Share

Lihim

Isang malaking bayan ang Santa Barbara. Ito ang naging sentro ng mga kalakalan ng mga malalayong lugar sa timog ng Maynila. Maraming mga manglalakbay ang dumadayo rito upang makapagpahinga mula sa malayong paglalakbay papunta o pauwi ng Maynila.

Ang Hilaria ang isa sa mga pinupuntahan ng mga dayo sa bayan. Ito rin ang pinupuntahang libangan ng mga sibil ng lipunan pati na ang mga nasa maitaas na antas. Ito’y isang bahay aliwan na tuwing gabi ay may mga sayawan at kantahan. Bumubuhos rin ng mga serbesa ang bahay aliwang ito kaya naman ganoon na lamang ito kakilala sa buong bayan.

Hindi lamang ito isang bahay aliwan, sa likod naman nito ay may pinaalkilang mga murang cuarto. Malalaki ang silid roon at mainam at malambot ang mga higaan. Dito ko naisipang tumuloy muna upang hindi malayo sa lipunan. Nasanay na ako kasing nakakasalamuha ng maraming tao. Ito ang naging pampapawi ng lungkot ko kapag nag-iisa.

Sa unang pagkakataon ay pumasok ako sa bahay aliwan. Pagpasok ko ay bumungad ang usok ng mga tabako mula sa mga bibig ng mga opisyal ng sibil na naroon. Pagpasok ko rin ay may mga nagsasayawan, mga mga nagkakantahang mga lasing at may mga nakikitang mga babaeng bayarang kumakandong sa mga lalaking nag-iinuman. Puno ng mga tao ang bahay aliwan sa gabing iyon at namumuro roon ang mga kalalakihan.

Umupo ako malapit sa nagbabarik ng mga serbesa. Kumuha ako ng isang basong puno ng serbesa na ayon sa tagabarik ng inumin ay galing pa ng Acapulco. Ang serbesa ang itinatangi kong alak at matagal na rin akong hindi nakapag-inom nito. Hindi man nalalasing ang mga kagaya ko sa alak, nakapagbibigay naman ito ng hindi maipaliwanag na kalma sa loob ng katawan. Kaya naman, ganoon na lamang ang aking pag-iinom na paulit-ulit akong kumukuha ng serbesa sa tagasundol. Napansin naman ng tagbarik ang napaparaming nainom kong alak na siyang kinausap niya ako.

“Binibini, mukhang napaparami na yata ang nainom mo,”

“Huwag kang makialam sa akin,” sagot ko naman sa kanya. “Hindi pa ako lasing at lalong lalo na’t hindi ako malalasing,”

Hindi nagsalitang muli ang tagabarik ng alak at pinabayaan na lamang akong muinom. Kaya, nagpatuloy pa rin ako sa pag-iinom ng serbesa na ang bawat baso ay nilalasap ang alak. Nagbigay ito ng mainit na pakiramdam na may kasamang paggaan ng aking loob. Ang alak ang nagbibigay gaan sa aking loob bukod sa isang pang likidong parehong nilalasap naming dalawa ni Carmela.

Si Carmela, naalala ko siya.Naalala ko ang aking sarili sa kanya. Naalala ko ang aking naranasang pakikipaglaban sa isang hindi mapigilang sumpa. Isang sumpang kailangan mong kumitil ng buhay upang ika’y mabuhay. Kahit ganooon pa man, hindi pa rin ako kagaya ni Carmela sa isang bagay. Hindi kagaya niya na tinulungan kong labanan ang sumpang iyon sa kanya. Bagama’t ako, mag-isa kong nilabanan ang matinding uhaw na yari ng sumpa. Mag-isa ako sa isang labanang kung saan ang sarili mo ang iyong matinding kaaway. At ako ay nagtagumpay. Matindi man ang hirap at matagal mang nagawa, napagtagumpayan ko naman ito para rin naman sa aking sarili.

Kaya naman noong nakita ko si Carmela na dumadaranas sa matinding sumpa na iyon, agad ko siyang tinulungan upang malagpasan ito. Ibinahagi ko ang aking paraan upang mapigilan ang matinding uhaw. At masaya akong napagtagumpayan niya iyon.

