Its already twelve midnight.
Hindi ako makatulog, nagmistulang tumalon sa apat na bahagi ng kwartong ito ‘yung antok dahilan para hindi ako makatulog.
Iniisip ko ‘yung mga naiwan ko, ‘yung mga kapatid ko.
Kamusta na kaya sila?
Hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala sa kanila kahit pa pinagkakatiwalaan ko pa ‘yung pinagbilinan ko sa kanila.
Hindi ko alam kung kailan matatapos ang misyong ito, kailangan ako ni Mr. Zeke at gano'n din ako, kailangan ko siya para mabayaran ‘yung utang namin.
Hindi ko hahayaan na masira ‘yung misyon niya, delikado siyang kalaban.
Nakatatakot.
Para siyang isang halimaw kapag nagagalit, ika-nga ni Cindy ay siya ang living lion king.
“Be mine or you'll die." Pag-uulit ko sa isipan ko.
Seryoso siya nang sabihin ang mga katagang iyon, nakita ko ‘yung panlilisik ng kaniyang mga mata ng titigan niya ako nu'ng gabing iyon.
Sa hitsura niya, alam kong madali lang sa kaniya ang pumatay ng ibang tao lalo pa ‘yung may mga kasalanan sa kaniya.
Sigurado ako na ako ‘yung pagbubuntunan niya lalo pa't patay na ang mga magulang namin.
Napaiisip ako kung ano ‘yung magiging reaksyon ng pamilya niya kapag nakilala nila ako, kapag naniwala sila na ang bumihag sa anak nila ay isang simpleng babae lamang.
Handa ko namang tanggapin ang mga ‘yon wag lang mapalayo sa mga kapatid ko.
Hihintayin ko pa sana siyang makauwi dahil may gusto akong linawin ngunit bigla akong inantok, susulitin ko na ‘yung oras na ito para matulog.
***
“Goodmorning, bes!" Maingay na boses ang gumising sa akin, napabalikwas ako ng higa.
Tinakpan ko ‘yung mga mata ko para hindi masilaw sa sikat ng araw.
Inaantok pa ako, wala akong maayos na tulog kagabi.
“Hoy gumising ka na kanina pa nandya'n si Sir!" Nabingaw ako sa lakas ng boses niya, bahagya kong hinilot ang mga tenga ko bago bumangon.
Nawala ‘yung antok ko dahil sa sinabi n'ya.
“Ha? Hinahanap ako?" kaagad akong tumayo para ayusin ‘yung hinigaan ko. “Kanina pagdating oo pero nu'ng sinabi kong natutulog ka ang sabi niya ay hayaan ka na lang muna magpahinga," Sagot niya, nag-krus ‘yung braso niya ng titigan ko siya.
“kaya bes, take your time! Wag kang masyadong magpastress baka magfade ang beauty." Napangisi ako sa sinabi niya, kaagad kong tinungo ang banyo para magsipilyo at maghilamos.
“Oh bahala ka na d'yan ha!" kaagad akong lumabas sa kwarto, tinungo ko ang kusina at nakita ko do'n si Manang Ester. “Kamusta naman ang tulog mo ija? Bakit parang napuyat ka?" Bungad niya habang nagtitimpla ng kape.
“Ah–medyo namamahay lang po!" Ngumiti ako sa kaniya. “Ija, normal lang iyan wag kang mag-alala dahil masasanay ka din!" Tinapik niya ‘yung balikat ko.
Maya-maya pa ay umaalingaw-ngaw na naman ang maingay na boses ni Cindy.
Para siyang nakalunok ng mic dahil sa lakas ng boses niya.
Saan kaya siya humuhugot ng enerhiya?
“Bakit kaya maaga na kapag umuuwi si Sir Zeke? May kinalaman kaya iyon sa trabaho niya? O baka hala–" Nahinto siya sa pagsasalita, tumaas ang dalawang kilay ko.
