Share

Chapter 2: Come with me to the Academy

DALAWANG araw na ang nakalipas nang umalis si Ayla at bumalik sa dagat ngunit hanggang ngayon ay ‘di parin siya bumabalik. Gumawa na rin ako nang maliit na pasilungan na gawa sa sanga’t dahon ng buko at saging. Pansamantalang pagsisilungan ko kung magkakaroon man nang pag-ulan habang hindi pa bumabalik mula sa ilalim ng dagat si Ayla.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumabas sa maliit kong pasilungan upang maghanap ng makakain, nakaramdan na kasi ako ng paghapdi ng aking tiyan.

Pumasok ako sa loob ng gubat at nagmasid-masid, nagbabakasakaling may makita akong pwede kong kainin. Kuminang ang aking mga mata nang may nakita akong isang puno na may maraming bunga, dali-dali akong pumunta doon at inabot ito. Hindi ko alam kung anong klaseng bunga ang nakuha ko ngunit hindi naman ito mukhang may lason dahil sa kulay nitong dilaw, at hugis. Masaya kong pinagkukuha ang mga bungang naaabot ko at inilagay sa damit ko na ginawa kong pangsukbit.

“Siguro tama na’to hanggang mamayang gabi,” ani ko sa sarili. 

Bumalik ako sa aking maliit na pasilungan at doon sinimulang kinain ang mga bungang nakuha ko mula sa loob ng gubat. Masaya ko ‘tong kinakain at hindi na pinansin ang buong paligid.

Napahinto ako sa pagkain nang may nakita akong isang anino ng tao mula sa labas ng ginawa kong pasilungan. Nakatayo lang doon at hindi manlang nagsasalita. Napalunok ako at nakaramdam ng kaba.

‘May tao sa labas’ sambit ko sa sarili.  At tiyak kong hindi si Ayla ang nasa labas kundi ibang tao. Baka hindi din tao at isang halimaw. Naalala ko pa ang sinasabi ni Ayla na walang tao sa mundong ‘to.

Hindi na ako umimik at pinagmatyagan ang susunod nitong kilos, ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay agad din itong umalis.

Huminga ako ng malalim at nakaramdam nang ginhawa dahil sa pag-alis nito. Hindi kasi makikita ang nasa loob ng pasilungang ginawa ko dahil pinagtagpi-tagpi ko talaga ang dahon ng saging upang walang makakita kung ano sa loob nito. Kahit walang tao sa dalampasigan maliban sa mga sirena na umaahon ay dapat na maging maingat pa rin ako.

Naisip ko bigla ang Mommy at Daddy. Kamusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako? Ang mga mga kaibigan ko? Hinahanap din ba nila ako? Malungkot ba sila no’ng nawala ako? Makakabalik kaya ako sa’min? Hays.

Umiling ako dahil sa naisip at tinapik ang dalawa kong pisngi. Kahit walang paraan upang bumalik, gagawa pa rin ako ng paraan upang makabalik.

***

“Mayi?” nagising ako nang marinig ang boses ni Ayla.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang makita ko siyang nasa harapan ko.

Wala na siyang buntot at nagkaroon na ng mga paa. Nakasuot na rin siya ng isang uniporme.

“I’m sorry for waiting you for so long. How are you? Are you hungry?” sabay-sabay niyang tanong.

Umiling ako, “No, I’m okay. Thank you for coming back,” mahina kong ani.

Ngumiti siya sa naging tugon ko.

“By the way, I told the Queen about you and your situation,” pag-iba niya sa usapan.

Tiningnan ko siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

“She told me that I must help you, until you can go back to your clan.” patuloy na sabi nito.

Ngumiti ako sa sinabi niya.

“Thank you,” mahinahong ani ko, and gave her a warm smile.

She smile back at me, “For the time being, you and I will be together!”

While saying those words, Ayla’s face cannot hide her excited expression. 

“So I decided to enroll you in the Academy, where I currently attending!” Masaya niyang sambit. Nagulat ako sa sinabi niya at ‘di kaagad nakapagreact.

“Huh?” tanging sagot na lumabas mula sa bibig ko. 

“Don’t worry, the interview are not difficult. You can easily enter with your current strength,” paliwanag pa nito. 

Tinitigan ko siya kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo. Ngunit nadismaya ako nang makita ang reaksiyon niya.

Ako? Papasok sa Academy na pinapasukan niya? ‘Di pa nga ako nakarecover sa kaniya, sa iba pang nilalang pa kaya?

“I think I forgot to ask you something,” nilingon ko siya.

Abala siya sa pag-iisip sa nakalimutan niyang itanong sa’kin. Kumunot din ang mga noo ko dahil sa sinabi niya.

Ano naman ang nakalimutan niyang itanong sa’kin?

“Mayi---” seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa’kin.

 “What race do you belong?”

Nabato ako sa narinig ko mula sa kaniya.

Ilang sandaling tumahimik ang paligid at tanging ingay lang ng alon mula sa dagat ang maririnig.

Crap!

Ano’ng sasabihin ko? Hindi ko napaghandaan ‘to. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ‘I’m human and from the human race’ dahil ‘di naman nag-eexist ang uri ko dito sa mundong ‘to.

Sinulyapan ko siya na ngayon ay naghihintay ng isasagot ko. Anong isasagot ko? If there’s a god here please help me just this once.

“Mayi, someth—”

“Ayla! Why are you taking so long? We’re gonna be late if you stay there any longer!” Napatingin kaming dalawa ni Ayla sa labas nang marinig ang sigaw ng isang babae.

Doon, makikita ang babaeng sumundo kay Ayla noong nakaraang araw. Papalapit siya sa kinaroroonan namin habang ang mga mata niya ay nanlilisik na dahil sa pagka-irita. 

Napahinga ako ng maluwag dahil sa pagdating niya. Thank god, you save me.

“Wait a moment, June,” ani ni Ayla at hinawakan ako sa kamay. “Come with me, Mayi. You’re safe if you’re gonna stay with me,” pagpapatuloy niya.

Hindi na ako nagdalawang-isip at agarang tumango. Ngumiti naman nang napakalaki si Ayla sa naging desisyon ko. Wala naman kasi akong pagpipilian dahil hindi ko alam ang mundong ‘to saka hindi naman masama kung sasama ako kay Ayla dahil mukha naman siyang mabait.

“Great! Let’s go!” masayang sabi niya at agad akong hinila palabas ng ginawa kong pasilungan.

“This woman are coming with us?” irita na salubong sa’min ni June nang makitang magkasama kami ni Ayla.

Kagaya ng una naming pagkikita, tiningnan niya ako ng may pandidiri.

“What’s with that reaction, June?” tanong sa kaniya ni Ayla nang mahalata nito ang pinapakitang pagkadisgusto sa’kin.

“You don’t even know her true origin yet you’re taking her with us!” June exclaimed. 

“If you don’t wan’t to go with us, just go. Don’t complain and insult her,” dipensa ni Ayla.

Natahimik si June at tiningnan ako nang masama bago umalis.

“Don’t mind her, Mayi. She’s just like that,” pagpapagaan ng loob na sabi ni Ayla.

Nginitian ko lang siya, “Don’t worry, I don’t mind at all.”

“That’s good. Then let’s go?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status