Rental Billionaire in Disguise
Rental Billionaire in Disguise
Author: DoctorSanctum
ANG GAWAPON BERSYON NI KAMATAYAN

UNANG KABANATA

“Gaga.” Nakokonsumeng napahilot ako sa may sintido. Hindi ko alam gagawin ko sa kaibigan ko. Kaya pala nakakapagtakang napakaganda’t payapa ng gising ko’y ito pala ang bubungad sa akin. Jusko! Marimar!  Sumaryosep, iniwan ng jowang busangkol, hayun at ayaw na daw mabuhay.

Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba akong makonsume o mamroblema sa love life niya juno gayong ni hindi ko nga kasundo iyong jowa niya na ito! Sumaryosep! 

“Hindi ko kayang mabuhay ng wala si Jorge, Clay!” Palahaw na iyak ni Anna sa loob ng kwarto ko.

Mabuti na lang at wala si Mama, mamaya kung ano pa isipin nun, kesyo inaaway ko na naman si Anna. Sa ganda ko ba namang ito? Haler! Alam kong may pagka-bully ako minsan, but I am a bully with a class! Ganern! Pero anak ng sampung tokwa! Naestress ako sa bruhang ito!

“Gaga ka ba?” Pinameywangan ko siya. “Hindi mabubuhay? Ano siya oxygen? Air? Life support? Water? Nahiya naman sila kay Jorge, at ano bang pinagsasasabi mo? Bakit mo ba iniiyakan ‘yung impakto na ‘yun? Jusko Anna, you stress me! Ang ganda-ganda mo, pero nagpapakatanga ka sa lalaking yun!”

Kulang na lang panliitan ko siya ng mata dahil dun sa iconic line na naman niya!

“Mahal ko siya, Clay! Puso ang nagmamahal, hindi mata!” Mabilis na depensa niya sa kabila ng bawat pagiyak.

“That makes you gaga! Iba naman ‘yung nagmamahal sa nagpapakatanga para sa gagong Jorge na ‘yun.” Diretsong saad ko with flipped hair. Stress lang dapat, pero do not ever forget your class, bitches.

“W-wala kang alam, Clay! You haven’t even had a boyfriend before!”

Nagpantig naman ang dalawa kong tenga dahil sa sinabi niya.

Anak ng teteng! Hinahamon talaga ako  ng babaeng ito! Pero that’s a fact, si Mamsie naman kasi nagiging dragon, at witch kapag may lumalapit sa aking lalaki. Jusko, mas malala si papsie na kulang na lang maging si Hulk, nagiging mabagsik! Isa pa! Si Carlos, yung kapatid kong ako nga ang panganay, pero kulang na lang ipalibot sa akin ang great wall of china. Sobrang luwag nila, See?

“P-pero mas madami naman akong alam! I don’t need to have a boyfriend para malaman ang pinagkaiba nun, Anna!” Nakabusangot na sagot ko sa kaniya.

“Iba padin ang experience! Wala ka pa ding experience!”  Madiing saad niya pabalik.

“Anak ng! Sinusubukan mo talaga ako, ano?!” Nagtitimping pinanlakihan ko siya ng mata.

“Bakit ba kasi ang bitter-bitter mo, wala ka pa namang nagiging jowa!”

“Meron!” Tipid na sigaw ko habang naguusok ang ilong. Walang pipigil sa’kin!

“Iba ang crush sa jowa, at mas lalong iba ang libro sa realidad, Cleya!”

Napanganga naman ako doon.

“Anak ng santisemang kabayo! Inaaway mo ba ako?! Sagot!”  Hindi makapaniwalang saad ko.

“Oo! Inaaway mo kasi si Jorge ko!”

At talaga namang dine-depensahan niya pa ang kumag na iyon!

“Please, pakilagay ng was, baka nakakalimutan mo, break na kayo, Annastasia.” Puno ng diing pagpapaintindi ko sa kaniya.

Tila naman natameme siya pagkatapos kong ipaalala ang bagay na iyon.

“Alam ko.” Mabilis siyang nagiwas ng tingin bago sumalampak ulit sa may higaan ko.

I know that I am harsh with her, pero kahit gaga ‘yan minsan kaibigan ko padin siya. Ayokong makitang nagpapakatanga siya sa isang lalaking gagaguhin lang siya sa huli. ‘Yung kupal na Jorge na ‘yun? Una pa lang talaga iba na ang kutob ko, pero dahil mukha namang masaya itong gagang ito sa kaniya. I let them be, pero walangya! Ang ganda-ganda ni Anna, balingkinitan, makinis, at matalino, hindi ko alam na maghahanap pa pala ng ibang tilapia ang gago na ‘yun!

Lilitikin ko talaga sila ng kabit niya!

