“S-sino po kayo?" Takang tanong ko, bahagya kong kinamot ang ulo dahil sa labis na pagtataka.
Pamilyar ang mukha ng lalaki sa harapan ko, hindi ko man eksaktong matandaan kung sino ngunit nasisiguro kong nakita ko na siya.
“Hindi mo ba ako nakikilala?" Ngumisi siya ng patagilid, mas inilapit niya ‘yung mukha niya sa pagmumukha ko.
Nararamdaman ko ‘yung mainit na hininga niya, napaka-lapit ng mukha niya sa akin, sigurado akong sa isang maling galaw lamang ay maaaring magdikit ang mga labi naming dalawa.
“Boss, niloloko ka ata eh!"
Saglit akong napatingin sa isa sa mga guwardya niyang nakapaligid sa amin, armado ang mga ito kaya't nasisiguro kong hindi normal na tao ang lalaki sa harapan ko.
“Tsk, ambilis n'yo namang kalimutan ang mga utang n'yo sa amin?" Sarkastiko ang pagkakasambit niya, nakatingin siya sa aking labi na animo'y susunggaban na niya ako ng h***k.
Nakatatakot!
Hindi ako makagalaw, napaparalisa ako.
Hindi ako makabuo ng salita, para bang nalunok ko iyong dila ko.
“Answer!"
“K-kayo po ba ‘yung pinagkakautangan ni Papa?" Utal ko, nanginginig ang mga labi kong sinambit ang mga kataga.
Hindi siya kumibo, nanatili siyang nakatitig sa labi ko.
Siya nga ‘yon!
Siya ‘yung anak ng pinagkakautangan ni Papa.
Pero bakit? Paano niya nalaman ang pinagtataguan ko?
Nararamdaman ko ang pag-angat ng iilang hibla sa buhok ko.
Alam kong kailangan kong gumawa ng paraan para maka-alis sa harapan niya.
“S-sir," w-wala na akong pakielam kahit maamoy niya ‘yung hininga ko, “kaya ko pong pagtrabahuhan ‘yung utang namin sa inyo, w-wag n'yo lang po akong patayin!"
“Really?" Tumango ako na animo'y isang maamong tuta. “Then," Inilayo na niya ang kaniyang mukha sa akin, nakalma na ako kahit papaano.
“you have to work for me."
Ha? Ano daw?
Ako magtatrabaho sa kaniya? Anong trabaho naman?
Siguro katulong ang magiging trabaho ko sa kaniya?
“H-handa po akong manilbihan sa inyo, s-sir. . ."
Tumawa siya ng malakas dahil sa sinambit ko, naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa pagtawa niyang iyon.
“Y-you mean a maid?" Natatawang aniya at sandaling ibinaling ang tingin sa kaniyang mga guwardya.
Ano bang nakatatawa sa sinabi ko? Sigurado naman akong ‘yon ‘yung magiging trabaho ko sa kaniya kapag nandoon na ako.
“Nah, you're not going to be a maid." Matalim niya akong tinitigan.
Tama ba ako ng naririnig? Hindi ako magiging katulong? Eh ano ang magiging trabaho ko sa kaniya?
“S-sir, ano po ang ibig sabihin n'yo?" Nagtatakang sambit ko, sumeryoso ang kaniyang mukha.
“Work for me as my fiance," Ma-awtoridad niyang sambit. “be mine or else you'll die."
You'll die? Papatayin niya ako kung hindi ako pumayag sa gusto niya?
Hindi pwede!
Hindi maaari!