Mukhang alam ko na ‘yung ibig sabihin niya. Baka may kinalaman iyon sa pambababae niya? Eh ano namang pakielam ko kung gano'n? Kontrata lang naman ang lahat ng ito.
Gustuhin ko mang sabihin sa kaniya ang lahat ngunit hindi ko magawa, baka iyon pa ang maging mitsa ng pagkasira ng mga plano niya, siguradong hindi na ako aabutin ng sikat ng araw kapag nangyari iyon.
“Oh bakit napatigil ka? Nagtataka ka na rin ba kung bakit maaga na siya kung–" Nahinto siya sa pagsasalita at natulala sa likuran ko kung kaya't kaagad akong lumingon dito.
Nakita kong iniluwa ng pintuan si Mr. Zeke.
Nakakrus ang dalawang braso nitong nakatingin sa akin. “Mag-almusal muna kayo, Cindy. Bring coffee to my office." walang reaksyon niyang sambit sabay talikod sa amin.
“Ayii coffee daw!" Pulado ang kaniyang mukha nang titigan ko siya, bahagya pa siyang pumalakpak.
Kaagad akong kumilos para magtimpla ng kape. “Oh anong gagawin ko d'yan?" Nagtatakang tanong ni Cindy matapos kong iabot sa kaniya ‘yung tasa.
“Ihatid mo." Ani ko. “Ikaw na lang ang maghatid n'yan! Para naman magkaroon na kayo ng bonding!" Natatawang sambit niya.
“Para na rin maitanong mo kung bakit maaga na siya kung umuwi!" Nangunot ang noo ko dahil do'n, walang sali-salita kong inilayo ‘yung kape sa kaniya.
Naririnig ko ‘yung bungisngis niya habang lumalayo ako, kaagad kong tinungo ‘yung opisina niya.
Humugot ako ng isang malalim na bangin sa pamamagitan ng pagbubuntung-hininga nang huminto ako sa opisina niya, kaagad akong kumatok.
“Come In." Binuksan ko ‘yung pinto at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan niya.
“Here's your coffee, Mr. Zeke." Inilapag ko ‘yung tasa sa lamesa niya ngunit hindi niya ako tiningnan, ni hindi manlang siya nagpasalamat.
Ilang beses ko ng pineke ‘yung pag-ubo ko ngunit hindi pa rin siya nagsasalita.
“Sit." Kaagad akong umupo sa upuan sa gilid ng lamesang ‘yon. “I want you to wear this." Ibinigay niya ‘yung maliit na kahon na kinuha niya mula sa cabinet.
Nakita ko naman na kamukha iyon nu'ng singsing na nakasuot sa kaniya. “Hindi ba dapat ikaw ‘yung magsusuot sa akin nito?" Nakagat ko ‘yung ilalim ng labi ko nang titigan niya ako ng pailalim.
See? Hindi talaga siya marunong makipagbiruan.
“Everything is planned, wala ka ng dapat pang alalahanin, ang kailangan mo na lang gawin ay gawin ‘yung mga pinag-usapan natin nu'ng sabado." Napatango ako doon. “Pero," Napatigil ako ng ibaling niya ‘yung paningin sa akin.
“Ano ‘yung sinasabi nila na pansamantala lang ‘yung kwarto ko? Na matutulog lang tayo sa isang kwarto kapag kasal na tayo? Wala naman sa pinag-usapan natin ‘yon ah?" Ngumisi siya ng patagilid.
“Wala nga," Tumaas ‘yung makapal niyang kilay, “and I don't have plan aswell." Matapos no'n ay hindi na siya kumibo, puro tango na lang ‘yung ginagawa niya sa tuwing may itinatanong ako.
Nanunuot sa tenga ko ‘yung sinagot niya, na wala siyang plano? Edi wow!
Aalis na sana ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko, kusang huminto ‘yung mga paa ko sa paglalakad para lingunin siya. “Mr. Zeke? May kailangan pa po kayo?"
