Share

Chapter 13

Chapter 13: A quarrel for nothing

"I'm sorry but I can't do it."

"What?!"

Umalingawngaw ang boses ni Ms. Sunshine nang sabihin ko sakan'yang hindi ko magagawang hawakan ang kaso n'ya.

Bakas sa mukha n'ya ang inis. Marahil ay nanghihinayang s'ya dahil isa ako sa magaling na abogado rito sa bansa.

"I'm done here, Ms. Sunshine. I'm sorry." tumungo ako sakan'ya at akmang tatayo nang muli s'yang magsalita.

"Pere-- Attorney Perez! You can't do this! We already agree and talk about this! You can't just reject me!"

Napatingin ako sa paligid at napailing nang makitang pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa coffee shop.

"Ms. Sunshine. I can. I can reject you as long as we haven't sign any papers confirming our transaction. That is what written on the law."

"But we already talk about it! Pinag-usapan at pinagkasunduan na natin ito! You shouldn't take back your words like that! That was so rude of you!" umiling s'ya.

"This can't be happening." bulong n'ya at muling tumingin sa akin.

"Kulang ba ang bayad ko? Titriplihen ko na lang basta hawakan mo ang kaso ko. Attorney Perez, please deal with me."

Kung noon ay paniguradong tatanggapin ko ito dahil sa malaking perang makukuha ko pero iba na ngayon. Things have changed. Narealize kong hindi lang pera ang dapat na magpaikot sa mundo ko.

Umiling akong muli. "I'm sorry." saka ako tuluyang lumabas.

Mula rito ay tanaw ko ang kotse ko sa parking lot. Nagmamadali akong pumasok doon at nadatnan si Galand na umiinom ng softdrinks.

It's been 3 weeks since that incident. Maayos na naman ang lahat except sa kaso ni Mr. Guzman. He keeps on rejecting any consultations with him.

"Masama yan ah." saad ko at umupo sa passenger seat.

"Hindi yan. Ikaw talaga, masyadong concern." saad n'ya at nilaksan pa ang paghigop sa softdrink kaya napairap ako.

"Bahala kang ma-hospital. Hindi kita dadalawin."

Natawa s'ya. "Talaga lang ha? Sige."

Halata namang nang-iinsulto ang tawa n'ya kaya hindi ko na lang pinatulan ang pang-aalaska n'ya dahil wala rin naman iyong patutunguhan.

"Pikon ka naman. Ano nga palang balita kay Ms. Sunshine? Kailan schedule ng hearing n'yo? Gusto ko makinig."

Napabuntong-hininga ako. "I rejected her."

"Ano?!"

Sinasabi ko na nga ba. Ganito ang reaksyon n'ya.

"'Diba nag-hearts promise na tayo na hahawakan at tutulungan mo si Ms. Sunshine?! Anong nangyari?!"

Hindi ko na s'ya pinakinggan at natulog na lamang sa kotse. Hindi ko naman kailanganng banggitin sakan'ya lahat ng nangyayari sa trabaho ko.

---

"Tita!"

Napangiti ako at sinalubong ng yakap si Shzane matapos kong pumasok sa bahay ni ate. Gusto ko lang silang bisitahin.

Sa loob ng tatlong Linggo ay walang palya ang pagbisita ko rito upang tingnan ang kalagayan ni Shzane. And ofcourse, Galand is always with me. 'Yon ang gusto ni ate.

"Kumusta ka Shzane?" nakangiti kong hinalikan ang pisngi n'ya.

I'm glad nandito na muli si Shzane. I can't bare loosing her. She's so precious.

"Ayos na ayos ako Tita!" tumatawa n'yang saad.

Napatingin naman s'ya sa likuran ko at kaagad na lumapit kay Galand nang makita ito.

"Kuya Zero!"

Kaagad naman s'yang kinarga ni Galand. Napakunot naman ang noo ni Shzane nang mapagmasdan ang mukha nito.

"Anong nangyari sayo, kuya Zero? May problema ba?"

Kaagad namang napasulyap sa akin si Galand at pasimpleng umirap.

"Wala naman." ngumiti ito kay Shzane at binuhat palapit sa sala kaya sumunod na lang ako.

"Weh. Jinijoke mo ako e! Siguro nag-away na naman kayo ni Tita noh!"

Muling napatingin sa akin si Galand. "Ba't ko naman aawayin yan? Hindi ah." tanggi nito.

"Sus. Para kayong mga bata."

Napatingin kami sa nagsalita at nakita si ate na naka-apron. Alam naman n'yang darating kami kaya malamang ay nagluto ito.

"Oo nga!" sang-ayon ni Shzane kaya inirapan ko si ate.

