PROLOGUE
“Are you kidding me?” natatawa na ani Dalea. Sinubukan ko siyang hawakan pero agad niya akong itinulak, sapat para mailayo ako sa kanya. Nagmamakaawa akong napatingin kay Nashe ngunit tulad kay Dalea ay sarado rin ang kanyang tenga.
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng dumapo ang mga palad ni Dalea sa mga pisngi niya. Sa taong napili ng puso ko, taong minahal ko na hindi dapat.
“Seriously Rezoir?” mapang uyam na ani Dalea. “Hindi ka lang pala manloloko, gago ka nga talagang totoo!”
Nasa akin pa rin ang tingin niya kahit sa harap nito ay ang pinsan kong si Dalea na nagpupuyos sa galit. Pagod na pagod ang mukha niya, marahil pagod na pagod na sa mga nangyayari sa aming dalawa. Umiwas ako ng tingin, umiyak ako sa sariling palad. Sa totoo lang mas matatanggap ko pa kung bumitaw na siya. Mas makakaya ko kung sasabihin niyang tama na.
Kasi kung ako ang tatanungin, hindi ko ‘yon magagawa. Kung sasabihin na niya ngayon ang mga salitang ‘yon sa akin mismo, tatanggapin ko. Hindi dahil sa ayoko na, ‘yon ang tama. Tamang gawin para sa aming dalawa, hindi na ako umapela ng hawakan na ako ni Nashe sa braso. Hindi tulad kanina na todo piglas ako sa hawak nito…ayoko na. Gusto ko na lang magpahinga, ngunit natigilan hindi lang ako pati na rin ang mga pinsan ko sa sunod na sinabi ni Rezoir.
“How about our wedding then? It is canceled?”
“What the fuck!” sigaw ni Dalea. Agad akong inalalayan ni Nashe, halos mabuwal ako sa kinatatayuan sa narinig. Hindi ko inaasahan na bubuksan niya ang paksang ‘yon, pa tungkol sa sinabi niyang kasal.
Mariin akong napapikit, akala ko wala na siyang pake sa bagay na ‘yan. Dapat lang na kalimutan na niya ang lahat, dahil ako…kahit mahirap. Kakalimutan ko ang lahat, dahil ‘yon ang tama.
“Walang kasalang magaganap Hillarca!” histerikal na sigaw ni Papa.
“P-Papa…” nanginginig ang mga kalamnan ko nang agad nitong kuwinelyuhan si Rezoir.
“Ano pa bang ginagawa mo dito ha?! Sinabi ko ng bumalik ka na sa Manila! Bakit ba patuloy mo pa ring ginugulo ang anak ko? Nakuha mo na ang gusto mo!”
“No sir. You’re wrong, hindi ko pa nakukuha ang gusto ko,” nagkatitigan kaming dalawa. Sa titig pa lang niya ay alam ko na ang tinutukoy niya, at hindi ako nagkamali. “hindi ako aalis rito. Hanggat hindi ko kasama ang anak niyo.” malamig ang pagkakasabi nito.
“Hijo de puta! Pinaglalaruan mo ba ako ha?! Walang rason para sumama ang an-”
“There is,” putol nito kay Papa. Sa oras na ito ay totoong nabuwal na ako sa kinatatayuan ko, sa umiigting niyang panga at malamig niyang mata. Binitawan nito ang mga salitang tiyak kong ikakagalit sa akin ng pamilya. “she’s carrying my child. There’s no way in hell na uuwi ako na alam kong nasa sinapupunan nito ang anak ko!”
Noon pa man ay takot na akong magmahal ng iba bukod sa kaibigan at pamilya. Dahil alam ko, kapag umibig ako pag-ibig rin mismo ang sisira sa buhay ko. And I was right, because meeting Rezoir I learn that this love I have for him is dangerous. Namumutlang napatingin sa akin si papa, kinukumpirma ang narinig niya.
“I’m sorry pa…sorry.” Umiiyak kong aniya. Umiling iling ito at inisang hakbang ang pagitan namin, hinawakan ako nito sa balikat at marahang niyugyog.
“H-Hindi…na mali lang ako sa pagkakarinig hindi ba Azeria? Pagkakamali lang ang lahat hindi ba?!” sigaw nito sa akin at patuloy niyugyog sa balikat.
