Share

CHAPTER 16

Zoe Colette's POV 

Mukhang hindi napansin ni Manang Faye ang presensiya ko dahil patuloy pa din kasi itong nag-aayos ng mga panahog. Inilapag ko sa lamesa yung basong ginamit ko at lumapit sa kanya.

Akmang susuutin na sana yung delantal pero marahan kong hinablot yun sa kanya na siyang ikinagulat niya.

"Ma-madam?" Gulat na gulat ito ngunit may takot sa kanyang mga mata.

"Goodmorning, Manang Faye." Nakangiting bati ko sa kanya. "Kailangan ko po ng harina, baking powder at measuring tools." Dagdag na wika ko.

"Madam, ano po ang ginagawa niyo?" Gulat na tanong nito.

"Ako po ang magluluto ng almusal ngayon." Nakangiting tugon ko.

"Madam, kami na po ang gagawa nan." Akmang hahablutin niya sana yung delantal sakin pero mahigpit ko itong hinawakan.

"Manang Faye, pinipilit ko pong maging mabait ngayong umaga wag niyo na po sanang dagdagan ang init ng ulo ko." Muli akong ngumiti dito. "Sundin niyo na lang po ang gusto kong mangyari." Wika kong muli.

Mas lalo naman nadagdagan ang takot na nararamdaman ni Manang sakin.

"Ku-kukunin ko na po ang mga kailangan niyo, Madam." Nauutal na wika nito. Nginitian ko ito bilang tugon. Dali-dali naman itong umalis para kunin ang mga kailangan ko.

Habang hinihintay si Manang Faye isinuot ko muna ang delantal. Kinuha ko ang cellphone at nagpatugtog. Sinimulan kong mag-toast ng bread. Bago ko kinuha yung bacon strips at itlog.

Nakangiti kong sinasabayan yung kanta habang nagsisimulang magluto, kanta ito ni Jessie J at ang titulo ay Flashlight.

Ito ang pampawala nang stress ko. Ang pagluluto. Noong nasa amerika ako pumasok akong isang cheff doon sa isang maliit na restaurant di kalayuan sa pinagtataguan ko. Dahil sa pagluluto sandali kong nakalimutan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko noong mga panahon na iyon. Stress reliever ko ito.

"Bunso, mukhang badtrip ka talaga huh?" Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita sila dito sa kusina. "Nagluluto ka lang kasi kapag may nagsira ng araw mo o di kaya may gusto kang gawin ngunit hindi mo magawa." Muling wika ni Kuya Chase.

"Tsk! Gusto mo isama kita dito sa mga niluluto ko?!" Tinarayan ko ito pagtapos kong sabihin yun.

"Bunso, alin ba sa dalawang ang dahilan at nagluto ka ngayong umuga? Yung may gusto kang gawin o badtrip ka lang talaga?" Paguusisa ni Kuya Chase.

Hindi ko ito sinagot bagkus iniwas ko ang tingin sa kanya. Grabe kasi makatitig itong si Atlas sakin.

"Madam, ito na po ang mga kailangan niyo." Inilapag ni Manang Faye yung mga pinapakuha ko sa kanya sa aking tabi. Inilagay ko naman sa malinis na plato ang lahat ng mga niluto ko.

"Manang, palinis naman po ulit ng lamesa may matinding mikrobiyo po kasi ang dumapo diyan." Seryosong utos ko na siyang ikinagulat niya.

"Madam?"

"Manang, narinig niyo po ang sinabi ko hindi ko na po kailangan ulit-ulitin." Malditang wika ko dito. "Hindi po naaalis ang mikrobiyo sa simpleng paglilinis lang. Kung kailangan tadtaran niyo ng zonrox yang lamesa gawin niyo maalis lang ang mikrobiyo diyan sa lintik na lamesang yan!" Sa pagkakataong ito tinaasan ko na siya ng boses.

"Ye-yes po madam." Dali-dali ulit itong umalis sa harapan ko.

"Bunso, may nangyari ba kagabi? May nakita kaba na hindi mo dapat makita?" Muling paguusisa ni Kuya Chase.

"Baka naman madam, ikaw ang isa sa naging dahilan kung bakit badtrip din itong si boss? Lumabas po ba kayo kaninang madaling araw?" Paguusisa din ni Mixer.

Muli na naman tuloy nagsink-in sa utak ko yung tagpo na nakita ko kanina. Napapikit ako at na pabuntong hininga.

