Share

Chapter 9 (Frustrated Night)

Nich's jaw tightened when he saw the picture of Ash inside the bar. The picture was sent by Torrence who he asked to look for Ash. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi niya magawang tawagan at i-message ang babae dahil tinatapos niyang pag-aralan ang mga reports ng kompanya sa Settle. Masyadong marami siyang kailangan na gawin lalo pa at magkakaroon sila ng extension.

They were planning to extend the company in Singapore. Actually, it would take a month to study the extension of their company in Singapore. Pero nilalagari niya ang mga schedule n’ya para makauwi kaagad sa Pilipinas. Hanggang ngayon kasi ay inaayos pa rin niya ang gulo na ginawa ng mga magulang niya dati.

He missed Ash. Gusto na niyang yakapin ang babae hindi na niya kakayanin ang isang buwan. Kaya ang dapat na isang buwan ay ginawa niyang two weeks. Kahit na halos wala siyang pahinga these past few days. Mabuti na lamang ay nakakuha siya ng investor at makakatulong na kaibigan, who is Alastair Montague, a well-known billionaire in Asia. Katulong niya ito sa pag-aasikaso ng extension. Five years ago ay nakilala niya si Alastair nang mangailangan sila ng investor sa nalulugi na negosyo ng mga magulang.

'Damn, woman! Humanda ka sa akin.' He hissed as she looked at Ash clothes. Ash wore a fitted cream sleeveless blouse and a black denim skirt. Saan naman kaya hinugot ng babae ang damit na iyon?

Katatapos lamang nila kanina sa lahat ng kailangan para sa extension, kaya naka-schedule na talaga ang pag-uwi niya bukas. Pero nang ipa-abot ni Torrence na nasa bar ang babae ay agad niyang ipina-resched ang kanyang flight. The idea of her dancing with another man made his blood boiled. Talagang sinusuway s’ya nito. Kaya naman pala ay tuwang-tuwa ito nang umalis siya.

"Prepare the private plane. We're going home tonight." He ordered his secretary.

"Yes, Sir."

Meanwhile at the Craig's Bar.

"Happy break-up to me! Whoa!" Ayesha shouted. Pinipigilan ito ni Ashtrid sa pagsigaw. Siya ang nahihiya sa pagsisigaw ng kaibigan. Ni hindi nga niya alam kung anong sumapi sa kanya at pumayag siya na sumama sa babae. Kung tutuusin ay may takot pa rin siya na pumunta sa mga ganoong klase na lugar dahil sa nangyari noon. Natatakot siya nab aka maulit muli iyon.

Punong-puno ng tao ang bar. The dance floor was starting to get heated. Nagsisimula na rin siyang mahilo dahil sa ingay at na-inom. Wala naman talaga siyang balak na uminom kaso dahil sa inis kay Nich ay hindi niya namamalayan na nakakailang baso na pala siya. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin na message ito. Well, hindi niya pala alam dahil iniwan niya ang cellphone sa unit. Sa tingin niya ay nakalimutan na siya ng lalaki.

Maya-maya, naramdaman niyang may tumabi sa kanilang na lalaki na pilit hinhawakan ang beywang n’ya. Mabilis na umiwas siya sa lalaki at hinigit sa tabi si Ayesha na papikit na. Pero sinundan pa rin siya ng lalaki na kulay blonde ang buhok.

"Get off!" tili niya.

Pero hindi ito natinag at akmang yayakapin siya ng lalaking kasama nito nang biglang bumagsak ito sa sahig. Nakuha nila ang atensyon ng karamhan doon. Ang ilan sa taong nakapaligid sa kanila ay natigilan.

"Lay your finger with my wife again. And I'll kill you." Umalingawngaw ang galit na boses ng isang lalaki na nasa likuran niya. Kilalang-kilala niya ang baritonong boses ng lalaki na iyon.

Nanigas siya nang maamoy ang pamilyar na pabango na iyon. May brasong yumakap sa beywang niya mula sa likod at hinapit siya saka bumulong sa tenga niya.

