Share

Mates

ALICE

Sa sandaling makataas na kami mula sa pool, ang mga kamay niya ay nakapulupot pa rin sa akin. At sa sandaling iyon ay napagmasadan ko ang isang pares ng pinakamagandang pares ng kulay berde na mga mata na nakita ko sa lahat.

Tumigil ang oras, tumigil ang paghinga ko. Lahat ay nawala, wala akong ibang makita o maramdaman maliban sa napakagandang lalaking ito na nakatayo sa aking harapan. Hindi dapat napakaganda, masyado iyong pangbabae. Isa siyang kakaibang lalaki.

Basang-basa siya at ang magulong kulay kayumanging buhok niya ay naglaglagan sa kanyang noo. Mas mataas siya sa akin at halos tatlong beses ang laki niya sa akin. Mayroon siyang pangangatawan ng isang warrior, na tumigil ng ilang taon sa pag-eensayo. Wala siyang suot na pang-itaas at basang-basa siya na naging dahilan upang mabaliw ang wolf ko.

Mayroon siyang hitsura na magpapahinto sa’yo sa kung ano man ang ginagawa mo, napakalakas ng alindog niya at bagay sa kanya ang perpektong jawline niya.

“MATE! Mate! Mate!” sigaw ng wolf ko.

Basa na ako ng biglaan, hindi basa dahil sa pagkahulog ko sa pool, kundi basa sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Nakatitig lamang ang mga berdeng mga iyon sa akin, at alam ko na alam niya kung sino ako, ang kanyang mate!

“Fuck!” bulong ko.

Ang kanyang perpektong  labi na mukhang masarap halika ay nagointa ng isang ngiti, "Sige ba, hindi ako makapaghintay .... mate."

Damm ang boses na yan! Halos kamuntikan na akong mang-init.

"Pasensya na, hindi ko sinasadyang mabangga ka."sabi ko at tinaasan niya ng kilay.

*Kailangan ko ng umalis.. tumakbo ka... do something... kahit ano...*

Tumalikod ako at kumawala sa kanyang pagkakahawak. Hindi ako lumingon at umalis na sa pool, nakakahiya pero wala akong pakialam. Kailangan ko nang umalis.

Nagalit ang wolf ko pero kailangan kung umalis. Narinig ko siyang tinatawag ako mula sa likuran. Hindi ko iyon binigyan pansin at tumakbo agad sa may sala; ang puting summer dress ko ay basang-basa na. Hindi ko na pinansin ang mga nagtatakang mga mata na nakatingin sa akin at hinila si Emma habang naghihingalo ako.

“Kailangan na nating umalis ngayon!”

“Anong nangyari? At bakit basang-basa ka?” sabi niya sa gulat.

“Ka...ka-kailangan ko ng umalis, parang-awa mo na...” pagmamaka-awa ko.

May kung anong kaguluhan mula sa pool at alam kong parating na siya palapit sa akin. Para angkinin ako. Hinila ko si Emma palabas at tumakbo agad sa aming sasakyan.

“Alice, nasa loob pa si Bobby,” sigaw niya.

“Pwede mo siyang balika mamaya, basta alisin mo na muna ako sa lugar na to...”

Nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko habang hinahabol ang hininga ko.

Hindi... hindi... hindi... paulit-ulit kong sinasabi.

Nasa highway kami ni Emma nang makatanggap siya ng tawag kay Bobby at pinaliwang nito kung paano ako tumakbo na parang bang nakakita ako ng multo.

“Pwede bang ipaliwanag mo sa akin kung ano ang nangyari?” naiiritang sabi niya, at ang basang basa kong damit na binabasa ang upuan ng sasakyan niya ay hindi rin nakakatulong.

“Nabangga ako sa isang lalaki...” sinabi ko habang hirap ako sa paghinga, sinusubukang pakalmahin ang wolf ko na handa akong pagtagpi-tagpiin.

“Ano ngayo? Masama ba siyang lalaki para takbuhan mo?”

“Siya ang mate ko,” sabi ko ng marahan.

“Ano?” sigaw ni Emma at kamuntikan na kaming bumunggo sa isang puno.

“Emma, tumingin ka sa dinaraanan mo!” sigaw ko at sobrang lapit na kami sa puno. Hininto naman ni Emma sa dulo ang sasakyan.

“Kailangan nating bumalik sa party,” sabi ni Emma.

“Hindi!” kamuntikan ko ng maisigaw.

“Sino siya?” tanong niya ng marahan.

“Hindi ko kilala, at hindi ko rin gustong malaman,” sabi ko,at wala parin sa tamang pag-iisip.

Galit sa akin ang wolf ko, “Paano mo nagawang iwanan ang mate natin?” sabi nito.

“Isipin na lang natin na hidi iyon nangyari. Huwag mong sasabihin kahit kanina. Kaya kong kontrolin ang wolf ko. Ang mate ko... ibig kong sabihin, ang lalaking iyon ay hindi ako kilala, hindi niya ako mahahanap. At aalis naman na rin ako matapos lang ng ilang linggo. Kaya makakalimutan niya din ang lahat.”

Ngumuso si Emma, “Hindi ganun gagana iyon, aking prinsesa. Ngayon na alam niya ng mayroon ka. Maghahanap siya sa buong mundo mapuntahan ka lamang. Hindi ka niya tatantanan hanggang sa bumigay ka.”