Napamahal na sa akin si Carmela. Parang anak na ang turing ko sa kanya. Kailanman ay hindi ko nakitang gumawa ito ng masaama. Palaging magkapareho ang aming mga opinyon sa mga bagay-bagay maliban na lamang sa isa. Ang kanyang pagdesisyong pumunta sa lugar ng kanyang ina, ang tinawag ng Felipinas. Hindi ko napagbago ang desisyon niyang ito. Hindi ko rin nagawang pigilan siya. Hindi ko rin nagawang pigilin siya upang hindi ako maiwang mag-isa ulit. Kaya noon araw na siya’y lalayag na papunta sa Felipinas, hindi ako nagdalawang isip na sundan siya. Hindi niya alam ang tungkol rito at nalaman na lamang niya kanina nang makita niya ako sa pamilihan.

Hindi mawari ang loob ko kapag nasa malayo siya. Ayaw kong may masamang mangyari sa kanyang masama bagamat ang mga katulad namin ay hinahanap upang patayin. Nasanay na rin akong araw-araw ko siyang nakikita kaya talagang makakadama ako ng matinding lungkot kapag mawawala siya. Habang inaalala ko ang mga iyon na patungkol lahat sa mga naranasan kong kasama si Carmela, kumuha na naman ako ng panibagong baso ng serbesa nang maubos ang iniinom ko. Mula sa bibig ay patingala kong ininom ang baso na may alak ng serbesa.

“Isang baso ng serbesa nga,” ani ng isang lalaki sa tagabarik ng alak. Binigyan naman ito ng tagabarik sa gusto niya. Kinuha niya ang baso na may lamang serbesa at umalis padaan sa aking likuran. Ngunit, nakadarama ako nang kakaiba. Naramdaman ko ang isang bagay na matagal ko nang hindi nadama. Tiningnan ko ang paglakad ng lalaki habang nakatalikod ito mula sa akin. Kakaiba ang aking naramdaman sa kanya na hindi ko alam kung bakit gusto kong alamin ang lalaking dumaan. Mula sa aking kinauupuan ay dahan-dahan ko siyang sinundan upang hindi niya ako mapansing umaaligid sa kanyang likuran. Ininom niya ang basong hawak na may serbesa at matapos mainom ay inilagay niya ang wala nang lamang baso sa kalapit na mesa. Nagpatuloy ito sa pgalakad hanggang tuluyang lumabas ito sa bahay aliwan. Maingat kong sinundan ang kanyang tinahak. Kahit madilim ang dinaanan niya ay mariin ko pa rin siyang sinusundan sa likod.

 Nakasuot ito ng pangkaraniwang kasuotan ng mga lalaki sa Europa.

Lumiko siya sa isang eskenita ng isang gusali. Sinundan ko naman siya paliko rin rito at nang lumiko ako, wala akong nakitang tumawid at naglalakad sa matuling eskenitang iyon. nagtaka ako kung saan nagpunta ang lalaking aking sinusundan. Nang makita at mawaring nawala ang sinusundan ko, naisipan kong bumalik muli sa bahay aliwan. Ngunit nang tumalikod ako pabalik sa aking dinaanan,

“Bakit mo ako sinusundan?!,” pagalit na wika ng lalaki sa akin na tumambad mula sa aking likuran at sinakal ako sa leeg. Nanlaban ako mula sa pagsasakal sa akin ng lalaki, ang lalaking ang sinundan mula sa bahay aliwan. Nang makapaglaban, bigla niya akong binitiwan at doon ay nakapaghinga ako ng malalim.

“Natalia?” biglang sampit ng lalaki sa pagkakakilala sa akin. Dahil sa sakit ng pagkasakal ay hinawakan ko pa rin ang aking leeg. At doo’y nakuha ko ang mukha ng lalaki. Isang mukhang hindi ko malilimutan kailanman. Ito ay ang mukha ng aking nakakabatang kapatid.

“Joaquin?” sampit ko rin sa kanya nang makilala ko siya. Agad ko siyang niyakap. Matagal na ring panahon na hindi kami nagkita. Kaya ganoon na lamang akong kasabik mayakap ang bunso kong kapatid na lalaki. “Natalia, ano ginagawa mo rito? Bakit ka nandito?” mga tanong niya sa akin buhat matapos ang pagkayakap ko sa kanya. “Maari bang ikaw ang una kong tatanungin sa mga katanungang iyan?” wika ko lamang sa kanya.