"You okay, baby?" bagama't nahihilo ay nakikiliti siya sa hininga ng lalaki. Bigla ring nag-init ang gilid ng mga mata niya.

Hindi man niya aminin ay na-miss niya ang lalaki. Humarap siya rito at agad yumakap sa beywang nito at isinusob ang mukha sa mabatong d****b ng lalaki. Mangiyak-ngiyak siya habang lalong isinisiksik ang katawan at mukha sa d****b ng lalaki. Hindi siya naiiyak dahil sa walang kwentang lalaki na nangmambastos sa kanila kung hindi dahil na-miss niya ang lalaki na ilang araw na niyang iniisip. She really indeed missed his smell. Lalo siya nalasing sa mabangong amoy ng lalaki. Ni hindi na nga niya maasikaso si Ayesha na inalalayan na ni Jakob palabas.

Parang bata siya nakayakap sa binata at tila nagsusumbong na humikbi. Hindi niya alam pero mukhang epekto ‘ata iyon ng alak sa kanya. Mababa talaga ang alcohol tolerance niya  kahit noon pa man.  

"What's your problem, man!?" nalilisik ang mga mata na sigaw ng lalaking nasa lapag ng dancefloor habang pinupunasan ang labi na may tumutulong dugo. Tinulungan ito ng kasama saka matalim na tiningnan si Nich.

“The hell you care! You're touching my woman you dimwit!" Nich hissed again.

Mas humigpit ang yakap niya dito nang maramdaman ang galit ni Nich. Gusto pa sana niyang magpabebe at magsumbong sa lalaki pero nang maramdaman niya ang galit nito ay minabuti niyang pakalmahin ito. Nang maramdaman nito ang paghigpit ng yakap niya ay kusa itong kumalma.

"Jakob? You take care of that asshole, man" tapik ni Nich sa balikat ng kaibigan na ina-alalayan pa rin si Ayesha.  Binuhat siya ng pa-bridal style palabas ni Nich. Siya naman ay pinagkasya ang sarili sa pagsiksik ng mukha sa leeg at lihim na pag-amoy sa pabango nito.

***

Nich was so frustrated while he was trying to call Ashtrid. Kakabalik lang niya sa bansa but he was now driving to the bar dahil kay Ashtrid. Pagdating sa bar ay  kaagad umigting ang panga niya nang makitang may lalaki na pilit hinahawakan si Ash. Mabilis siyang nakarating sa puwesto ng mga ito at sinuntok ang lalaki.

Naramdaman marahil ni Ash na s’ya ang nasa likuran nito kung kaya't agad nitong ipinulupot ang braso sa beywang niya saka isinubsob ang mukha sa d****b niya na parang batang nagsusumbong. Gusto pa sana niyang basagin ang mukha ng lalaki pero naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Ashtrid kung kaya't binuhat na niya ito papalayo. Knowing her past hindi makakabuti sa babae na makita nito na nakikipagbasag ulo siya.

Pinaupo niya ng maayos ang babae sa front seat ng kotse niya at ini-ayos ang seatbelt nito. Tahimik naman itong pumikit doon. Tinitigan muna niya ito saka tinawagan si Jakob para ihabilin si Ayesha.

Maya-maya ay sinimulan na rin niya ang pagmamaneho ng sasakyan. Pero wala ‘atang balak patahimikin siya ni Ashtrid. Hindi makapag-concetrate sa pagmamaneho si Nich dahil sa kakulitan ni Ashtrid. Mukha itong naghahabol na bata dahil ayaw s’ya nitong bitiwan sa pagkakayakap. She was definitely drunk. Hindi n’ya tuloy alam kung matutuwa ba s’ya dahil sa ka-sweetan ni Ash o mauubusan ng pasensya dahil sa kakulitan nito.

Alam n’yang lasing ang babae kaya kakaiba ang kinikilos nito. Noon pa man ay kapag nalalasing ito ay nagiging sweet at makulit ito sa kanya at sa mga kaibigan. Hindi gaano kataas ang alcohol tolerance ng babae kaya nga ayaw niyang malalasing ang babae.