“Ija," Sinalubong ako ng isang matanda, kinuha niya ‘yung iba sa mga gamit kong dala-dala. “Naririto ka na pala. . ."Nginitian ko s'ya, ramdam ko pa din ‘yung namumuong kaba.Ngumiti ako ulit sa kaniya nang titigan ko siya sa kaniyang mga mata. “Hello po, kamusta po kayo?" Bati ko naman sa kaniya, nanatili pa rin akong nakangiti.“Maayos naman," Hindi manlang niya ako nginitian o ano, mas itinuon niya ang atensyon sa pag-aayos ng mga gamit na kinuha niya mula sa mga kamay ko. “s'ya nga pala, ito ‘yung katulong ko dito." kasabay no'n ang paglapit ng isang babaeng hindi nalalayo sa edad ko.“Hi, I'm Cindy!" Nakangiting bati niya sabay na iniabot ang kaniyang kamay.“Hello, Brielle," Nangunot ang noo niyang tumitig sa mga mata ko. “Call me Bri." Inabot ko ‘yung kamay niya.“So,
Its already twelve midnight.Hindi ako makatulog, nagmistulang tumalon sa apat na bahagi ng kwartong ito ‘yung antok dahilan para hindi ako makatulog.Iniisip ko ‘yung mga naiwan ko, ‘yung mga kapatid ko.Kamusta na kaya sila?Hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala sa kanila kahit pa pinagkakatiwalaan ko pa ‘yung pinagbilinan ko sa kanila.Hindi ko alam kung kailan matatapos ang misyong ito, kailangan ako ni Mr. Zeke at gano'n din ako, kailangan ko siya para mabayaran ‘yung utang namin.Hindi ko hahayaan na masira ‘yung misyon niya, delikado siyang kalaban.Nakatatakot.Para siyang isang halimaw kapag nagagalit, ika-nga ni Cindy ay siya ang living lion king.“Be mine or you'll die." Pag-uulit ko sa isipan ko.Seryoso siya nang sabihin a
“Don't ask–call me love." Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ‘yung mga sinabi niya kanina, para bang hindi siya nahihiyang sabihin ‘yon, ‘yung tipong parang matagal na niya akong kakilala. Love? Ang wirdong pakinggan, nakangingiwi. “Hoy, kanina ka pa nakatulala!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang matinis na boses ni Cindy, muli akong nagkunot noong tumitig sa kaniya. “Ah–wala may naisip lang kasi ako!" Nginitian ko siya, bahagya pa akong napakamot sa ulo. Nanlaki ang kaniyang mga mata, “Ano?" Natutuwang sambit niya. “What if magluto tayo ng miryenda para sa mga trabahador?" Ani ko. “Iyan ang wag na wag mong gagawin!" Nanlaki ang mga mata niya ng sambitin iyon. Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka. Bakit naman? Kasi ba baguhan pa lang ako dito kaya baka akalain nila ay pumapapel na ako? Hindi naman iyon ‘yung intensyon kong gawin.
Kaagad niya akong tinalikuran matapos niyang ibigay itong teleponong ito sa akin. “Hoy bes, Anong nangyari? Bakit ka umalis kaagad?" Nag-aalalang tanong ni Cindy nang makasalubong ko siya papunta sa kusina, naghahabol siya ng hininga na animo'y tumakbo ng malayo. “Wala naman, may nakalimutan lang akong gawin." Ngumiti ako sa kaniya, kumuha ako ng isang basong tubig at nilagok iyon. “Teka nga," Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, kinikilatis ‘yung hitsura niya. “Bakit parang hingal na hingal ka? Ano bang ginawa mo?" Kumunot ang noo niya, “Bes hinabol kita! Hindi lang kita naabutan dahil ang haba ng mga biyas mo!" Natatawang sambit niya. Kumuha siya ng inumin at diretsong nilagok iyon. “Nakita ko si Sir Zeke na lumalabas mula sa kwarto mo," Tumaas ‘yung isang kilay ko. “Anong ginawa no'n sa kwarto mo?" Pabirong tanong niya. “May sinabi lang siya, ‘di rin naman siya n