Humilig siya sa kaniyang swivel chair, pinagpatong niya ang dalawang hita. “Drop the formality."
Ha? Anong ibig sabihin niya?
“P-po?" Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka. “Don't call me Mr. Zeke from now on," Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Anong gusto niyang itawag ko sa kaniya?
Baby?
Love? Hubby?
O Lion King? No–hindi, mag-isip ka nga Brielle Isabella!
“Anong gusto n'yo pong itawag ko sa inyo?" Tanong ko. “Just call my name."
And I'll be there?
Bahagya akong napangisi dahil sa naiisip kong kalokohan, nanatili namang seryoso ang mukha niya.
“But I prefer if you call me–" Nahinto ang pagsasalita niya nang biglang umugong ‘yung telepono malapit sa kaniya.
Kaagad siyang tumayo para sagutin ang tawag niyon na hindi ko alam kung sino.
Sigurado akong importante ang kung sino man ang tumawag na iyon sa kaniya dahil matagal silang nag-usap idagdag pa ‘yung mahinang boses niya.
Mas sumeryoso ang mukha niya matapos ‘yung pag-uusap nilang dalawa, muli niyang inilapat ang kaniyang likod sa kaniyang swivel chair matapos no'n.
Napansin ko ‘yung pagbabago ng reaksyon niya matapos makipag-usap sa telepono, para bang nabadtrip siya.
“Anyways–I want you to call me, love."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Don't ask, call me love, ‘yun ‘yung magiging tawagin natin, maliwanag?" Napatango na lamang ako sa sinabi niya.
“Get lost." muli niyang ibinalik ‘yung buong atensyon niya sa ginagawa, hindi na niya muli pa akong kinausap kaya kaagad na akong lumabas sa opisina niya.
Nasapo ko ang d****b nang makita si Cindy sa harap ng pintuan, “Oh anong ginawa n'yo bakit ka pinagpapawisan?" Tukso niya muli namang kumunot ang noo ko dahil do'n.
Pinunasan ko ‘yung leeg ko gamit ang likod ng palad, oo nga pinagpapawisan ako, siguro natatakot lang ako sa kaniya kaya ako pinagpapawisan.
“Oh bat ka gan'yan makatingin?" Kompronta ko, iba ‘yung pagkatitig niya sa akin, ‘yung para bang mayroon siyang gustong sabihin ngunit napipigilan lang.
“Wala ka bang maitsi-tsismis d'yan?" Pabiro niya akong tinabig sa balikat.
“Don't ask–call me love." Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ‘yung mga sinabi niya kanina, para bang hindi siya nahihiyang sabihin ‘yon, ‘yung tipong parang matagal na niya akong kakilala. Love? Ang wirdong pakinggan, nakangingiwi. “Hoy, kanina ka pa nakatulala!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang matinis na boses ni Cindy, muli akong nagkunot noong tumitig sa kaniya. “Ah–wala may naisip lang kasi ako!" Nginitian ko siya, bahagya pa akong napakamot sa ulo. Nanlaki ang kaniyang mga mata, “Ano?" Natutuwang sambit niya. “What if magluto tayo ng miryenda para sa mga trabahador?" Ani ko. “Iyan ang wag na wag mong gagawin!" Nanlaki ang mga mata niya ng sambitin iyon. Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka. Bakit naman? Kasi ba baguhan pa lang ako dito kaya baka akalain nila ay pumapapel na ako? Hindi naman iyon ‘yung intensyon kong gawin.
