Chapter 4

Pakiramdam ko ay natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Anong ginagawa niya rito? Bakit kung kailan ganito ang hitsura ko, saka pa kami magkikita?  Dahan-dahang bumaba ang aking paningin sa aking suot na pantulog. I was just wearing my button-down pajamas and my hoodie. And for Pete’s sake, naka-tsinelas lang ako! Tapos siya ang ganda ng suot. Iyong tipong a-attend ng isang semi-formal event. He’s wearing a dark blue longsleeves partnered with black pants. Bahagyang naningkit ang aking mga mata nang makita ko ang kaniyang suot na buckle belt. Even his belt screams elegance. Louis Philippe brand huh?

“So, you’re living here?”

Agad naman akong napaangat ng tingin sa kaniya. I put my left hand on my nape. My mannerism when I’m nervous and I don’t know what to say.

“Ah, yeah. Dito ako nakatira.”

Bumaling siya sandali sa pinto ng unit ko at saka muling tumingin sa akin.

“Are you sure?” tanong niya sa akin na para bang hindi kumbinsido na ako nga ang nakatira roon.

Bakit? Anong iniisip niya? That this might be someone’s unit and I’m just whoring out here?

Mahina akong natawa at marahang umiling. Kinuha ko ang susi ng unit sa bulsa ng aking hoodie at ipinakita iyon sa kaniya. Itinaas ko pang maigi iyon para makita niyang mabuti.

“So, your name is Ira?”

Nang maalala kong may kasamang key-chain na naka-engrave na name ko sa susi ng unit ay agad ko iyong ibinalik sa bulsa ko.

“Wala na dun!” inis na sambit ko sa kaniya. Hindi ko tuloy mapigilang mapairap sa kaniya. Guwapo nga, judgemental naman.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. He seemed amazed with me. That’s what I can see in his eyes.

“Alam mo, dumaan ka na lang.” saad ko at saka tumalikod na.

Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong grupo ng mga tao na naglalakad patungo sa hallway kung saan naroon kami. Akmang maglalakad na ako nang biglang may humawak sa braso ko. Nang lumingon ako sa taong gumawa noon ay kumunot ang noo ko.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya. Nakakunot pa rin ang aking noo dahil naiinis pa rin ako sa kaniya.

“Stay with me for a while.” bulong niya sa akin.

Nakita kong ang tingin niya ay nasa mga taong papalapit. Pinaharap niya ako sa kaniya at nabigla ako nang yakapin niya ako. Nababaliw na yata itong lalaking ‘to.

“Oh my gosh, Charish. Is that Sandro? Why is he hugging some girl?” dinig kong tanong ng isang babae.

I saw the woman named Charish rolled her eyes. She wanted to act cool pero halata namang naiinis siya.

Sa buong buhay ko, hindi ko na-imagine na magagamit ako sa ganitong paraan.

“So, I have been used as a tool to make your ex-girlfriend jealous, am I right?” walang gana kong tanong sa kaniya.

Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin. Para ngang gusto ko na siyang itulak eh. Kung hindi ko lang siya kilala baka kanina ko pa siya sinikmuraan.

“You’re right and wrong.” aniya saka marahang hinagod ang likuran ko.

May hatid na kiliti ang kaniyang paghagod sa aking likuran.

“Ha?”

I heard him sigh.

“That girl wearing purple dress is my ex-girlfriend, Charish. But I didn’t hug you to make her jealous.”

Bahagya akong lumayo sa kaniya para tingnan siya.

“I want her to realized that I don’t like her anymore.”

Napasimangot ako sa sinabi niya.

“Bayaran mo ako ha. Mahal ang acting fee ko.”

Ilang sandali pa ay dumaan na ang grupo ng babae. Nagpaparinig pa ang mga ito sa aming dalawa. I even rolled my eyes. As if I care about what they say. Hinintay lang namin na makapasok iyong mga babae sa isang unit. Nang makapasok na ang mga ito ay mabilis akong lumayo sa kaniya.

Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa kaya naman tumaas ang kilay ko.

“You looked so cute, you know.”

“Hindi ako nagpapauto sa mga heartbreaker.”

Mas lalo pa siyang natawa.

“Why? Do you think I’m a heartbreaker?”

Nginisihan ko siya.

“That’s what heartbreaker says.” sagot ko naman saka nagkibit-balikat.

“Congressman Sandro Romualdez!”

Sabay kaming napalingon sa taong paparating. My eyes widened a bit when I saw the person coming. What the hell is he doing here? Agad kong kinuha ang susi sa aking bulsa at nagmadali akong humarap sa doorknob ng aking condo para buksan iyon. Nakita ko naman ang mukha ni Sandro na bahagyang naguguluhan sa kinikilos ko.

“Attorney Ira Fortalejo?”

Too late. Dahan-dahan akong humarap sa lalaking naglalakad palapit sa amin.

“Lincoln Sullivan, right?” nakangiti kong tanong.

“Ah, yeah. Don’t tell me nakalimutan moa ko agad, Attorney?”

Alanganin akong tumawa at tumingin kay Sandro. I gave him a please-save-me-look.

The thing is, I knew this guy. Anak siya ng isa sa mga naging kliyente ko sa Law Firm. He’s a nice guy actually. Guwapo rin ito at mukhang disente. We’re totally cool back then. I thought he’s just really friendly to people around him. But when he asked me if he can court me, doon na nagbago ang paningin ko sa kaniya. Suddenly, he looked like he’s really obsessed to ask me out. Kaya magmula noon ay iniwasan ko na siya. Halos tatlong buwan ko na nga siyang hindi nakikita eh, ngayon na lang ulit. At dito pa talaga sa labas ng unit ko. Kung minamalas ka nga naman!

“What are you doing here, Attorney? Is here where you live?”

Marahil ay  nakita niya ang ayos ko kaya naman iyon agad ang naitanong niya.

Agad naman akong tumawa at umiling.

“No. Ah… siya! Siya yung nakatira rito.”

Gulat na bumaling si Lincoln kay Sandro.

“Is that true?”

Sumenyas ako sa kaniya na um-oo siya. Akala ko nga ay ilalaglag niya ako dahil sa tagal niyang sumagot.

“Ah, yes. This is one of my condo here in Manila.”

Mas lalong kumunot ang noo ni Lincoln.

“If this is your unit, then why is Attorney Fortalejo wearing a sleepwear?”

“Ang dami mo namang tanong Mr. Sullivan—”

“She’s staying with me. She’s my girlfriend.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sandro. Nababaliw na ba siya?

“Oh, I thought that Atty. Fortalejo is single. Akala ko rin ay single ka, Congressman.” naguguluhang saad nito.

Umiling si Sandro at nagkibit-balikat.

“Maraming namamatay sa maling akala.”

Agad na nagbago ang hitsura ni Lincoln. Kung kanina ay nakangiti ito, ngayon ay halos hindi na maipinta ang mukha nito sa sobrang inis. Padabog ito na naglakad patungo sa unit na pinasukan din ng ex ni Sandro kasama ang mga kaibigan nito.

“I didn’t expect to become the Congressman’s girlfriend tonight.” natatawang sambit ko.

“I didn’t know that my girlfriend is a lawyer.” he fired back.

Inirapan ko siya saka walang ganang tumalikod at naglakad na patungong elevator. Nang mapatingin ako sa wristwatch na suot ko ay saka ko lang napagtantong mag-a alas onse na. Napabuntong-hininga ako at sumandal sa wall ng elevator habang hinihintay itong magsara. Grabeng traffic naman ang inabot ko sa hallway na iyon.

“Can I join you?”

Napaismid ako nang makita si Sandro sa labas ng elevator. Oh? Akala ko ba pupunta siya sa event doon sa isang unit? Anong ginagawa niya rito ngayon?

“Naisip kong hindi nalang pumunta ng event.”

I scoffed in front of him.  

“Go away.” I said.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status