Share

Chapter 1 (On Life and Unit)

Nanlulumo si Astrid habang hila-hila ang maleta. Wala siyang nagawa kung hindi ang umalis sa apartment na tinutuluyan. Mahigit dalawang taon na rin siyang nangungupahan sa apartment na iyon at wala naman s’yang naging problema kaya hindi niya maintindihan kung bakit s’ya bigla pinalilipat ng may-a*i. Oo nga't paminsan-minsan ay na-la-late siya sa pagbabayad pero hindi pa*in sapat na dahilan iyon para bigla na lamang siya nito paalisin in short notice.

Naalala pa niya ang sinabi nito, uuwi raw ang balikbayang pamangkin nito at doon na manunuluyan sa apartment niya. Like she cared if balikbayan o kahit sa'ng planeta pa ito nanggaling. Pero ang unfair naman na paalisin siya. Nang magreklamo siya ay ibinalik nito ang one-month advance maging ang deposito para sa buwan na ito. Tapos ay humingi ng pasensya sa kanya. Pero nang pumayag siya ay kaagad-agad siyang pinag-empake dahil nagmamadali raw na makalipat doon ang pamangkin. Nang muling magreklamo ay dinagdagan nito ang pera na ibinalik sa kanya umalis lang daw s’ya nang mabilis doon. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango na lamang at umalis na roon. Ayaw na rin niyang makipagtalo pa.

Muli siyang napabuntong hininga ng wala siyang maisip kung saan pansamantalang tutuloy. Mabuti na lamang at weekend ngayon at wala siyang pasok sa private school kung saan siya nagtuturo. Sinubukan naman niyang maghanap ng paupahan pero lahat nang puntahan niya kundi puno ay may nauna na sa kanya. Inabot na siya ng ala-una ng hapon kakahanap ng malilipatan. Mahigit sampo na ang napupuntahan niyang paupahan ngunit bigo siyang makakuha ng apartment o kahit pa nga kuwarto lamang. Gaya ng karamihan ay kung hindi puno ay may nauna na sa kanya na lilipat.

Hinigit niya ang kanyang maleta papunta sa isang waiting shed. Naiinis na umupo siya sa isa sa mga bench sa loob. Sinubukan niyang tawagan si Ayesha ngunit nakapatay ang cellphone ng kaibigan.

Napapikit siya sa sunod-sunod na kamalasan na nangyayari sa kanya nitong mga nakalipas na araw. Pangalawang beses na siyang bumabagsak sa Licensure Exam for Teachers. Last week naman ay may nagreklamo sa kanyang magulang ng estudyante niya tungkol sa grade nito. Tapos na-delay pa ang sahod nila. At ngayon, wala siyang tutuluyan. Alam niyang kaunti nalang ang natitira sa ipon niya. 

Narinig niya ang pagrereklamo ng kanyang tiyan. Hindi pa nga pa pala siya kumakain. Kung sana... Kung nandito lang sana si Nich tiyak na...

She immediately shook her head to stop herself from thinking about that asshole na kung sa tutuusin ay kasalanan nito ang mga nangyayaring kamalasan sa kanya. Tatlong taon na ang nakalipas at kailangan na niya talagang mag-move on mula sa bangungot na dinala ng lalaki sa kanyang buhay.

Nahihiyang tumungo siya at kunwari’y kinalikot ang cellphone na naghihingalo na ang battery kapag may napatitingin sa pwesto niya. Huminga siya ng malalim nang muling sumagi sa isipan niya ang mukha ng dating asawa. 

Hindi na dapat niya iniisip pa ito. Alam niyang kung na saan man ito ngayon ay nagpapakasaya ito sa buhay mayaman nito. And yes, he's already a successful businessman right now. Nagbubuhay binata ang lalaki na hindi nya alam kung anong nangyari sa dalawa ni Tina at kung bakit nagkahiwalay ang mga ito. Wala naman na kasi siyang pakealam sa lalaki at kung ano mang nangyayari sa buhay nito. 

Nang muling kumulo ang tiyan niya ay tumayo na siya para maghanap ng makakainan. She was about to walk away when a black Lamborghini car stopped in front of her. Napamaang siya sa magarang kotse na nasa harapan. May lumabas na isang makisig at guwapong lalaki sa kotse at lumapit sa kinaroronan niya. Kaagad siya nakaramdam ng pagkailang. Nag-init ang pisngi niya nang tumingin ang lalaki sa gawi niya. Pinagpapawisan siya habang kunwari pinipindot ang cellphone. Kung ano-ano na lang ang pinipindot niya sa screen ng cellphone. Hindi na siya sanay na makiharap sa mga taong hindi niya ka-close kaya na-co-concious siya o kaya ay na-uutal. 

