Share

CHAPTER 4

Kaagad niya akong tinalikuran matapos niyang ibigay itong teleponong ito sa akin.

“Hoy bes, Anong nangyari? Bakit ka umalis kaagad?" Nag-aalalang tanong ni Cindy nang makasalubong ko siya papunta sa kusina, naghahabol siya ng hininga na animo'y tumakbo ng malayo.

“Wala naman, may nakalimutan lang akong gawin." Ngumiti ako sa kaniya, kumuha ako ng isang basong tubig at nilagok iyon. “Teka nga," Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, kinikilatis ‘yung hitsura niya.

“Bakit parang hingal na hingal ka? Ano bang ginawa mo?" Kumunot ang noo niya, “Bes hinabol kita! Hindi lang kita naabutan dahil ang haba ng mga biyas mo!" Natatawang sambit niya.

Kumuha siya ng inumin at diretsong nilagok iyon. “Nakita ko si Sir Zeke na lumalabas mula sa kwarto mo," Tumaas ‘yung isang kilay ko. “Anong ginawa no'n sa kwarto mo?" Pabirong tanong niya.

“May sinabi lang siya, ‘di rin naman siya nagtagal dahil umalis siya kaagad." Nakangiting sambit ko.

“Hayaan mo na ‘yon, ganoon lang talaga ‘yung ugali niya, tipid lang talaga siya kung magsalita." Itinali niya ang buhok.

“Oh nandidito pala kayo!" Nakita naming nasa tapat ng pintuan si Manang Ester,  may bitbit siyang mga plato kaya't kaagad kong kinuha iyon. “Sa'n po kayo galing, Manang?" Tanong ko matapos ilagay ang mga pinagkainan sa lababo.

“Dya'n lang sa labas, pinakain ko ‘yung mga guwardya." Nakangiting sagot niya.

“Nga pala ija," Kumuha siya ng mga topperware mula sa cabinet. “Binibilin ni Zeke na mag-ayos ka daw mamaya." Aniya.

Nagtataka naman akong muling napatitig sa kaniya.

Mag-ayos? Bakit naman? May pupuntahan ba kami?

“Bakit daw po, Manang?" Takang tanong ko kaya't muli siyang huminto sa ginagawa para lingunin ako. “Ang sinabi lang niya'y magbihis ka, gusto niya na simple lang ‘yung isusuot mo." Nagpatango-tango na lang ako sa sinabi niya.

Nagtataka pa din akong lumaba sa kusina para iayos ‘yung lamesa, tanghali na at kakain na kami ng tanghalian.

“Mukhang may date kayo ni Sir Zeke ah?" Kantsaw ni Cindy sa kabilang banda, trabaho niya talaga ang manukso. “Siguro may pupuntahan lang? Hindi naman siguro date ‘yon!" kunwari akong natawa sa sinabi ko ngunit nagtataka pa rin ang isip ko.

Date? Ako idadate niya? Ako idadate ng isang milyonaryo? Para namang wala sa kaniyang hitsura ang makipagdate sa isang simpleng babae.

“Kain na tayo, Sir Zeke!" Nabaling ang atensyon ko sa lalaking naglalakad papalapit sa akin, ngumiti na lang ako dito.

“Hi love, How's your day?" Malambing ‘yung tono niyang  yumakap sa akin. “Sumakay ka na lang." Bulong niya.

Rule number one, kailangan kong sumakay sa mga lambing niya lalo pa't mayroong ibang taong nakaharap.

“Okay naman love," Hinalikan ko ‘yung pisngi niya matapos ay dahan-dahan siyang itinulak para mapalayo sa akin. “Nga pala, naglunch ka na? Sakto kakain na." 

Tumulong kasi akong magluto sa kanila kanina, ‘yung isa sa mga itinurong luto ni Papa sa akin, alam ko namang magugustuhan niya iyon kahit pa simple lang ulam na ito.

Nanatiling seryoso ang mukha niyang tumingin kay Manang Ester. “Manang, naayos mo na ba ‘yung pinagagawa ko sa'yo?" Tanong niya.

Angas! Para akong kumausap sa hangin ah!

“Naayos ko na lahat, anak!" Nginitian siya nito at muli naman niyang ibinaling ang atensyon sa akin matapos no'n. “We're going to have a lunch with them." 

Them? Kanino? Sa pamilya niya? Hala!

“Be ready, kapag tapos ka ng maligo nasa opisina lang ako." Bulong niya sabay talikod.

