Share

Chapter 4 (That's It)

Madilim pa nang magising si Ashtrid mula sa mahimbing na tulog. Kung tutuusin wala na siyang ma-irereklamo sa kuwarto na iyon— malawak at kompleto sa mga kagamitan— kaso hindi maipagkakaila na hindi siya komportable na makasama si NIch sa unit na iyon. Masusumbatan lamang niya ito dahil sa nakaraan nila. Pino ang mga kilos niya habang naghahanda sa pag-alis. Sinulyapan niya ang maleta at back pack sa tabi ng queen size bed bago tuluyang tumayo’t hinigit ang maleta papalabas ng kuwarto. Palabas na sana siya ng unit nang maramdaman ang paghapdi ng sikmura. Hindi pa nga pala siya kumakain. 

Feeling her hunger, she halted from walking, went in the kitchen instead, and immediately inspected the refrigerator. Nanubig ang bagang niya nang makita ang blueberry cheesecake sa ref. Pwede ana siguro iyon. Maingat at walang tunog na nagsalin siya ng brewed coffee sa tasa saka walang pag-aalinlangan na umupo at nagmamadaling kumain. Habang kumakain ay napansin niya ang kabuuhan ng kusina, malinis at maaliwalas ito. Lahat ng gamit ay naka-arrange ng maayos, puno rin ang mga grocery supplies ng mga cabinet. Natutuwa siya dahil mukhang responsible at organisado na ang lalaki. Nang matapos kumain ay tahimik na niligpit niya ang pinagkainan saka lumabas ng unit. 

Mukhang tulog pa rin ang lalaki. Hindi pa rin talaga morning person ito hanggang ngayon. Nagmamadali siyang naghanap ng taxi at nagpahatid sa pupuntahan. Kagabi ay naghanap na siya sa social media ng mga paupahan at sakto naman na may nakita siya. Agad niyang kinontak iyon na positibong ipinaalam ng katiwala na may bakante pa.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na siya at agad na kinausap ang katiwala. May katabaan ito at nakasuot ng uniporme na pang-tanod. Nakaladlad rin ang kulot at hanggang balikat na buhok nito. Nang magpakilala siya ay ngumiti ito pero agad rin iyon nawala sa sunod na sinabi nito.

"Naku. Pasensya na, ija! May na-una na sayo kanina eh. Nagbayad na ng dalawang buwan na deposito." Napa-kamot sa buhok ang ginang saka alanganing ngumiti sa kanya. 

Nagpanting ang kanyang tenga sa narinig. Not Again! "P-Po?"naniniguradong tanong niya.

"Pasensya na talaga, ija."

"A-Akala ko po maayos na ang usapan natin. Ayos lang sa akin kahit may…uhm…k-kasama ako kahit bed spacer ate. Okay lang sa akin." pagbabakasakali niya. Desperado na talaga siya. Alangan namang bumalik muli siya sa unit ni Nich at magdahilan na namasyal lang siya bitbit ang maleta. 

"Wala na eh. Talagang puno na. Pasensya ka na ha." Iyon lamang at muli itong pumasok sa unang palapag ng bahay nang tawagin ng anak nito mula sa loob. 

Wala siyang nagawa kung hindi ang umalis at magbakasakali sa iba. Ang kaso kahit sa kabilang bayan ay wala na raw na bakante. Pagod na pagod siyang pumasok sa isang motel. 

Oo, kahit motel. Dahil gustong-gusto na talaga niyang magpahinga at matulog.

Wala na talaga siyang choice dahil kahit hotel ay wala na ring bakante. Kung hindi nga lang nagpapaliwanag sa kanya ang mga ito iisipin na niya na may nagpapasunod sa mga ito para tanggihan s’ya eh. Pero sino naman ang mag-aabalang pasunurin ang mga ito para inisin siya? Ano ba naman siya? Sino ba naman siya?   

