Share

Kabanata 3

C3 

JELL POV

“Kung gusto mo Iha, sumama ka na lang sa akin, pumasok ka na lang din ng katulong sa pinapasukan ko.” Napatingtin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

“T-talaga po Nay?” tuwang wika ko sa kanya.

“Oo Iha, ako nga pala si Maring, tawagin mo na lang akong Nanay Maring,” ngiting wika niya sa akin.

“Ako po si Jell Nay,” ani ko.

“Huwag ka na umiyak Jell anak, makakasama iyan sa pinagbubuntis mo,” aniya kaya tumango ako sa kanya at niyakap siya.

Nang makarating kami sa terminal ay sabi ni Nanay Maring na nasa Baguio na kami. Hindi ko alam na papuntang Baguio pala iyong sinakyan kong bus.

Nang makarating kami sa bahay na pinapasukan ni Nanay ay hindi ko naman mapigilang mamangha ng makita ang malaking mansion sa harap ng gate dahil sa ganda nito. Ang sabi ni Nanay, nasa Maynila ang may-ari nito kaya sila  ni Tatay Aldo ang namamahala rito. Nasa likod din ang kanilang bahay at pumunta lang sila sa mansion kapag nililinis ito.

“Anak Jell, ito ang kwarto mo. Kung may kailangan ka huwag kang mahiyang magsabi ha mamaya darating na rin ang Tatay Aldo mo,” wika ni Nanay habang tinulungan akong ipasok ang dala kong maleta. Si Tatay Aldo ang asawa ni Nanay Maring siya rin ang sumundo sa amin kanina. 

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na ako para tulungan si Nanay sa baba, umaga na rin kaya hindi na lang ako natulog para matulungan siya.

“Oh, anak bakit hindi ka muna magpahinga?” takang tanong sa akin ni Nanay ng makita niya akong bumaba.

“Hindi na po kasi ako makatulog Nay, tulungan na lang po kita sa gawain dito.” ani ko.

“Ikaw talaga na bata ka. Alam mo naman na buntis ka kaya huwag mo nang isipin ang mga gawain dito.” wika ni Nanay habang kumuha ng tasa.

“Mag-ingat naman po ako Nay,” ngiting wika ko sa kanya.

“Hay naku ikaw talaga, ito inumin mo muna itong gatas, at nasabi ko na pala kay Sir na may bago kaming kasama rito kaya huwag ka nang mag-alala pati sa sahud mo buwan buwan.” wika ni Nanay habang umupo sa tabi tapat ko.

“Talaga po Nay? Salamat naman po,” tuwang wika ko dahil may maiipon na ako para sa panganganak ko.

“Pagpasensyahan mo na lang Iha, kung maliit lang ang sahod mo dito.” aniya.

“Okay lang poi yon sa akin Nay, wala pong problema libre naman po ako sa tirahan at pagkain,” ngiting wika ko habang ininom ang gatas.

Nagpapasalamat din ako at nakita ko si Nanay dahil kung hindi ay baka saan na ako napunta ngayon.

Makalipas ang ilang buwan at may kalakihan na rin ang aking tiyan. Hindi ko rin mapigilan ang mapagod agad habang naglilinis siguro dahil sa laki nito.

“Anak, Jell. Patingnan na natin iyang tiyan mo. Kasi para ka ng manganganak sa laki ng tiyan mo.” ani Nanay. Kaya napatingin ako sa aking tiyan hindi pa naman kabuwanan ko dahil anim na buwan pa lang ito.

“Kaya nga po Nay, nagtaka nga rin po ako kasi hindi naman po ako malakas kumain.” wika ko kay Nanay habang umupo muna sa sofa.

“Kaya dapat magpa ultrasound ka na anak,” nag-alala na wika ni Nanay. Hindi ko rin mapigilan ang kabahan dahil sa sinabi ni Nanay.

“Anak, huwag kang mag-alala sa bayad kasi may ipon naman ako ako na ang bahala.” Hindi ko naman mapigilang umiyak sa sinabi ni Nanay Maring, sana siya na lang ang totoong Nanay ko. pero hindi ko naman masisi si Mommy kung hindi niya kami kayang ipagtanggol kay Daddy dahil sa takot niya kay Daddy.

“Oh! Bakit ka umiiyak Jell? May masakit ba sa’yo?” takang tanong ni Nanay sa akin kaya umiling ako sa kanya habang niyakap ko siya.

“Maraming salamat po Nay, hindi ko po alam ang gagawin ko kung wala po kayo,” iyak kong sabi sa kanya.

“Hay naku, ikaw talaga na bata ka. Alam mo naman na anak na ang turing namin sa’yo at isa pa masaya kami ng Tatay mo at malapit na namin makita ang magiging apo namin sa’yo,” tuwang wika ni Nanay sa akin.

“Salamat po Nay,” wika ko habang kumalas ng yakap sa kanya.

“Oh sige na magbihis ka na para kapag nandito na ang Tatay mo aalis na tayo,” wika ni Nanay na agad kong ikinatango. 

