Share

KABANATA 5

Why could be the world so cruel? Bakit sa dinami-rami ng taong dapat na gustuhin ko ay sa kaniya pa? Sa bilyong lalaki sa mundo, ay sa taong may nagmamay-ari na? Alam kong kasalanan ang lahat ng ito, and I know that I am a bitch who happens to be my sister's younger sister. A relationship wrecker. 

Tanggap ko lahat yun. Lahat ng makamundong akusasyon sa mga babaeng kabit ay tanggap ko. This is the fate I choose. To be a relationship third party. Kahit sabihin mang hindi ko ito ginusto ay wala na akong magagawa. Nangyari na ang lahat, I choose to betray my sister and love the same man she loves.

Pinili kong lokohin siya. 

I am not that good girl and a sweet little sister anymore. 

I am already a sinner. A bitch.

Masakit din naman sa akin ang ginagawa kong ito, pero anong magagawa ko? Mahal na Mahal ko din si Tristyn. Sobrang Mahal dahilan upang ibigay ko sa kaniya ang lahat. Ang aking buong puso at pagkatao. Hindi naman ako santo, nagkakamali ako at ito ang pagkakamali ko. Ang mahalin ang taong alam kong may nagmamay-ari na. 

On the contrary, thinking about my betrayal makes me wanted to drown myself in the ocean. Nakokonsensya rin naman ako. Nasasaktan, at nagagalit sa sarili ko. Oo tanga ako, makasarili, ahas at kung anu-ano pa. Pero nagmamahal lang din ako. Natutukso. 

Gusto ko na ring tigilan na ang lahat ng ito, pero si Tristyn. Siya lang ang problema ko. 

Ayaw niya akong pakawalan.

He doesn't want to end this affair between us. He wanted to be with me, he wanted to keep me. To own me. Gagawin niya ang lahat para lang mapasakaniya ako ng buong buo. He will fight for us, for me just to have me kahit ang kapalit nun ay ang pagkakasira namin ng kapatid ko. At ng tiwala ng mga magulang ko sa kaniya at sa akin.

Our parents wanted him for my sister.

They both rooted them for each other. And not me.

Kung kaya't napakahirap nito para sa akin. Kung siya man ay walang pakialam basta't mapasakaniya ako, ako meron. My family is what's more important for me. Ayokong masira kami, pero anong magagawa ko? 

Nagpadala ako sa tukso. 

And now, I don't know what to do anymore.

"What happened, Keish? Bakit ngayon ka lang? Dumaan ang Mommy mo kanina, hinahanap ka. Sabi ko lumabas ka lang kaya pinapabigay niya na lang itong sobre bago siya umalis papuntang kompanya n'yo," bungad agad ni Ann sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng flower shop at saka inabot yung sobreng sinasabi niya.

Pagkatapos kasi ng nangyari kanina sa office ni Tris ay umalis na agad ako para pumasok dito sa flower shop ko. Tanghali na rin kasi. He wants to eat lunch with me before I leave, but I just rejected his offer nicely, I even lied just to convince him, sabi ko na magsasabay kami ni Ann na maglalunch ngayon kaya naman ay wala na rin siyang nagawa kundi ang hayaan ako.

"I'm sorry, nagkaproblema lang," sabi ko naman bago inabot yung sobre at tiningnan ang laman.

A cash.

A twenty thousand cash probably.

May note rin na kasama at sinasabi na ibigay ko raw ito kay Lander pambayad sa catering.

Napahilot na lang ako sa sentido ko.

May bank account naman si Lander, ba't hindi niya na lang hinulog doon para magbayad at talagang cash talaga? Tapos ako ang uutusang magbigay.

Jusko naman.

I know sinadya niya lang ito para magkita kami ni Lander.

She really likes him for me. At tinutulak niya ako para dito kahit na alam niyang hindi ko ito gusto.

At hinding-hindi ko ito magugustuhan.

Well, I can't deny the fact that Lander Howell is a very charming and handsome with his dark-blue tantalizing eyes. Matangkad rin ito, mayaman at mabait. He's our family personal chef, ang kaso, kahit gaano pa siya kagwapo ay hindi ko talaga siya gusto. 

He actually courted me before, after my graduation in college. Nandito pa si Ate noong panahong iyon, at talaga ngang boto rin siya kay Lander para sa akin. But I just turn him down dahil hindi pa ako handa sa ganoong bagay. And he understands it, tho. Sabi niya maghihintay daw siya hanggang sa maging handa na ako.

