Share

Chapter 24: Hunting Festival?

Third Person Point of View

Ilang araw ang nakalipas, marami ang nagtataka at nagbago. Sa klase ay magdamag na natutulog si Mayi hindi alintana ang galit at sumisigaw sa Propesor hindi din siya magising-gising kapag ginigising ng kaniyang katabi sa klase kaya madalas siyang napupunta sa guidance office.

Bumukas ang pintuan at lumabas doon ang matamlay na si Mayi, bumuntong-hininga ito at dahan-dahan na naglakad. Napapakamot siya sa kaniyang noo at minsan ay humahangos at hinahawakan ang ilang parte ng katawan. Naglabas muli siya ng malalim na hininga at tiningnan ang palad na maraming sugat, kinuyom niya iyon at ‘di alintana ang mahapdi na sugat.

“Kailangan ko pang mag-ensayo ng maayos, nahuhuli na ako sa klase.” Mahinang aniya nito sa sarili. Hindi lang kasi ang pagtulog nito sa klase ang rason kung bakit siya pinatawag sa guidance office, sinabihan siya ng kaniyang propesor sa Physical Education na kapag hindi pa niya mahahabol ang performance ng k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status