Kaagad niya akong tinalikuran matapos niyang ibigay itong teleponong ito sa akin. “Hoy bes, Anong nangyari? Bakit ka umalis kaagad?" Nag-aalalang tanong ni Cindy nang makasalubong ko siya papunta sa kusina, naghahabol siya ng hininga na animo'y tumakbo ng malayo. “Wala naman, may nakalimutan lang akong gawin." Ngumiti ako sa kaniya, kumuha ako ng isang basong tubig at nilagok iyon. “Teka nga," Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, kinikilatis ‘yung hitsura niya. “Bakit parang hingal na hingal ka? Ano bang ginawa mo?" Kumunot ang noo niya, “Bes hinabol kita! Hindi lang kita naabutan dahil ang haba ng mga biyas mo!" Natatawang sambit niya. Kumuha siya ng inumin at diretsong nilagok iyon. “Nakita ko si Sir Zeke na lumalabas mula sa kwarto mo," Tumaas ‘yung isang kilay ko. “Anong ginawa no'n sa kwarto mo?" Pabirong tanong niya. “May sinabi lang siya, ‘di rin naman siya n
Muli kaming sumakay sa kaniyang kotse at hindi na niya ako magawang kibuin hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakikita ko pa din ang pamumula sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang leeg, kinakamot niya ito ng madiin.Inalalayan ko siya patungo sa kaniyang kwarto.Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama, nagulat ako ng tanggalin niya ‘yung natitirang butones sa kaniyang damit.Malaya kong nakikita ang kaniyang dibdib hanggang sa matigas niyang t'yan.Tinakpan ko ang mga mata nang mapagtanto kong nakatitig ako sa kaniyang t'yan.Diyos ko! Ano bang ginagawa mo Brielle!Ayokong magkasala, patawarin po ninyo ako ama sa langit.Pero ang ganda ng hubog ng pangangatawan niya, halatang naaalagaan niya iyon.“Where are you going?" Malamig ang tinig niya nang sabihin iyon kaya't awtomatiko akong napahinto sa paglalakad para lingunin siya.“Kukuha lang ako ng gamot at pampunas sa katawan mo." kasabay
“Sa kaligtasan nila, hindi normal ang mga trabaho ng magulang ni Zeke, ija." Napatango na lamang ako, wala akong mabuong salita. “Oh siya d'yan ka na ija at ako'y may gagawin pa." kasabay no'n ang pagtalikod niya sa akin. Iniwan niya akong nakatulala, pilit kong iniintindi ‘yung mga sinabi niya. Anong ibig sabihin niya sa mga iyon? “Oy bes! Bat ka ba nakatulala d'yan!" Bulyaw ni Cindy na ngayon ay nasa harapan ko na pala, napa-iling na lamang ako sa kaniya. “Kamusta pala si Sir Zeke? Balita ko sumumpong na naman ‘yung allergy niya kaya umuwi kayo kaagad?" “Ah oo, hindi ko kasi alam na mayroong problema ‘yung balat niya sa bagoong." Nanlaki ang mga mata niya, “Bagoong?! Hala! Edi nagalit ‘yon sa iyo kanina?" Ngumiti ako, “H-hindi naman. . ." saglit kong ikinunot ang noo. “Hay mabuti! Nu'ng huli kasing pinakain s'ya ng bagoong ay nagalit siya!" Huminga siya ng malalim, wala namang bago do'n dahil lagi naman siyang galit.