“Bakit ka nandito? Ano ginagawa mo sa lugar na ito? Hindi ba kasama ka sa kawal ni Ama?”

Binigyan lamang ako ng katahimikan ni Joaquin sa aking mga tanong. “Hindi ka dapat nagpunta rito, Natalia. Malubhang mapanganib sa iyo ang lugar na ito,” wika ni Joaquin sa akin.

Bumuo ng pagtaka ang isip ko sa kanyang sinabi,

“Bakit Joaquin? Sabihin mo sa akin kung bakit?” tanong ko sa kanya. At bigla akong may naalalang isang bagay. Isanng bagay na hindi maaring mangyari.

“Huwag mong sabihing...”

Nanlisik ang aking mga mata sa gulat sa aking pagkuha sa ibig ipasabi sa akin ni Joaquin. Nawari sa aking isipan ang isang bagay. Isang bagay na ikinatatakot kong madatnan isang araw. Ito ay walang iba kung hindi ang aking ama. Ang aking ama na tumakwil sa akin. Ang aking amang ang tanging mailarawan sa akin ay isang traydor. At ang aking amang pinapahanap ako upang patayin. Isa lamang anng ibig sabihin nito, kung nandirito si Joaquin na aking kapatid, malamang nandirito rin ang aking ama. Nandirito sa bayan ng Santa Barbara.

“Huwag mong sabihin sa akin na nandirito si Ama sa byang ito?,” anya ko sa aking bunsong kapatid.

Walang sinagot si Joaquin sa akin maliban sa pagpapaalis niya sa akin.

“Umalis ka na sa lugar na ito. Magpakalayo ka! Magpakalayo ka bago ka pa mahanap ni Ama,” ani ni Joaquin.

“Bakit kayo nandito? Anong gagawin niyo sa bayang ito?”

“Iyan ay hindi ko masasagot, Natalia, mahal kong kapatid. Maging ako ay hindi alam ang sagot sa katanungang iyan,” sagot lamang ng aking kapatid. “Mapanganib sa iyo ang lugar na ito. Kaya umalis ka na rito! Lumayo ka na!,” pilit pa rin niyang pagpapaalis sa akin. Tinutulak niya ako papaalis upang sundin ko siya. Hindi na ako nakasagot pa sa kanya at dahil sa napag-alaman kong nandirito sa bayang ito ang tanging kinatatakutan ko, mabilis akong tumakbo paalis mula kay Joaquin. Hindi ko inasahan sa laki naman ng mundo ay sa Santa Barbara ko pa muntik maabutan ang aking ama kung hindi ko nakita si Joaquin. Kailangan kong lumayo sa bayang ito. Hindi maaring maabotan ako ng aking ama rito at kung ganoon man ay tiyak mapapatay ako nito. Ngunit bago pa man ako tuluyang umalis sa bayang ito, dadaanan ko muna si Carmela at isasama ko. Isang lamang ang nasa isip ko, hindi dapat siya mapahamak ngayon at nandito ang ama kong masahol pa sa halimaw na nakilala ko.

Ang simbahan ng Santa Barbara ang pinakaluma at natatanging simbahan lamang sa buong bayan. Itinatag ito noong 1723, sa pangunguna ng isang Kastilang conquistador na si Napoleon de Guzman y Aranza. Itinatag niya ito sa ngalan ng kanyang patron na si San Isidro Labrador, ang santo ng mga masasaganang ani. Ang simbahan ring ito ang nagsisilbing tahanan ng mga prayleng Dominiko noon na nanguna sa pagbibinyag ng mga katutubo sa liwanag ng Kristiyanismo at nang maatasang lumipat sa Maynila ay ipinaubaya na buong paroko sa dalawang Pilipinong prayle.

Mula noon hanggang ngayon ay naging tahanan ng dasal ito ng bayan.

Ang kasalukuyang kura paruko ng simbahan ay si Padre Ignacio Paterno y Silva, isang Pilipinong dominikong padreng nag-aral sa kamay ng mga dayuhang Dominikong padreng nagmula pa sa Europa. Matagal na siyang naging kura sa simbahan kaya makikita na sa kanya ang pagkakatanda. Kulubot na ang mga balat at mapuputi na ang mga buhok niya. Kayumanggi ito kagaya ng mga ibang tagabayan na hindi nabibiyaan ng tangkad. Kilala siya bilang isang striktong alagad ng simbahan dahil sa mga konserbatibong tuntunin niya sa lipunan. At kilala siya bilang “Garote de Bruja” dahil sa paniniwala at matinding galit nito sa mga mangkukulam.

