Share

Kabanata 1

The Adjustment

Buong klase ako tinatry na kausapin ni Lucas, pero kahit sulyap hindi ko ginawa.

Matapos ang klase, nauna akong tumayo at lumabas na ng classroom. Gusto ko talaga siyang iwasan.

Nakakahiya yung pag oo ko kagabe na para bang okay lang agad sa akin, ni hindi man lang ako nag tanong!

"Miss, bakit ka nagmamadali?" jusme ayan na naman tayo sa nga gwapo ehh!

"Lloyd, bitawan mo kamay nang girlfriend ko." nanlaki ang mata ko, omygash pinapawisan ata ako nang malamig.

"Calm down, bro. I'm not gonna take her away from you."umatras na nang tuluyan ang dila ko.

"Unless if she wants me." dugtong ni Lloyd.

Naging seryoso na ang mukha ni Lucas, at humigpit yung naka pulupot na braso niya sa may bandang tiyan ko.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiilang sa posisyon namin. Tsaka ano daw? G-girlfriend?

"Move." naramdaman ko talaga yung pag vibrate nang katawan ni Lucasnung sinabi niya yon.

Mabuti naman at umalis sa harapan namin si Flint para makaraan kami nang matiwasay sa hallway. Grabeh pawis ko girl! Para akong nag marathon.

"You heard me?" Akala ko si Lloyd parin ang kausap niya, ako na pala.

"A-alin d-dun?" nakakatakot kasi siya pag nagagalit parang maluluha na tuloy ako.

"That, you're my girlfriend." wow, parang ako nanligaw ah? Ayos.

Ang bilis nang heartbeat ko talaga! Lintek para akong hinabol nang aso! Why naman ganon? Kalma heart, si Lucas lang yan.

"Sino nagsabi sayo ha? aber?" tinaasan ko siya nang kilay.

"You said yes to my offer." Kinindatan niya lang ako pagkatapos niyang magsalit at bigla nalang hinila papuntang parking lot.

"Hoy may pasok pa ako!" Nagpumiglas ako pero malakas talaga siya.

"Didn't you see the announcement?" kumunot ang noo ko.

"After lunch will be cancelled." He added.

Ahhh! Umupo na ako sa passenger seat nang Ford Explorer niya. Ang comfortable talaga para akong reyna na nakaupo sa trono ko, aw kinilig sa sariling imagination, napailing nalang ako sa mga pinag iisip ko.

Ang bilis lang nang naging byahe namin, nakarating agad kami sa bahay.

Nauna akong pumasok para masigurado na maayos ang bahay pagka pasok niya. Nagulat ako nang may dala dala na siyang dalawang maleta at isa pang sports bag na naka sabit sa kaliwang balikat niya.

"Bakit dala mo ang mga yan?" Napataas ang kilay ko. Ngumiti lang siya at inilapag ang kanyang nga gamit sa sofa.

"I knew you won't really pack your things, so I packed mine." nakangisi siya ng nakakaloko, napairap ako sa inis.

"So ano, dito ka na titira?" Namula ang mukha ko sa isipin na iyon.

"Yes." walang ka emo-emosyon ang mukha niya taliwas nang sa akin.

"Hanggang kailan mo planong tumira dito?"

parang gusto ko na bumilis ang mga araw pagnakataon.

"10 months." Tinignan niya ako ng diretso sa mata, parang hinuhukay niya ang laman nang utak ko.

Bakit naman ganito ang nararamdaman ko, ang weird!

Hindi na ako nag salita at tumalikod nalang hinayaan ko siya sa kung ano ang gusto niyang gawin.

Since isa lang ang kwarto dito sa apartment ko, hindi ko alam kung paano kami makakarulog lalo na at isa lang rin ang kama at pang isang tao lang yon.

Nagluto na ako nang ulam para sa amin, pati yung bigas na sinaing ko dinagdagan ko para makakain rin siya.