"You are Ashtrid Wayne, right?" the man asked her. Nahihiya man ay kunot noong binalingan niya ang lalaki nang banggitin nito ang pangalan niya.

She avoided his eyes. "I-I … A-Ashtrid ang n-name ko but m-my last name is Reyes not Wayne." 

"I see. I am Jakob Ladesma, Mrs. Elise Wayne's lawyer. Ring the bell?" he asked while taking off his sunglass. Lakas loob na sinalubong niya ang mga mata nito. And she was mesmerized with his aristocrat eyes. It's beautiful but Nich's grey eyes is the best for her. Mabilis na tumungo siya saka ipinilig ang ulo nang pumasok sa isip ang dating asawa. 

"G-Granny Elise Wayne? T-The grandmother of N-Nich?"

"Yeah. I'm here to settle things with you." 

"S-Sorry but Nicholas and I broke up three years ago. A-Ano pa ang kailangan mo sa akin?" she confusingly asked. 

She remembered Granny Elise, malapit sila sa isa’t isa. Sa pamilya ni Nich ay ito lamang ang nakakaalam ng kasal nila ni Nich. Nakakalungkot lang at hindi na niya muli ito nakita pa nang maghiwalay sila ng dating asawa. Kamusta na kaya ito? Nami-miss na niya ang kabaitan ni Granny Elise. 

Naputol ang iniisip niya nang muling magsalita ang abogado. "I'll explain it later. But first let us find a place to talk." suhestiyon ng attorney habang pasimpleng tinapunan ng tingin ang kanyang maleta at backpack. Humigpit ang hawak niya sa handle ng maleta saka namumulang sinundan ang abogado.

                                                                ***

Nanatili ang atensyon ni Ashtrid sa magandang plating at garnish ng pagkain na sa harapan niya. Ang isip niya ay lumulutang pa rin habang nagpapaliwanag si Att. Jakob. Ni hindi siya ganahan sa pagkain kahit na sobrang sarap ng inihain sa kanila. Maganda at classy ang restaurant na napili ng abogado para makapag-usap sila. Hindi rin niya kailangang mailing sa mga tao dahil sa dulo at sa tagong bahagi sila ng restaurant umupo. Marahil napansin ng abogado ang pagkailang niya nang pumasok sila sa kainan na iyon.

According to Att. Ladesma, Granny Elise is currently at the hospital. Halos hindi siya makagalaw sa pag-aalala para kay Granny. 

Ipinatong ni Att. Jakob ang isang card key sa lamesa na ikina-kunot ng noo niya bago tumingin sa mukha ng lalaki.

“A-Ano ‘yan?” 

“Card key. Granny Elise gave you a condo unit. Matagal na dapat iyan naibigay sa iyo kaso naging magulo ang lahat at ngayon lang ulit naasikaso dahil na rin sa kalagayan ni Granma.” 

 She was confused. Tinitigan lang niya ang susi. Bilin din daw ni granny na dapat siyang tumira sa unit na iyon kahit na anong mangyari. At gaga siya kung hindi siya magtataka sa mga nangyayari.

"Other than the said unit she also giving you some of her remaining properties. But I can't disclose those things right now. For now, iyon lang muna ang maibibigay ko." Jakob calmly explained.

Halos masamid siya sa mga narinig...some of her remaining properties?

Kaagad naman nag-explain ang kaharap na attorney who is by the way the cousin of her jerk ex-husband. Pero kahit na anong explain sa kanya ng maayos ni Jakob ay punong-puno pa rin siya ng katanungan. 

“Are you listening?”

Nakayuko siya. She’s unconsciously biting her lips. Ramdam niya ang titig ng lalaki sa kanya. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito. Natatakot siya sa kung saan. Hindi niya ma-explain basta hindi siya komportable na kausap ito. 

“And? Do you understand what I’d said?” Tango lamang ang isinagot niya habang lumilipad parin ang isip. 

“Do you have any question?” Pansin niya ang pagtaas ng boses ng lalaking kaharap kaya napa-angat ang mukha niya. Sinalubong siya ng iritadong mukha nito. 

“H-Huh?” She didn’t know how to start. Para siyang na-bobo bigla. "U-Uhm. K-Kasi matagal na kaming hiwalay ng kanyang apo kaya b-bakit ako?" she finally asked. 

But Jakob didn't give her a clear answer na mukhang kanina pa naman walang malinaw na kasagutan na ibinibigay sa kanya. Idinadaan siya nito sa technical at mga batas na hindi naman niya maintindihan. He let a deep breath bago muling nagsalita.

"Look Ashtrid alam kong pinalayas ka ng landlady mo at wala ka ring matutuluyan ngayon. You can't possibly afford an apartment right now. It's better kung tanggapin mo nalang ang unit. And don't worry because no one’s against to this." Kinabahan siya sa sinabi nito. Paano nito iyon nalaman? Mas updated pa ito sa buhay niya kaysa sa kaibigan niya. 