Ganoon rin ang aking pagkakilala kay Padre Paterno. Sa katagalan kong nanilbihan sa simbahan bilang tagapangalaga nito ay kilalang-kilala ko na ang prayle. Kinupkop nila ako nang iniwan ako sa harap ng simbahan kaya dito sa simbahan na rin ako lumaki. Ipinangalan nila akong Claudio Salvacion, mula sa pangalan ng ama ni Padre Alba, ang padreng nakakita sa akin, at sa salitang Kastilang salvacion na ang ibig sabihin ay naligta dahil nailigtas ako ng Diyos para sa simbahan.

Walang salita akong mailarawan sa simbahan kung hindi ay tahimik at banal ngunit nagbago ito nang may nabalitaang mangkukulam si Padre Paterno. Ito raw ang salarin sa pagkamatay ni Hermosa, ang asawa ni Julio, na namatay umano sa sumpa ng mangkukulam. Si Topacio, isang mangungubat ang nagbalita kay padre tungkol sa nakitang mangkukulam. Nakita niyang n*******d sa gubat sa gitna ng kabilugan ng buwan si Mariana. Hindi nag-atubili pa ang prayle at pinadakip ang sinasabing babaeng mangkukulam. Nang madakip ito ay binitay ito sa plaza kanenang umaga, sa biglaang pamamaraan, at sa harap ng maraming tao. Sumulat naman ng isang palutuntunan si Padre Paterno sa kawani ng mga sibil upang dakpin ang mga kaanak ng nasabing mangkukulam. Kaya isang malawakang paghahanap sa kanila ang naganap sa buong bayan ng Santa Barbara.

Malalim na ang gabi sa buong bayan. Tahimik ang pumalibot sa buong simbahan sa mga sandaling iyon. Naisipan kong matulog sa itaas ng tore dahil mas malamig doon kaysa silid sa ibaba. Habang nakahiga kaharap sa bintana ng kampana, pinagmamasdan ko ang kalangitan na maraming nagsisilitawang mga bituin. Nabibighani ako sa pagkislap ng mga bituin sa kalangitan na noon ay nawawari kong mga mata ito ng mga anghel ng Diyos.

Naglilibang ako sa pagmamasid sa mga bituin hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na pagkatok mula sa pintuan ng simbahan. Kumakatok ito ng mabilis at malakas. Mula sa tore, dumungaw ako sa bintana sa mga nasa labas na kumakatok sa pintuan. Mga kalalakihang may mga dalang mga apoy na pang-ilaw. Mabilis naman akong tumakbo pababa ng tore papunta sa pintuan ng simbahan upang mapagbuksan ang kumakatok nito. At nang makababa at mabuksan ang pintuan, tumambad sa labas ang apat na lalaking gaya ng nakita ko mula sa labas ay may mga dalang apoy-pangilaw. Ang dalawang kalalakihan ay may hawak na isang lalaki na tila nanghihina. Nakatali ito, duguan at bugbog sarado. Nanghihina ito dahil sa mga natamong bugbog.

“Kailangan namin si Padre Paterno, nasaan siya?” tanong ng isa pang lalaki sa akin. Sasagutin ko na sana siya nang tumambad roon si Padre Alba.

“Ano iyan, Marciano?” tanong ng prayle sa lalaking nagtanong sa akin. “Padre, nakadakip kami ng isa sa mga kaanak ng mangkukulam,” sagot ng lalaki na nagngangalang Marciano. Hindi nagsalita ang padre nang marinig ang sagot ng lalaki at kumumpas ang kamay nito upang papasukin sila. Pinasunod niya ang mga lalaki sa kanya dala ang nakataling duguang lalaki.