"Hindi nga kami nag-away, ate. Ano ba kayo? Si Galand na mismo ang nagsabi." b****o ako kay ate.

"Imposible." umupo ito sa sofa habang nakatingin sa amin ni Galand na nakatayo pa rin habang buhat si Shzane.

"Hindi sumisimangot ng gan’yan ang mukha ni Zero kapag hindi ikaw ang kaaway." saad n'ya kaya napailing na lamang ako at akmang magsasalita nang biglang sumingit si Galand.

"H-Hoy hindi ah! Gan'to talaga ako!" depensa n'ya kaya natawa na lang si ate.

"Sige, suko na ako. Gan’yan ka talaga." naiiling na saad nito.

"Ewan ko sainyo. Tara na at ipinagluto ko na kayo."

Kaagad kaming nagtungo sa kusina at napangiti nang makitang sinigang na baboy ang inihahain ni ate. Paborito ko kasi 'yo--

"Wow! Siningang!"

Na naging paborito din ni Galand.

Napairap na lamang ako sa parang batang reaction nito at nagsandok na upang kumain. Ipinaghain din ni ate si Shzane habang si Galand naman ay diretso lang sa pagsandok. Halatang sabik na sabik na kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita bigla si ate.

"Bakit nga kayo magkagalit?" saad nito kaya napatigil si Galand sa pagsubo.

"Hindi nga kami magkagalit." ani ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Anong hindi? Tingnan mo nga ang pwesto natin."

Napatingin ako sakanilang tatlo na nasa harap ko. Ako lang ang nakaupo sa kaliwang hanay.

"Hindi umuupo si Zero dito kapag wala kayong pinag-awayan. Lagi kayong magkatabi ah."

Nagkibit-balikat na lang ako dahil totoo naman ang sinabi n'ya. Ayaw nitong nahihiwalay sa akin kahit sa pagkain.

"Mommy, tapos na po ako. Pwede na ba akong umakyat sa taas? Inaantok na po ako e."

"Okay. Pero mag-tootbrush ka muna ha?"

Tumango lang si Shzane saka h*****k sa pisingi naming tatlo at umalis na.

Katahumikan ang bumalot sa pagitan namin. Tanging tunog lang ng kutsara ang maririnig.

"Wala talaga kayong balak magkwento? Sige. Dahil magkagalit naman kayo ay sa akin na matutulog si Galand at hindi ka na n'ya ihahatid kahit saan. You're free to ride a bus, Mikaela."

Nanlaki ang mata ko at akmang tututol nang biglang nagsalita si Galand.

"Hindi kasi n'ya hinawakan ang kaso ni Ms. Sunshine e nag-hearts promise na kami! Hindi s'ya tutupad! Bihira na nga lang s'yang humawak ng mga inosenteng kliyente tapos irereject n'ya pa! Hindi ko na maintindihan! No'ng mabaril ako gusto n'yang tulungan ko s'yang ipagtanggol ang hustisya tapos ngayon, parang nag-iiba na naman! Sana pala lagi na lang akong nababaril! Ang gulo na talaga ate Kim!"

Natahimik kami ni ate sa mahabang linyata ni Galand. Medyo nasobrahan sa daldal. Sobra naman ang paliwanag nito at gusto pang mabaril ulit. Tiningnan ko s'ya ng diretso.

"Galand, Ms. Sunshine isn't innocent as what you are thinking. She killed her husband. She want to get rid of him because she's having an affair with another man. She wants to marry her affair. It's not a self-defense. Malas lang n'ya dahil may testigong lumabas. Now, ayos ka na ba?" saad ko at inirapan s'ya.

I have no plan to explain myself to him but he's being too kiddish. Kailan pa ipaliwanag sakan'ya ang lahat. Parang napamahal kay Ms. Sunshine ah.

Tumikhim si ate. "So... hindi ko naman kilala ang pinag-uusapan n'yo kaya alis muna ako ha? Puntahan ko lang si Shzane." mabilis na umalis si ate sa harap ko.

"T-Totoo ba yan, Mikaela?"

Napairap ako dahil sa inakto n'ya. Parang bata.

"Mukhang ba akong nagbibiro?" tanong ko.

"Lah. T-Totoo yan ha?" tanong nito kaya tumango ako.

"Tama lang pala yan, Mikaela. Huwag na huwag mo na ulit tatanggapin si Ms. Sunshine. Akala ko mabait na e. Naloko pala ako." ngumuso s'ya kaya napangiwi ako.

"Sorry, Mikaela ha. Yun pala 'yon. Sorry." tumayo ito at lumipat sa tabi ko saka ipinagpatuloy ang pagkain kaya napairap na lang ako. Batang-bata!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status