“T-Tito…” pagtatahan ni Nashe at sinubukan tanggalin ang kamay ni papa na mahigpit na nakahawak sa balikat ko. Iyak ako ng iyak nang mapasalampak na sa lupa si papa at nagbagsakan na ang mga luha nito.
“B-Bakit? Bakit sa kanya pa Azeria?” naninikip ang dibdib ko sa sinabi ni papa. Lumuhod ako kahit pa sinubukan akong pigilan ni Nashe, nanginginig ang mga kamay ko nang hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang kuyom na kamao nito at paulit ulit akong humihingi ng tawad.
“B-Bakit? Bakit sa taong hindi dapat ka pa nagkagusto?” umiling ako at humihingi pa rin ng tawad sa kanya. Hindi, hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa taong kinasusuklaman mo papa. Patawad, patawad dahil hindi ko alam.
“W-What do you mean about that sir? Hanggang ngayon ba…hindi niyo pa rin kami mapatawad?” kahit hindi ko siya kita dahil sa mga luha ko, ramdam ko. Ramdam ko ang sakit sa boses nito.
“Nasa plano mo ba ‘to? Plano mo rin bang kunin ang anak ko katulad kung paano kunin ng ama mo ang asawa ko?!” puno ng hinagpis na sigaw ni papa.
“Hindi namin siya kinuha! Kusa siyang sumama!”
“Shut up!” sigaw ko at tuluyan ng tumayo. Sinusubukan kong pinupunasan ang aking mga luha pero sa naninikip kong dibdib, mahirap ang tumahan.
“Ganun rin ba ang tingin mo sa akin huh baby? Inaakala mo bang planado ko ang lahat…’yon ba?”
“Bakit? Hindi ba ‘yon ang gusto mo? Hindi ba ‘yon ang gusto ng pamilya mo ang sirain kami ha?!”
Napangisi ito pero alam kong hindi siya natutuwa bagkus nasasaktan. Napatingin ito sa likuran ko, alam ko si papa ang tinitignan nito. Itinagilid niya ang ulo at doon ay kita ko kung paano bumagsak ang mga luha nito, napapisil ako sa sariling kamay sa sakit na nadarama.
Narinig ko ang pagsinghap niya at mga munting mura. Ngayon ay sa baba ang tingin nito na akala mo naro’n ang bagay na nakakapag wala sa sakit na nadarama nito.
“Kung totoong planado ko ‘to…sa tingin mo ba mamahalin pa kita?” napakuyom ako sa kamao. “B-baby kung planado ang lahat ng ‘to di sana’y nasa labas ng bansa na tayo, sa tingin mo ba hahayaan kong may mga taong hahadlang sa ating dalawa? Tangina kung planado ‘to sa tingin mo ba hahayaan kung makawala ka ha!” kumawala ang mga bagong luha sa aking mga mata.
“Nagkataon lang na sa anak niyo ako nahumaling sir at walang kinalaman ang ama ko o anong mang planado na iniisip niyo. Tadhana ang gumawa! Pero tangina naman oh, huwag niyo naman kami idamay sa gusot niyong tatlo. Mahal ko ‘to e’, mahal na mahal,” at hindi ko inaasahan ang pagluhod nito sa harap ko. “Kahit halughugin niyo ang condo ko at patunayan kong planado nga ba ‘to, ayos lang. Pero sana huwag niyo namang gawing bastardo ang anak ko…” sa pagod at walang sapat na pahinga siguro ang aking paghihina, dahilan ng pagkawala ko ng ulirat.
