Isang magandang hapon iyon kaya naisipan kong magpahangin at maglibang sa hardin. Hindi ko pinagtatakhan kung bakit noong kabataan ng aking ina ay lagi siyang naglalaro at napupunta rito. Talaga namang nakakaginhawa sa damdamin ang hanging bumabagwis sa iyo at nakakagalak sa mata ang mga mabeberde at makukulay na mga halamang naroon.
Palakad-lakad akong naglibot sa buong halamanan. May mga paro-paro pa akong nakikitang palipadlipad sa mga magagandang buka ng mga bulaklak. Nililibang ko ang aking sarili sa mga halamang naroon na inaasam ang bawat sandali.
At hanggang sa may nakita akong isang halamanan ng rosas. Maraming namumukadkad na mga pulang bulaklak ang naroon sa mga tangkay ng halaman. Sa aking pagkakaalam, ito ang pinakagustong bulaklak ng aking ina. Ang mapupulang rosas.Tinungo ko ang halaman at naisipang magpitas ng isang bulaklak nito. Nakakita ako ng isang magandang bukad at iyon ay aking pipitasin ko. Ngunit nang pitasin ko it
Isang malakas na katok ang aking narinig mula sa pintuan ng aking silid. Nag-aayos ako ng aking mga kalat sa loob nang marinig iyon. Walang atubili ko namang pinagbuksan kung sinuman ang kumakatok rito. At nang mabuksan ko ito, tumambad sa akin si Lucio, ang sakristan ng prayle.“Lucio, bakit? Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya nang makita ko siya sa pintuan. “Claudio, pinapunta ka ni Padre Paterno sa kanyang cuarto,” sagot naman ng batang sakristan na nasa sampung taong gulang ang edad.“Bakit raw niya ako pinatawag?”“Hindi ko alam. Basta napag-utusan niya akong ipatawag ka sa kanya,”sagot ni Lucio. “Siya sige kung ganun, pupunta ako sa kanya,” anya ko sa kanya. Matapos iyon ay umalis ang sakristan sa pintuan ng aking silid.Lubos ang aking pagtataka kung bakit ako ipinatawag ng kura. Wari ng isip ko na baka tungkol ito sa nangyari
Gaya nang napagtantuhan ni Manuela, dapithapon na nang makauwi kami sa bahay. Maraming gulay at mga sangkap ang pinabili ni Tiya Dolores sa kanya kaya natagalan kami sa pamilihan. Bawat isa sa amin ay nagdala ng buslo. At nang makarating at makauwi, may nakahintong karwahe sa may tapat ng bahay. Yaon may dumating yatang panauhin si Tiyo Graciano na hindi mapapagtakhan dahil isang maimpluwensiyang negosyante ito. Nang huminto ang aming karwahe ang silong ng bahay, pumasok agad kami ni Manuela dala ang buslong may mga laman ng mga pinamili namin. Nagtungo kami sa cucina kung saan naghihintay ang tagapagluto na si Soyang at ibinigay namin sa kanya ang mga gulay at sangkap na aming binili. Nang maibigay at mailagay sa mesa ng cucina ang mga buslong dala namin ni Manuela, bumalik kami sa sala at nakita namin roon ang isang binatang lalaki na nakatayo malapit sa silid-aklatan ng bahay.“Ginoong Edurado?” ang aking nasampit nang makilala ang lalaking
Sinag ArawMalalim na ang gabi ng naglakbay kami ni Padre Paterno patungo sa Maynila. Naitanong ko naman sa kanya kung bakit sa ganitong oras pa niya naisipang magtungo roon. Ang isinagot lamang niya sa akin ay may dadalawin lamang siyang isang mahalagang pulong. Hindi naman ako nagtanong muli sa kanya. Naisip ko na marahil isa itong pulong sa simbahan. Alam ko naman na sa isang kura na kagaya ni Padre Paterno, may mga araw rin siya kung magpupunta sa isang kapulungan na mag ukol sa simbahan.Narating na namin ang Maynila. Una ko itong salta sa lugar na ito kaya namamahangha ako sa malawak at magandang pook na iyon. Kahit gabi na, may mga tao pa ring abala sa kanilang mga ginagawa. May mga nadaanan kaming mga kababaihang nagtatabako sa isang madilim na gilid ng kalye. May mga lasing pa kaming nadaanan na naglalakad. May mga bukas pa ring tindahan roon na may mga mamimili pa sa mga ganoong oras. Mayroon ring mga naglalakbay na karwahe sa da
