Share

Chapter 8

Chapter 8: Money makes the robot move

Habol-hininga kong itinulak ang pinto papasok sa police station. Napahawak ako sa tuhod ko at napapikit. Napasulyap pa ako sa sandals ko at napailing ng makitang nabali na ang heels nito.

"Ano bang ginagawa nyo?! Pwede bang simulan nyo na ang paghahanap sa anak ko?! Ano pang tinutunganga at dina-dada nyo dyan?! For Pete's sake! Nawawala ang anak ko! Can you atleast make a move?!"

Mabilis na nalipat ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. Mula dito e natanaw ko si ate na umiiyak habang sumisigaw. Hawak pa sya ng dalawang pulis upang pigilan ang pagwawala niya.

"Ano?! Where's ate Kim?!"

Napaigtad ako sa pagsulpot ni Galand sa likuran ko. Nagpahuli kasi sya dahil ipinarada niya pa ng maayos ang sasakyan ko. Hindi ko na sya pinagtuonan ng pansin at mabilis na naglakad palapit kay ate.  Nang matanaw niya ako e lalo syang napahagulhol. Mabilis syang kumawala sa humahawak sakaniya at tumakbo sa akin at yumakap. Muntikan na akong matumba, mabuti na lang at nahawakan ni Galand ang likuran ko.

"A-Ate.." nag-aalalang saad ko. Natahimik ang tao sa loob ng kwadra. Tanging ang mga hikbi lang ni ate ang maririnig. Napasulyap ako sa mga pulis at napansin kong parang nagulat silang lahat.

"A-Attorney---Attorney-- Attorney Perez!" napakunot noo ako ng marinig ang sigaw ng isa sa mga pulis habang nakaturo sa akin.

"Tama! Sya yung humawak ng kaso ni Mr. Guzman! Sya yung nasa balita! Yung magaling na lawyer!" narinig kong sigaw pa no'ng isa.

"F-Famous ka pala." bulong ni Galand.

Hindi ko na sila pinansin at muling ibinalik ang atensyon kay ate na umiiyak pa rin saka nagsalita.

"A-Ate... K-Kumusta? A-Anong sabi nila?" saad ko habang marahang tinatapik ang likuran niya. Naramdaman ko ang lalong pag-lakas ng hikbi niya.

"A-Ate..."

"Attorney, kakilala nyo po pala si ma'am? Pasensya na po. Pero hindi pa namin magagawa ang iginigiit niya."

Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng inis sa nangyayari.

"Anong ginigiit?" tanong ko.

Tumayo naman yung pulis mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.

"Attorney. Wala pa po kasing 24 hours simula ng mawala ang batang tinutukoy niya. Hindi pa kami pwedeng umaksyon kapag gan'on ayon sa rules. Pero matigas ang ulo ng kakilala nyo at ipinipilit ang gusto niya, kaya ayan ang nangyari."

I gritted my teeth. Naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. Parang may bulkang gustong sumabog sa loob ko. Ikinuyom ko ang aking kamao at bumitaw kay ate na mabilis namang dinaluhan ni Galand, bago ako humarap sa pulis.

"Sir.." tumingin ako sa apelyido niyang nakalagay sa kaniyang damit. "Romero. Sir Romero." ulit ko sa pangalan niya. Inayos ko ang buhok na tumatabon sa mukha ko at humarap sa kaniya. "Ang batang tinutukoy niya ay ang pamangkin ko. Ang babaeng tinutukoy mong kakilala ko ay ang ate ko." bakas ang pagkagulat sa mga mata niya.

"At hindi ko gusto ang ginagawa nyo. I want you to make a move now. Huwag nyo ng hintayin pa ang bukas." matigas na saad ko.

"P-Pero Attorney. A-Ayon sa batas namin, p-pwede lang kaming umaksyon kapag lumampas ng isang araw ang pagkawala ng bata. But in your case, 17 hours pa lang po ang nakakalip--"

"I don't care!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at naibasak ang kamay sa katabi kong lamesa. "I don't care about your rules! I want you to make a move now! Hindi nyo ba naiintindihan?! Nawawala ang pamangkin ko! We can no longer wait! Hindi mo ba naiintindihan?! Try putting yourself in our situation!" itinuro ko sya.

