Share

KABANATA 16

"Aalis ka?" tanong agad ni Ann nang sabihin ko agad sa kaniya pagkarating ko na siya na muna ang bahala sa shop habang wala ako.

"Kailangan kong umalis, Ann. Mababaliw ako kapag hindi ako nakaalis agad," sagot ko naman habang pinipirmahan ang iba pang dapat pirmahan bago ako makaalis.

Kailangan ko munang tapusin ang trabaho ko bago ako aalis ng bansa. Ayokong matambakan si Ann sa mga gawaing ako naman dapat ang gagawa.

"Saan ka naman pupunta?" tanong niya ulit na ikinabuntong hininga ko bago ko siya tiningnan sa mga mata.

"Hindi ko pa alam, pero kailangan kong umalis. Kailangan ko, Ann." Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maiyak muli dahilan upang lapitan niya ako sa kinauupuan ko at niyakap. "Ang sakit sakit na, Ann. Hindi ko na alam ang gagawin ko," hikbi ko habang hinahagod niya naman ang likod ko para patahanin ako.

"Hay naku, Keish. Ako ang nasasaktan para sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status