At kahit ilang beses ko na siyang nabasted ay hindi pa rin nagbabago ang trato niya sa akin. He is just very nice for me. And I don't deserve someone like him.

But we're good friends by the way. Hindi ko naman siya pinapaasa dahil ayaw ko na may umasa sa akin. Ayaw kong paasahin siya sa wala. 

"Why don't you date, Lander Howell?" Pagkuwa'y, tanong ni Ann nang malagay ko na sa bag yung sobreng bigay niya.

Tiningnan ko naman siya at bakas sa mukha niya ang pagiging atat sa isasagot ko. 

"You know I can't, Ann." I said as I lower my gaze down to my feet. 

She's two inch taller than me.

"You can't because you're letting him control you," I bit my lower lip at her answer.

She has a point. 

"I'm sorry—"

"Hanggang kailan ka magpapakagaga sa taong yun, Keish? You don't deserve to be in this fucking situation, Keishana!" she exclaimed at me for the very first time which stunned me. "Ayoko na nakikita kitang nahihirapan. Hindi mo man sabihin sa akin, alam ko na nahihirapan ka na sa sitwasyong ito. Kaya please, Keish. Tama na! Stop hurting yourself."

I felt my knees softened as my hands trembling in frustrations.

I bit my lower lip hard until I tasted my own blood on it.  Napaupo ako sa sahig at nanghihina habang nag uunahan namang nagsitulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

I don't know, gulong-gulo na ako. Sa sobrang gulo parang gusto ko na lang ang mawala. Hindi ko na alam ang gagawin ko. 

"Ang hirap, Ann. A-ang hirap-hirap," umiyak ako na parang bata habang nakayakap sa sarili ko at impit na humahaguhol.

Buti na lang at wala pang taong bumibili kaya't malaya akong umiyak sa harapan ni Ann, wala rin si Mayie dahil may inaasikaso na birthday party. Siya ang nagdeliver ng mga bulaklak gamit ang pribadong sasakyan ng flower shop.

Dinaluhan naman ako ni at niyakap ng mahigpit. Damang-dama ko sa mga yakap niya ang awa at simpatya.

"Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na itigil na ito—"

"You know how many times I did, but he's just to persistent on owning me. A-ayaw niya akong pakawalan. And... I-I love him too—you know how much I love him, Ann. Kaya ang hirap pumili," humahaguhol na sambit ko. "Parehas ko silang Mahal, Ann. Parehas ko silang ayaw mawala sa akin—"

"Pero ang tanging paraan lang para maitama ang lahat ng ito at hindi sila mawala sa iyo ay ang iwan siya, Keish. He doesn't belong to you, at alam mo ang bagay na yan."

Natahimik ako habang patuloy pa rin sa pag iyak. 

Tama siya. At nasasaktan ako dahil tama ang lahat ng sinabi niya. Tristyn doesn't belong to me. He is not mine to begin with. And he will never be mine. Kahit sabihing nagmamahalan kami, ay alam kong mali—hindi tama.

Ang sakit. 

Napakasakit ng katotohanang kahit sabihin mong Mahal n'yo ang isa't isa ay mali iyon at hindi pwede.

Truth hurts. 

It hurts to the fact na iisipin mo na lang na sana ay hindi na lang.

"Keish," she tightened her hug to me. "I am not saying this because I don't love you. Alam mo kung gaano kita kamahal bilang isang matalik na kaibigan at kapatid. I just wanted what's the best for you, makinig ka naman sa akin, oh—iwan mo na siya para sa ikakabuti ng lahat. Iwan mo na siya para sa ikakabuti mo. You love him, yes I get that. But this is not the love story that you deserve, hindi ang maging kabit, Keish," sabi niya na mas ikinahaguhol ko.

I could feel my heart thorn into pieces as the truth hit me over and over again. I know everything she have said are on point. Hindi ako ipinanganak para maging kabit ng fiancé ng kapatid ko.

Kumalas siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabila kong balikat habang tinitigan ang mga mata kong hilam sa luha.

"You're beautiful, Keishana. Napakaganda mo para maging isang kabit. You deserve a better person. Yung taong walang ibang babae sa buhay niya kundi ikaw lang, Keish. Walang kahati. Walang nagmamay-ari." I bit my lower lip as I nod.