"I'll pay you a million. Just please, make a move. Now ."

Natahimik sandali ang buong kwadra. Nang matauhan ang pulis ay kaagad syang nag-utos na hanapin na ang pamangkin ko.

Mabilis akong tumalikod saka tuluyang lumabas.

---

It's been two days simula ng mawala si Shane. At sa loob ng dalawang araw na yon, hindi pa rin ako makatulog katulad ni ate at Galand.

Of all the struggles I'd experience, this is the hardest one. Walang kasiguraduhan ang nangyayari. Masyadong mahirap i-predict.

"Oh, Mikaela, tubig mo." napatingin ako kay Galand at kinuha ang iniabot niya. Umupo naman sya sa tabi ko.

"Mikaela, two days na oh. Wala pa rin bang balita ang pulis?"

Hindi ko sya sinagot at uminom na lamang ng tubig at mariing napapikit.

I'm hurt. I'm deeply hurt.

Si Ate at Shane na lamang ang meron ako. I can't stand loosing one of them. Mahal na mahal ko ang pamangkin ko.

Bumalik na ako sa police station kahapon. Wala pa rin silang lead sa mga nangyayari. Pero hindi ako bobo. Sa loob ko ay mukhang hindi lang simpleng pagkaligaw ang nangyari kay Shane. Damn. At ayokong isipin iyon.

"Mikaela..." tawag ni Galand pero nanatili akong nakapikit at nakatingala.

"Mikaela... stop it." saad niya. Naramdaman kong lumapat ang mga kamay niya sa mukha ko.

"Stop crying, Mikaela. It's very not you. Be strong, Mikaela. Mahahanap natin si Shane. Just believe, maniwala at magtiwala ka."

Mabilis kong natabig ang kamay niya at napakapa sa pisngi. Kaagad ko iyong pinunasan ng makapang basa iyon. Ni hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Tama si Galand. It's very not me.

"Hindi ako umiiyak." giit ko saka bahagyang tumalikod. "Where's ate Kim?"

Nandito kami sa kalsada. Namimigay at nagdidikit ng flyers na mayroong mukha ni Shane.

Naalala ko, everytime na nakakakita ako ng flyers, hindi ko iyon pinapansin. Hindi ko alam na ganito pala kahirap.

"Nandon sa kabilang kanto. Nagdidikit. Puntahan natin? Kanina pa yun walang pahinga e. Baka kung mapaano."

Tumango lang ako at mabilis na tumayo. Naramdaman kong sumunod sa akin si Galand. Tahimik kaming naglakad papunta kay ate.

Umupa naman ako ng maraming tao na na magdikit at mamigay ng flyers sa ibang lugar. Sa baranggay na 'to, tantya ko ay pito kami. Ang apat pa ay hindi ko alam kung nasaan.

Mula sa kanto ay nakita ko si ate na nagdidikit ng flyer. Seryoso lamang ang mukha niya. Hindi alintana ang mainit na sikat ng araw at ang pawis niyang tumatagaktak na.

Mabilis kaming lumapit sakaniya. Halatang naka-pokus sya sa ginagawa dahil hindi niya napansin ang pagdating namin ni Galand.

"A-Ate, tubig oh." inilahad ko sa harapan niya ang bote na naglalaman ng tubig. Mahahalatang hindi niya namalayan ang pagdating namin dahil napaigtad sya sa pagkagulat.

"M-Mikaela.." bahagya s'yang ngumiti ng makita kami ni Galand. Ngunit laking gulat ko ng biglang umikot ang mata niya.

"Ate!" sigaw ko ng bigla s'yang matumba. Mabuti na lamang at nasalo sya ni Galand.

---

"Maayos naman po ang lagay ni doktora. Kailangan n'ya lang po ng tamang pahinga. Masyadong napagod ang katawan at utak niya."

