Share

CHAPTER 17

Zoe Colotte's POV

"Yah! Devil, hindi ako unan kaya bitawan mo ko." Tinulak ko ito ngunit muli lang akong bumabalik sa pagkakayakap sa kanya. "Mahiya ka nga andyan sila Kuya." Muli kong wika dito pero ang gagong demonyo hindi ako pinapakinggan dahil mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Halata din dito na wala itong pakealam sa presensiya nila Kuya Chase. Ginagawa niya talaga ang lahat ng gusto niyang gawin sakin.

Nakahinga ako nang maluwang ng bitawan niya ko ngunit muli niyang binalik ang braso niya sa magkabilang gilid ko. May ngiti sa kanyang labi na pinagmasdan ang pagmumukha ko. Naiilang man sa kanyang ginawa sinagot ko ang nakakaakit niyang tingin.

"Babae, mas gusto kita ngayon kesa nung nakaraang araw." Marahan itong lumapit at hinalikan ako. "Wala kasing halong pagsisinungaling ang sayang nararamdaman mo ngayon." Nginitian niya ko.

Takte! Ikaw lang naman may halong kasinungalingan satin. Best actor ka kasi ng taon.

Alam ko naman na ginagawa mo lang yan para mapaniwala ang mga anak mo na okay tayo. Na mahal mo ko kahit ang totoo nagpapanggap ka lang naman.

Bwesit! Hindi niya naman kailangan magpanggap ngayon. Wala naman kami sa harap ng mga anak niya. Hindi ko din maintindihan ang puso ko sa tuwing lalapit kasi ang demonyong 'to hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Daig ko pang may sakit sa puso. Jusko!

"I like that, baby." Napapikit ako ng maramdaman ang hininga niya malapit sa aking pisngi. Sunod naramdaman ko ang labi nito sa gilid ng aking tainga. Ang gagong demonyo mukhang wala siyang balak tirhan ako ng lakas. Buong katawan ko na ang nanlambot ng gawin niya iyon.

Hindi ako pwedeng magpadala sa mga ginagawa niya kailangan ko pa siyang kausapin tungkol sa nangyari at lalo na tungkol sa panganay niyang anak.

"Atlas?" Seryoso ang tono ng boses ko ng tawagin siya.

Lumayo naman ito nang mapansin niya iyon ngunit ganun pa din ang pwesto namin nakakulong pa din ako sa kanyang mga braso. Seryoso ang mukha niya na tiningnan ako at hinihintay ang sunod na sasabihin ko.

Seryoso ko din itong tiningnan. "Alam mo bang alam ng anak mong si Mike ang nangyayari dito tuwing madaling araw? Mukhang hindi lang si Mike pati ata yung babae mong anak." Inalis ko ang braso niya sa aking gilid at naglakad ako palayo sa kanya. Tumayo naman ito ng diretso ngunit ganun pa din ang binabato niyang tingin sakin.

"Nakita ko siya kanina at nakikinig sa ungol na binibitawan ng babae. Alam mo naman siguro yun diba?" Seryosong tanong ko dito. "Napaka-stupid mo naman kung hindi mo alam yun. Bakit mo kasi dito tinitira sa labas yung babae pwede mo naman ipasok sa loob ng kwarto at doon tirahan para naman ikaw lang ang makarinig ng ungol niya diba?" Muli kong wika.

Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil sobrang naiilang na talaga ako. Dumagdag pa itong mga sinasabi ko sa kanya ngayon.

"That's why, I want you to take care of my children. Guide them, baby." Seryoso ang pananalita nito ng sabihin iyon.

Hinawakan niya ko sa aking balikat at pinaharap sa kanya na siyang ikinagulat ko. "Be my wife, baby. Be a mother of my children." Nakikiusap ang boses nito ganun din ang mukha niya.

"You want me to be your wife, right?" Seryosong tanong ko dito. "Then, i want you to be my husband." Inalis ko ang kamay niya sa aking balikat at sa aking baywang.