“Gaga na ‘to, iiyakan mo pa ‘yung kumag na ‘yun, pero infairness mas maganda ka dun sa bruhang pinalit niya.” Komento ko kapagkuwan.

“Clay!”

“Bakit? Gusto mo bawiin ko?” Paghahamon ko sa kaniya.

“S-syempre hindi.” Nangungusong turan niya.

“Madali ka naman palang kausap.” Hagikhik ko bago tabihan siya sa may kama. “Ano ba kasing nangyare? Enlighten me ganun ng hindi ko laitin ‘yang Jorge na yan, pero kalait-lait naman talaga siya lalo sa ginawa niya sa’yo.”

Nakita ko namang inirapan niya ako. Other than that hindi na siya nagbigay ng iba pang komento. Ilang minuto ang lumipas bago siya tuluyang mag-open sa akin. 

“He told me that it is just his fucking friend, gago.” Nangatal ang mga labi niya, pero walang iyak akong narinig kay Anna. “Kaibigan o Kalandian? Yawa, may magkaibigan bang naghahalikan? Kulang na lang lulunin ‘yung dila! Mga depunggal na animal!”

“O, nung nakita mo anong ginawa mo?” Tanong ko sa kaniya.

“W-wala.” Nakayukong nguso niya.

“Anak ng pitong tupa! Akala ko pa naman sinubsob mo na sa pader, jusko ka Anna, ikaw ‘yung niloko! May karapatan kang kalbuhin ang bruhilda na ‘yun!” Naeestress na pinanlakihan ko siya ng mata.

“Ayoko ng gulo, Clay-”

Mas nadagdagan ata stress ko dahil dun sa sagot niya.

“So? Hahayaan mo na lang na ganunin ka na lang nila? Sandali!” Nagtitimping saad ko.

Mabilis pa sa alas-kwatrong sinuot ko ‘yung tsinelas ko. Mabuti na lang at wala na akong klase ngayon, napostpone ‘yung isa dahil absent ang professor naming sa ethics. Kinuha ko ‘yung  maliit kong bag bago tumalima papunta sa may labas ng kwarto ko. Kinuha ko ‘yung baseball bat na ibinigay sa amin nung minsang magtraining ako sa varsity ng school.

“Saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos, Clay!” May pagtataka ma’y nakita kong sumunod sa akin si Anna.

“Maniningil.” Tipid na saad ko.

***

NEXUS BLDG CLEMENTARIO, EAST AVENUE [ 204 STREET]

“Manong, dito na kami!’ Mabilis na lumabas ako sa may taxi. Hindi ko na kinuha ang sukli ko total piso lang naman ang butal.  Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Anna nang mabungaran niya kung nasaan kami ngayon.

“Gaga ka ba? Clay umuwi na tayo, gaga ka anong ginagawa natin dito?” Ilang beses siyang napalunok.

Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy na dumiretso ako sa loob ng building. Nexus, alam ko kung bakit takot na pumunta dito si Anna. Building ito na pagmamay-ari ng ibang gangs, minsan tambayan ng mga drug cartel. Dati itong apartment complex, pero ipinasara dahil sa mga ‘yun. Madaming sabi-sabi, at balita tungkol sa lugar na ito, pero wala akong pakialam, babanatan ko pa ‘yung Jorge na ‘yun!

Minsan ko ng nakitang tumambay sila dito nung nakaraang  araw. Sa tantya ko, ito na ang naging tambayan nila, paniguradong hindi na ito pinupuntahan nung mga dating umuupa dito. Pinabayaan na din ito ng may-ari, isang chinese na mukhang walang balak na iparenovate pa ang lugar.

Hindi pa man ako nakakarating sa ikalawang palapag nang marinig ko ang boses nila.

“Clay…” Tawag sa’kin ni Anna. “Umuwi na tayo, Gaga.” 

“Diyan ka lang, uupukan ko pa ‘yung Jorge na ‘yun dahil sa ginawa niya.” Inamba ko pa ‘yung bat sa mga palad ko bago magpatiuna.

Hindi na ako napigil pa ni Anna. Taas-noong nagmarrtsa ako papunta sa kinaroroonan nila, hindi nga ako nagkamali, nandun sila Jorge, pero mahabaging langit, sino ang nagunang gumulpi sa kaniya?!

“Gago…” Natameme naman ako kapagkuwan.

Basag ang mukha niya,nagdurugo din ang kanan niyang labi, at putok ang mata. Ang rungis niyang tingnan kumpara dun sa pormahan niya sa school. Ang mas ikinagulantang ko ay ang baril na nakatutok mismo sa may ulo niya habang mangiyak-ngiyak na nagmamakaawa.

Mayroong apat na lalaki na nakapalibot sa kaniya. Isa doon ang may hawak kayJorge habang ‘yung iba naman ay tila mga pader na sinisiguradong hindi siya makakaalis. Pormal ang mga suot nila, at sa relong nasa may pala-pulsuha’y hindi ako maaaring magkamali na galling sila sa mayamang pamilya. Hindi naman kasi nabibili ang rolex sa mga bangketa, alam ko ang pinagkaiba ng peke sa orihinal na brand.

