Share

Kabanata 4

Meeting the Villacorta

Bandang alas sais kami naka alis ng bahay, habang nasa byahe di ko napigilan ang sarili ko na magtanong  tungkol sa pamilya niya.

He was open about it, nalaman ko din na he avoids social gatherings such as this kaya ginamit ako ni tita para di na siya maka hindi.

Dumating kami sa venue ng alas siyete, tamang tama lang sa pagsisimula nang program. I also agreed na wag kami pumunta ng maaga dahil gusto talaga kaming ipakilala ng papa niya sa mga business partners nila.

Who won't be proud of him? He's a varsity player, a dean's lister, the unico hijo at ang tagapag mana ni Lewis Villacorta.

The reason why andito ako ngayon sa sitwasyon na ito.

Last month nalaman ko ang rason sa likod nang deal na nangyari sa amin. There was this girl na sobrang obsessed sa kanya to the point na pumunta siya sa mansyon ng mga Villacorta para sabihin na nabuntis siya ni Lucas.

Ayaw din ni tita Arianne na makasal sila nung babae kaya kinailangan ako ni Lucas na mag panggap na girlfriend niya para hindi siya ipakasal ni tito sa babae na yun. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Pinipilit ko maintindihan pero, na blanko ako.

Kung ako siguro nasa lugar ni tita nahambalos ko na yung walang hiyang higad na iyon!

Kababaeng tao pero handang maging gaga para sa isang lalaki. Wala na ata talagang taste ang mga babae ngayon para pumatol dito kay Lucas.

Ganun ba talaga ka gwapo itong jowa ko kuno?

Hindi naman maikakaila na nasa dugo na talaga iyon ng mga Zabala ang maging gwapo. Pero iba sya, iba ang isang Austin. Naks!

"Baby," simula niya na nakapag pakilabot sa akin.

"Mom's looking at us, and I think she wants us to sit with them." pagpapatuloy ni Lucas.

Naramdaman ko bigla ang paglamig ng aking mga kamay, jusmiyo!

Bigla kong naramdaman ang mainit na kamay ni Lucas sa akin kamay, napahinto ako sa paglalakad dahil dito.

Akala ko sa paglapit kina tita ako natatakot, mukhang kay Lucas pala ako kinakabahan.

Maghunos dili ka nga, Mia!

Habang papalapit kmi ng papalapit, mas bumibilis ang tibok ng puso ko.

Binitawan ni Lucas ang kamay ko para alalayan ako sa pag upo, ng makaupo na siya ay muli niya akong hinawakan. Na mas lalong pinag taka ko. Hindi na kasi kita kina tito ang ilalim ng mesa kaya bakit pa niya ako kelangan hawakan?

"I know you're not comfortable right now, " naka titig lng ako sa kanya habang siya'y nagsasalita.

"Let me hold your hand for the rest of my life"

hindi ko na naintindihan ang kasunod niyang sinabi basta hinayaan ko na lamang siyang nakahawak sa akin.

Matapos magsalita nung Emcee, hinalikan ni tito Emmett si tita Amara at tumayo na upang maka akyat sa stage. How sweet!

He greeted his family, his acquaintances, and his friends in the business world including the investors and partners of their company, pati na ang iba pang mga dumalo. Nagpalakpan naman ang lahat ngunit muling natahimik ng magsalita ulit si tito.

Mabilis lang ang naging speech nito at agad ding bumaba para bumalik sa kinauupuan namin. I felt the atmosphere changed. Mas naging light ito kumpara kanina. I smiled at tita Amara who was looking at me intently, hindi yung tipong ma-iintimidate ka.

She is looking at me like I turned water into wine.

"Mom, stop looking at Mia like that." si Lucas na ang bumasag sa katahimikan.

His mom laughed a bit, napangiti din ang kanyang ama at may binulong sa asawa nito.

They laughed and turned to look at us, I felt my face turning red dahil sa hiyang nararamdaman. Pinisil naman ni Lucas ang aking kamay na nakalimutan ko ng nakahawak parin pala sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang mga pagkain.

Mabilis na naglagay si Lucas ng pagkain sa aking pinggan, pipigilan ko sana siya sa paglagay ulit ng kanin ng magsalita siya, "Let me serve my baby." Sabay kindat.

Paki pulot nga po ng puso ko, mukhang nakawala sa hawla eh!

Naramdaman ko na naman ulit ang pag init ng aking pisngi na sigurado akong kasing pula na ng kamatis ngayon.

Iba ang isang Lucas, shutek!

Matapos kami kumain ay nagkwentuhan ang mag ama tungkol sa business, but tita Arianne made sure na hindi ako ma awkward, ganun din si tito na kahit nag uusap sila ng anak niya ay nagagawa niya parin kaming isali sa usapan ni tita.

Lucas on the other hand keeps on resting his hand on the back of my seat.

Hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya hanggang sa tuluyan na siyang sumandal sa aking balikat habang nakikinig sa kanyang ama.

Putragis na yan, bumibilis ang tibok ng puso ko!

Napatingin ako sa gawi ni tita na kanina pa naka tingin sa akin, she is now smiling.

Kumikinang ang kanyang mata na tila maiiyak sa nakikita, kinalabit niya ang asawa na naka ngisi na ngayon sa kanilang anak. Hindi naman kumikibo si Liucas, pero naramdaman ko nalang isa niyang kamat na nakawak sa aking kamay.

Ako nahihiya sa ginagawa niya, pano ba naman ang dami kayang tao.

Yung ibang dumadaan dito malapit sa amin ay napapatingin sa kanya.

Oo sa kanya, sino ba naman ako para pagtuonan ng pansin, di hamak na mas magaganda at mas mataas ang naabot ng mga babae na nadidito.

Pero ng maibalik ko ang tingin kina tita, muntik na ako maiyak.

She mouthed, “Thank you, dear.” parang bumaliktad ang sikmura ko.

It feels like home. Eto yung klase ng pamilya na kailanman ay hindi ko nakuha.

I can't help myself anymore.

Parang mas lalo akong nahuhulog sa patibong na ginawa ni kupido, bawat araw na lumilipas, bawat minutong nagdaan mas lumalala ang epekto ng drogang tinurok ng kanyang pana.

Alam ko naman na impossibleng magkagusto si Lucas sakin, pero bakit umaasa parin ako?

Nakakatawa na ganto ang nararamdaman ko kahit batid ko na acting lang ito.

Lahat ng ito ay para lamang hindi matuloy ang kasal na iyon.

Napainom ako ng tubig ng wala sa oras.

-L.D

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status