Share

Chapter 5

Pagkagising ko kinabukasan ay wala pa rin si Collin. Nadudurog ang puso ko sa isiping magkasama ang dalawa sa buong magdamag habang ako ay parang tanga na hinihintay siyang umuwi sa condo.

Kaysa isipin na naroon si Collin sa bahay ng ibang babae ay minabuti ko na lamang na alisin na ang mga nasayang na dekorasyonna ginawa ko. Mahirap na at baka maabutan pa iyon ng aking asawa ay mas lalo lamang siyang magalit sa akin dahil hindi ko pa naliligpit ang aking "kalat"

Pagkatapos kong magligpit ay naglinis na rin ako ng buong condo at naglaba ng mga damit. Nilabhan ko rin ang mga maruruming damit ng asawa ko para naman pag-uwi niya ay matuwa siya sa akin kahit saglit lamang. Pagkatapos ko sa mga gawaing bahay ay saka pa lamang ako naligo at nagluto ng aking makakain. Kahit tila ayaw malunok ng pagkain ay pilit ko pa ring nilunok para malagyan ng laman ang aking sikmura.

Kasalukuyan kong isinasampay sa hanger ang mga nilabhan kong damit ni Collin nang siya'y dumating. Agad ko siyang sinalubong ng matamis na ngiti sa mga labi na para bang walang nangyari.

"Nagtanghalian ka na ba? Nagluto ako ng lunch baka nagugutom ka,"salubong ko sa kanya. Lihim akong napakagat ng aking mga labi ng mkaamoy ako ng pambabaeng pabango mula sa damit niya. Hindi ko na kailangan pang tanungin kong kanino galing ang kumapit na pabangong iyon ng isang babae dahil tiyak namang galing iyon kay Samantha.

"Kumain na ako," walang emosyong sagot niya. Mayamaya ay napakunot ang noo niya nang makita ang mga damit niyang isinasampay ko nang dumating siya. Hindi ko alam kung bakit ngunit biglang dumilim ang kanyang mukha. Naglakad siya palapit sa mga nakasampay niyang damit at pahablotna inalis iyon mula sa pagkaka-hanger. "At sino ang nagsabi sa'yo na puwede mong galawin ang mga gamit? Sa susunod ay huwag kang mag-feeling asawa. Huwagna huwag mo na ulit gagalawin ang mga gamit ko at bawal ka rin magluto rito sa condo ko."

Nasaktan ako sa kanyang mga sinabi ngunit binalewala ko na lamang iyon.

"Asawa mo naman ako, Collin. Obligasyon ko na labhan ang mga damit at ipagluto ka ng makakain," sagot ko sa kanya na lalong nagpadilim sa madilim niyang mukha. Ilang hakbang lamang ang ginawa niya ay mabilis na siyang nakalapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking dalawang braso.

"Asawa?" nakaismid niyang tanong sa akin. "Baka gusto mong ipaalala ko ang mga sinabi ko sa'yo sa araw ng birthday mo? Ang dahilankung bakit kita pinakasalan?"

Biglang nag-ulap ang aking mga mata nang ipinaalala niya ang mga nangyari noong birthday ko ilang araw pa lamang ang nakalilipas. Ang birthday ko na kahit hanggang sa mamatay ako ay hinding-hindi ko makakalimutan.

"Huwag ka namang ganyan, Colt. Mag-asawa na tayo ngayon kaya kahit paano ay may karapatan na ako sa lahat ng kung ano na mayroon ka rito sa condomo. Kalimutan mo na ang galit mo sa mga mommy ko at sa daddy mo,"lakas-loob na sabi ko sa kanya. Nakaramdam ako ng takot sa kanya nang biglang nanlisik ang kanyang mga mata dala ng matinding galit.

"Kalimutan? Halika rito." Hinawakan niya ako ng mahigpit sa aking braso at halos pakaladkad na hinila patungo sa loob ng kuwarto namin at halos isubsob niya sa mukha ko ang malaking litrato ng mommy niya na nakalagay pa sa babasaging frame. "Sabihin mo, Ann. Sabihin mo ngayon na kalimutan ko na lamang ang galit ko sa mga taong pumatay sa  aking mommy!" malakas niyang bulyaw sa akin.

"Collin, bitiwan mo na ako. Nasasaktan na ako," naiiyak kong pakiusap sa kanya. Hindi ako naiiyak dahil nasasaktan ako sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking pulsuhan kundi naiiyak ako dahil sa pinaghalong matinding galit at lungkot na nakikita ko sa mukha niya. Matinding galit para sa aming mga magulang at matinding lungkot dahilsa pagkawalang pinakakamahal niyang ina.

Mukhang hindi man lang siya naawa na nasasaktan ako sa ginagawa niya dahil hindi man lang niya niluwagan kahit na konti ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.

"Kaya huwag na huwag mong sasabihin na kalimutan ko na lamang ang galit ko sa kanila dahil kahit na kailan ay hindi ko 'yon magagawa. Tandaan mo 'yan," matigas niyang saad bago niya ako itinulak sa ibabaw ng kama.

Wala akong nagawa kundi ang muling umiyak na lamang. Hindi ko alam kung paano ko mapapawiang galit sa kanyang puso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para maintindihan niya na wala naman akong kinalaman sa pagkamatay ng mommy niya kaya bakit kailangan pa niya akong gamitin at saktan para lamang masaktan niya ang mga taong sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang ina?

Palabas na sana si Collin sa loob ng kuwarto matapos niya akong ihagis sa kama nang bigla siyang bumalik na tila may napansin.