"Nich?" tawag nito sa kanya habang nangunguyapi sa braso niya.

"N-nich?" tawag muli nito. Sa likot nito ay natanggal na ang seatbelt nito.

Hinayaan lamang niya ang babae at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Binilisan niya ang pagmamaneho dahil baka hindi niya mapigilan pa ang sarili at m*******n niya ang babae.

"Baby?" natigilan siya sa tinawag nito sa kanya. Para s’yang tuod na dahan-dahang humarap dito habang binabagalan ang pagmamaneho.

Kinakabahan siya sa kakaibang ngiti ng babae sa kanya. Maya-maya pa ay halos ma-ibangga na niya ang kotse sa puno nang hawakan nito ang pinsgi niya at walang babalang inilapat ang mga lab isa kanya.

"Fucking Shit, Ashtrid!" singhal niya sa babae na nakangisi lamang habang siya ay halos mamatay na sa kaba nang halos maibangga ang kotse dahil sa ginawa nito.

He might lose his self-control kapag inulit iyon ng babae. "You wo---" natigilan siya nang nakapikit na muli ito. He sighed in relief. This would be a long night for sure.

Himala na nakapagpigil si Nich na muling halikan ang buhat-buhat na babae. Mahimbing na itong natutulog sa braso niya. Maingat na inihiga niya ito sa kanyang kama at hinubad ang heels nito. He sighed first before he stood to get some towel and water for her. Mukhang kailangan n’ya talagang habaan pa ang pasensya para kay Ashtrid. Nang makabalik ay nagmamadali niyang nilapitan at inalalayan ang babae na nagpupumilit na pumuntang C.R.

"Nasusuka ako," nahihilong wika nito habang nakakapit sa kanyang mga braso. Halos gumapang na ito kanina.

Agad niya itong binuhat patungong C.R. at hinimas ang likod habang nagdududuwal sa lababo. He gave her towel and a glass of warm water.

"You okay, baby?" nag-aalala niyang tanong habang pinupusod ang mahaba nitong buhok.

Tumango naman ito. Binigyan niya ito ng mouth wash para mawala ang lasa ng suka nito sa bibig at muling inilalayan para makatayo ng maayos.

"Could you wash yourself?"

Ashtrid nodded. "Here,” He handed her a towel, toiletries, shorts, undergarments and his oversized t-shirt. “Go wash yourself para medyo mawala ang kalasingan mo." bilin pa niya. Gusto pa sana niyang alalayan ito kaso ay tumanggi na ito.

"Thank you," she said before closing the door.

Agad niyang nilapitan si Ashtrid nang nahihiyang lumabas ito sa c.r.na pilit ibinababa pa ang damit niya na umabot sa kalahati ng binti nito. She was wearing an oversized t-shit. And she looked damn sexy on his t-shirt.

"How are you feeling now?" tanong niya rito habang pinapasadahan ang katawan nito ng tingin. Mukhang okay na mana ito.

He was starting to feel hot because of Ashtrid. Nang maglakad ito ay napansin niya ang pagsapo nito sa ulo at bahagyang lumapit sa kanya. It seems the bumalik ang pagkalasing nito. Muli niyang binuhat ito at pinaupo sa tabi ng kama. Agad siyang kumuha ng hair blower at sinimulan tuyuin ang buhok nito habang nakatingala ito sa kanya.

He was in front of her drying her hair. Lumalamlam ang mga mata nito ng hawakan niya ang mukha nito upang igaya palapit sa hair blower. But he nearly cussed when she hugged him. Isinubsob nito ang mukha sa tiyan n’ya. He immediately felt his boner. This was a torture for him.

"Ash, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Damn it, baby. Please stop torturing me. May nagagalit sa ginagawa mo," bahagyang lumayo ito sa kanya at ini-umang ang dalawang braso sa kanya na parang bata na nagpapakarga.

"I want a hug," nakabusangot nitong pahayag. He sighed as he looked at her cute face. Hindi niya kayang tanggihan ang babae.

///

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status