Share

His Reluctant Luna(Tagalog)
His Reluctant Luna(Tagalog)
Author: N Chandra

A wolf in exile

Ang malakas na tunog mula sa phone ko ang gumising sa akin sa pagkakatulog, pinatay ko ang alarm saka muling bumaluktot sa ilalim ng aking kumot ng ilan pang mga minuto. 

 Karaniwan akong natatagalan sa paggising, kaya naman nag-aalarm ako ng maaga. Sawakas at ibinangon ko na rin ang aking katawan mula sa kama at agad na ginawa ang pang-araw-araw na gawain ko. Isa akong architect, isang 24 na taong gulang, isa ako sa pinakabatang empleyado ng Bartion and Tom, isa sa mga leading Construction firms sa London.

 Hawak ang aking kape, pumasok na ako sa Tren. Lagi kong suot ang headphones ko dahil naririnig ko ang lahat. Ibig kong sabihin literal, lahat-lahat. Mayroon akong pambihirang pandama dahil hindi ako normal. Mayroon akong pambihirang bilis, liksi, at lakas.

  Mali, hindi ako isang superhero, isa akong werewolf, ganunpaman, hindi katulad ng karamihan sa mga werewolves, hindi ako nakatira sa kasama ang pack ng mga werewolves. Hindi rin ako isang werewolf na pinalayas o umalis ng kusa. 

 Isa ako sa mga makapangyarihan na packs ng north America, “The Jade moon pack.” Ako ay napakamalapit sa aking nakatatandang kapatid na lalaki na Alpha ng pack na si Rick Anderson at ang Beta na si Bobby. Ang beta ng aking ama na si Thomas Jackson, at ang kanyang kaibig-ibig na asawa na si Martha. Binibisita ko sila tuwing pasko. 

  Ganunpaman, mas gusto ko ang mamuhay ng mag-isa. Sa halip, nasanay ako sa lifestyle na ito. At may dahilan kung bakit ako nagpakalayo.

  Noong ako ay siyam na taong gulang pa lamang, sinamahan ko ang aking ama sa New York City para sa isang inter-werewolf conference, sobrang excited ako sa paglalakbay na iyon, lalo na’t kami ay nananatili sa harapan mismo ng central park. Ngunit ang mga bagay ay hindi naging ayon sa inaasahan. Hindi ko masyadong naaalala ngunit namatay ang aking ama habang sinusubukan akong protektahan mula sa mga rogue at iba pang mga packs. Ang mga Werewolves ay marahas at sakim. Pinaglalaban nila ang kahit pa napakaliit na bagay. Ang aking ama ay namatay sa isang digmaan.

  Ang aking ina naman ay namatay sa labis na pagkadurog ng kanyang puso. Ang aking ama ang kanyang mate. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw kong hanapin ang mate ko. Ang mated wolves ay parang nag-hahati sa iisang kaluluwa. Maaari silang mamatay o magalit sa kalungkutan kung nawala ang kanilang mate. Napakaunti lang ang bilang ng Werewolves ang nakaligtas sa pagsubok sa pagkawala ng kanilang mga mate.

 Hindi ko gustong mapabilang sa isa sa kanila. Kahit pa na ang wolf ko ay hinahanap ang mate nito simula ng matungtong ko ang puberty at nagpalit-anyo sa unag pagkakataon.

Matapos ang pagkamatay ng aking ina, pinadala ako sa Australia, at nanirahan kasama ang aking tita. Si Tita Flora, isang keepers.  Ang keepers ay mga tao na may alam tungkol sa mga werewolves at sa iba pang mga supernatural beings.  Napakamalihim ng mga werewolves at nananatiling itinatago ang anyo sa mga tao.

 Posibleng may mga werewolves na naninirahan malapit lang sa’yo, at hinding-hindi mo malalaman. Gayunpaman, ang manirahan kasama ang mga tao ay nangagailangan ng ilan sa kanilang ugnayan, tulad ng tax filing, property dealings at mga iba pang mga legal stuff. 

 Ang mga keepers ay mga taong may alam sa pagkatao namin at tinutulungan kami. Ang aking ina ay isa ding keeper hanggang sa makilala niya ang aking ama at napagtanto nila na mate pala sila.

  Hindi ako nanirahan ng matagal sa Aurtralia, sa sandaling nagpalit anyo ako sa unang pagkakataon ay agad namang lumipat sa Europe si tita. Wala kaseng werewolves sa Australia, sa madaling salita, walang werewolf packs. At kung aksidente akong nakita ng tao, napakahirap ipaliwanag ang biglaang presensya ng isang wolf sa bansang iyon.

   Kahit  pa sa UK ay walang anumang mga ligaw na werewolf. Lahat sila ay hinabol sa pagkatapos ng ika-17 na siglo.

Karamihan sa mga werewolf pack ay lumipat sa New World upang maiwasan ang pag-uusig pabalik sa Europa. Samakatuwid, napakaunti na mga pack ang nanatili sa Europa at wala na sa UK. Umunlad sila sa Hilagang Amerika, at sa paglipas ng panahon ay lumipat sa malawak na mga bahagi ng lupa at mga ilang mga kagubatan.

