Share

KABANATA 12

Dati, sabi ko sa sarili ko na hindi ako gagaya sa ibang mga babaeng naging kabit. Hindi ako tutulad sa kanilang manira ng relasyon dahil lang sa tawag ng laman. Hindi ako magpakababa dahil lang sa isang lalaking alam kong may sabit na.

Ang ipinagtataka ko, bakit nga ba nila nagagawa ang mga bagay na iyon? Bakit nila mas piniling maging kabit kaysa ang maghanap ng taong walang sabit? Bakit mas gusto nila ang manira ng pamilya o relasyon? Bakit hindi na lang sila maghanap ng taong mamahalin na walang ibang karelasyon, hindi ba? Bakit mas pinipili nila ang maging pangalawa? Na alam nating mali, hindi tama sa tingin ng iba.

I really hate being a mistress and I will never be a mistress. Yan ang tinatak ko sa isipan ko.

Noon.

Pero ngayon, hindi ko aakalain na magiging isa ako sa kanila. Hindi ko aakalaing mararanasan ko ang maging kabit at mas pinili na maging kabit na lang ng fianc&e

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status