Isinara ko muna ang pintuan ng simbahan at agad ko silang sinundan. Papasok kami sa kilalang silid sa simbahan. Ang pintong pinasukan namin ay pinto patungo sa mga silid ng prayle. Mula sa pinto ay may isang malawak na koridor na sa gilid nito’y mayroon ring mga pinto, ang silid ng mga prayle. Marami ang pinto roon na siyang naging mga silid ng mga Dominikong padre noon bago sila maatasan pabalik sa Maynila. At makaraang dumaan kami sa ilang silid, narating namin ang pinakadulo ng koridor. May pinto sa dulo ng koridor. Alam ko ang silid na ito. Ito ang silid na noong bata pa ako ay pinagbabawalan akong pumasok. Kaya ganoon na lamang ang aking pagtataka kung ano ang nasa loob nito. At sa wakas, sa gabing iyon, malalaman ko na ang kasagutang matagal ko nang gustong malaman.

Dala ang susi, binuksan ni Padre Alba ang pintuan ng silid. May dala siyang lampara na siyang nagpaliwanag sa madilim na loob nito. Nang makapasok kami, walang laman ang buong silid. Pader na yari sa tisa lamang ang makikita sa bawat sulok ng silis na iyon. Ngunit maliban na lamang sa sahig na nasa gitna nito, isang malaking pinto na yari sa bakal. Para bang isa itong lagusan patungo sa ilalim. Agad naman itong binuksan ni Padre Alba, pagbukas ay may hagdanan ito na yari sa bato. Dala pa rin ang lampara, tinahak ni Padre Alba ang hagdanan pababa. Sinundan naman siya ng mga lalaking may dalang nakataling lalaki. At huli na akong pumasok sumunod sa kanila.

Doon ako napagulat nang makababa ako sa ilalim ng lagusang iyon. Hindi ko inakalang may ganito palang lugar sa ilalim ng simbahan. Sa tanang araw na lumaki ako rito, kailanman ay hindi ko napuntahan ang lugar na ito. Isang makitid lugar ito. Mahamog at m****a ang buong kapaligiran. May mga namumuo pang mga lumot dito. Ang ibabaw ng lugar na iyon ay lupa na para bang nasa loob ka ng isang kweba. Sa bawat gilid naman ng lugar na iyon ay may mga rehas na bakal. At sa likod ng mga rehas na ito ay may mga madidilim na silid na para bang isang kulungan.

May mga daga pa ritong nagsisitakbuhan nang dumadaan ang ilaw ng lamparang dala ni Padre Alba. At sa pagdaan ng lampara sa daanan at nang mailawan ang mga kulungang naroon, doon ay nanhindik ang aking mga balahibo sa aking mga nakita. Sa bawat kulungang naroon ay may mga kalansay ng mga tao. Nakakadena ang mga ito at bakas sa kanilang mga bungo ang panglalaban nito hanggang sa namatay. May mga mahahabang buhok pa ang ilang kalansay na masasabi mong mga babae ang mga ito. Mayroon ring mga malalaking dagang naglalakad sa mga paanan ng mga butong ito.

Ang mga malalaking daga ay nagsitakbuhan ng sinindihan ni Padre Alba ang mga maliliit na lampara sa kaliwang gilid ng makitid na lugar na iyon. Sa bawat pagsindi sa mga lampara, lumiliwanag ang dinadaanan namin. Nagtungo si Padre Alba sa pinakadulong sulok ng kulungan sa lugar na iyon. Sinundan naman siya sa mga lalaking may hinuling lalaki na diumano’y isang mangkukulam. Nang marating ang pinakadulong kulungan, doon sa loob nito ay may silyang yari sa bakal. Pinaupo naman rito ang nahuling lalaki at itinali ang mga kamay at mga paa sa mga kadenang sadyang inilagay sa bakal na silya

“Maraming salamat sa pagkakahuli ninyo nito,” anya ni Padre Alba sa mga lalaki habang ikinakadena ng mahigpit ang naghihinang lalaking nahuli nila. “Matutuwa ang kura sa ginawa ninyo,” dagdag pa niya sa kanila.

“Walang anuman iyon, padre, katulad ninyo ay nais rin naming mapuksa ang mga demonyong ito,” wika naman ni Marciano na may mabungisngis na ngiti sa padre.