Takte! Pilit ko talagang kinakalimutan yung tagpo na yun pero kahit anong gawin ko mukhang nakatatak na siya sa aking isipan. Mukhang kailangan kong i-reset itong utak ko.

"Baby." Nginig ang idinulot ng kanyang tinig sakin. Mabilis akong napalingon napapikit nang tumama ang ilong sa kanyang mukha. Muling naimulat ang paningin at ngiti niya ang tumambad sakin. Bahagya kong inangat ang tingin para makita ang kanyang mga mata na ngayon ay nakikitaan ko ng emosyon. Kinulong niya ako sa pamamagitan nang paglalagay niya ng kanyang braso sa magkabilang kilid ko.

Takte! Bakit hindi ko lang naman narinig ang kanyang bangko nang tumayo ito?

"Hmmm, smell good, baby."

Mas lalo niyang idiniin ang sariling katawan sakin dahilan para mapahawak ako sa kanyang d****b.

Takte! Ako palang ang humahawak sa kanya pero nawawalan na agad ako ng lakas pano pa kaya kung siya na? Ang demonyong ito may kapangyarihan atang humigop ng lakas.

Mas lalo akong nanghina ng hawakan niya ang isa kong balikat at minasahe ito. Pagtapos nun gumapang ang malalambot nitong palad paibaba sa aking siko hanggang sa umabot ito sa aking kamay.

Pinagmasdan ko lang ang sunod niyang ginawa, inangat niya ito at hinalikan. Napakagat ako sa sariling labi nang pumikit ito at nilanghap ang amoy ng aking kamay.

Yawa ka, Devil! Yawa! Yawa!

"Baby, let me eat you." Mas lalo akong nanginig sa ginawa ng gagong 'to. Isinubo niya ang mga daliri sa aking kamay. Naramdaman ko ang pagdila niya sa mga yun. Habang yung tingin niya ganun padin ngunit makikitaan mo ng pagkauhaw at pagkasabik.

Ang gago hindi pa ata satisfied sa ginawa nila nung dalagang katulong at mukhang gusto pa nang round two at sakin pa ata ipagpapatuloy ng gagong 'to.

"Masarap?" Seryosong tanong ko. Ngunit tanging nananabik na tingin lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya. "Masarap talaga yan kagagaling ko lang ng banyo e." Nginitian ko ito ng pagkalawak-lawak.

"Fuck!" Mabilis niyang inalis yung kamay ko sa kanyang bibig. Hindi naman maipinta ang mukha nito dahil sa sinabi ko. "Ang baboy mong babae ka!" Galit na wika niya. Muli niyang ibinalik ang kanyang braso sa gilid ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan na nga akong natawa dahil sa naging reaksyon niya. Bukod doon hindi din naalis ang nandidiring reaksyon nito sa kanyang mukha.

"Aba! Kasalan ko ba? Ikaw tong kumain ng kamay ko e. Ilang araw pa naman akong hindi tumatae. Sobrang baho pa naman ng mailabas ko na." Pangaasar na wika ko pa. Mas lalo ko itong inasar at binigyan ng mapangasar kong tawa. "Nakalimutan ko ding maghugas ng kamay dahil nagmamadali akong bumaba para uminom ng tubig. Salamat sa paghuhugas. " Muling pangaasar na wika ko.

Mas lalong lumakas ang tawa ko dahil mas lumala ang naging reaksyon nito sa sinabi ko. Ang gago paning-paniwala sa mga sinasabi ko. Hindi niya ba alam na nagsisinungaling lang ako? Takte kasi! Bigla-biglang lumalapit e.

"Masarap ba, huh?" Natatawang tanong ko dito.

Nawala ang tuwang nararamdaman at napalitan ito nang pagkabigla ng hawiin niya ang aking baywang payakap sa kanya.

"Sa wakas nakita din kitang naging masaya." May tuwa sa kanyang pananalita ng sabihin iyon.

"Yah!" Tinulak ko ito ngunit masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"Let me hug you in a minute, baby." Malambing na wika nito. Syempre hindi ako pumayag sa gusto niya nakakahiya kaya, andyan sila Kuya Chase at alam kong pinagmamasdan lang nila kami. Isa pa hindi ko nakakalimutan ang nangyari kanina. Hindi ata 'to madaling makalimot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status