Ipinikit ko ang aking mga mata habang ang aking siko ay nakatukod sa lamesa at ang aking magkasiklop na mga kamay ay nasa noo ko. Sa buhay, may mga bagay na mahirap talaga maintindihan. Pero sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng magulang na mas uunahin pa ang kaniyang sariling reputasyon kaysa sa kaniyang anak.
Naiintindihan ko naman kung Dean siya ng isang prestihiyosong paaralan, pero tama bang ganoon ang maging reaksiyon niya sa nangyari? Ibig sabihin, kaya niya ako kinuhang abogado ng kaniyang anak ay para siguraduhing panalo ang magiging kaso laban sa suspect.
Humugot ako ng malalim na hininga at saka ibinalik ang aking atensiyon sa sa aking binabasa. Alas tres na nang matapos ako sa pagbabasa. Ang natitirang oras ay ginamit ko para makapagpahinga ako. Hindi rin naman ako nakatulog. Konting idlip lang at pinahinga ko lang ang aking katawan. Maaga rin akong bumangon dahil kailangan ko pang maglinis ng aking condo bago ako pumasok ng trabaho.<
“Argh!”Inis na bumuntong-hininga ako at napasabunot sa aking buhok dahil hindi ako makapag-focus sa trabaho ko. I was checking and making questions that I need to ask Froilan once we meet in person pero ang utak ko ay lumilipad sa text na na-receive ko kanina.Muli kong kinuha ang phone ko at binasa ang text na naroon. Hindi man lang ito nagpakilala kung sino. Basta nais lang nitong makipagkita sa akin sa pinakamalapit na coffee shop sa firm.The thing is, it’s kind of scary to meet someone out there when you don’t even know who the person you’re going to meet. Bumuga ako ng hangin at sinubukang muling ibaling ang aking atensiyon sa papel at ballpen na nasa harapan ko. Napapikit ako nang mariin nang muli na namang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa mensahe. Kagat ang aking ibabang labi ay inis akong napatayo. Hinablot ko agad ang aking trench coat, cellphone at wallet at agad na tumakbo. Narinig ko pang tinawag ako n
“Saan ka nanggaling?” tanong agad ni Leona pagkabalik ko sa loob ng aming opisina. Nakatayo pa ito at mukhang kanina pa ako nito hinihintay.“Sa labas lang.” sagot ko naman.Nanatili ang tingin sa akin ni Leona na wari ba’y naghihintay pa ito kung may idadagdag ako sa sinabi ko.“Ah, kasi niyaya ako ni Sandro na magkape sa labas.”Nang mapatingin ako kay Dean ay nakita ko ang pagtaas ng kilay nito.“At this hour?” tanong nito.Kinagat ko ang aking ibabang labi saka marahang tumango. Sandali niyang isinara ang folder na may files na binabasa niya at diretsong tumingin sa akin. Habang si Leona naman ay nakangisi lang sa isang tabi at pasimpleng tinutusok ang aking tagiliran at nang-aasar.“Working hours natin ito ah. First time mong ginawa iyan.” saad ni Dean saka muling ibinalik ang atensiyon sa kaniyang mesa. Nang tumingin ako kay Leona ay nagkibit-balikat lang ito. Hum
Magdidilim na nang makarating ako sa building ng condo kung saan ako nakatira. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa coffee shop para bumili ng kape dahil paniguradong hindi na naman ako makakatulog mamaya. Ito ang isa sa mga mahihirap na trabaho ng isang abogado. Hindi lang kliyente mo ang dapat na asikasuhin mo. At hindi lang sa isang bagay ka dapat naka-focus. Isa sa mga natutunan ko sa Uncle ko na kapatid ni Mommy ay dapat lagi mong titingnan ang iba’t-ibang anggulo ng kaso. Hindi lang sa anggulo ng kliyente mo kundi sa anggulo rin ng biktima.Bago ako lumabas ng elevator ay inayos ko muna pagkakasabit ang sling strap ng laptop bag sa aking balikat. Dahil sa dami ng laman niyon, nakaramdam na rin ako ng pangangawit. Dahil hindi naman malayo sa room ko iyong elevator, nakita ko agad na mayroong tao na nakatayo sa labas ng pinto ng aking unit. Nakasuot ito ng pastel brown colored sweater at pants. Para naman bahagyang matakpan ang kaniyang mukha ay nagsuo
