Aster Point of View“T-Thank you f-for saving u-us.” I looked at the little girl fidgeting her hand while thanking Mayi, her face is red that will show that she was shy. Habang tinitingnan sila ay nakita ko pa kung paano titigan ni Lu si Mayi, kinamot ko ang aking noo at lihim na napangiti. Huli na nga sa action ngunit dinedeny pa. Tiningnan ko ang sugat na nasa aking siko na natamo ko matapos maramdaman ang paghapdi nang igalaw ko ang aking braso. Agad kong pinunit ang laylayan ng aking damit at tinali iyon sa ‘king sugat dahil hanggang ngayon ‘di pa rin tumitigil ang pag-agos ng dugo mula sa sugat. Hindi ko kasi napansin ang paglapit ng isang demonyo sa ‘king kinaroroonan dahil sa gulat ng makita ang sitwasyon ni Mayi kanina. Hindi naman masyadong malalim ang natamo ko ngunit hindi ‘din masyasong mababaw idagdag pa ang mahabang korte nito na mula sa ‘king balikat hanggang siko.Bago umupo sa isang malaking ugat na malapit sa ‘kin ay nilingon ko muna ang kinaroroonan nina Mayi, nataw
Third Person Point of ViewMakulimlim ang paligid at tanging tunog ng mabibilis na yapak ang maririnig sa loob ng gubat, humuhuni ang mga kulimlim kasabay ng pagtunog ng mga tuyong dahon kapag naaapakan. Mabilis ang bawat hakbang na ginagawa nang grupo ng dalaga habang akay-akay ng kanilang leader na si Aster ang sugatang kasama na elf, namumutla ang balat habang may mga linyang kulay ube na kumakalat sa buo nitong katawan. Taranta ang lahat at kinakabahan sa nangyayari, walang kibo naman ang mga bihag na sumusunod sa kanilang likuran na binabaybay ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Samantala, nakakunot ang noo ng dalaga habang pasulyap-sulyap ang tingin sa katabi na pasikretong naghahabol ng hininga. Ilang minuto pa ang nakalipas mabilis na inalalayan nito si Sy na muntikan nang matumba. ramdam ng dalaga ang panginginig ng katawan ng lalake. “Thanks,” Pasalamat nito sa dalaga bago siya tumuwid sa pagkakatayo. Nagtaka ang dalaga sa kinikilos nito ngunit hindi na pinansin pa dahil n