CHAPTER 9

Zoe Colette's POV

Tatlong beses niyang ginawa iyon sa leeg ko bago ito lumayo. Tinanggal din nito ang kamay niya sa pagkababae ko at umalis sa aking ibabaw. Tumayo ako sa pagkakahiga at inilagay ko ang mga palad sa aking mukha. At

muling napahagulgol sa pagiyak. 

"Woman, that's the first warning!" Rinig kong wika niya. "Subukan mo ulit tumakas at pumunta sa Haley mo hindi lang ‘yan ang matitikman mo!" Galit ngunit may diing wika nito sa’kin. 

Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa 'to sa’kin ni Atlas.

Tama ba ang nararamdaman kong kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Kuya Haley roon sa airport kahapon?

Hindi ba alam ni Atlas kung ano ang relasyon ko kay Kuya Haley? Magkapatid kami at hindi magkasintahan, pero bakit gano’n siya magsalita? Bakit pinaparamdam nito sa mga salita niya na lalaki ko si Kuya Haley? Bakit?

Pinagdikit ang dalawa kong hita at doon yumuko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naka-gano’n. Ayokong i-angat ang ulo ko dahil muli ko lang makikita ang pagmumukha ng demonyong manyakis na 'to. Pilit kong tinatanong sa sarili kong

bakit ginagawa sa’kin ng lalaking 'to ang gano’ng kababuyan. Pilit iniintindi ang sitwasyon ngunit kahit anong gawin hindi pa rin maintindihan ng isip. 

Muling nanginig ang buo kong katawan sa takot nang maramdaman ang kanyang

paggalaw. Ang luhang kusang tumigil ngayon ay umaagos na naman. Ang puso at

isip ay hindi alam ang gagawin, nangangamba na baka muling niya na naman gawin ang kaninang ginawa. Mas lalong nanginig ako sa takot nang dumampi ang

kamay nito sa aking balikat at marahang pinahiga. Muli siya ay nasa aking ibabaw. 

"Please devil, stop." Nanginginig ang boses kong sabihin sakanya iyon.

"Fuck!" Napapikit ako ng marinig ang boses niyang galit. Patuloy na umaagos ang luha sa aking mata. Hindi ko din mapigilan ang

panginginig nang aking katawan. Nagwawala ang puso dahil sa kabang nararamdaman. Habang ang isip nakikiusap na sana itigil niya ang balak na gawin. Ang kamay niya ay muling naramdam sa aking baywang, napakagat sa sariling labi at napahagulgol nang malakas. Pilit na hindi idinidilat ang sariling mata dahil sa

takot na makita ang tingin niyang nanlilisik. Naramdaman ko ang sariling umangat sa pagkakahiga hanggang sa muling bumalik sa pagkakaupo. 

"Woman, you need to stop crying and open your fucking eyes." Rinig kong wika niya. Dahil sa takot na muling mangyari sa’kin ang ginawang kababuyan ng demonyong ito. Iminulat ko ang aking mata, gulat na gulat ako sa sunod niyang ginawa. Ang

malambot nitong kamay, dumampi sa aking mukha at pinunasan ang luha sa aking pisngi. Ang malamig nitong tingin ang siyang aking unang nakita pagmulat. Bahagya itong lumapit at dahil doon napahawak ako sa kanyang braso, naramdaman ang pagtampi ng labi niya sa aking noo na siyang ikinagulat ko lalo. Ang demonyong ito muli na naman nagbago ang pakikitungo sa akin at hindi ko

alam kung bakit. Pangalawang beses na itong nangyari kahapon at ngayon. Nagbabago ang pakikitungo nito sa’kin sa tuwing natatapos ang kababuyang

ginagawa ngunit hindi niya pa rin inaalis ang pagiging manyakis niya. Malaking halimbawa na roon ang ginawa niya kaninang umaga. 

Lumayo ito sa’kin at umayos

nang upo. Isinandal ang ulo sa upuan. Iniwas ang tingin sa’kin. Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga niya. 

"Mixer?" Malamig na tawag nito. 