"Nasaan ang jacket ko na nakasabit sa likuran ng aking tokador?" nakatiim-bagang na tanong niya sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan na baka may nagawa na naman ako na hindi niya nagustuhan.

"Nandoon sa terrace dahil nilabhan ko. Mukhang labahan naman na iyon dahil marumi—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lamang siyang tumakbo palabas ng kuwarto. Pagbalik ay dala na ang jacket niya na hinahanap.

"Nasaan ang plastik na nasa loob ng jacket na iyan?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin matapos itapon sa mukha ko ang basa ang jacket. Kakasampay ko pa lang kasi niyon at hindi ko ginamitan ng dryer dahil sobrang init naman ng sikat ng araw kaya tiyak mabilis itong matutuyo.

"I-itinapon ko sa b-basurahan," dala ng matinding kaba ay bigla akong nautal. Ang mga luha ko na kanina ay parang bukal na walang tigil sa pag-agos ay tila naging tuyot. Mukhang pati ang luha ko ay natakot sa galit ni Collin kaya biglang natuyo agad at ayaw ng lumabas.

Sa gulat ko ay bigla na lamang siyang sumampa sa ibabaw ng kama at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso't inalog ng malakas. "Bakit mo itinapon? Alam mo ba kung ano ang laman ng plastikna iyon at kung gaano iyon kahalaga? Kuwintas ko iyon na huling regalo sa akin bago niya kitlinang buhay niya dahil sa mommy mo!"halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa matinding galit sa akin.

"K-kuwintas na bigay sa'yo ng m-mommy mo?" no wonder na magwawala siya. Isang napakahalagang bagay ang hindi sinasadyang naitapon ko sa b****ahan kanina. Ngunit anong magagawa ko? Nailabas ko na sa ibaba at nahalo na sa iba pang mga b****a ng mga nakatira sa condo. Alangan namang hanapin ko pa iyon sa tambak ng mga b****a.

"Oo. Kuwintas ko na bigay sa akin ng mommy ko. At kapag hindi mo nahanap at naibalik sa akin ang kuwintas ay huwagna huwag ka ng aapak pa sa loob ng aking condo."

Magpo-protesta sana ako ngunit bigla na niya akong hinila patayo at kinaladkad palabas ng condo kahit wala akong suot na sapin sa paa. Nahihiya ako dahil pinagtitinginan ako ng mga taong nakatira sa condo at pati na rin ang mga nagtatrabaho sa nasabing building. Wala namang naglakas ng loob na sawayin si Collin sa pagkaladkad sa akin dahil kilala na ma-impluwensiyang tao ang asawa ko.

Pagkarating namin sa mga tambak ng b****a na nasa gilid ng condo ay bigla niya akong itinulakng malakas patungo sa b****ahan. Napahiga tuloy ako sa kumpol-kumpol na mga b****a na iba't iba ang amoy.

"Hanapin mo ang kuwintas ko at huwag na huwag kang titigil at papasok sa loob hangga't hindi mo natatagpuan ang itinapon mong kuwintas. Dahil kung hindi ay 'di mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!" bulyaw niya sa akin, pagkatapos ay naglakad na siya pabalik sa loob ng condo.

Hindi ko naman mapigilan ang maiyak. Grabe naman ang galit ni Collin sa akin para papagkalkalin ako ng mga mababahong basurang ito para lamang mahanap ang nawawala niyang kuwintas. Ang totoo ay hindi ko naman alam kung naitapon ko nga iyon dahil ang plastik na natatandaan kong itinapon ko ay wala namang laman na kuwintas.

Tumutulo ang luha ko habang inuumpisahan kong isa-isahing buksan at kalkalin ang mga kumpol-kumpol na b****a. Umabot na ako ng isang oras sa pagkalkal sa mga b****a ngunit kahit anino ng plastik na tinutukoy ni Collin ay hindi ko makita. Halos maduwal-duwalna nga ako sa paghahanap ay wala talaga. At kung kanina ay luha ko ang tumutulo ngayon naman ay maruming pawis na ang tumutulo sa mukha ko. Marumi ang pawis ko dahil nadumihan na rin ang mukha ko sa walang tigil na kakapunas. Nakakalimutan ko kasi na marumi pala ang kamay ko at naipupunas ko sa mukha kong nangangati na. Basang-basa na rinang damit ko sa pawis. Sobrang init kasi ng araw kaya naman para na akong naligo sa hitsura kong ito.

"Nasaan ka na kuwintas? Magpakita ka naman, please." Naiiyak kong kausap sa kuwintas na aking hinahanap.

Mukhang nananadya ang panahon dahil biglang dumilim ang paligid. Ang init-init pa nga tapos biglang nawala ang araw at pinalitan ng pagdidilim ng panahon. At nang tumulo ang malalaking patak ng ulan ay napapikit na lamang ako. Kuwintas nasaan ka na ba?

Ilang oras na akong naghahanap sa kumpol-kumpol na mga b****a at sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan ay hindi ko pa rin nahahanap ang kuwintas ni Collin. Masama na ang pakiramdam ko at lalagnatin pa yata ako. Tumigil ako sa ginagawa kong pagkalkal ng b****a.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa lamig. Ngunit hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang kuwintas ng asawa ko. Ayokong mas lalo lamang maragdagan ang galit niya sa akin dahil sa pangyayaring ito.

Laking-tuwa ko nang mahanap ko rin sa wakas ang hinahanap ko. "Sa wakas, nahanap din kita," nakangiti kong sambit. Tatayo na sana ako nang bigla na lamang nagdilim ang paningin ko. Tila hinugot ang lakas ko bigla na lamang akong bumagsak sa kumpol-kumpol na b****a.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status