Halos isang oras lang naging pagtulog ko ng gabing iyon. Pasalamat nga at nagawa ko pang makatulog kahit na binabagabag ako ng mga tanong sa aking isipan. Bandang alas kuwatro nang bumangon ako sa kama at nagdesisyong magtungo sa banyo para maligo. Kumpara sa nakasanayan, kailangan kong pumasok nang maaga ngayong araw dahil marami akong pupuntahan. Hindi lang ang bahay nina Froilan ang pupuntahan ko ngayong araw, kundi pati na rin ang kuwarto ni Isabella na pinangyarihan ng krimen.
Pagkalabas ko ng banyo ay agad akong nagbihis. Iyong coat na suot ko kahapon ay inalis ko sa pagkakasabit at dinala sa lagayan ng maruruming damit. Pagkalapag ko nito sa ibabaw ng iba pang damit ay may nahulog na bagay sa sahig. Marahan akong yumuko para tingnan kung ano iyon.
Kumunot ang aking noon ang makita sa sahig ang ballpen na binigay sa akin ni Isabella. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin nang ibigay niya ito. Dali-dali ko itong kinuha at binuksan. Nang maki
“Tell me truth, Tristan. Is it you who killed the son of your family driver?” tanong ko sa kapatid ni Froilan habang nakaupo kaming dalawa sa dulo ng kaniyang kama.We had to make it quick dahil paniguradong kapag nahalata ng mga detective na wala pa kami, magdududa ang mga iyon. I reached for Tristan’s hand and hold it to make him feel he wasn’t alone.“Tristan, kapag hindi mo sinabi sa akin ang totoo, posibleng makulong ng habang-buhay ang kuya Froilan mo. Alam mo namang siya ang inaasahan ng pamilya niyo sa pagpapatakbo ng inyong negosyo hindi ba? And he’s a great older brother to you. He always makes you safe.”Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nakabaling ang paningin sa ilalim ng malaking cabinet na kung hindi ako nagkakamali ay kaniyang damitan.“Tristan please—”“It wasn’t my fault. Hindi ako ang nagsimula, it was Aiden. The son of our driver.&rdquo
Pagbaba ko ng taxi hanggang makapasok ako ng building ay naroon pa rin ang kaba ko sa aking dibdib. Malakas ang aking pakiramdam na may kinalaman sa kaso ni Isabella ang pangyayaring iyon.Pagkapasok ko sa aking unit ay agad kong ini-lock ang pinto nito. Pagod na umupo ako sa sofa. Itinukod ko ang aking magkabilang siko sa aking tuhod at marahang inihilamos ang aking palad sa aking mukha. Pagkatapos ay paulit-ulit kong tinapik ito para magising ako sa katotohanan na lahat ng nangyayaring ito ay natural lang. Hindi ako puwedeng matakot o mag-back out dahil kapag ginawa ko iyon, I’m sure that my career will be over. Before I started studying for the case of Tristan that night, I received a call from an important person.“Attorney Fortalejo.”Napahinto ako sa paglalakad nang masalubong sa hallway ng opisina si Attorney De Silva. Marahan akong yumuko bilang pagbati rito. Tumingin naman ako kay West na nasa likuran niya. Sumenyas ito k
“I thought you wouldn’t come.” saad ng public defender ni Jonas Marquez pagdating ko sa coffee shop kung saan namin napag-usapang magkikita.He’s the one who called me yesterday before I go to sleep. Inilagay ko agad ang aking bag sa lamesa at umupo sa upuan na katapat noong sa kaniya.“Are you sure you wanted to take over the case?” he asked.“I’m really sure, Jico. Isa pa, sigurado akong mananalo tayo sa kasong ito.”Matagal siyang napatitig sa akin, tila ba pinag-aaralan niya kung ano ang nasa isip ko. Mayroon siyang kinuha sa bag ng kaniyang laptop na folder at inabot niya iyon sa akin.Tinanggap ko naman iyon at tipid na ngumiti sa kaniya. Jico Martinez is one of my classmates when I was still studying in San Beda. He’s one among my best classmates. He’s a great defense counsel, I’ve seen it. Ang kaso, dahil isa siya sa mga magagaling na estudyante, kinuha na
“The court dropped the charges given by the prosecution against the defendant, Froilan Dela Vera after his minor brother testified and admitted for his crime.”Humugot ako ng malalim na hininga nang i-announce ng korte ang kanilang desisyon sa kaso ni Froilan. Matapos kong ipakita lahat ng ebidensiya na kailangan para malinis ang pangalan ni Froilan ay nagdesisyon ang korte na may mali at pagkukulang ang prosekusyon sa pag-iimbestiga. Nang bumaling ako sa likuran ay nakita kong magkayakap ang mga magulang ni Froilan at Tristan. I was being discreet to them. I never told them about what I know. Ang sabi ni Froilan, siya na ang bahala sa mga magulang niya. He was my client at wala akong ibang choice kundi sundin siya. Good thing that his parents remained calm during the hearing.“Ikaw pa rin naman ang hahawak sa kaso ng anak ko, Attorney Fortalejo hindi ba?” mangiyak-ngiyak na tanong nito sa akin.Sa pagkakataong ganito, hindi
