Share

Chapter 4

Chapter 4: Won't listen to you

Mabilis kong kinuha ang susi ng aking kotse sa loob ng drawer. Pupunta na ako sa company para magpakita kina sir Attorney bago dumiretso sa court. I'm going to prove someone's innocence para sa pera. Kailangan kong maipanalo ang case na ito, hindi lang dahil sa pera, kailangan hindi pumangit ang record ko. Alam mo na, kapag maganda ang record mo, maraming malalaking kliyente ang kukuha at magbabayad sa'yo dahil wala ka pang nahahawakan na kasong natalo.

Dahan-dahan kong binuksan ang condo ko. Sumilip ako sa katapat na pinto at maingat na lumabas upang hindi makalikha ng tunog. Tahimik kong sinara ang pinto at napangiting tagumpay ng hindi iyon mag-ingay.

"Ye--"

"Where are you going?" sinilip niya ang pintuan ng condo ko.

"And what do you think you are doing?" ngumisi sya kaya napawi ang ngiti ko at mahinang napamura. Bwisit. Perwisyo talaga ang Galand na'to.

Tumayo ako ng tuwid at pilit na hindi ipinahalata ang kabang nararamdaman. "Wala kang pakialam." matapang na saad ko at nagsimula ng maglakad palayo. Ramdam kong nakabuntot sya sa akin, ewan ko ba, may something sa loob ko ang tumatalon kapag malapit sya. Parang lukso ng dugo.

Sumulyap ako sakaniya pero diretso lang ang tingin niya sa daan. Napailing ako. Imposibleng tatay ko ang pangit na'to. Kasing edad ko lang, e.

Naglakad ako patungo sa kotse ko ng bigla na naman syang humarang. "Your car keys."

Ikinunot ko ang noo ko. "I don't have it. Ikaw ang naghahawak n'on diba?" pamaang kong tanong sakaniya kaya napairap sya.

"Tumigil ka, Mikaela. Alam kong pumasok ka sa condo ko kagabi at kinuha ang susi. Masyado lang talaga akong inaantok kaya hindi na kita pinansin. Expected ko rin na balak mong pumasok ng maaga para maiwan ako at hindi ka maihatid." ngumisi sya.

"Stop horsing around, Mikaela. Hindi mo ako maloloko."

Nakaramdam ako ng inis ng bigla nitong ilahad ang kamay niya. Hinihingi niya ang susi sa akin. Nakagat ko ang labi ko. Akala ko naman makakatakas ako sakaniya ngayong araw. Akala ko nakalusot na ako mula sa lalaking 'to.

It's been three months since I met this guy. Kaya it's been a year no'ng naaksidente ako. Remember, when ate told him na he will stay with us. The truth is, sa akin lang sya pinag-stay ni ate. Ibinili pa niya ng condo para lang mabantayan ako. Kaya eto, sya rin ang nagsilbing driver ko instead of kuya Berto, at masasabi kong sya na ang may pinakamakapal na mukhang driver sa mundo.

Seryoso ko syang tiningnan bago tinalikuran. Binuksan ko ang sasakyan ko saka mabilis na pumasok, sumunod din naman sya agad at naupo sa driver's seat.

Nailabas na niya ang kotse mula sa parking lot ng muli syang magsalita.

"Where are we going?" tanong nito kaya kumunot ang noo ko.

"Obvious ba? Sa Bar. Magpaparty party ako don." sarkastikong saad ko.

"Okay."

Hindi ko na lang sya pinansin at sumandal na lang sa bintana. Akmang matutulog na ako ng biglang lumiko ang sasakyan niya.

"H-Hoy! Hoy! W-Where are we going? Kidnapper ka!"

Nakita kong kumunot ang noo niya at napangiwi.

"What are you talking about? I'm taking you at the bar para mag-party-party." seryosong saad nito kay napanganga ako at mabilis syang hinampas.

"Bobo ka Galand! Wala kang common sense! Obvious ba? Naka-uniform ako ngayon?! Malamang company at court lang ang pupuntahan ko!"

