CHAPTER 13

Zoe Colette's POV

Pagdating namin sa kwarto roon niya lang binitawan ang kamay ko. Pinagmasdan ko lang ang pagpunta niya sa banyo. Muling nagwawala ang kaba rito sa puso ko nagpalakad-lakad ako para mawala ito. Hindi ko maintindihan ang sarili kahit kasi may ginawang kababuyan sa’kin si Atlas

naiisantabi ko ang galit ko sa tuwing nagiging sweet ito o hindi naman kaya kapag nasa harap kami ng kanyang mga anak. Ang bilis kong ding maniwala sa mga

sinasabi niya para isang hipnotismo ang kanyang mga salita. 

Ganyan siguro ang paraan ng pang-aakit niya sa mga babae para makuha nito ang katawan nila. Napakagat ako sa sariling labi nang muling naisip ang kanyang sinabi. 

Baby, be ready, I'll make you mine. Patuloy na nagi-echo sa isip ko ang mga sinabi niya nang

maalala iyon. May kung anong kuryente akong naramdaman nang yumakap ito mula sa aking

likod. Isiniksik niya ang mukha sa aking leeg. Bakit hindi ko naramdaman ang paglapit nang demonyong ito sa’kin?

"Damn baby, i like your fucking smell." Halata sa boses nito ang pagpipigil. Muling nagwawala ang kaba sa aking puso nang idinikit niya ang sarili sa’kin. Napapikit ako nang maramdaman ang kanyang p*********i. Marahan niya akong pinaharap sa kaniya kitang-kita ko ang pagkauhaw sa kanyang mga mata. Ngunit nakita ko din ang kanyang pagpipigil. Pinanood ko ang paglapit ng mukha niya sa’kin hanggang sa dumampi na nga ang labi nito sa akin.

Ang gago uhaw na uhaw!

Napabuntong hininga ito nang kumawala sa pagkakahalik. Mahigpit niyang hinawakan ang aking balikat habang nakayuko. Habang ako nagpipigil naman sa

paghinga. Ayokong pumalag sa kaniya dahil natatakot akong gawin niya na naman ang ganong kaharasan sa akin. Tanging pagtitiwala na lang sa kaniya ang aking pag-asa.

"Mommy, daddy?" Mabilis na nabaling ang atensyon ko kay Miles na siyang nagsalita. Lalapit sana ako sakanya pero mabilis na lumapit sa kaniya si Atlas.

"Bakit, Chico?" May pag-aalalang tanong nito. 

"Dad, pwede po ba ako dito matulog ngayong gabi kasama niyo?Nanaginip po kasi ako nang nakakatakot hindi na po ako makatulog." Natatakot na wika ni

Miles. 

"Sure, baby." Binuhat nito si Miles. Pinagmasdan ko ang pagpunta niya sa kama at paghiga roon kasama si Miles.

"Mommy, tulog na po tayo."

"O-oo" nauutal kong tugon. Wala sa sariling naglakad ako roon papunta sa kama at humiga. Pinanggigitnaan namin ni Atlas itong si Miles. 

"Goodnight, mommy." Bahagya itong tumayo para m*******n ako.

"Goodnight, daddy." Gaya ng ginawa niya sa’kin hinalikan niya rin ang kanyang ama bago ito bumalik sa pagkakahiga at yumakap kay Atlas. Isiniksik niya ang mukha niya roon sa d****b ni Atlas.

Hinawakan ko ito sa kanyang ulo. 

"Goodnight, baby." Nagulat naman ako nang hawakan ni Atlas ang aking kamay na nasa ulo ni Miles. 

Gulat na gulat akong tiningnan siya. 

"Goodnight..." Nakikipagtitigan ako ngayon sa mata niyang hindi mo makikitaan ng emosyon. 

"Baby." Punong-puno ng emosyon ngayon ang kanyang mga mata. Ang gagong 'to pabago-bago na naman ng emosyon. Ang pwesto ko ngayon ay nakaharap sa kanila gayundin naman itong si Atlas, kaya

nakikita ko ang mukha niya.

Takte! Para sa’kin ba yung goodnight o para sa anak niya? Ang hirap basahin ang iniisip ng lalaking 'to. Hindi siya gaya ng ibang lalaking nakilala ko. Halos lahat kasi sa kanila pinaparamdam talaga ang pagmamahal sakin ang iba naman nakikita ko sa mga pagmumukha ang pagkagusto sa’kin . 'Yong iba naman nahihiyang sabihin pero siya hindi ko alam kung may gusto ba siya sa’kin o wala. Ginagawa niya lang

ba iyan para mainlove ako sa kaniya gaya nang ginagawa niya sa mga nauna sa aking babae?

Mabilis kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Ipinikit ang aking mata at hinayaan ang sariling kainin ng antok kahit medyo nawawala na talaga. Naririnig ko ang malakas na kabog ng aking d****b habang ang aking isipan naman ay marami ding naiisip ng kung ano-ano. Ayokong idilat ang aking mata dahil alam

kong nakatingin siya sakin at nararamdaman ko ‘yon. Pilit na ipinipikit, ang aking mata at kinukuha ang antok ngunit kahit anong gawin hindi pa rin ako makatulog. Hindi rin ako gumagalaw sa pwesto ko kahit baguhin lang naman ito. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakapikit dito. Basta sobrang tahimik ng paligid ko. Natatakot akong idilat ang aking mata baka

kasi hindi pa rin tulog itong si Atlas.