“Isang dakilang gawain ang ginawa ninyo, Marciano, higit na natulungan ninyo ang mamamayan ng Santa Barbara,” anya ni Padre Paterno nang tumambad ito sa kulungang kinaroroonan namin. “Isang dakilang gawain sa ngalan ng Diyos Ama at sa bayan ang ginawa ninyo. Ang mga dakilang taong kagaya ninyo ay dapat gatimpalaan,” dagdag pa niya sa mga lalaki.

“Hindi ko naisip na ang mga kagaya ninyong mga pawang magsasaka lamang ay makakadakip ng mga kagaya nito. Lubos kayong may tulong kaysa sa mga sibil na ipinapahanap namin,” pagpuri ni Padre Alba kay Marciano at sa kanyang mga kasamahan.

“Padre Alba,” pagtawag pansin ni Padre Paterno kay Padre Alba. “ Isama mo sila sa itaas, gantimpalaan mo sila ng pabuyang angkop sa ginawa nila. Alam mo na ang gagawin,” pag-utos ng kura sa kanyang diyakono. Laking ngiti naman ang bumakas sa mga mukha ng mga lalaki nang marinig ito mula sa kura. Matapos magbigay ng utos sa kanya ang kura paroko, agad hinalina ni Padre Alba ang mga lalaking iyon pabalik sa itaas ng simbahan. Unang lumabas ang prayle na dali-dali namang sinundan ng mga natutuwang magsasakang nakahuli sa diumano ay mangkukulam.

Aangkop na sana akong sumama pabalik sa itaas kasama nila nang pinigilan ako ni Padre Paterno.

“Claudio,” pagtawag niya sa pag-angkop kung sumunod sa mga lalaki. “Samahan mo lamang ako rito,” pagpigil niya sa akin. Wala naman akong nagawa kung hindi ay nanatili sa nakakagimbal na lugar na iyon.

Hinarap ng kura ang nakakadena at nahuling lalaki.

“Ano ang pangalan mo, brujo?” tanong ni Padre Paterno sa lalaking nakakadena. Hindi sumagot ang lalaki sa itinanong ng prayle at sa halip ay dumura ito sa maputik na sahig ng kulungang tinatapakan namin. Binigyan siya nang kura ng isang malakas na sampal sa kanyang mukha buhat sa kanyang ginawa.

“Ano ang pangalan mo?!” tanong ulit ng prayle na may kataasan na ng tono. “Damian. Damian Madrigal!,” pasigaw na sagot ng lalaking duguan sa kaharap niyang kura. “ At kaano-ano mo ang bruja na si Mariana?” tanong naman sa kanya ng pari na inaalam ang kanyang ugnayan sa babaeng mangkukulam na ibinitay kanina sa plaza. Hindi na naman sumagot ang lalaki sa kanyang katanungan kaya nabigyan ulit siya ng isang malakas na sampal mula sa prayle. At sa lakas nito, dumugo ang bibig ng nadakip na lalaking mangkukulam.

Sa tanang araw ko na kasama si Padre Paterno, sa gabing iyon ko napuna ang kanyang kakayahang paggawa katulad ng ginagawa niya sa lalaki. Hindi ko kailanman naisip na sa likod pala ng masayahin at mabait na mukha ng kura paroko ng Santa Barbara ay may nakatago palang lagablab at galit sa kanyang pagkatao iyon kung ang mangkukulam na ang pag-uusapan.

“Uulitin ko,” ani naman ng pari sa nakakadenang lalaking kaharap niya. “ Kaano-ano mo ang bruha?!” tanong niya ulit dito at muli ay may pagtaas ng tono nakakasindak pakinggan.

Walang sinayang na sandali ang lalaki at ito’y sumagot sa kanyang katanungan.

“Kapatid,” sagot ng lalaki sa prayle. “ Kapatid ko ang babaeng pinaslang ninyo!,” galit na wika ng lalaki sa pari. Isang malakas na hampas naman ng kamay ang natikman ng lalaki sa kamay ni Padre Paterno. Ang kaganapan lamang na iyon ang tanging ganap na nakita kong nanakit ang Dominikong prayle sa isang tao, kung tunay nga bang tao ang lalaking iyon.

Napuna sa aking isipan ang sinabi ng lalaki.

Pinaslang? Hindi isang pagpaslang ang ginawa namin kaninang umaga kung hindi isang parusa. Isang mabigat na parusa para sa mabigat na pagkakasala tulad ng pagpatay lalong lalo na ang pagpatay gamit ang gaway ng kasamaan, pagnilay-nilay ng aking isipan.