Kaya ko ng kontrolin ang wolf ko ngayon. Bihira na lamang akong nagpapalit-anyo maliban na lamang kung nasa isang matinding isolation ako. Parang akong isang normal na tao.

“Alice, kamusta ang weekend mo?” tanong ng magandang kaibigan kong si Elsa na may pulang buhok sa oras na makarating ako sa cubicle.

“Wala naman masyado, binisita ko lang si Tita Flora, ikaw ba?” sabi ko habang inilalagay ang bag ko sa drawer.

“Well, tulad lang ng dati, clubbing, namiss kita, dapat samahan mo din ako sa susunod na Linggo, syempre kasama si Mark.”

 Ngumiti sa akin si Elsa, at itinawa ko na lamang. Mark Barton, ang tagapagmana ng Barton and Tom ay ang aking boyfriend o kasintahan.

“Kailan siya babalik galing sa business trip niya?”

“Middle of this week, siguro, sana nga,” sagot ko.

Si Mark at ako ay magkasintahan na ng dalawang taon na, niligawan niya agad ako nang maging parte ako ng kumpanya. Sanay na ako na nakukuha ang atensyon ng mga kalalakihan. Hindi ako katangkadan, nasa 5’4 lang ang tangkad ko, pero meron akong payat na pangangatawan, maitim na buhok, at kulay hazel na mga mata. Lahat sila ay sinasabing kamukha ko daw ang aking ina.  Napakaganda niya, marahil, namana ko ang ilan sa kanyang kagandahan.

 Noong una, iniiwasan ko si Mark dahil ang pakikipag-date sa tagapagmana ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ay hindi pagiging propesyonal.

Ngunit si Mark ay napaka-mapang-akit, isang sweer at mabait. Hindi tulad ng mga werewolf na napaka protektado at possessive. Hindi ko kayang manatili sa isang possessive na partner. Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko ng mate!

 Si Mark ay isang tao na katulad lamang ng mga iba sa opisina at sa mga kaibigan kong nasa paligid ko, at wala siyang ideya na isa akong werewolf. Nagawa kong itago ang wolf ko ng napakatagal na taon at plano kong manatiling ganiti na lamang. Ganunpaman, kailangan kong ipaalam sa kanya ang tunay na pagkatao ko balang araw. Hindi ko alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon at iniiwasan ko ang bagay na iyon.

  Ang araw ay nagpatuloy nang walang tigil, boring kung iisipin. Gusto ko ng boring dahil pambihira ang buhay ko noon sa US.

Kakapasok ko pa lang sa aking kwarto nang tumunog ang aking cellphone. Si Emma iyon, anak ni Beta Thomas at isa sa matalik kong kaibigan.

“Hi, Emma, kamusta?” tanong ko.

Si Emma naman ay ngumiti sa kabilang linya.

“Hindi na ako makapaghintay na makita ka. Darating ka para magbakasyon sa Pasko, tama?”

“Yun ay kung ipapangako mo sa akin na hindi mo ako pipilitin na makipagkilala sa iba pang mga alphas,” sagot ko.

Si Emma at ang mga iba pang malalapit sa akin ay hindi sang-ayon sa human-boyfriend ko. Hindi dahil sa tao siya, kundi dahil hindi siya ang aking mate. Para sa mga werewolves ang hanapin ang kanilang mate ay isang mahalagang bagay sa kanilang buhay. Naguguluhan sila sa katotohanan na wala ako ni anong interest na hanapin ang aking mate.

 Ang hirap ipaliwanag. Hindi ko lang naman gusto na matulad sa aking ina o ang isa sa mga wolf sa aming pack na pinatay ang sarili matapos mawala ang kanyang mate.

Nagbuntong-hininga siya, “Alam ko namang ayaw mong hanapin ang iyong mate, pero hindi mo malalabanan ang tadhana. Kung may bagay na dapat mangyayari, mangyayari at mangyayari iyon, okay?”

“Oo na, whatever,” inirap ko ang aking mata.

“So, kamusta naman ang kalagayan sa bahay?” tanong ko at saka nagpahandusay sa sofa.

“Ang kuya mo ay pasaway pa din katulad ng dati. Dinagdagan niya ang gawain sa pagsasanay para sa lahat ng mga batang werewolves. Kaya naman, lahat sila ay iritado sa mga araw na ito. "

"Tulad lang ng dating Rick," pagtawa ko.

Kinailangan ng kuya ko na alagaan ang pack sa taong 17, pagkatapos ng pagkamatay ng aming ama. Mas matanda si Rick sa akin ng walong taon. At maswerte siya na nahanap niya ang kanyang mate na si Linda sa taong 21. Siya ang pinaka-sweet na tao at laging tinutulungan si kuya para maging balanse at payapa sa kanyang buhay.

Tinapos ko na ang usapan namin ni Emma at nagpalit na ng damit para maghanda sa gabing ito.

Nagpalit anyo ako sa aking brown wolf, si Lana. Hindi ako makalabas sa syudad para maglakbay, ngunit naiintindihan ng wolf ko iyon. Hinahayaan ko lang siyang magtatakbo at magsaya sa lugar ni tita Flora. Nagkukot na ako sa aking kama at natulog sa anyong lobo ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status