Tinanguhan ko lang ang doktor na tumingin sa kalagayan ni ate. Mabilis akong lumapit sa kinahihigaan ni ate saka humawak sa kamay niya.

Napabuntong-hininga ako at mariing napapikit.

"Bakit ba kailangang mangyari ang lahat ng 'to?" mahinang bulong ko atsaka napailing.

Pinagmamasdan ko lang si ate ng aking mapansin ang medyo may kalakihang balat sa kamay niya. Wala sa sariling hinawakan ko iyon. Matagal ko na iyong napapansin at sa tuwing uusisain ko kung anong dahilan ng pagkakaroon n'ya no'n e sasabihin niyang nabanlian iyong ng mantika.

Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si Galand. Mayroon s'yang dalang mga prutas at iba pang pagkain.

"Anong sabi? Kumusta daw si ate Kim? Maayos na ba ang kalagayan niya o hindi pa maayos? Ano ngang sabi?"

Napairap ako kay Galand at bumalik na sa pagmamasid kay ate.

"Maayos na. Pagod lang." saad ko.

Narinig kong ibinababa na niya ang mga pagkain sa lamesa.

"Tingnan mo 'to. Alam mo Mikaela? Wala ng paglagyan yang kasungitan mo. Walang pinipili e. Basta kapag sa'kin, napakataray mo. Ang ganda mo nga sana. Nakakapanghinayang. Kung ikaw siguro mabait, crush na kita."

Hindi ko na lang s'ya sinagot. Sigurado ako na basta s'ya ang kausap ko e walang kwenta ang magiging usapan namin.

"'Diba aking kamay?" dinig kong saad niya na halata namang ipinaparinig sa akin.

"Mikaela, kung nagugutom ka na, may pagkain na dito. Huwag ka ng umasang ipaghahain pa kita. Kapal mo na no'n."

Tinanguhan ko s'ya. "Hindi ako gutom."

"Pag-nagutom ka na n--" napatigil s'ya sa pagsasalita ng biglang tumunog ang t'yan ko. Mabilis akong napahawak doon at napalunok. Hotek.

"A-Ayaw kong kumain." pagbabago ko sa sinabi ko kanina.

"Hala. Bakit? Kumain ka. Nagugutom ka diba? Naririnig ko nga e."

Palihim lang akong napairap sa sinasabi n'ya.

"Baka magka-ulcer ka. Stomach and duodenal ulcers are usually due to one of two causes: the bacterium Helicobacter pylori or nonsteroidal anti-inflammatory drugs like aspirin, ibuprofen, and naproxen. An ulcer, regardless of the cause, can cause abdominal pain, bleeding, or even cause a hole." napakunot ang noo ko ng marinig ang sinasabi niya kaya kaagad akong tumingin sakan'ya at napasimangot ng makitang binabasa niya ang nasa cellphone niya.

"Ewan ko sa'yo." muli kong binalingan ng tingin si ate.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga n'ya at hindi na nagsalita ulit. Tanging pagtunog lamang ng mga utensils ang naririnig ko.

"Oh ito oh." napaatras ako ng biglang sumulpot si Galand sa harapan ko. Nakalahad ang kamay niya sa harapan ko na may bitbit na pagkain.

"Kainin mo na 'to. Ako na ang nag-adjust. 'Diba sabi ko hindi kita ipahahain? Pinaghain na kita. Ako rin ang bumili. Huwag mo naman sabihin na gusto mo pang subuan kita."

Kumunot ang noo ko at umiling sakaniya. "Hindi nga ako kakain. Ang kulit."

"Kumain ka na kasi."

"Hindi."

"Kakain ka."

"Ayoko nga."

"Kumain ka na."

"Hindi ko gusto."

Napailing s'ya saka kumuha ng kutsara. Tiningnan ko lang s'ya habang sinasandok n'ya ang kanin. Napaatras ako ng ilapit niya 'yong kutsara sa akin at sumimangot.

"Oh ayan na. Sabi ko di kita susubuan pero heto ako, susubuan ka."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status