Share

Chapter 16: Trouble Again!

“Ms. Mayi, please stand and made a par with your classmate.” Tumayo ako at naglakad papuntang gitna, kaharap ko ngayon ang kaklase kong si Lina na kalahi ni Ayla. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumisi.

Huminga muna ako ng malalim at itinaas ang kamay ko, nagtaka siya sa aking ginawa. Nilingon ko ang guro namin, “Sir, I porfeit.” Walang gana kong ani.

“Are you sure? This will be recorded in your grades. I’m telling you this sparring is no joke.” tanong nito sa ‘kin.

Tiningnan ko siya na determinado talaga akong umatras sa sparring. Ano naman ba ang laban ko sa kanila kung ‘di ako aatras. Mahal ko pa ang buhay ko at ayaw kong isugal sa hindi ko naman maipapakinabangan. “Yes, Sir.”

Nauna akong bumaba sa stage at ‘di pinansin ang masamang tingin sa ‘kin ni Lina. Sa tingin niya kasi ay naaapakan ko ang pride niya bilang isang sirena. Ngunit iba naman ang rason kung bakit ako umatras. Kalmado akong naupo sa wooden chair at pinanuod ang susunod na mags-spa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status