Hapon na at halos dalawang libo na ang kanyang nagagastos. Ayaw naman niyang bumalik sa unit na iyon kasama ang dating asawa. Ano iyon para lang siyang nag-round trip? She will never ever live in that unit with that man. Pumasok siya sa motel at kinausap ang receptionist na may kausap sa telepono at tatango-tango sa linya. 

"H-Hi! One room please." aniya saka pinatong ang buong isang libo sa counter. 

"I'm sorry, ma'am. But we don't have any room available tonight." paumanhin nito.

Again!?

Halos maglupagi siya sa harapan nito para bigyan lang s’ya ng kuwarto dahil pagod na pagod na talaga siya, bukod pa roon ay kanina pa siya pawisan. Gustong-gusto na n’yang maligo at humiga sa malambot na kama. Kung makikita lang niya ang mukha sa salamin alam niyang mukha na siyang iiyak. 

Kaso no epek dahil wala na raw talaga. Nakanguso na umupo siya sa waiting area roon habang nag-iisip kung saan siya tutuloy. Ipinatong niya ang maleta sa binti at doon ipinatong ang siko. Nakahalumbaba siya nang tumunog ang cellphone niya.

From: 09***

Come home, baby.

Kumunot ang noo niya sa mensahe. Pero agad rin niyang ibinalik ang cellphone sa bulsa nang maisip na maaring si Nich iyon o kung sino man na wrong send.

Ilang minuto pa siyang nakahalumbaba at nag-isip kung saan s’ya tutuloy nang nakarinig ng ingay sa bukana ng motel. Pero hindi niya pinansin iyon imbis ay frustrated na yumukyok siya sa ibabaw ng maleta niya. Maya-maya pa ay may pares ng sapatos na timigil sa harapan niya. 

"Let's go, Ash." 

Kaagad niyang iniangat ang ulo nang makilala ang boses ng lalaki. Bahagya pa siya natigilan nang makita sa harapan niya si Nich na naka-business suite pa at mukhang kagagaling lamang sa opisina. Bumungad sa kanya ang seryosong mukha nito. 

Umasim ang mukha niya at mabilis na tumayo at naglakad papalayo sa lalaki. Nawawalang pasensya naman na sinundan siya ni Nich at walang pasubali na binuhat siya na parang sako ng bigas. 

"Hey.” Kaagad na nag-init ang mukha niya dahil sa ayos. “P-Put me down you jerk! Help. Help me!" Pero hindi siya pinakinggan ng mga tao na tila kinikilig pa na nanunuod sa kanila. Nahihiyang itinago na lamang niya ang mukha sa likod ng lalaki. 

Sinubukan niyang magpumiglas pero balewala ang lakas niya kumpara kay Nich. Agad siyang ipinasok ng lalaki sa backseat ng kotse nito. Lalabas pa sana siya sa kabilang pinto nang mag-automatic lock ang pintuan ng kotse. Ilang saglit lang ay umupo ang lalaki sa tabi niya at seryosong tumingin sa mukha niya na may bahid na pawis. 

Nailang siya sa lalim ng titig nito at na-concious sa itsura niya. Tiyak na amoy pawis na siya saka nagmamantika na rin ang mukha dahil sa maghapong pagalalakad. Samantalang ito, ang sarap amuyin at daig pa ang model sa ayos. Pasimpleng pinunasan niya ang noo ng palad. Panigurado amoy araw na siya.  

"Let me. " Pinigilan ng lalaki ang palad niya saka magaan na pinunasan ang pawis niya sa noo ng panyo nito. Nakaka-inis dahil maging ang panyo ng lalaki ay ang bango. Hindi niyang magawang alisin ang mga mata sa mukha ng lalaki na busy sa pagpupunas ng pawis niya. Napapitlag na lamang siya nang maramdaman ang paghaplos ng kamay nito sa pisngi niya. 