Halos isang oras lang naging pagtulog ko ng gabing iyon. Pasalamat nga at nagawa ko pang makatulog kahit na binabagabag ako ng mga tanong sa aking isipan. Bandang alas kuwatro nang bumangon ako sa kama at nagdesisyong magtungo sa banyo para maligo. Kumpara sa nakasanayan, kailangan kong pumasok nang maaga ngayong araw dahil marami akong pupuntahan. Hindi lang ang bahay nina Froilan ang pupuntahan ko ngayong araw, kundi pati na rin ang kuwarto ni Isabella na pinangyarihan ng krimen.Pagkalabas ko ng banyo ay agad akong nagbihis. Iyong coat na suot ko kahapon ay inalis ko sa pagkakasabit at dinala sa lagayan ng maruruming damit. Pagkalapag ko nito sa ibabaw ng iba pang damit ay may nahulog na bagay sa sahig. Marahan akong yumuko para tingnan kung ano iyon.Kumunot ang aking noon ang makita sa sahig ang ballpen na binigay sa akin ni Isabella. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin nang ibigay niya ito. Dali-dali ko itong kinuha at binuksan. Nang maki
“Tell me truth, Tristan. Is it you who killed the son of your family driver?” tanong ko sa kapatid ni Froilan habang nakaupo kaming dalawa sa dulo ng kaniyang kama.We had to make it quick dahil paniguradong kapag nahalata ng mga detective na wala pa kami, magdududa ang mga iyon. I reached for Tristan’s hand and hold it to make him feel he wasn’t alone.“Tristan, kapag hindi mo sinabi sa akin ang totoo, posibleng makulong ng habang-buhay ang kuya Froilan mo. Alam mo namang siya ang inaasahan ng pamilya niyo sa pagpapatakbo ng inyong negosyo hindi ba? And he’s a great older brother to you. He always makes you safe.”Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nakabaling ang paningin sa ilalim ng malaking cabinet na kung hindi ako nagkakamali ay kaniyang damitan.“Tristan please—”“It wasn’t my fault. Hindi ako ang nagsimula, it was Aiden. The son of our driver.&rdquo
Pagbaba ko ng taxi hanggang makapasok ako ng building ay naroon pa rin ang kaba ko sa aking dibdib. Malakas ang aking pakiramdam na may kinalaman sa kaso ni Isabella ang pangyayaring iyon.Pagkapasok ko sa aking unit ay agad kong ini-lock ang pinto nito. Pagod na umupo ako sa sofa. Itinukod ko ang aking magkabilang siko sa aking tuhod at marahang inihilamos ang aking palad sa aking mukha. Pagkatapos ay paulit-ulit kong tinapik ito para magising ako sa katotohanan na lahat ng nangyayaring ito ay natural lang. Hindi ako puwedeng matakot o mag-back out dahil kapag ginawa ko iyon, I’m sure that my career will be over. Before I started studying for the case of Tristan that night, I received a call from an important person.“Attorney Fortalejo.”Napahinto ako sa paglalakad nang masalubong sa hallway ng opisina si Attorney De Silva. Marahan akong yumuko bilang pagbati rito. Tumingin naman ako kay West na nasa likuran niya. Sumenyas ito k
“I thought you wouldn’t come.” saad ng public defender ni Jonas Marquez pagdating ko sa coffee shop kung saan namin napag-usapang magkikita.He’s the one who called me yesterday before I go to sleep. Inilagay ko agad ang aking bag sa lamesa at umupo sa upuan na katapat noong sa kaniya.“Are you sure you wanted to take over the case?” he asked.“I’m really sure, Jico. Isa pa, sigurado akong mananalo tayo sa kasong ito.”Matagal siyang napatitig sa akin, tila ba pinag-aaralan niya kung ano ang nasa isip ko. Mayroon siyang kinuha sa bag ng kaniyang laptop na folder at inabot niya iyon sa akin.Tinanggap ko naman iyon at tipid na ngumiti sa kaniya. Jico Martinez is one of my classmates when I was still studying in San Beda. He’s one among my best classmates. He’s a great defense counsel, I’ve seen it. Ang kaso, dahil isa siya sa mga magagaling na estudyante, kinuha na
“The court dropped the charges given by the prosecution against the defendant, Froilan Dela Vera after his minor brother testified and admitted for his crime.”Humugot ako ng malalim na hininga nang i-announce ng korte ang kanilang desisyon sa kaso ni Froilan. Matapos kong ipakita lahat ng ebidensiya na kailangan para malinis ang pangalan ni Froilan ay nagdesisyon ang korte na may mali at pagkukulang ang prosekusyon sa pag-iimbestiga. Nang bumaling ako sa likuran ay nakita kong magkayakap ang mga magulang ni Froilan at Tristan. I was being discreet to them. I never told them about what I know. Ang sabi ni Froilan, siya na ang bahala sa mga magulang niya. He was my client at wala akong ibang choice kundi sundin siya. Good thing that his parents remained calm during the hearing.“Ikaw pa rin naman ang hahawak sa kaso ng anak ko, Attorney Fortalejo hindi ba?” mangiyak-ngiyak na tanong nito sa akin.Sa pagkakataong ganito, hindi