"A decent husband, not a pervert one. A decent father, not a pervert father." Pagpapatuloy ko sa sasabihin. "Ito lang ang tanging maitutulong ko para magpatuloy ang pagiging mabuting ama mo sa iyong mga anak at maging mabuting asawa, hindi sakin kundi sa totoo mong mapapangasawa." Muli kong wika dito bago ako nagpatuloy sa ginagawa.

Kinuha ko yung niluto kong bacon at itlog. Inilagay ko iyon sa lamesa na kakatapos lang linisan ni Manang. Kumuha naman ako ng mixing bowl para naman sa gagawin na pancakes.

...

Alas-siyete na ng umaga nang matapos ako sa pagluluto saktong gising din ng anak ni Atlas. Namangha sila sobrang dami nang nakahandang almusal. Nasinadya ko talagang lutuin. Ito kasing mga nakaraang araw puro fried rice at ulam ang nagiging almusal namin. Hindi naman ako sanay sa ganung sistema ayoko ko kasing kumakain ng kanin tuwing umaga and i don't know why. Basta hindi ko lang trip.

Nagluto ako ng bacon, itlog at nag-garlic rice din ako baka kasi hindi sanay sila Atlas na walang kanin. May pancakes din akong ginawa para naman kay Miles pero dinamihan ko yun baka sakaling gusto din ng dalawa. Gumawa din ako ng sandwich and carbonara. Ginawan ko din sila ng orange juice.

"Mommy." Mabilis na lumapit sakin si Miles at nagpakarga. Hinalikan ako nito sa labi. Inilapag ko ito sa kanyang pwesto doon sa lamesa.

"Bunso, sobrang dami naman ata nang ginawa mo."

"Nagsasawa na kasi ako sa almusal natin paulit-ulit na lang. Kaya ko dinamihan yan para hindi lang sa iisang almusal tayo naka-focus." Nakangiting paliwanag ko kay Kuya Chase. "Mike, Mia, ano pang ginagawa niyo diyan magsi-upo na kayo para makapag-almusal na tayo." Mahinahing wika ko.

Tinarayan lang ako ni Mia bago umupo. "Plastic." Wika niya ng makaupo. Nginitian ko lang ito. Pinipilit ko ang sariling hindi patulan ang demonyong babaeng 'to.

Hindi naman makatingin sakin ng diretso si Mike dahil siguro sa ginawa kong pambabanta sa kanya kanina. Buti tumalab iyon sa kanya at SANA NGA TUMALAB dahil kung hindi gagawin ko talaga ang sinabi ko at para makasiguro ako ipapasundan ko siya sa isa sa mga tauhan ni Atlas.

Bumaba na din si Atlas na kakatapos lang mag-shower. Hinalikan ako nito na siyang nagpailang sakin pero hindi ko pinahalata iyon sa kanya.

Simula ng sumangayon ako sa gusto niya at sabihin ang gusto ko sa kanya kanina. Hindi ako nakarinig ng kahit anong salita o sagot man lang bagkus umupo ito dito sa lamesa at pinagmasdan ang ginagawa ko.

Syempre hindi ko pa din inaalis ang pagmamasid at paghahanap doon sa babae pero hanggang ngayon bigo pa din akong makita siya.

Sarap na sarap naman si Miles sa ginawa kong pancakes. Sinulyapan ko din ang dalawa niyang kapatid na hindi ginalawa ang garlic rice na niluto ko bagkus kinain din ang pancakes na ginawa ko at yung sandwich pati na din yung carbonara. Mababakas sa mga mukha nila ang sarap ng ginawa kong almusal para sa kanila.

"Madam, ang sarap niyo pa lang magluto noh? Sana tuloy-tuloy na ang ganitong grasya." Nakangiting wika ni Mixer na sarap na sarap din doon sa garlic rice na niluto ko.

"The best ka, bunso." Sigunda naman ni Kuya Chase.

Ang mga loko sarap na sarap sa niluto ko samantalang basic palang naman yang niluto ko. Hindi ko na pinagtangkaan pang sulyapan si Atlas dahil alam ko naman na sarap na sarap din ito sa almusal na ginawa ko.

Masaya akong kumain ng tahimik na walang iniisip na kung ano-ano.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status