"Huwag ka nang makulit, baby. Uwi na tayo. Hmmm," pagod na wika nito. 

Sasagot pa sana siya kaso natigilan siya dahil sa pagod na tono ng boses nito. Maya-maya ay pumasok ang driver nito na inilagay ang maleta niya sa trunk ng sasakyan nito. Bahagyang tumingin sa kanila ito bago nagsalita.

"Sir?" tanong nito.

"Sa unit, Ric." 

Marahas na nilingon niya ito saka nagsalita, "N-No. Hindi ako titira roon." Kunot noong binalingan siya ng dating asawa saka umiling.

"We are going home, Ash. Look at yourself dahil sa kakulitan mo baka magkasakit ka pa niyan. " May diin na sabi nito sa kanya na s’yang ikinatahimik niya. Hindi niya alam pero natakot siya sa paraan ng pagsasalita ng lalaki. Kaya naman buong biyahe ay tahimik siya. Hanggang sa makauwi sa unit nito ay hindi parin sya umimik.

"May pagkain sa kitchen. You should eat now. Pumapayat ka na dahil sa kakulitan mo." sermon pa nito sa kanya habang hila-hila ang maleta niya papasok sa kuwarto na tinulugan niya kagabi. 

"I'm not." Hindi na siya nag-abala pa na pumasok sa kuwarto. Alam niyang hindi siya mananalo sa lalaki. 

"As you say so. Go eat now." may diin na utos nito at dahil gutom narin siya ay kumain na rin siya. 

Wala siyang imik habang kumakain. Wala si Nich sa kusina mukhang nagpalit ng pamabahay na damit nito. Napabuntong hininga siya nang matapos kumain. Nang mailigpit ang pinagkainan ay pumasok siya sa kuwarto at nadatnan doon ang mga gamit.

‘Just for another night.’ she whispered while looking at her luggage.

Tanghali na nang magising si Ashtrid, hindi na niya naabutan si Nich na mukhang pumasok na sa kung saan. Nakahalumbaba sa lamesa siya habang nag-iisip ng pwedeng gawin sa sitwasyon. Wala talagang mangyayari kung siya ang lalayas at maghahanap ng titirahan dahil mukhang sinusuhulan ni Nich ang mga hotel at mga paupahan. Kaya naman kung hindi siya ang aalis ang lalaki ang paaalisin niya sa unit. 

Dahan-dahang pinihit ni Ashtrid ang door knob ng kuwarto ni Nich. Isang paraan lang ang naiisip n’ya para mapilitang umalis si Nich. At iyon ang ubusin ang pasensya nito at ipakita na mali ang ideya nito na makasama siya sa unit. She knew that it was a bad idea pero hindi talaga siya pwedeng tumira kasama ito. Sasabog at sasabog ang kinikimkim nag alit at inis niya sa lalaki. 

WIt's the perfect time for her plan lalo na at wala ito sa unit. Sumilay ang ngiti n’ya nang bumukas ang pinto sa kuwarto ng lalaki.

Bumungad ang malinis na kuwarto ni Nich. The room was filled with Nich's manly scent. Inilibot niya ang paningin. Humanga siya nang makita na ang kagamitan sa loob ay naka-arrange ng maayos. Maging ang kama nito ay malinis at walang gusot. 

She evilly smiled nang mapansin ang maliit na basurahan sa gilid. She was planning to mess up with his beloved room. Ikinalat niya ang laman ng trash can at ginulo ang ilang kagamitan sa loob ng kuwarto nito. She even jumped in Nich's bed. She didn't care if her plan was childish or would not go well, what's more important for her was to make Nich angry.