"P-Paano mo nalaman ang tungkol dyan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa lalaking kaharap.

"I'm not a lawyer for nothing, Ashtrid." Ngisi nito. 

Jakob cleared his throat. "Anyway. It's getting late already. And I think wala ka talagang matutuluyan sa ngayon. Kaya better if you accept the unit." 

What’s wrong with his attitude? Hindi ba nito maintindihan na ayaw niya na tanggapin iyon. Naiinis naman n’yang tiningnan ito. Hinding-hindi niya tatanggapin ang unit na iyon. Hinding-hindi s’ya tatanggap ng kahit na ano mula sa pamilya ng dating asawa. 

"Who told you na wala akong matutuluyan. I-I have my my –"

"Oh! Believe me your friend can’t help you right now."

Umahon ang pag-aalala niya para sa kaibigan. "A-Anong nangyari sa kanya?" utal na tanong niya sa lalaking tumayo na at naglakad papa-alis pagkatapos mag-iwan ng cash sa lamesa. Wala siyang nagawa kung hindi sundan ang abogado.

 “J-Jakob.”

 

Nang na sa parking lot na sila ay saka ito tumigil upang lingunin siya. "You don't have to worry about your friend you should worry more about yourself.” anito saka muling humarap sa magarang sasakyan nito.

"H-Hinding-hindi ko tatanggapin ang unit na iyon." matigas na pahayag niya. 

Tumigil ang lalaki at nawawalang pasensya na humarap sa kanya. "Fine. But, in case you need it. Call me." Matapos maibigay nito ang isang calling card sa kanya ay iniwan na rin siya ng antipatikong lalaki. Kinabahan siya nang mapansin ang ilang tao na nakatingin sa kanya at sa maletang dala kaya dali-dali na rin siyang umalis sa puwesto niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ulit siya maghanap ng matutuluyan. Dumiretso siya sa isang mumurahing hotel para magpa-book ng kuwarto. Dalawang hotel na ang pinuntahan niya at pare-pareho ang sinasabi ng mga ito— walang bakante. 

Kaya naman napipikon na siya nang kausapin ang ikatlong receptionist ng ikatlong hotel na pinuntahan niya. At tulad ng kanina ay kung ano-ano ang pinagtatanong sa kanya ng receptionist. 

"What's your name again, ma'am?" She frowned when a lady in lobby asked her name. 

"A-Ashtrid Reyes. Just a standard room, Ms." Napipikon na siya sa babae na kinakausap siya habang hawak ang telepono at tila may kausap na customer rin doon. Nawawala ang pagkamahiyain niya dahil sa inis na nararamdaman. Hindi rin nakatulong ang kaba niya dahil sa mga tao na nasa paligid. 

Ibinaba nito ang telepono at nakangiting humarap sa kanya. "I'm so sorry, Ma'am. But we're already fully booked. There is no available room right now." Fully booked? Matalim na tinitigan niya ito.

"E-Eh, bakit may patanong-tanong ka pa ng pangalan ko kung wala na pala!?" asik niya sa babae na bahagyang natakot sa taas ng boses ko. May mga katabi rin siyang customer na napatingin sa kanya kaya huminga siya ng malalim bago nai-ilang na binalingan muli ang eceptionist.

"I'm really sorry, ma'am. But it's a requirement of the hotel, for a security purpose." 

"Security purposes? Mukha pa akong threat—" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin imbis ay muli siyang huminga ng malalim. Breathe in. Breath out. 

"I'm really sorry, ma'am." nakatungo na paumanhin nito. Hindi na siya muling nagsalita pa. Tinalikuran na niya ang babae. This was the third freaking time na mabilis na na-fully booked ang tatlong hotel na pinuntahan niya and it was really pissing her off. It’s already eight in the evening at pagod na siya kakahanap ng tutuluyan. She sighed as she looked at the calling card on her hand. It seemed that she doesn't have any choice now but to accept the unit. Nanginginig pa ang mga kamay bago kagat-labi niyang tinawagan ang lalaki. 

Lakasan na siguro iyon ng loob kaysa naman matulog siya sa kalye. "H-Hello?"

"I'd been expecting your call, Ash. Where are you? I'll pick you up." mabilis na pahayag ng abogado.

"N-Nasa…” Iniikot muna niya ang mga mata sa paligid bago muling nagsalita. “Makati ako. Uhm, W-Wag mo na akong sunduin ako nalang ang pupunta d’yan." 

"No. Ayaw kong dagdagan ang pasa ko. Malapit na ako dyan. Wait for me." ma-awtoridad na wika nito bago ibinaba ang tawag. 

Nanghihinang napaupo siya sa bakanteng upuan ng isang kainan bago bumulong, “Para namang may choice ako.”

///

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status