Tilian ng mga taong naroon ang pumuno sa aking pandinig. Naramdaman ang bigat ni Sandro bago pa man kami bumagsak sa sementadong daan. Ang tanging nasa isip ko lang sa mga oras na iyon ay walang iba kundi si Sandro at ang dugo na nahawakan ko sa kaniyang likuran.“Ira…” narinig kong bulong niya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi para tapikin ito nang paulit-ulit.“Sandro, hindi ka puwedeng pumikit. Please, please don’t close your eyes.” mangiyak-ngiyak na sambit ko.I put his head on my thigh at paulit-ulit lang na tinatapik ang kaniyang pisngi para manatili siyang gising. Ilang sandali lang ay mayroon nang mga nakaunipormeng lalaki ang dumating.“Si Congressman!” sigaw ng isa.Mabilis na umaksiyon ang mga ito. Kinuha nila mula sa akin si Sandro. Maingat ang kanilang bawat kilos. Makikita ang pag-iingat sa kaniya ng mga tauhan niya sa paraan ng kanilang paghawak sa kaniya. Nang makita ko
Halos tatlong guwardiya ang ipinasama sa akin ng mga magulang ni Sandro pauwi ng aking condo unit. Hinatid pa ako ng isa sa kaniyang mga kapatid na si Simon hanggang lobby ng building para masiguro talaga nilang ligtas ako. Bago ito umalis ay nagpasalamat ako sa kaniya.“No worries. Sigurado akong kung si kuya ang nasa kalagayan ko, ito rin ang gagawin niya.”Ngumiti akong muli kay Simon. Nagpaalam na rin siya sa akin. Mayroong nakasunod sa kaniya na dalawang guwardiya habang sa tabi ko naman ay may tatlong naiwan.“Pasensiya na kayo ah. Kasalanan ko kung bakit kayo nandito ngayon.”Umiling ang isa sa kanila.“Ayos lang po kami, Ma’am. Siguradong ito rin naman ang iuutos sa amin ni Congressman kung sakaling narito siya.”Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanilang dalawa. Habang sakay ng elevator ay panay ang vibrate ng phone ko. Dahil alam kong isa sa miyembro ng pamilya ko ang tum
“Nandito na po tayo, Ma’am.”Umayos ako sa pagkakaupo nang marinig ang sinabi ng isa sa mga guwardiya. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako lumabas ng sasakyan.Kinakabahan man ay pinili kong patatagin ang aking sarili. Wala akong choice dahil unang -una, hindi puwedeng makita ng mga kalaban na apektado ako sa mga nangyari sa paligid ko. Pangalawa, ayokong magpakita ng kahit ano mang kahinaan dahil sigurado ako, gagamitin nila iyon laban sa akin. At ang huli, kailangan kong maging matapang para sa kliyente ko. Hindi na importante sa akin ngayon kung anong nararamdaman ko, ang importante ay maging maayos ang takbo ng hearing sa araw na ito. Sana lang pumanig sa amin ang suwerte ngayon.“Good morning, Attorney Fortalejo.”Huminto ako sa paglalakad nang batiin ako ng prosecutor na siyang humahawak sa kasong ito. Magalang akong bumati pabalik dito. Hindi naman ito mukhang masamang tao, pero alam ko na ang kala
Ilang oras din ang hinintay ko bago makabalik si Vinny sa hospital. Sa buong pananatili ko roon ay panay lang ang kuwento sa akin ni Sandro ng mga masasayang pangyayari sa kaniya sa Ilocos. He was really happy serving the people there. And the people love him. Magmula nang kumalat ang balita tungkol sa nangyari, bumuhos ang pakikisimpatya ng mga tao sa kanilang pamilya. Ang sabi pa ng isang nakausap ko na guwardiya ay napakarami raw na nagpapadala ng mga pagkain. Dahil halos hindi na magkasya sa loob ng kaniyang kuwarto, kinailangan na itong hakutin ng kaniyang mga guwardiya patungo sa condo unit niya sa Quezon City.“Pakiramdam ko puwede na akong lumabas bukas.”Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at umiling nang ilang beses.“No, ang sabi ng doctor sa Sabado ka pa raw puwedeng lumabas.”Ngumuso naman siya. Nang akmang kukuha siya ng mansanas na binabalatan ko pa lang ay agad kong tinampal ang kaniy