Pisti!

Nakaramdam ako ng paggalaw sa kama. 

Takte! Sino ‘yon?

Mahigpit akong napahawak sa kama nang maramdaman ang pagtabi niya sa likuran ko. Doon ko na iminulat ang paningin at wala na ito sa tabi ni Miles. Naramdaman ko ang pag-angat ng aking ulo at nakita ang kamay niyang nakalatag doon sa kama at saka niya maingat na inilapag ang aking ulo. Ngayon braso niya

ang naging aking unan. Naramdaman ang pagyakap ng kanyang kamay sa aking

baywang idinikit niya ako sa kanyang katawan. Muling narinig ang malakas na kabog ng d****b ngunit sa pagkakataong ito ay hindi sa’kin kung hindi sa kaniya. Nanginig ang aking buong katawan nang ipasok niya ang kamay sa aking damit at gumapang pataas sa aking d****b. Doon nagsimula ang kanyang paghimas. Dahil sa ginawa naalala ko tuloy ang kontrata at sa gusto niyang mangyari habang nasa piling niya.

Pisti! 

Mukhang seryoso si gago sa bagay na ‘yon. Pinalo ko ang kamay nito na patuloy na hinihimas ang aking d****b. Sunod hinatak

ko palabas ang kamay niya sa loob ng aking damit. 

"Devil, abosado kana." Humarap ako sa kaniya para makita ang mukha niya na dapat hindi ko na pala ginawa. Sobrang lapit kasi ng mukha namin sa isa't isa. Hindi ko naman hinayaan ang sarili

kong ma-distract dahil roon. 

"Sapiltan mo na ngang kinuha yung thumbmark ko para doon sa lintik na kontrata mo. Hinayaan ko na rin manatili rito kahit ayoko. Pinayagan na kitang tumabi sa’kin ngayon. Limitahan mo naman ang pambabastos sakin!" Galit kong wika dito. Binigyan ko siya nang matatalim na tingin na sinagot niya lang naman na malamig na tingin.

"Bigyan mo naman ako nang kunting respeto bilang babae at bilang asawa mo." Seryoso ngunit may diing wika ko. Muli lang niyang nilagay ang kamay niya sa aking baywang ngunit hindi pa rin

inaalis ang tingin sa’kin. Tinulak ko ito palayo pero hindi ito natinag sa ginawa ko mas lalo niya pa akong inurong palapit sa kanyang katawan. Hinampas ko ito ng pagkalakas-lakas sa kanyang braso ngunit hindi pa rin ito

natinag sa aking ginawa. 

"Devil, ano ba binatawan mo ko!" Inis kong wika. 

Ngumiti ito, "Shhh.. wag kang maingay magigising si Miles." Nang-aasar na wika nito.

Lumingon ako sa likod at mahimbing pa rin na natutulog si Miles sa tabi ko. Muli

kong binalik ang tingin sa kaniya. 

"Devil, papalampasin ko ang gabing 'to pero sa susunod hindi na. Hindi lahat ng gusto mo masusunod."

Pasalamat siya at katabi ko si Miles dahil kung hindi sinipa ko na ito paalis sa kama. Ayoko lang magising si Miles. 

"Bakit babae ano ba gusto mo?" Seryosong tanong ko na siyang ikinagulat ko. "Magtatrabaho ka? Tingin mo makakapaghanap ka pa ngayon na asawa na

kita?" Dagdag nito. 

"Ayokong makulong dito at umasa sa perang hindi ko naman

pinaghirapan." Seryosong wika ko. 

"Kung ayawa mong pumayag sa gusto ko. ‘Wag ka na rin umasa na papayag ako sa gusto mo." Muli kong inalis ang kamay niya sa aking baywang bago ako lumingon at humarap sa pwesto ni Miles. 

Kung patuloy siyang magmamatigas edi magmamatigas din ako sa kaniya. Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan masunod lahat ng gusto niya. 

Pano naman ako? 

Habang buhay na lang nakakulong sa bahay na 'to? Saglit ko lang na-enjoy ang pagiging dalaga dahil sa kaniya, ngayon puputulan niya ako ng pakpak para lang manatili sa tabi niya. Isang malaking UNFAIR naman siguro sa side ko ‘yon ‘diba?

"Sorry for everything, baby, but please let me think about that." Naramdaman ko ang hininga nito sa aking ulo. Muling niyang ipinasok ang kanyang kamay sa

aking damit at ginapang ito pataas sa aking d****b. Hindi naman niya hinamas iyon nanatili lang ang kamay niya roon. Alam kong kahit i-alis ko ‘yon muli lang niyang ibabalik ang kamay niya sa aking

d****b. Napabuntong hininga na lang ako dahil ‘yon. Tinamaan na din ako ng

antok kaya ipinikit ko na lang ang aking mata at hinayaan ang sariling kainin ng

antok. 

"Goodnight, baby." Huli kong na rinig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status