"Oh? Really? Pagkakarinig ko kasi sa bar o baka mali lang ang pandinig ko." saad nito at bumalik na at tinungo ang tamang direksyon.

"Come on, bobo ka talaga. Common sense lang! Aba! Makakapag-bar ba ako ng naka-suit?!

Nakakabwisit. Hindi ko alam kung pinsgtitripan niya lang ba ako o sadyang wala syang common sense.

Nagkibit-balikat sya. "Pwede. Malay ko ba kung nagpapakitang-tao ka lang. Nakabihis ka as a lawyer but the truth is you're just going to party. Knowing that Atty. Soriano also owns a condo sa parehong floor ng sa atin, diba?"

I got his point pero mukha ba akong party girl sa paningin ng lalaking 'to?

"I'm not a party girl. Hindi pa nga ako nakapag--"

"You are." Napatingin sya sa taas na parang nag-iisip. "Almost fifteen times na yata kitang naihatid sa mga parties, right?"

Bilang na bilang? "Alam mo Mathematician Galand, ibang party iyon. Malalaking tao ang involved doon kaya sumama ako, naiintindihan mo? Hindi yung typical na wild party." umirap ako sakaniya.

"Atleast it's a party." saad niya kaya napairap na lang ako. Naramdaman kong sumulyap sya sa akin.

"Ano nga pa lang gagawin mo sa company nyo? Tapos sa court?" tanong nito kaya muli akong napairap. No'ng nagpaulan yata ng common sense sa mundo, nasa taas sya at nagdo-donate, kaya ayan walang natira at naubusan.

"Magbabasketball?" ani ko kaya napataas ang kilay niya.

"Oh?" tiningnan niya ako sandali. "Marunong ka pala? One on one tayo minsan."

Nag-init kaagad ang ulo ko sa sinabi niya kaya malakas ko syang hinampas sa braso. Mukha ba akong besketball player sa paningin niya?

"Bobo ka talaga! Mukha ba akong basketball player?! Atsaka ako? Magbabasketball sa court?! Mahiya ka naman!" sigaw ko dito. Napahawak naman sya sa parteng hinampas ko.

"Ouch. Ang sakit ha. Bakit ka ba nanghahampas?" inirapan ako nito.

"Ikaw ang nagsabing magbabasketball ka tapos ngayon nanghahampas ka? Ano bang problema mo?" tanong nito.

Humarap naman ako at masamang tumitig sakaniya. Nag-iinit talaga ang ulo ko sakaniya.

"Ako pa ang may problema? E ikaw nga 'tong walang common sense, e. Kulang-kulang ka! Saka pupunta ako sa court! Understood mo na dapat na may hearing ngayon!" sigaw ko sa tenga niya kaya napahawak sya doon.

"Ang ingay mo. Saka ano? You're just going to prove fake innocence there. I hate it. Nagiging sinungaling kapag nasa loob ka na ng impyernong iyon."

Humalukipkip akong sumandal sa kotse.

"So what? Sa impyernong iyon nagmumula ang kayamanan ko. I don't care about your thoughts. Wala ka namang karapatan makialam, e." saad ko sakaniya.

Bumuntong hininga sya at ipinarada ang sasakyan sa parking lot.

"I'm just hoping for you to change. Hindi mo lang napapansin, you are starting to be selfish. Ayoko lang dumating sa point na mas mahalaga pa ang pera sa'yo kaysa sa pamilya mo." liniyata niya na nakapag-patahimik sa akin.

"ATTORNEY Perez, welcome back!"

"How are you attorney?!"

"I heared na-coma ka, are you completely fine?"

"Kamusta attorney?!"

"Andyan na naman sya."

Nginitian ko lang ang mga narinig kong bumati sa akin at nilampasan na kaagad. Lihim ko namang inirapan ang insekyur na bumulong pa. Alam mo na, everybody respects me here kaya dapat maging ka-respe-respeto ako. I am the best asset of this company kaya wala silang magagawa. Dumiresto ako sa office ni Sir Attorney, which is the President of this company. Well, If I am a great lawyer, he is the best. He can make half a million pesos in just one hearing. Eksperto na sya sa larangang ito at saulo a niya bawat pasikot-sikot ng mga kaso dito. Actually, goal ko ang mahigitan sya.