Nagtungo ako sa aking kwarto at nagpalit ako ng maternity dress nagdala rin ako ng konting pera dahil nakakahiya naman kay Nanay kapag siya pa ang gumastos.

Nang makalabas ako ng bahay ay nakita ko si Tatay na naghihintay sa sasakyan.

“Mano po Itay,” wika ko sabay abot ng kanyang kamay.

“Kaawaan ka ng Diyos anak,” wika ni Tatay.

“Nasaan po si Nanay Tay?” tanong ko kay Tatay dahil hindi ko nakita si Nanay.

“Nasa loob ng mansion anak kausap si Sir Benjamin.” wika ni Tatay. Si Sir Benjamin ang may-ari nitong mansion. Hindi ko pa siya nakita dahil sabi ni Nanay busy raw silang mag-asawa sa Maynila at minsan ang anak lang daw nila ang pumupunta rito.

“Anak Jell, pumasok ka na muna sa loob ng sasakyan at malamig dito sa loob.” ani Tatay habang binuksan ang pinto ng sasakyan.

“Opo Tay, salamat po.” wika ko bago pumasok sa loob.

Mayamaya pa dumating na si Nanay at agad din itong pumasok sa sasakyan.

“Ano ba ang sabi ni Sir Maring?” tanong ni Tatay ng nakaupo na siya sa driverseat.

“Nangangamusta lang at baka raw pupunta rito si Sir Ansel dahil magbabakasyon ito at pupuntahan din ang hotel ng kapatid niya.” bigla naman akong napatingin kay Nanay dahil sa pangalan na binanggit niya. katulad kasi ito sa pangalan ng lalaking kinamumuhian ko. pero baka mag-pareho lang sila ng pangalan.

Ilang minuto pa ang lumipas at narating na namin ang hospital. Si Nanay na ang nakipag-usap sa front desk habang pinaupo niya lang ako. 

Mayamaya pa ay tinawag na kami ng nurse at pumasok sa isang pinto. Na may nakalagay na OBYGE.

Nang makapasok kami ni Nanay ay agad akong pinaupo ng Doctor. Sa tingin ko ay magkasing edad lang sila ng Doctor na tumingin sa akin dati.

“Magandang umaga po Doc.” wika ni Nanay habang inalalayan akong maupo.

“Magandang umaga rin po,” ngiting wika ng Doctor sa amin.

Matapos tanungin ng doctor ay pinahiga niya ako sa higaan na nasa loob ng kanyang opisina.

Nang makahiga na ako ay may nilagay rin siyang malamig sa aking tiyan. Napatingin rin ako sa statiscope na kinuha niya at pinaikot niya ito sa aking tiyan. Naka-connect iyon sa monitor kaya makikita ang loob ng mattress ko.

“Kailan iwasan mo ang mapagod Mrs, kasi tatlo ang baby na nasa loob ng tiyan mo baka mapaanak ka ng wala pa sa tamang buwan ang baby mo.” hindi ko maiwasang magulat sa sinabi niya sa akin. T-tatlo ang anak ko, sa isip ko habang naglalandas na ang mga luha ko sa aking mga mata.

“Anak, tatlo ang magiging apo namin,” tuwang wika ni Nanay habang naiiyak rin.

“Gusto niyo po ba marinig ang heartbeat nila?” agad akong tumango sa Doctor habang hinawakan ni Nanay ng mahigpit ang aking kamay.

Halos mapahikbi ako ng marinig ko ang tunog ng mga puso ng mga anak ko. sobra-sobra ang sayang nararamdaman ko habang pinapanuod sila sa monitor at nakikinig sa tunog ng kanilang mga puso.

Habang nasa sasakyan na kami ni Nanay ay panay pa rin ang tingin picture ng mga anak ko sa loob ng aking tiyan si Nana yang humingi ng dalawang copy nito at nilagay nila sa harapan ng sasakyan.

“Jell anak, huwag ka muna tumulong sa paglilinis ng mansion ha para maiwasan mo ang mapagod.” wika ni Nanay.

“Pero Nay, nakakahiya naman po.” ani ko.

“Naku anak, makinig ka sa Nanay para rin iyan sa mga anak mo.” ani Tatay.

“Opo Nay, Tay,” ngiting wika ko sa kanila.

Pagdating sa bahay ay diretso na ako sa aking silid para magpahinga. Ayaw din ni Nanay na tumulong ako sa kanya dahil kaya naman daw niya.

Makalipas ang ilang buwan at kabuwanan ko na palagi naman akong sinasamahan ni Nanay sa pag-exercise tuwing umaga para raw bumaba ang mga baby ko at hindi ako mahirapan sa panganganak.

Nang sumapit ang gabi ay hindi ako makatulog dahil sa likot ng mga anak ko sa loob ng aking tiyan.