“Bes, Goodmorning!" Maingay na boses ni Cindy ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto, malawak ang pakakangiti nito sa kaniyang labi. “Nga pala, pinapasabi ni Sir Zeke na dumeretso ka sa opisina niya matapos mong mag-almusal." Aniya, nilapitan niya ako at mahinang tinapik-tapik ang balikat ko. “Labas muna ako ha." Nagpatango-tango ako sa sinabi niya.Ako hinahanap? Bakit na naman kaya?Saglit kong tinungo ang kusina para magtimpla ng kape't kaagad na dumeretso sa opisina niya.Huminto ako sa paglalakad nang makahinto ako sa harapan ng pintuan, muli akong huminga ng malalim. Ewan ko ba! Likas na sa akin na gawin ang mga bagay na ganito.“How's your sleep, Bri?" Bungad niya sa akin matapos kong makapasok sa loob, bahagyang nanlaki ang mga mata kong naupo sa harapan ng lamesa niya. “Maayos naman. . ." bahagya akong ngumiti sa kaniya.“Anyways, tungkol sa pinag-usapan natin kagabi," Napatingin ako sa mga mata niya
Nakatulog ako ng mahimbing dahil sa labis na pagkapagod, ang daming nangyari kagabi, nagsisimula na din kasing umusad ‘yung misyon niyang naming ito.Hindi pa rin ako makamove-on sa paghalik niya sa noo ko nu'ng gabing iyon, ang pinag-usapan kasi namin ay ‘Public Affection' lang, hindi ko din alam kung ano ang rason para gawin niya iyon, napapansin ko nga ding hindi na siya katulad nu'ng mga nakaraang araw, ‘yung laging galit na animo'y pasan-pasan na niya ang lahat ng problema sa mundo.“Hi, I'm Levi, Sir Ezekiel's assistant." Nakipag kamay ako sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan ko, may katangkaran siya kaya't bahagya akong napatingala para makita ang mukha niya, may katangusan ‘yung ilong niya, mamula-mula din ang kaniyang mukha at bukod do'n ay nakasuot ito ng tuxedo, para siyang isang escort.Pinilit ko ang sariling magbalik sa sariling wisyo, ilang beses muna akong kumurap bago makabuo ng mga salitang sasabihin, &l
“Thank you, Zeke." mga binili niya sa akin ‘yung tinutukoy ko at ‘yung espesyal na araw na ito. “No, Bri, thank you." Nararamdaman ko ‘yung mainit na hininga niya na dumadampi sa leeg ko. Nakaupo kami sa isang couch, magkalapit lang kami ng pwesto kaya nararamdaman ko ‘yung paghinga niya, nararamdaman ko din ‘yung mga titig niya sa akin kaya hindi ko siya matititigan ng diretso. May problema ba sa mukha ko? Ilang saglit pa'y tumunog ‘yung telepono niya kaya kaagad niyang ibinaba ‘yung kopitang kaniyang hawak-hawak at itinuon ang pansin sa teleponong iyon, naglakad siya papalayo sa akin, nakikita ko naman ang panggigigil ng kaniyang panga nang titigan ko siya mula sa isang sulok ng kwartong ito. Inayos ko ang sarili nang makalapit na siya sa akin, napansin kong bumalik na naman ‘yung seryoso niyang mukha, “Ipapahatid na lang kita sa guwardya, hindi kita maihahatid." Tumalikod siya sa akin na animo'y isa lamang akong bula na kahit anong oras ay pep-pwedeng mawa
“Saan ba tayo pupunta?" Hindi pa rin ako mapakali, nilakasan ko ang loob para tanungin si Zeke na ngayo'y nakatuon ang pansin sa pagmamaneho, saglit niya akong tinitigan. “You're stressed and you are missing something." bahagyang tumaas ‘yung isa sa mga kilay ko, totoo naman na nai-stress na ako sa mga pinagggagawa namin pero alam ko namang parehas lang ang nararamdaman namin, wala akong karapatang magreklamo. Pamilyar ‘yung mga dinaraanan namin, nanlalaki ang mga mata ko nang makitang muli ‘yung mga dati kong dinaraanan. “Here, alam kong nami-miss mo na ang mga kapatid mo, Bri." Napangiti ako sa kaniya, ma-awtoridad na kumilos ang katawan ko para yakapin siya, natutuwa ako sa kaniya dahil sa kabila ng mga kasungitan niya dati'y mayroon pala siyang tinatagong kabaitan. “Go see them, hindi tayo pwedeng magtagal dito." Nakita kong bahagya siyang ngumiti sa akin, “Hindi ka ba sasama sa akin sa loob? Kilala ka naman na ‘di ba?" “Kila