Share

Chapter 16

Chapter 16: Won't talk about it

"Sabi ko na nga ba e! Kaya mo 'yon. Alam mo bang nagdadalawang-isip pa ako kanina na itulak ka para tulungan 'yong babae?"

Nakatitig lang ako kay Galand habang ipaglalandakan n'ya sa mukha ko ang nagawa ko kanina.

"Ang galing mo talaga! Mukha kang superhero do'n ha!" tumatawang saad nito.

"Nadedevelop na ang kakayahan mo Mikaela. You're  starting to be a real heroine."

Ipinadyak-padyak ko lang ang paa ko habang pinapakinggan s'ya.

"Alam mo bang kinakabahan talaga ako na baka hindi kita mapilit na magbago? Buti na lang!"

Bakas ang saya sa mukha n'ya habang inilalahad ang mga bagay na 'yon at hindi ko na talaga maiwasang magtaka. Sino ba s'ya sa buhay ko? Bakit alam n'ya ang mga nangyari sa akin noon? Bakit ipinipilit n'ya na magiging superhero ako?

Maya-maya lang ay dumating na ang carbonarang inorder namin. Mabilis din na umalis ang nagdala nito sa amin.

Natahimik na si Galand at kumain na lamang. This is him, kapag kumakain, daig pa ang galing sa mayamang pamilya. It looks like he came from a place where food is the most respected thing. Tuwid lamang ang upo n'ya habang maingat na ngumunguya. He is really something.

Napabuntong-hininga ako.

"Galand... sino ka ba talaga?"

Nabaling ang tingin n'ya sa akin ngunit nanatili s'yang hindi nagsasalita.

Matagal-tagal na rin ang pinagsamahan namin ni Galand pero heto ako, nangangapa pa rin sa totoong pagkatao n'ya. Hindi ko alam pero hindi din naman nagtatanong si ate.

"B-Bakit mo ako tinutulak na maging isang bayani? W-Why do you always push me to do things that was beyond my likings?"

Nanatili s'yang nakatitig sa akin habang ngumunguya. Katulad dati, halatang ayaw n'yang sagutin ang aking katanungan.

Ni hindi ko alam ang pinanggalingan nya. All I know is his name. Zero Quelite Galand. Bukod doon ay parang mabababaw na.

Kung titingnan mo ang itsura n'ya, he has a great features. Makapal ang kilay nito at madilim na bughaw ang mga mata, matangos ang ilong at mapula ang labi. Payat ang katawan nito ngunit puno ng muscles. Kung tutuusin ay mukha syang Americano. Gwapong Americano.

"A-At alam ko... k-kaya mong sagutin ang tanong ko..."

Binigyan ko s'ya ng nangungusap na tingin.

"Bakit ba ako nagkakaganito?" tanong ko.

"Galand, naguhuluhan na ako sa nangyayari." saad ko.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Maging ang mga irereact ko sa pagbabagong nangyayari sa akin. How can I presage the future everytime my head hurts? How can I do things like climbing on a tree? Yung flying kick? Nananatili akong tahimik dahil ayaw magsalita ni Galand. Pero hindi ko maiwasan makain ng kyuryusidad.

Nanatili akong nakatitig kay Galand nang bigla s'yang magpunas ng tissue sa bibig. Bahagya pa akong napaatras ng tumayo s'ya at bahagyang nag-bow palapit sa akin.

Pi-nat n'ya ang ulo ko. "Just eat, Mikaela. Everything has it's own time of discovery, but you can't discover everything anytime.”

Napakunot ang noo ko sakan'ya at akmang magsasalita nang bigla s'yang sumabat.

"Eat."

-----

"Breaking News! Ang lalaking pumatay sa kan'yang kinikilalang kaibigan ay hindi inaasahang sumuko na sa mga pulis! I-tuturn-over na s'ya ngayon sa Calam--"

Napatitig ako sa telebisyon ng maagaw ang pansin ko ng isang balita. It's Hugo. Sumuko s'ya sa mga pulis.

Hawak s'ya ng mga ito habang nakapalibot sakan'ya ang iba't ibang reporters na may iba't ibang katanungan.

"Makakalabas ako dito! Tandaan n'yo! Papatunayan kong inosente ako!"

Narinig ko ang sisaw ni Hugo bago s'ya tuluyang maipasok sa Police Station. Good thing he believed and trusted me. I'll make sure that I will set him free from the bars.

Hindi na lang reputasyon ko ang nakasalalay dito. Fighting for justice is not for reputation, it's for my dignity.

Nabalitaan ko rin na tapos na magconduct ng investigation ang prosecutors at ang mga pulis. And based on what they observed, they think that Hugo is guilty. They are really sure that those evidence they have seen at the crime scene is enough to sentence Hugo guilty for the crime. And I won't let that happen.

Kahit anong mangyari, Hugo needs to be innocent because that is the truth.

"Mikaela, hoy ba't tulala ka?"

Natauhan ako at napailing nang biglang magsalita si Galand sa tabi ko. Nakalimutan kong may kasama nga pala ako rito sa sala.

Napatingin ako sakan'ya na nakakunot ang noo.

"Crush mo ba 'yong sindikato na 'yon?" diretsang saad nito kaya napairap na lang ako.

"Alam mo? May sakit ka na yata sa utak." ani ko at muling binaling ang tingin sa telebisyon.

"Ba't di mo sinasagot ang tanong ko? Guilty ka ba na crush mo s'ya?"

"Ewan ko sa'yo ha. Bumalik ka na nga sa kwarto mo." saad ko at bahagya s'yang pinagtulakan.

"An--Ayoko. Nanonood ako e." saad nito at dumiretso ng upo at tumahimik na lamang.

"May TV ka naman doon ah?"

Napatitig ako kay Galand at naghihintay ng sagot n'ya pero ni hindi man lang ito sumulyap sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at ipinatong ang braso sa likod ng inuupuan n'ya.

"'Di ko crush 'yon." maikling saad ko.

Alam kong pag-nanahimik na si Galand ay siguradong nagtatampo na ito sa akin. Madaling basahin ang nararamdaman ng isang 'to kaya minsan nakakairita. Mabilis mong malalaman na hindi n'ya nagustuhan ang ginawa mo kaya makokonsensya ka talaga.

"Weh, 'di naman totoo yan e." ani nito na nakatingin pa rin sa TV.

"Oo nga."

"Pero bakit ka nakatitig do'n?" humikab s'ya kaya napailing ako.

"Magiging kliyente ko 'yon. Lumapit s'ya sa akin kaninang umaga."

"Kliyente nanama--"

"Inosenteng kliyente." putol ko sa ituturan n'ya.

Bahagyang napa-Ah si Galand sa sinabi ko. Napababa naman ang tingin ko sa kwintas ni Galand na umiilaw pa rin hanggang ngayon. Ewan ko kung anong meron sa kwintas na 'yan pero hindi ito tumitigil sa pagkinang. Hindi naman nagsasalita si Galand sa dahilan no'n.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang bumagsak ang ulo n'ya sa braso ko. Napakunot ang noo ko akmang itutulak ito nang mas lumapit pa ito at sumandal sa bandang leeg ko.

"Inantok ako sa kaba, Mikaela. Matutulog na ako." halos pabulong na saad nito saka ko naramdaman ang pagbigat n'ya. Napailing na lang ako at hinayaan na s'yang matulog sa balikat ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status