"Boss?" Rinig kong tugon ni Mixer.

Ang sariling paningin ay hindi ko pa rin inaalis sa kaniya. Muling ibinalik ni Devil ang malamig na tingin sa’kin. Ilang minuto akong nakatitig sa kaniya at pilit na

binabasa ang isip ngunit kahit anong gawin hindi m****a ang kanyang iniisip.

Umawang ang sariling labi. "Why are you doing this to me? Devil, may ginawa ba akong mali sa iyo?" Nanginginig ang boses ng itanong sa kanya iyon. Hindi ko na napigilan ang sariling itanong ang bagay na ‘yon. Muling tumulo ang

luha sa aking mga mata. Ilang minutong naghintay sa sagot niya ngunit tanging malamig na tingin lang ang aking nakuha. 

Wag mo kong tititigan ng ganiyan, gusto kong marinig ang sagot mula sa iyo! Bakit mo ginagawa sa’kin ang gano’ng kababuyan? Bakit?!

Muling umawang ang sariling labi ngunit walang lumabas na kahit anong salita. Napagod na ang sariling labing magsalita dahil sa ginawang pagsigaw kanina. Inubos na nang demonyong ito ang lahat ng lakas ko. Tanging pagbuntong hininga na lang ang nagawa. Iniwas ang tingin sakanya at napukaw ang paningin sa brown

envelope na nakalapag sa lamesa, na kanina ay wala. Naramdaman ang kanyang paggalaw sa aking tabi. Nakita ko ang kamay nito na

dumampi roon sa envelope at kinuha iyon. Ang sariling paningin ay kusang sinundan ang kamay niya. 

Muli kong ibinaling ang tingin sa kaniya na nakatingin

ngayon sa’kin. Sa gilid nang aking mata nakita ko ang pagbukas niya roon sa envelope. 

"Woman, i need you to sign this paper." Malamig na wika nito bago inabot sa’kin ang laman no’n. Patuloy na naka-tinging ang sariling paningin sa mukha niya na hindi mo makikitaan ng emosyon. Wala sa sariling kinuha iyon. Tinuon ang atensiyon doon. Contract?

Bigkas ko sa isip. Muling binaling ang tingin sa kaniya na ngayon ay seryosong nakatingin sa’kin.

Para saan?

Alam kong nabasa niya ang aking nasa isip. Napabuntong hininga ito, iniwas ang tingin at muling isinandal ang ulo doon sa sofa. 

"Woman, I want you to stay by my side, forever." Malamig ngunit mahahalata mo sa boses nito ang pagiging seryoso sa sinabi. 

Gusto niyang manatili ako sa kaniya habang buhay? Bakit mahal niya ba ako? Natawa ako sa naisip. Isang kalokohan.

"Babae, anong nakakatawa sa sinabi ko?" Galit ang tono nito nang itanong sa akin ‘yon. 

"Gusto mong manatili ako sayo habang buhay?" Muli akong natawa. "Ang pananatili ng isang babae sa tabi ng isang lalaki habang buhay ay hindi madali

lalo na kung wala naman kayong nararamdaman sa isa't isa." Natatawang wika

ko pa din.

Sumeryoso ang mukha nito. "Then, I love you." Punong-puno ng emosyon ang mukha nito nang sabihin niya sakin ‘yon na siyang ikinagulat ko. "Is that

enough?" Walang emosyong tanong nito. Muling inawas ang tingin sa’kin. 

Bakit ang bilis niya agad magpalit nang emosyon? Lalong ginugulo ng lalaking 'to ang puso at isip ko. 

Hindi ko alam kung maniniwala

pa ba ako sa kaniya. Matapos nang ginawa niya sa’kin kanina alam kong muling mangyayari ang bagay na ‘yon. Once na sumuway na naman ako sa gusto niya. Hindi pa rin naaalis ang maraming katanungan sa aking isip. 

Ano ba talaga ang tingin niya samin ni Kuya Haley? Bakit iniisip niya na lalaki ko si Kuya Haley?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status