“Baby, patulogin niyo naman si Mama, bakit ba kayo naglalaro diyan? Alam niyo ba na gabi na hmm? Gusto niyo ba talaga puyatin si mama?” wika ko habang hinihimas ang aking tiyan. Hindi ko naman mapigilang ngumiti habang lalo silang sumisipa sa aking tiyan.

“Aray, naman mga anak, huwag niyo naman lakasan ang pagsipa kay Mama,” ani ko habang hinahawakan ang bumakat nilang mga paa.

Pero ilang sandali pa ay bigla na lang akong napadaing dahil sa sakit ng aking tiyan. Bigla kasi itong humilab.

“Mga anak, ano ba ang ginagawa niyo diyan?” wika ko habang namimilipit na sa sakit. Maya pa ay may nararamdaman akong umaagos sa aking pwerta kaya agad akong napasigaw kay Nanay.

“A-anak? B-bakit? Anong nangyari sa’yo?” tarantang tanong ni Nanay ng makapasok ito sa silid ko.

“Nay, ang sakit po ng tiyan ko at bigla na lang po akong umihi Nay,” iyak kong wika sa kanya.

“A-ano? Anak m-manganganak ka na? Aldo! Si Jell manganganak na! ihanda mo ang sasakyan!” sigaw ni Nanay habang inalalayan akong lumabas ng silid. 

Mabilis naman akong isinakay ni Tatay sa kotse habang kinuha pa ni Nanay ang mga gamit ko.

“Anak Jell, huwag ka muna umiri ha. Mabilis lang tayo.” wika ni Nanay ng makapasok na siya sa loob ng sasakyan. Tanging tango lang ang sagot ko kay Nanay habang namimilipit pa rin ako sa sakit ng aking tiyan.

Nang makarating kami sa hospital ay agad akong isinakay sa wheelchair at dinala sa emergency room panay rin ang aking iyak habang kumakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Nanay Maring. Habang umiire ako ay si Nanay ang nagpupunas ng aking pawis sa noo. Nang marinig ko ang iyak ng aking anak ay parang nawala ang sakit na nararamdaman ko kanina. Pero bigla na naman akong napangiwi ng maramdaman ulit ang paghilab ng aking tiyan kaya agad akong umire. Hanggang sa marinig ko ulit ang iyak ng isa ko pang anak. Halos pipikit na sana ako ng maramdaman ulit ang pangatlong paghilab ng aking tiyan kaya mabilis akong umire.

Nagising ako sa ingay na aking narinig at kahit ramdam ko ang sobrang pagod at sakit ng aking katawan lalo na ang aking gitnang hita. Ay minulat ko ang aking mga mata.

“Oh, gising na si Mama,” tuwang wika ni Nanay Maring habang may karga itong sanggol. Bigla namang sumilay ang ngiti sa aking labi habang naglalandas na ang luha sa aking mga mata.

“Nay, akin na po ang anak ko,” wika ko kay Nanay habang papalapit naman siya sa akin. 

“Ito na po Mama, tingnan mo anak ang p-pogi nila,” masayang wika ni Nanay habang inabot sa akin ang isa kong anak. Napatingin naman ako sa tabi ko na mahimbing ding natutulog ang dalawa ko pang anak. Naluluha akong hinahaplos ang kanilang maliliit na mga pisngi.

“Anak tama na ang pag-iyak makakasama iyan sa’yo,” wika ni Nanay habang hinahaplos ang aking buhok.

“Salamat po Nay, hindi ko po alam ang gagawin ko kapag wala po kayo Nay,” iyak kong wika sa kanya. Pinunasan niya naman ang aking pisngi habang naiiyak din.

“Tama na iyang iyakan niyo, tinatanong na ng nurse ang mga pangalan ng mga apo ko.” Napalingon naman kami kay Tatay sabay tawa.

“Ito po si Jachin, at ito po si Javi, habang ito pong karga ko ay si Jax,” ngiting wika ko sa nurse.

“Ang ganda naman ng mga pangalan ng apo ko,” wika ni Nanay habang binuhat na si Javi dahil umiyak ito. Napatingin din kami kay Jachin dahil mas malakas pa ang iyak niya kay Javi kaya agad na lumapit si Tatay at binuhat siya. napangiti naman ako habang nakatingin kay Tatay at Nanay na masayang isinayaw ang dalawa kong anak.

Nang makalabas na ako sa hospital ay halos ayaw na umalis ni Tatay at Nanay sa tabi ng mga anak ko. sinanay kasi nila ang tatlo sa pagkarga kaya hindi natutulog kapag hindi sila karga ng Lolo at Lola nila. Magkakatabi na rin kami sa pagtulog dahil panay ang iyak ng mga anak ko kapag hindi nila nakatabi ang Lolo at Lola nila, ang saya ko siguro kung ganito rin kamahal ni Daddy ang mga anak ko.

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Jhen-vic Sapitula Gequillo
plz unlock
goodnovel comment avatar
Elaine Pacadar
bakit sarado
goodnovel comment avatar
Elaine Pacadar
buksan ang nect pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status