Masakit man para sa akin ang gagawin kong ito, alam kong ito ang tama. 

Aalis ako. Aalis ako kahit na ang kapalit noon ay ang pagkawasak ng puso ko.

"Tristyn, hijo! How are you?" bungad agad ni Mommy kay Tristyn at bineso nang makapasok kami sa bahay.

"I'm good, Tita Clem. How about you? You look younger than before with your new hair cut," he complemented my Mom who is now laughing at him.

"Napakabolero mo talagang bata ka. Anyway let's get inside, your Tito Salvador is already waiting at the dinning room," she said as she turn her gaze at me. "Baby, go upstairs and change your clothes before going on the dinning area, okay?"

I smiled at her and nod. "Alright, 'Mmy."

Nauna na silang pumasok sa dinning room samantalang naglakad naman ako paakyat sa kwarto ko na nasa pangalawang palapag ng bahay.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay pumasok na agad ako at hinubad ang lahat ng saplot ko sa katawan bago pumasok sa may banyo para maligo.

Nang lumandas ang maligamgam na tubig mula sa shower sa aking walang saplot na katawan ay napapikit agad ako bago bumuntong hininga.

Matapos ang naging pag-uusap namin kanina ni Ann ay inayos agad namin ang flower shop.  Maaga rin kaming nagsara dahil sa family dinner namin ngayong gabi. Sinundo ako ni Tristyn sa flower shop at sabay na kaming dumiretso dito sa bahay.

My heart beat fast in pace since earlier. Pagkatapos kasi ng dinner na ito ay kakausapin ko Sina Mommy at Daddy para sa isang bagay na alam kong tama at dapat kong gawin kahit alam kong ikakadurog ko ito at dadalhin sa mahabang panahon.

Alam ko rin na hinding-hindi ako mapapatawad ni Tristyn sa gagawin kong ito, but this is for the best. Tama si Ann, and I couldn't stand cheating with him anymore. Mahal ko siya but it is not the right way to stay with him. Para akong nasa langit at impiyerno kapag nanatili pa ako. Langit dahil alam ko na mahal niya ako higit pa sa pagmamahal na binibigay ko para sa kaniya, he treat me as his Queen and give me everything I wanted, at impiyerno dahil sa kabila ng lahat ng ito ay purong kasalanan.

What we have is forbidden. A forbidden affair. May niloloko kaming tao. May masasaktan at magiging miserable dahil sa tiwala at pusong sinisira at winawasak naming dalawa. 

At yun ay ang kapatid ko.

Matapos kong magshower ay lumabas na agad ako para magbihis. I just wear my pajamas, blowerd my hair before going downstairs for dinner.

Pagkarating ko doon ay medyo maingay na, and the moment I stepped in the dinning area, I was stilled in my feet when I see the laptop at the center of the table with my sisters face on the monitor talking with him happily while our parents smile widely.

I felt my heart was clenched by a fist witnessing the pure Bliss that written on my sister's eyes while talking to her fiancé. Nakatalikod kasi sa akin si Tristyn kaya hindi ko makita ang reaction nito habang kausap si ate, but I know he is also happy. 

Parang sinasaksak ng libo-libong kutsilyo ang puso ko sa sakit. Feeling ko ay gutaygutay na ito habang minamasdan silang masayang nag-uusap kahit sa monitor lang ng laptop ni Mommy. I could see the love and longing on my sister's eyes. On her beautiful face.

"Let's plan the wedding when I got home, babe. I am so excited to design my own gown and of course the reception and the venue!" she beamed. "Do you already ask for a wedding organizer?" she asked afterwards.

"Not yet," he answered.

"Can I do it instead? I have a friend," she cutely said while clasping her both hands.

And there, the engagement ring that Tristyn gave to her before she left the country. A beautiful diamond ring that suits her hand very well.

Gusto kong maiyak sa sobrang sakit at selos. Gusto kong umalis at bumalik sa kuwarto ko para umiyak at mapag-isa. 

I should be happy for my sister, but how the fuck would I be happy? If it means thorning my heart pieces by pieces.

"Of course," I heard him said slightly chuckled which made my heart break more and realize that—I should do the right thing. The plan that lingered on my mind since earlier. A decision that will break the whole of me.

I will do it. I will finally do it, because I know that this is for the best.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status