"Good morning, sir Attorney!" bati ko ng maabutan ko syang bumabasa ng mga papeles. Napataas naman sya ng tingin at ngumiti ng makita ako.

"Attorney Perez! My great lawyer! How are you?!" saad niya na parang masayang-masaya pagkakita sa akin. Napatawa naman ako at umupo sa upuan sa harapan niya.

"I'm absolutely fine now, Sir Attorney. Actually, aattend na naman ako ng hearing mamaya." itinaas taas ko ang dalawa kong kilay kaya natawa din sya at napatango.

"I see." saad niya. "So, ano ang nagdala sa'yo dito?" tanong niya. Umakto naman akong nalulungkot bago muling nagsalita.

"Ano ba yan, Sir Attorney? Ofcourse, magpapakita muna ako sa'yo before anything else. Dapat lang na malaman ng boss na magaling na ang maganda niyang attorney."

"Oh?" humalakhak sya. "I appreciate it." biro niya. "Actually, I'm glad that you already showed up after a year. I heared that you're comatose for seven months? I'm so worried when you got involved in a car accident. Nasabi naman siguro sa'yo ng ate mo that I visited you after your surgery?"

Tumango ako. "Yes, Sir Attorney. And I'm happy about it. Salamat po." saad ko.

"Your Welcome, my lawyer." napatingin sya sa relo niya. "Diba may hearing ka pa? You should go. Baka ma-late ka pa. I'm glad to see you." saad nito kaya tango at nagpasalamat ulit. Afterwards, mabilis akong naglakad palabas ngunit napangiwi ng maabutan na pumapatak ang ulan. Napakapa ako sa aking bag at napasimangot ng maalala kong hindi ako nagdadala ng payong. Napirap ako at tinawagan si Galand.

"Pumunta ka dito. Dala payong. Entrance."

Hindi ko na hinintay na sumagot sya at mabilis na pinatay ang tawag. Akmang itatago ko na ito ng may tumawag bigla. Napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Galand bago ito sinagot.

("Okay.)

Sasagot pa lang ako ng patayin na niya ang tawag kaya nag-init bigla ang ulo ko. Gusto kong magpapadyak dito at isumpa si Galand pero hindi ko magawa. I need to maintain my poise. Remember, nasa company pa rin ako.

After a seconds, dumating na rin si Galand dala ang payong na pink. Ipinayong niya ito sa akin saka kami sabay na naglakad papunta sa sasakyan ko gamit ang iisang payong.

--

Papasok na ako sa court ng biglang may humawak sa braso ko. Sinamaan ko ng tingin si Galand at tinaasan ng kilay. Seryoso lang syang nakatingin sa akin na parang binabasa ang iniisip ko. Kumurap-kurap sya bago napailing.

"Mikaela.... Don't do this." saad niya kaya napangiwi ako.

"What are you talking about? Nababaliw ka na naman." saad ko at sinubukang hilahin ang braso ngunit hindi ko nagawa.

"I said, don't do this. I mean, huwag mo ng ituloy ang paghawak sa kasong hinahawakan mo ngayon." nagpamaywang ako gamit ang isa ko pang kamay kaya bumuntong-hininga sya.

"And what makes you think na susundin kita? Saka ano bang pakialam mo? Stop talking about things. Hindi mo naman talaga ako kilala. Maaaring may naikwento ang ate sa'yo pero hindi iyon buo. Kaya stop, okay? Huwag kang pampam." naiinis na saad ko at itinulak sya. Mabilis naman niyang hinuli muli ang mg braso ko.

"Mikaela.... ako ang hindi mo kilala. You..." tinitigan niya ako. "I know every single detail of your life. Alam ko rin na lahat ng hinahawakan mong tao ay masasama pero dahil sa pera kaya tinanggap mo sila. Tigilan mo na ang gawaing yan Mikaela. You're not destined to do that things. I can presage it." binitawan niya ako.

"You're predestined to be a helper, Mikaela. Not a helper that helps those stoned hearted but a helper that'll prove justice."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status