CHAPTER 01 DE FERRER Ang sabi sa akin ni papa namatay raw si mama nung isilang ako nito, nakakalungkot man na lumaki akong walang kalinga ng isang ina. Hindi naman nagkulang si papa, siya na ang tumayo bilang isang aking ama’t ina. Kaya kahit ma pagtripan minsan sa paaralan, lahat ng ‘yon nakaya kong lagpasan. Ayokong makita ni papa na mahina ako, ang sabi niya ako ang kalakasan niya kaya kung magiging mahina ako mawawala rin ang lakas niya. Kaya naman patuloy akong nagiging matatag. Lumuluwas kami sa Manila kapag death anniversary ni mama. Manila ang lugar kung saan ipinanganak ang aking ina, lugar na kinalakihan niya at lugar rin kung saan siya inilibing. Siya lang naman ang binibisita namin dahil walang kamag anak si mama na nakatira sa Maynila, ‘yon ang sinabi ni mama kay papa. Nakakapagtaka man at naguguluhan hindi na ako nagtanong kay papa, sapat na ang pagbisita sa kanya kahit isang beses sa isang taon. Ngunit sa pagkakataong ‘to hindi ko kasama si papa, naiwan ito sa haciend
CHAPTER 2 BABAE HINDI ko namalayan na nahulog pala ang purse ko, akmang aabutin ko na ito ng may ibang kamay ang nauna. Napatitig pa ako sa braso nito, halata ang mga nagpuputokang ugat nito sa braso. Natigilan nga lang ako at napabalik sa huwisyo sa pagtikhim nito, agad kong inabot ang purse ko sa kamay niya at tinignan siya para magpasalamat. “T-Thank you.” ‘yon nga lang ay nautal. Nautal sa kaba…isa na ‘yong rason pero nautal ako sa paraan ng pagkakatitig niya. Hindi dahil sa namamangha ako sa mata niyang katulad sa ulap, mariin ang pagkakatitig nito sa akin na parang may bagyong darating sa dilim. Sa pagkakaalala ko ngayon ko lang siya nakita, pero sa paraan ng pagkatitig niya sa akin ay kakabahan ka talaga ng husto na aakalain mong nagkasala ka sa kanya. Oo, ganun ang ipinaparamdam nito sa titig niya! Kaya napayuko pa ako ng wala sa oras nung nagpasalamat ako sa kanya. Agad ko siyang tinalikuran at napaayos sa pagkakaupo. Kaya pala halata ko kanina sa tinig nung flight atten
CHAPTER 3 WEIRDO Tulad ng sabi ni nanay Roda ay hindi ako nito hinayaang bumiyahe. Kaya naman hapon na ako bumiyahe, madilim na nung nakarating na ko sa Maynila. Tapos na rin ang visitor hours kaya ang pagtawag sa mga pinsan ko na lang ang nagsilbing update ko sa hospital, kung ganun ay bukas ko pa makikita ang papa. Si Lucas ang nagbabantay kay papa, nung na sa biyahe ay sinabi nitong sa unit na niya ako dumeretso. Sinabi rin nito ang password ng kanyang unit kaya madali lang akong nakapasok, habang ang dalawa kong pinsan naman ay dumalaw lang sa hospital. Busy rin kasi sila, kaya mabuti na lamang at kahit busy rin si Lucas tulad nila ay napagpasyahan nitong manatili sa tabi ng papa, kaya kahit papaano ay naibsan ang aking pangamba. “Hindi ko nga alam kung bakit hindi ikaw ang tinawagan ng hospital which is understandable naman dahil na sa malayo ka nga, kung sa mga ganitong emergency talaga maghahanap talaga sila ng kamag anak na malapit,” tinanong ko kung may ideya ba siya sa mg
CHAPTER 04 TRABAHO I rolled my eyes, how stupid of you Azeria! Dapat kasi sa gabi ka na lang pumunta dito para sulit, hindi ‘yong makaka-encounter ka pa ng may saltik! “Pinapatay mo na ba ako diyan sa isip mo?” Napalunok ako, hindi dahil sa na gwapuhan ako sa kanya. Oo! Inaamin kong gwapo siya, pero napalunok ako kasi hindi pa siya bumababa. Prente pa itong na ka upo habang nakahalukipkip, isang maling galaw lang niya hulog agad! “Pwede bang bumaba ka para magkausap tayo ng tama.” “Bakit mo naman naisip na gusto kong makipag usap sa’yo ng tama?” taas kilay na sabi nito. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, napabuga ako ng hangin. Ngayon lang ako na ka tagpo ng ganitong tao, hinga ng malalim Azeria! Inhale, exhale kung hindi mo habaan ang pasensya mo sa lalaking ‘to, baka mawala na siya sa listahan na naninirahan sa mundong ‘to! Natigilan ako sa ginawang inhale at exhale session nung may napagtanto, pinakatitigan ko siya. Relax na relax ang mukha nito na parang walang naalala
CHAPTER 05 PUNISHMENT “Anong ginagawa mo rito?” panakang sabay na saad naming dalawa. “Pinsan mo siya?” “Bagong secretary mo siya?” sabay na tanong na naman namin sa taong pinapanood lang kami. Imbes na sumagot ito matalim ang paraan ng pagkakatitig nito sa akin, nang balikan ko ang nangyari kanina. Napangiwi ako. “One hundred percent sure huh!” ismid nito. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko, unang pasok ko pa lang matatanggal pa ‘ata ako. “Ang alin bro? Anong one hundred percent sure? Sure, ka ng ibigay sa akin ang raptor mo?” ngising ani ng taong may saltik na nakilala ko sa rooftop. “What are you doing here? Nakalabas na ba ang kambal mo?” balik agad ito sa pag pipirma. “Oo, nakalabas na siya sa kulungan,” nanlaki ang mata ko sa kaalamang may kambal ito at ex-convict pa ‘ata. No wonder ganun ang mga ugali ng mga ito, hindi kaya may lahi silang mafia. Nanlaki ang mata ko sa naisip. “Oh, kung ano na naman siguro nasa utak mo kamahalan!” matalim ko siyang tinignan. “Siya ba ‘y
CHAPTER 6 CLAIM When the clock strikes at exactly seven pm, agad na akong tumayo sa kama at pumunta nasa banyo para maligo. Eight pm ang meeting nito with the client, kaya talagang maghahanda na ako. Binantaan pa ako nito pagpasok ko sa pinto, ang akala siguro nito ay masisindak ako sa mga pagbabanta niya. Subukan niya lang ulit akong halikan, tatadyakan ko na ang pagkalalaki niya! Tumawag kanina sa akin si Lucas nung malaman na nasa Cebu ako, tinanong pa niya kung bakit hindi ako umuwi para kumuha ng gamit. Sinabi ko na lang na sobrang urgent kaya hindi na ako nakauwi, hindi naman pwedeng sabihin kong pati ako ay walang ideya at talagang nabigla. Baka pilitin pa akong sa kompanya na lang mag trabaho, kaya hindi na ako nagsalita sa kanya. As for my boss, susubukan kong maging propesyonal ayon sa kanya importante nga ang client na kikitain nito. At hindi rin talaga maganda ang unang pagkikita namin, isipin mong na pag kamalan ko pa siyang iba. Tapos hinalikan pa niya ako, oo…lahat
CHAPTER 7 ROUGH Wala akong ginawa kundi mabaliw ng tuluyan sa mga ginagawa niya. Ang dila nitong ngayon ay abala sa pagpapaligaya, sarap na sarap siya. It never crossed in my head that I will give my virginity to a mere stranger. At sa unang araw pa lang ay nagawa na naming ang bagay na ‘to, paano pa kaya sa mga susunod na araw? Gaga nga ‘ata talaga ako, inaalala ko na ang susunod e’ baka nga ito na ang huli dahil lahat ng nangyayari ay mali! Paano kung may girlfriend na ito? Ibig ba sabihin magiging one night stands lang ito? Kung ganun man ang kalalabasan, pagbibigyan ko ang sariling kagustuhan. Siguro bukas magsisisi man, saka ko na lang pag isipan ang katangahan kinabukasan. I already at the peak of my second release, nung bigla siyang huminto. Bumaon ang aking kuko ng sumunod ay ang kahandaan na niya ang ipinasok, napaluha ako sa sobrang sakit. Masuyo niyang hinalikan ang mga luha ko, sunod ay ang labi ko. Sinubukan niyang bumayo pero napakagat ako sa kanyang balikat. “It sti
CHAPTER 8 NAPAPASO Alam kong bawal, alam kong mali. Pero sadyang totoo ‘ata talaga na masarap ang bawal. Kapag sa kompanya, hindi mo akalain may gano’ng pagtingin sa pagitan naming dalawa. Sa pangalawang tapak ko sa kompanya niya, alam kong magiging bago na sa akin ang lahat. Ang akala ko mahihirapan akong harapin siya, sa katotohanang we did it in just a bit. Ang pangit tingnan na I hooked up with the boss for my first day, kung malaman ‘yon ng mga empleyado. Alam kong titignan nila ako sa paraang nakakababa, maging ako ay hindi makapaniwalang gano’ng kadaling nagpaubaya. Maybe because I’m new to this, na kay hirap talikuran ang kasalanan. Pero gayun pa man, I’m aware for my actions. Hindi na ako bata, may sariling pang desisyon na. Hindi naman ako magpapaubaya kung hindi ko nagustuhan, ang tamang gawin ko na lang ay alamin kung wala akong taong maapakan. At malinaw rin na sinabi niya na wala nga. Pero isang negosyante ang taong nakakuha ng virginity ko, a bachelor. Kaya ngayong