“Ang mga mangkukulam na kagaya ninyo ay dapat ibalik sa impyernong pinanggagalingan ninyo. Hindi pagpaslang ang tawag sa ginawa namin sa iyong kapatid kung hindi ang mahabaging awa na parusa ng Diyos,” ani ni Padre Paterno kay Damian, ang lalaking nakakadena.

“Hindi kami mga mangkukulam!” paglaban ni Damian sa ibinintang sa kanyang mga kaanak. “Wala kaming alam sa kahit anong kulam! Wala kaming kinulam! Kami ang isinumpa!,” dagdag pa niya na pilit ipinagtatanggol ang kanyang pagkainosente.

Bakas pa rin sa mukha ng prayle ang hindi pagkakumbinsido.

“Walang sinumang makasalanan ang aamin sa kanyang sariling kasalanan,” pagwika lamang ng pari. “Ngayon, tatanungin kitang muli, bruho,” dagdag pa niya.

“Paano ninyo nalalaman ang isang alagad ng dilim?!,”

“Wala akong alam!,” sagot ng lalaki na yumanig sa buong kulungan. “Hindi ko alam ang ipinagsasabi mo! At kung may alam man ako, hindi ko sasabihin sa mga kagaya mong baliw!,”

Isang malakas na suntok ang ibinigay ng Padre sa kanya sa pagkakataong iyon. Hindi mo maisip na may ganoon pang siyang lakas sa kabila ng kanyang katandaan. Buhat na magawa iyon, dumugo ulit ang bibig ng lalaki.

Pinunas ng prayle ang kanyang napagsuntukang kamay gamit ang kanyang isa pang kamay.

“Ganoon ba talaga katigas ang lihim na isinumpa ninyo na kaya niyong itaya ang inyong mga sariling buhay?” anya ng pari kay Damian. “Anong buhay ang mayroon kayo at nabubuhay kayo sa kadiliman,”banat pa ng prayle. “Wala aking alam sa pinagsasabi ninyo!” wika lamang ng lalaking nakakadena.

“Papaanong hindi mo alam? Tanging mga kagaya mo lamang ang natatanging makakabatid patungkol sa mga alagad ng dilim,” anya ni Padre Paterno buhat sa kasagutang ibinigay ni Damian. “ Hindi kami mga mangkukulam, padre, nagmamakaawa ako sa inyo! Hindi kami naging suwail sa Diyos kailanman!,” panlaban na pagmamakaawa ni Damian sa kumikilatis na padre. Nasampal siyang muli ng prayle matapos iyon.

“Huwag mong babanggitin o gamitin ang pangalan ng Diyos sa bibig mong mapagsumpa!,”pagbugso ng galit mula sa prayle. “Maawa kayo sa akin. Sa pamilya ko, padre. Hindi kami mga mangkukulam,” paghihingi ng awa ni Damian kay Padre Paterno sa pagkakataong iyon ay mangiyak-ngiyak na. Hindi pa rin natinag ang prayle sa kanyang pagmamakaawa.

“Walang naghihintay na awa ang para sa iyo, brujo. Hangga’t hindi mo sasabihin sa akin ang tungkol sa mga alagad ng dilim, mabubulok ka rito sa kulungang ito kagaya ng mga naunang mga mangkukulam na kagaya mong narito!,”

Doon ko nalaman mula sa bibig nang kura na ang mga nakakadenang kalansay na naroroon ay ang mga ikinulong na mga mangkukulam. Mga ikinulong na mangkukulam ngunit hindi sumiwalat sa gustong malaman ng prayle. Hindi ko alam kung nagsimula ito kay Padre Paterno na may batid na waring parang nagsimula pa ito noon, noong nandirito pa ang mga dayuhang paring Dominiko.

Lumingon pabalik sa daanan si Padre Paterno at aakmang umalis sa kulungan. Sumunod naman ako sa kanya habang may hawak akong isang malaking lampara. Unti-unting pinapatay ng padre ang mga sinindihang mga lamparang nakakabit sa gilid ng yungib na iyon na siyang pagbalik sa kadiliman ng lugar.

