Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan
Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom
Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan