Chapter Fourteen

Love

Hindi na humupa ang kaba ko magmula pa kanina. Kahit pa nasa sariling cabin na hindi ko pa rin magawang kumalma, nanlalamig rin ang mga kamay ko na kahit anong hugot ko ng hininga para sana kahit pa paano’y kumalma. Pero mas lumalala lang ka pag aking ginagawa.

Wala sa hinagap ko na sa islang ito ay makakaharap ko ang mga kamag-anak ni Rezoir. Ilang buwan na rin ang nakalipas, at ang mas malala pa ay natuklasan ng mismong kapatid nito na buntis nga ako. Napahilamos ako sa mukha, anong gagawin mo ngayon Azeria?

Kung tumakbo kaya ako? Hindi, napailing ako. Hindi puwede, hindi ko puwedeng ipahamak ang anak ko. Kung gano’n ay idadaan ko na lang siguro sa masinsinang usapan si Reign, gagawin ko lahat para maintindihan nito ang mga bagay bagay kong bakit ko nagawa ito.

Iyon nga ang nasa isip ko na aking gagawin kaya naman muli ay lumabas ako, para sana harapin ulit si Reign pero bumungad sa aking mata si aling Luleng. Ayon nga sa kanya nagpapahinga nga ang mga bisita, kaya wala akon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status