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa sa'kin ang lahat ng nakita ko. Tandang-tanda ko pa, pati ang nangyari sa court. Seriously? Seven months? I almost die? Geez.

"A-Anong nangyari sa d-driver ng ambulance? A-At sa pasyente?" kinakabahang saad ko matapos maalala ang nakabangga sa akin.

Muling napabuntong-hininga si ate. "Natanggal sa trabaho yung driver."

"H-Ha?"

"Yes. Napag-alaman na wala namang nakasakay na pasyente sa loob. Nagmamadali lang talaga sya dahil ayaw niyang masabit sa traffic. H-Hindi na ako nagsampa ng kaso." tumingin sya sa akin.

"Ikaw? Are you planning to file a case against him?"

"Ah--" napahawak ako bigla sa tenga ng bigla akong makarinig ng mga paghagulhol.

"H-Hey, are you alright? D-Do you want me to ask for assistance?" mabilis na lumapit sa akin si ate.

Umiling ako. "N-Naririnig mo ba yun?" tanong ko kaya kumunot ang noo niya.

"Hearing what?" napatingin sya sa pinto.

"I can't hear anything. Soundproof ang kwartong ito. Ano bang sinasabi mo?"

Napailing ako habang pilit na tinatakpan pa rin ang tenga dahil palakas iyon ng palakas.

"Imposible." bulong ko.

"Imposible ang alin?"

Napapikit ako ng biglang may senaryong pumasok sa utak ko. Tumugma ang senaryong iyon sa tunog na naririnig ko.

Mabilis akong napamulat at tinanggal ang swerong nakakabit sa akin at mabilis na lumabas.

"Titaaa!"

"Mikaela! San ka pupunta!"

Sumalubong sa akin ang mga nurse na nagmamadali at inihahanda ang emegency room. Naagaw ang pansin ko ng aking makita ang isang babae at batang umiiyak habang nakatingin sa lalaking ipinapasok na sa ER. Napakunot ang noo ko at napahawak sa dibdib. Nakita kong dumating na rin si ate at tiningnan ang lalaking nakahiga.

"D-Do you know him?" tanong nito sa akin kaya mabilis akong umiling. Hindi ko naman talaga sya kilala.

"W-Why?"

Nakita kong parang nag-dalawang isip pa sya.  "Sya yun. Sya yung driver ng ambulansyang bumunggo sa sasakyan mo."

Muli akong napahawak sa dibdib ko. Imposible. Anong nangyayari sa akin? This is a complete mess. Coincidence lang siguro ang lahat.

"A-Anong nangyayari sayo, Mikaela?" tanong ni Ate kaya napatingin ako sakaniya.

"Ate..." nanlalambot na saad ko at napayakap sa kaniya.

"M-Mikaela, anong nangyayari sa'yo?" tanong niya at inalalayan na ako papasok ng room kung saan ako nanggaling.

"A-Ate..."

"Tita, are you alright?"

"Ate, w-what's happening?" napahawak ako sa ulo ko.

"A-Ate, p-pwede bang i-check mo a-ang utak ko? I-I mean baka nababaliw na ako kaya nakakapag-hallucinate ako ng mga bagay-bagay. A-Ayoko ng ganito, please." inihiga na nila ako sa kama.

"M-Mikaela, ilang b-beses ko ng n-naicheck ang u-utak mo and it's absolutely fine n--"

"N-No! I-check mo ulit! M-Mababaliw ako. B-Baka may nakaligtaan kang i-check! Baka--"

"Calm down, Mikaela. Calm down. A-Ano bang nangyayari sa'yo? Calm down, please."

Hindi. Hindi ako nababaliw. Hindi iyong totoo.

"A-Ate..." yumakap ako sakaniya.

"Yung tunog na narinig ko kanina, pati ang senaryong pumasok sa utak ko habang kausap kita." humigpit ang kapit ko sakaniya. "S-Sya ding senaryong d-dinatnan ko paglabas ko ng kwartong ito."

Natahimik sya saglit saka ako niyakap pabalik. "M-Mikaela, w-wala lang yun. Baka nagkakaganiyan ka lang dahil kagigising mo lang after seven months."

Pi-nat niya ang likod ko. "Parang hang-over. Isipin mo na hang-over lang yan, Mikaela. Hang over lang yan."

Kumalma ako upon hearing those words. Tama si ate. Side effects lang 'to dahil naaksidente ako. I'm just hallucinating things. Mikaela is just hallucinating. Wala lang lahat ng nakita ko. Hindi iyon nangyari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status