Muli kong naamoy ‘yung mabangong amoy niya, matapang ang pabango na iyon at amoy lalaki, mahahalata sa amoy no'n na mamahalin ang pabango niya.

“Oh ano pang hinihintay mo?" Tukso ni Cindy, napansin kong namumula ang kaniyang mukha, kinikilig na naman siya.

Hindi na ako kumibo at dumeretso na agad sa kwarto para maligo, binilisan ko ‘yung kilos ko.

Ayaw pa naman niya nang naghihintay, baka kapag pinaghintay ko siya ay barilin na lamang niya ako, oo gano'n nga. Maikli lang ang pasensya niya kaya madaling mag-init ang kaniyang ulo.

Kaagad akong nagbihis matapos kong maligo, syempre isinuot ko ‘yung paborito kong bestida, itinali ko lang ‘yung buhok ko para hindi hanginin sa mukha ko at isinuot ko ‘yung sandalyas ko. Hindi na ako naglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha dahil wala naman ako no'n at hindi ko din alam kung paano gumamit.

Kaagad kong tinungo ‘yung opisina niya, huminga pa ako ng malalim bago kumatok. “Come In." Malamig na boses ang narinig ko sa loob noon kaya kaagad akong pumasok.

Kinilatis niya ‘yung buong pagkatao ko at bahagyang tumango-tango.

Ang ibig sabihin ba no'n ay nagustuhan niya ‘yung suot ko? Mabuti naman kung gano'n, wala na kasi akong maisusuot pang maganda sa paningin ko kapag hindi pa niya nagustuhan.

“Here wear this." Pabagsak niyang inihagis ‘yung maliit na kahon sa kaniyang lamesa kaya kaagad akong lumapit para tingnan kung ano iyon.

Isang kwintas ang nakita ko matapos kong buksan iyon, isang kulay gintong kwintas, alam ko namang mamahalin iyon kaya gulat akong napatingin sa kaniya. “What? Just wear that ng makaalis na tayo." Masungit na aniya sabay hilig sa kaniyang swivel chair.

Gaya nga ng sabi niya'y isinuot ko na ‘yung kwintas sa leeg ko.

Walang kibo-kibo niyang pinasakay ako sa kotse, pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Sweet ‘di ba? Syempre may nakakikitang ibang tao kaya kailangan niyang magpanggap na sweet siya sa fiance niya.

Mabilis kaming nakarating sa paroroonan namin sa bilis ng pagpapaandar niya at isa pa hindi rin naman malayo ito, lumagpas lang ng konti sa pinuntahan namin kanina.

Sinalubong kami ng mga trabahador niya. “Boss siya na po ba iyong sinasabi n'yong pakakasalan ninyo?" Anang isang lalaki, nakita ko naman siyang tumango't inilapag ‘yung mga dalang pagkain sa lamesa.

Wala siyang nabanggit na kakain pala kami kasama ang mga trabahador niya, buti na lang at tama lang ‘yung sinuot ko at hindi ako nagpantalon, nakahihiya kung gano'n ang isinuot ko!

“Tikman n'yo ‘to!" Inilabas niya ‘yung niluto kong ulam, ‘yung binagoongang baboy. “Si Bri ng nagluto n'yan!" Bahagya akong tumawa sa sinabi niya, nakita ko naman ang pagtango niya sa akin nang magtama ang paningin naming dalawa.

Nice acting! Parang totoo ah! Bakit kaya hindi siya mag-artista?

Nagsimula na kaming kumain matapos no'n hanggang sa matapos ay pinag-uusapan pa rin nila ‘yung tungkol sa magiging kasal namin.

Nakita kong namumula ang mukha niya nang titigan ko siya, napakakamot siya sa kaniyang leeg, nakita kong may mga pantal iyon. “Love, okay ka lang?" Ala-lang tanong ko sa kaniya.

“Yes, don't worry ayos lang ako." Sambit niya sa akin, hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata dahil alam kong nanlilisik na ang mga iyon.

Nako patay! Allergic yata siya sa bagoong! Hindi niya naman sinabi na may ganoon palang problema ang balat niya kapag kumakain siya ng mga ganoong pagkain. 

Ako ‘yung nagluto kaya sigurado akong ako din ‘yung pagagalitan.

Ano kayang magiging reaksyon niya sa akin mamaya pag-uwi namin? Kinakabahan ako.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana lagi na lang may taong nakatingin sa kanila para laging sweet si mr.zeke kay brielle
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status