Maya-maya pa ay natigilan siya saka frustrated na napasabunot sa buhok. Ano ba ang ginagawa niya? Hindi naman siya ganoon ah? Hindi niya gagawin ang ganitong ka-childish na mga gimmick. Tinalo pa niya ang mga estudyante niya. Nanghihina na tiningnan niya ang kalat na ginawa niya saka bumuntong hininga. Ganito ba talaga ang epekto sa kanya ng lalaki? Hindi talaga maganda kung mananatili siya roon. Pagod na bumalik siya sa kuwarto niya. Mamaya na lamang niya ililigpit ang mga ginawa niyang kalokohan. Nag-send siya ng text kay Ayesha saka pagod na humiga sa kama. Tumitig siya sa putting kisame hanggang sa makatulog. 

                                                             ***

Nich was too exhausted and stressed the whole day. He needed to resolve the damn delayed auto parts for shipment abroad. They owned the multibillionaire company who imports auto parts across the Asia. He is the current C.E.O of the company and was also handling the international affairs. He also had a lot of investment in different renowned businesses in Asia. For the past three years, he really worked to be successful and responsible man. 

He had so many problems to deal with today not to mention her wife. He knew how difficult and awkward their situation was. And he knew also that Ashtrid would do anything para umalis s’ya sa unit na iyon. Na hindi mangyayari dahil hindi niyang hahayaan malayo muli ang babae sa kanya.

Nang makapasok sa unit ay dumiretso siya agad sa fridge he needed something to ease his stress. He looked with his moist carrot cake pero wala siyang nakitang cake sa loob. He sighed. It seems that Ashtrid was starting to test his patience now. Hinayaan na lamang niya ito 'coz he knew that this was nothing compare to what he had done to her. He just walked toward his room to change clothes but he almost screamed when he saw his room.

What the hell! He slowly walked around his room.

Parang dinaanan ito ng bagyo. There were scattered pieces of paper and parcel of junk. Nakatumba rin ang ilang gamit, maging ang kama niya ay magulo. Dali-dali s’yang lumabas ng kuwarto at malakas na kinatok ang katabing pinto. 

"Ashtrid. Open this damn door!" he shouted. 

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Ashtrid na mukhang bagong gising. "W-What's your problem?" She was looking disoriented. 

Agad na naglaho ang lahat ng pagod at pagkainis niya nang masilayan ang maamong mukha ng babae. Napalunok siya nang mapasadahan ang katawan ng babae. She was wearing a big t-shirt na tila naging dress sa babae. And he gulped when he saw her splendid legs. And he could feel his thing getting hard already. 

Fuck! Lumunok siya para pigilan ang sarili na halikan ito. 

"W-What?" inaantok na tanong nito. Hindi na niya napigilan pa ang sarili nang makita kung gaano kaganda ito habang kinukusot ang mga malalantik na mga matang nakatingin sa kanya. 

He immediately grabbed her waist and bent down to kiss her. Malakas na ininulak siya nito saka malutong na sinampal. Umalingawngaw ang tunog ng sampal nito sa kanya. Ramdam niya ang hapdi ng pisngi. 

“G-Gago! Anong akala mo sa akin? H-Hindi porke’t nakikitira ako dito ay pwede mo na akong bastusin. Ipaaalala ko lang na wala ka ng karapatan sa akin. Matagal ng wala simula nang gaguhin mo ako. Kaya get lost y-you. Y-you ASSHOLE!” sigaw nito saka siya pinagsakan ng pintuan. Bago tuluyang ma-isara nito ang pintuan ay nakita pa niya ang mga luha sa pisngi nito. He made her cry again.

He blinked and cursed when he realized his mistake. Ang gago niya. Sinabunutan niya ang buhok saka huminga ng malalim. Nang mahimasmasan ay kinatok niya ang pinto. 

“Ash? I’m sorry. I know…It’s my fault. Please, talk to me. Mag-usap tayo. Ash?” Ilang minuto pa siya naghintay na pagbuksan ng babae pero hindi ito nangyari ni hindi siya nito sinasagot.  Wala siyang nagawa kung hindi ang maglakad pabalik sa kuwarto niya while thinking how asshole he really is.

 /// 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status