“Great! So ngayon may stalker na ako!” sabi ko ng nakakainis.

“Pero posible din na hindi niya gusto ng mate. At kung ganun, hahayaan niya na ako, tama hindi ba?” tanong ko na umaasa.

“Hindi ako sang-ayon diyan, hindi naman lahat ng werewolves ay katulad mo na weirdo,” sagot ni Emma.

“Hindi  naman ako weirdo; isa akong matalinong tao na may katwiran na may kakayahang gumawa ng sarili kong mga desisyon. Hindi ako umaasa sa kapalaran o Diyos,” seryosong sabi ko at hindi ko hahayaang magulo ako.

“Magpapalit lamang ako ng damit sa may backseat. Huwag mong babanggitin ang tungkol na ito sa kahit kanina, okay?” sabi ko para matapos na.

Umiling lang si Emma, “Oo na, whatever!”

*******

LUCIAN

Naaamoy ko siya malapit sa may pool. Hindi mapakali ang wolf ko. Tumingin ako sa maraming tao na nagtitipon at nagkakatuwaan, pero ang hirap hanapin kung sino ba sa kanila.

Nagmadali akong lumapit sa kanya, ang amoy niya ay walang katulad kumpara sa mga naamoy ko dati; nakakagaan ito, fresh, at napakaganda. Kung may gugustuhin man akong amuyin mgapkailanman sa buong mundo , iyon ay ang amoy niya. Kaya kong mabuhay na kasama ang amoy lang na iyon.

Tulad ng nakalalasing na amoy nito; hindi ko maikukumpara ito kung ano ang mararamdaman ko sa sandaling magtama na ang aming mga katawan. Nakakasaya ito..

 Ang aking katawan ay nang-iinit sa pagnanasa at kadesperado na, kailangan kong maging mas malapit  pa sa kanya at magtama ang aming katawan. Ang aking mundo ay tumigil sa pag-ikot sa paligid ng mainit na araw at ngayon ay umiikot sa taong ito.

Biglaan na lang itong nangyari, hindi ko sinasadyang mabangga siya, ngunit nang mahulog kami sa pool, awtomatiko kong inakbayan ng kamay ko ang kanyang likuran at sinuklay ang aking mga daliri sa kanyang buhok sa likod ng kanyang ulo. Ang aking labi ay nakapatong sa kanyang leeg nang halos isang segundo, at sapat na iyon upang malaman ko na akin siya.

Ang kanyang malambot na katawan ay perpekto sa aking katawan, na nagpapatunay lamang na ginawa siya para sa akin.

Ang tanging bagay lamang upang maging mas masaya ang sandaling ito ay kapag tinumbasan niya na ang mga malalakas na emosyong ito. Halos hindi ko mapigilan ang sarili ko habang nakatitig ang kulay hazel na mga mata nito sa akin.

"Akin siya!" Umungal ang wolf ko.

“Oo, akin, ang napakagandang nilalang na ito ay akin,” sabi ng isipan ko.

Ang masayang pakiramdam mula sa pagtama ng aming mga katawan ay ilang segundo lamang at iyon ang pinakamasakit na katotohanan, bakit hindi man lang siya nagkaroon ng pagnanasa katulad ko. 

Tumingin siya sa akin ng natatakot, pagkatapos ay tumatakbo siya palayo. Gumegewang palabas ng pool.

"Tigilan mo na siya," sabi ng wolf ko.

“Natakot ko ba siya?” pag-iisip ko.

“Pero sandali,” sabi ko.

Pero mas mukha atang pinatakbo ko pa siya ng mabilis pa.

“Anong ginawa mo sa kanya, Lucian?” pagbibiro ng kababata kong si Garret.

“Wala pa,” pagngisi ko sa kanya.

“Tinakot mo siya,” sagot ni Garret at saka tumawa.

Ang Beta ko na si Damon ay nakatayo na may tabi ko ngayon.

“Ayos ka lang po ba, boss?”

“Oo,” sabi ko habang sinusundan ko ng tingin ang maganda kong mate, wala akong ideya kung bakit tumatakbo siya palayo. 

Matapos kong hanapin ang aking mate sa loob nitong huling 10 taon ay nawalan ako ng pag-asa nang makaramdam ako ng kabaitan kay Luna.

"Anong nangyari boss, medyo nawawala ka ata sa sarili?"

Inabutan ako ni Damon ng twalya.

"Nakita mo ba ang babaeng nakaputi na tumatakbo patungo sa may beranda?"

Tumango siya.

“Siya ang aking Luna at ang magiging Luna niyo sa hinaharap.”

“Ano?” tanong ni Damon na hindi makapaniwala. “Pero bakit siya umaalis?”

“Wala akong ideya, baka naman gusto niyang hinahabol siya tulad lamang sa mga sinaunang panahon. Alamin mo lahat ng tungkol sa kanya,” pag-uutos ko at saka bumalik sa bahay.

“Bakit hinayaan mo siyang makaalis, alam mong gusto mo siya,” pinapagalitan ako ng aking wolf.

“Huwag kang masyadong magmadali, may panahon para dyan,” pagkakalma ko sa wolf ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Girlie Mcslowly
more epesode pls.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status