Muli kaming sumakay sa kaniyang kotse at hindi na niya ako magawang kibuin hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakikita ko pa din ang pamumula sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang leeg, kinakamot niya ito ng madiin.Inalalayan ko siya patungo sa kaniyang kwarto.Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama, nagulat ako ng tanggalin niya ‘yung natitirang butones sa kaniyang damit.Malaya kong nakikita ang kaniyang dibdib hanggang sa matigas niyang t'yan.Tinakpan ko ang mga mata nang mapagtanto kong nakatitig ako sa kaniyang t'yan.Diyos ko! Ano bang ginagawa mo Brielle!Ayokong magkasala, patawarin po ninyo ako ama sa langit.Pero ang ganda ng hubog ng pangangatawan niya, halatang naaalagaan niya iyon.“Where are you going?" Malamig ang tinig niya nang sabihin iyon kaya't awtomatiko akong napahinto sa paglalakad para lingunin siya.“Kukuha lang ako ng gamot at pampunas sa katawan mo." kasabay
“Sa kaligtasan nila, hindi normal ang mga trabaho ng magulang ni Zeke, ija." Napatango na lamang ako, wala akong mabuong salita. “Oh siya d'yan ka na ija at ako'y may gagawin pa." kasabay no'n ang pagtalikod niya sa akin. Iniwan niya akong nakatulala, pilit kong iniintindi ‘yung mga sinabi niya. Anong ibig sabihin niya sa mga iyon? “Oy bes! Bat ka ba nakatulala d'yan!" Bulyaw ni Cindy na ngayon ay nasa harapan ko na pala, napa-iling na lamang ako sa kaniya. “Kamusta pala si Sir Zeke? Balita ko sumumpong na naman ‘yung allergy niya kaya umuwi kayo kaagad?" “Ah oo, hindi ko kasi alam na mayroong problema ‘yung balat niya sa bagoong." Nanlaki ang mga mata niya, “Bagoong?! Hala! Edi nagalit ‘yon sa iyo kanina?" Ngumiti ako, “H-hindi naman. . ." saglit kong ikinunot ang noo. “Hay mabuti! Nu'ng huli kasing pinakain s'ya ng bagoong ay nagalit siya!" Huminga siya ng malalim, wala namang bago do'n dahil lagi naman siyang galit. <
“Bes, Goodmorning!" Maingay na boses ni Cindy ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto, malawak ang pakakangiti nito sa kaniyang labi. “Nga pala, pinapasabi ni Sir Zeke na dumeretso ka sa opisina niya matapos mong mag-almusal." Aniya, nilapitan niya ako at mahinang tinapik-tapik ang balikat ko. “Labas muna ako ha." Nagpatango-tango ako sa sinabi niya.Ako hinahanap? Bakit na naman kaya?Saglit kong tinungo ang kusina para magtimpla ng kape't kaagad na dumeretso sa opisina niya.Huminto ako sa paglalakad nang makahinto ako sa harapan ng pintuan, muli akong huminga ng malalim. Ewan ko ba! Likas na sa akin na gawin ang mga bagay na ganito.“How's your sleep, Bri?" Bungad niya sa akin matapos kong makapasok sa loob, bahagyang nanlaki ang mga mata kong naupo sa harapan ng lamesa niya. “Maayos naman. . ." bahagya akong ngumiti sa kaniya.“Anyways, tungkol sa pinag-usapan natin kagabi," Napatingin ako sa mga mata niya
Nakatulog ako ng mahimbing dahil sa labis na pagkapagod, ang daming nangyari kagabi, nagsisimula na din kasing umusad ‘yung misyon niyang naming ito.Hindi pa rin ako makamove-on sa paghalik niya sa noo ko nu'ng gabing iyon, ang pinag-usapan kasi namin ay ‘Public Affection' lang, hindi ko din alam kung ano ang rason para gawin niya iyon, napapansin ko nga ding hindi na siya katulad nu'ng mga nakaraang araw, ‘yung laging galit na animo'y pasan-pasan na niya ang lahat ng problema sa mundo.“Hi, I'm Levi, Sir Ezekiel's assistant." Nakipag kamay ako sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan ko, may katangkaran siya kaya't bahagya akong napatingala para makita ang mukha niya, may katangusan ‘yung ilong niya, mamula-mula din ang kaniyang mukha at bukod do'n ay nakasuot ito ng tuxedo, para siyang isang escort.Pinilit ko ang sariling magbalik sa sariling wisyo, ilang beses muna akong kumurap bago makabuo ng mga salitang sasabihin, &l