Tinignan ko si Lucas na pabalik balik galing sa sala papuntang kwarto ko— namin pala.Wait, namin? Parang aatakihin ako sa puso!  Jusmiyo Aliana ano itong pinasok mo, napa hawak ako sa dibdib ko na parang sumisikip lalo dahil sa mga pinag iisip ko.

"Lucas, may bibilhin lang ako." Nilakasan ko lang ang boses ko para marinig niya kahit nasa loob siya nang kwarto, di ko na inantay ang sagot niya at umalis na.

Bumili ako nang isang litro na coke at tatlong itlog para bukas.

Pagbalik ko sa bahay, kakalabas lang rin ni Lucas sa kwarto. Nilagay ko ang mga pinamili ko sa ref at naghain na ng pagkain sa mesa.

"Umupo ka na kakain na tayo." lumapit naman siya at umupo sa sa harapan ko.

Sinandukan ko siya nang kanin at nilagyan nang niluto kong adobong baboy.

Tatlong subo pa lang ang nakakain ko pero tumayo na ako para kunin ang coke sa ref, mukhang mabubulunan kasi ako sa kakatitig niya sa akin habang kumakain.

Kumuha narin ako nang dalawang baso bago bumalik hapag kainan. Sinalinan ko ang isang baso at ibinigay sa kanya.

"Thank you." Tinitigan niya lang ako habang nagsasalin ng coke sa baso ko.

Napainom ako nang wala sa oras. Papawisan ata ako sa malalagkit niyang tingin.

"It's bad to stare for too long, isn't  it?" napakurap si Austin sa sinabi ko.

"Sorry for that, let's continue eating." nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hinahayaan siya sa mga pasulyap sulyap niya.

Pina ref ko ang mga natirang ulam sa kaldero na hindi ko inihain kanina para pwede pang maulam bukas.

Nag cellphone muna ako para magpatunaw nang kinain, after fifteen minutes nag half bath na ako para makapag pahinga na.

Nahiga na ako sa kama pagkatapos kong ma ayos ang sarili ko. Sa sala matutulog si Lucas.

Nanghingi kasi siya nang unan at kumot kanina tas paglabas ko nang banyo nakita kong nakaayos na ang hihigaan niya.

Ilang gulong na ang nagawa ko dahil anton na antok na ako pero hindi ako makatulog. Naninibago ang katawan ko ewan ko bakit.

Naka lock ang pinto ng kwarto ko, kahit na kilala ko na mahirap parin magtiwala.

Habang nag-iisip ako nang mga gagawin ko bukas dahil sabado biglang nag vibrate ang cellphone ko. Unknown number, eh hindi naman ako namimigay nang number ko sa kung sino sino lang.

From: unknown

Sleep now. We're going out early tomorrow. Good night.

Ewan mo bah pero kahit hindi siya nag pakilala eh nagliparan agad ang mga paru paru sa loob ng tiyan ko.

Kinaunagahan, maaga akong nagising para magluto nang sunny side up eggs at mag toast nang bread with butter sa frying pan. Nag timpla rin ako nang kape para sa amin ni Austin. Pagkagising niya luto na lahat at nakahain na.

Sabay kaming kumain nang agahan.

Maliligo na sana siya pero naunahan ko siya kaya pumasok nalang siya sa kwarto. May kukunin siguro sa mga gamit niya.

Nagbihis ako nang simpleng blouse na kulay blue, maong pants at rubber shoes na puti. Hinayan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Naglagay lang ako nang pang tali sa kanang kamay ko.

Nang lumabas ako nang kwarto sabay din nun ang pagluwa nang banyo kay Lucas. Naka ayos na sya naka black t shirt sya at maong pants din.  Nag white sneakers din siya nagmukha tuloy kaming nag usap sa susuotin.

Parang bigla akong nailang dahil sa mga adjustments na nangyayari at sa mga mangyayari pa.

-L.D

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status