Bawat pagpatay sa mga lampara at tinahak rin namin ang pabalik palabas ng yungib. Nagpupumiglas si Damian mula sa kanyang pagkakadena nang dumilim ang buong lugar na kanyang kinaroroonan. Ang tanging ilaw na lamang sa yungib na iyon ay ang dala kong lampara. Habang paakyat na kami palabas roon, sumigaw ng buong lakas ang nakakadenang lalaki. Naririnig ko ang pagkalas ng mga kadenang pilit niyang pipiglasin ngunit hindi niya magawa. Nakakahindik ang kanyang pagsigaw ng tulong habang nilalamon ng lugar nang kadiliman.

Nang makalabas kami sa yungib na iyon, isinara ni Padre Paterno ang bakal na pinto ng lagusan buhat nang makalabas na ako. Kinandaduhan niya ito Mula roon ay maririnig  parin ang sigaw ni Damian mula sa loob ng yungib ngunit may kahinaan na ito.

Sabay kaming lumabas mula sa silid na iyon at siyang kinandaduhan naman ng padre ang busol ng pinto. Sa pagkakataong maisara ng prayle ang pinto ng silid, wala na akong marinig pang sigaw mula sa yungib. At matapos niyang maisara at makandaduhan ang pinto, itinanong ko ang kura sa isang bagay na kanina pa tumatakbo sa aking utak.

“Ano po ang mga alagad ng dilim, padre?” tanong ko kay Padre Paterno. “Bakit gusto niyong malaman ang patungkol sa kanila?,” dagdag ko pang katanungan. Hiniling ko sa aking sarili na sana ay sagutin ng prayle ang aking mga katanungan.

Sa mga pangyayaring aking nasaksihan sa mga sandaling iyon, doon ko lamang nakitang ngumiti ang kura paroko ng simbahan. Sumgagot naman siya sa aking mga tanong.

“Nabatid mo pala iyon, Claudio,” anya sa akin. “ Ang mga alagad ng dilim. Sila ang mga nilalang ng diablo na nabubuhay ng walang hanggang buhay. Sila rin ang mga halimaw na pumapatay upang sila ay mabuhay. Mga mapangahas at mapaglinlang na mga diablo. Wala silang idinudulot kung hindi madugong kamatayan. Inaalam ko sila bilang paghahanda para sa buong Santa Barbara,”

Hindi ako nakapagsalita. Dumulog ang maraming katanungan na naman sa aking isipan. Mga nilalang na walang hanggang buhay? Mga halimaw na pumapatay upang mabuhay? Ano sila? Anong mga halimaw ito na kailangan paghandaan ng buong bayan? Bakit? Darating ba ang mga nilalang na mga ito sa bayan? Pagwawari ng aking kaisipan buhat sa paliwang ni Padre Paterno.

Bakas sa mukha ng prayle ang sinsiredad sa kanyang sinabi. May mga halo pang pangamba sa kanyang mga mata. Buo ang kanyang paniniwala sa mga bagay na ito sa hindi malamang dahilan. Bilang isang alagad ng simbahan, hindi mo mapag-isipang pinaniniwalaan ang mga halimaw at mangkukulam. At mismo ang kura paroko, ang mataas na kura sa simbahang ito, pa ang lubos na naniniwala rito. Ganoon ang kanyang paniniwala na para bang nakakita na siya sa mga ito.

Bagamat marami pa akong katanungang dapat kung itanong sa kanya, inunahan ako ng prayle upang tapusin ang  tila mahabang gabing iyon.“Matulog ka na Claudio,” anya niya sa akin. “ Masyado nang malalim ang gabi. Bumalik na tayo sa mga tulugan natin at magpahinga na,” dagdag pa niya.Yumango ako sa kanyang winika at siya ay umalis sa akin at tinungo ang papasok sa kanyang silid. Bumalik naman ako sa tore kung saan nakapagpasyahan kong doon matulog sa gabing iyon.Pagkahiga ko ay tinanaw ko na naman ang mga maririkit na mga bituin sa kalangitan. Gaya nang mga bituin sa langit,palaisipan pa rin sa akin ang mga ipinaliwanag ng prayle sa akin.

Alagad ng dilim. Walang hanggang buhay. Kamatayan.

     Ito ang mga bagay na gusto kong malaman na si Padre Paterno lamang ang makakasagot at makakapaliwanag.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status