Share

SPECIAL CHAPTER PART II.2

IISANG sasakyan ang ginamit nila Red. Ang sasakyan ni Theo ang gamit ng mga ito, alas tres ang usapan nila. Nag-exchange sila ng mga contacts, on the way sila sa venue kung saan gaganapin ang kanilang picnic. Malapit lang naman ang lugar pero patigil tigil sila sa daan, bumibili ng mga puwedeng dalhin. Kahit may isa ng sagot sa inumin ay bumili pa rin ang tatlo ng beer-in-can.

“Ayos na ba ‘to?” tanong ni Red kay Lucas. Tumango naman si Lucas.

“Oo, ayos naman na siguro ‘yan.”

“Tara na, tayo na pala ang hinihintay nila e’.” pakita ni Theo sa phone nitong may mensahe. Tumango ang dalawa. Sa oras na ito ay si Lucas naman ang may hawak ng manibela. Mabuti at may malapit na villa rin ang pupuntahin nilang lugar. Kaya ang plano, dahil si Lucas ang mas matanda sa kanila. Sa malamang na hindi siya maglalasing ng todo, kung sakali ring malasing ng tuluyan ang dalawa. Pero si Red naman ay control naman nito ang pag inom ng alak. Magiging tipsy lang siya pero hinidi tuluyang hindi malalasing.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status