Gusto kong panawan ng ulirat sa mga sandaling ito. Nanlalamig ang buong katawan ko dahil sa butil-butil ng pawis sa may noo. Nananalangin na ako sa mga santo na sana huwag umeksena ang mahadera kong bestriend ngayon pa lang!

“Who is she?” Mas lalo akong napako sa kinatatayuan ng manindig ang balahibo ko dahil sa baritonong boses na iyon.

Napakalalim nito na parang ginagalugad ang kaibuturan ng pagkatao ko. A-ang sexy! Jusko, it is not time for harot, pero sinong hindi haharot? Pasimple kong nilingon kung saan man nanggaling ang boses na iyon, pero nakaharang ang apat na lalakeng nasa harapan ko.

Nakasimangot na tinapunan ko sila ng tingin, pero tila ata nabasa nila ang nasa isip ko ng isa-isa silang tumabi, and there in front of me stand a man.

He has a black, yet long hair na tila bumabagay sa singkit, at mala-chinito niyang mata. He owned the most deepest blue eyes that I’d ever seen in my life. His lips are reddish in color, but they appeared more manly while in that straight firm line habang magkasalubong at nagbabaga ang kaniyang mga kilay. Ang tindig at hulma niya ay tila ba’y nagsusumigaw ng labus  na perpeksyon. Hindi ko maiwasang hindi manliit habang ang mga tingin niya’y nakapukol sa aking direksyon.

“Who are you?” Pag-uulit niya muli.

“I-I’m—m..I-I’m…” Halos magkandabulol ako sa pagsasalita.

Yawa! Bakit ngayon pa ko nabulol?!

Nakita ko naman ang mabilis na pagkunot ng noo niya.

“I-I’m your…y-your..” Makisama kang dila ka!

“My what?” Nagsimula siyang maglakad patungo sa kinaroroonan ko.

Binundol ng kaba ang dibdib ko bago wala sa sariling napasigaw.

“I’m your baby!” Nanlalaki ang matang natampal ko ang mahadera’t maharot kong bibig. Kagyat akong pinamulahan, pero hindi ko iyon ipinahalata.

Nakita ko naman ‘yung nanunuklaw niyang mga tingin na mas lalong nakadgdag sa kabog ng dibdib ko. Kung hindi k aba naman dakilang maharot, Clay! Jusko! Pero kung ito ba namang kumag na ito ang nasa harapan ko? Tatanggi pa ba ako? Manok na ang lumalapit sa palay!

“Leave.” Maawtoridad na saad niya.

Napamulagat ako. Aba! Siya pa ang choosy? Ako na itong palay ang nagaalay, tuka na lang ang kailangan. Hindi porket mala-griyego ang tindigan niya’y gaganituhin niya na lamang ako! Aba!

“Hoy, hindi porket--” Pero mabilis din sa akaskwatrong napatigil ako nang bumunot siya ng baril. “S-sabi ko nga aalis na.” Maamong tupang tiklop ko.

“C-clay—“ Tawag ni Jorge na mukhang hinag-hina na.

Nakalimutan ko na siya nga pala ‘yung mismong pakay ko. pero dahil may nauna na mukhang sa ibang araw ko na lang siya papatikimin ng kamadag ng hawak kong bat. Wala sa sariling tumalikod ako ng maging mabagsik na naman ang itsura ng lalaki, at wala sa loob na naglakad ako paalis.

Sayang ang Zeus na iyon!

“Gaga—“Mabilis na tinakpan ko ang bibig ni Anna.

Sa kabila ng pagtataka’y tumalima din siya sa akin, at nagpatianod habang hawak ko ang kaliwang palapulsuhan niya. Walang lingong-likod na pumara ako ng taxi paalis sa lugar na ‘yun.

“Anong nangyare? Nasaan si Jorge? Hindi mo naman siya tinuluyan, di ba? Gaga, huwag kang papatay!” Eskandalusang pinagalitan niya ako. “ Sinabi ko naman sa’yo na hayaan mo na—“

“Nabugbog lang siya, nakakalakad pa naman, and take note hindi ako ang gumawa nun sa kaniya.” Pagsingit ko sa sermon ni Anna.

“Kung hindi ikaw, sino?” Kunot-noong tanong ng mahadera kong bestfriend.

“’Yung gwapong version ni Kamatayan.” Hagikhik ko ng sumagi na naman sa isipan ang itsura ng lalaking singkit na iyon. Gwapo, pero mukhang pinaglihi sa sama ng loob.

'Magkikita pa kaya kami?' Pantasya ng maharot kong isipan.

@cycy

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status