Maraming tao ang naroon sa umagang iyon sa bahay ng mga Ramirez. May nagsidatingang mga magagagarang karwahe ang pumarada sa tapat ng bahay nila. Ganoon na lamang ang mga tao roon dahil ginugunita ang ikalimampung taon ng kanilang pagawaan ng tabako na siyang nagpaluho sa pamilyang tinaguriang maimpluwensiya sa buong bayan ng Santa Barbara.Dumating kami sa pagdiriwang na iyon ,kasama ang pamilya ng aking Tiyo Graciano buhat sa dalawang karwahe. Gaya ng mga naunang araw, magkasama kami nina Manuela, Carmelita at Tiya Dolores sa isa sa mga karwaheng nagdala sa amin sa bahay ng mga Ramirez.Malaki, malawak at yari sa bato at konkreto ang buong bahay. Pinalilibutan rin ito ng ibat ibang halaman sa gilid. May ikalawang palapag rin ito na purong yari sa bato at konreto. Mayroong nakabiting mga magaganda at makulay na kurtina sa bawat bintana sa itaas ng bahay.Puno ng tao ang silong ng bahay na ang mga tao ay labas-pasok
Umalis sina Padre Paterno at Padre Alba sa simbahan sa umagang iyon patungo sa isang pagdiriwang sa bahay ng mga Ramirez. Naimbitahan kasi sila roon. Hindi nila ako isinama dahil walang magbabantay sa buong simbahan.Nasa cocina ako at nagluluto ng aking pananghalian. Ginisa ko ang talbos ng kangkong na mula pa sa bakuran ng simbahan at sinahugan ko ito ng karneng baboy. Ginisa ko muna ang sibuyas at bawang, at iniginisa ko na rin ang karne makaraang mangilaw-ngilaw na ang mga iyon. Matapos maluto ang karne, nilagyan ko muna ng kunting tubig na may toyo. Pinakulo ko muna ito bago isalang ang talbos ng kangkong at tinimplahan ng asin.Kumain ako agad pagkatapos kong magluto. Bilang pasasalamat sa Diyos sa biyayang natanggap, nagdasal muna ako bago ako kumain. Kinalakihan ko na ang pagiging madasalin sapagkat laki naman talaga ako sa simbahan. Sumasabay ako sa mga prayle sa kanilang pagdarasal araw-araw. Nagdadarasal sila anim
Wala akong ginagawang iba sa tanang buhay ko kundi ang libangin at mahalin ang aking sarili. Bilang isang anak ng isang Kastilang negosyante, maiisip mo na tila napakaswerteng bagay iyon na bigay ng pagkakataon sa akin. Ngunit ito ay isang kabaligtaran.Kailanman ay hindi maipagpapalit ng anumang luho ang pagngungulila sa pagmamahal at bigkis ng isang pamilya. Naging bulag ang aking mga magulang sa aking pangungulilang yaon. Abala sila palagi sa kani-kanilang mga ginagawa, mga gawaing pampapalaki ng luho ng aming matayog na pamilya. Matayog man sa paningin ng ibang tao, sa loob naman nito ay ang nagtatago at lumalaking lanta.Simula pagkabata, nakaligtaan man ng aking mga magulang, ay naging maayos naman ang aking buhay. Simple at ordinaryo. Para bang hindi ko napagmanahan ang mga isipang pangngegosyo ng aking mga magulang sapagkat hindi ako nasisilaw sa anumang luho o katanyagang natatanggap dahil sa aking mga magulang. Para sa akin, gulo
Ginising ako ng aking ina mula sa aking pagtulog. Inutusan niya akong dalhin ang hinabi niyang tela na yari sa piňa sa isang mananahi sa sentro ng bayan. Wala akong magawa kundi ang pumayag na lamang kahit dama ang pagkapagod sa pangangahoy kahapun sa kadahilanang ito ang pinagkikitaan naming mag-ina. Hindi lang kami, kung hindi ang buong tribo ko rin. Ang tribo Bajulgol.Pagtatanim lamang ang kayang gawin ng aming tribo kaya sagana sa mga tanim ang aming maliit na comunidad lalong lalo na ang tanim na pinya. Nandito sa aming comunidad ang pinakamasarap na pina sa bayan ng Santa Barbara. At nang dumating ang mga misyonerong Kastila, tinuruan kaming humabi ng tela na yari sa tanim naming mga pinya. Sa hanggang ngayon, ito ang naging pagkakikitaan ng tribo sa mga araw na hindi pa tag-ani ng pinya.Dalawa lang kaming nakatira ng aking ina sa isang maliit na bahay kubo na yari sa kawayan, kugon at pawid. Ang
Makulimlim ang malawak na kalangitan pagkagising ko sa umagang iyon. Kahit ganoon ay hindi naman ito inaasahang uulan. Naisip ko na isang magandang timpla ng panahon ang araw na iyon upang maglibot sa buong bayan ng Santa Lucia.Walang araw, walang ulan.Maagang umalis si Tiyo Ciano at Tiya Dolores sa bahay kaya ang nadatnan ko sa hapag nang mag agahan ako ay ang kanilang mga anak. Ang aking mga magagandang pinsan."Carmela, kumain kana," pag aanyaya sa akin ni Manuela na habang pinapakain ang makulit nilang bunsong si Carmelita."Kumain kana at baka hindi kana makapag agahan kapag dumating si Eduardo,""Manuela," bighing ko sa kanya. Naalala ko na nagyaya pala si Eduardo na mangabayo sa buong bayan."Ipapasyal lang niya ako sa buong bayan. Iyon lamang ang ibig niya""Hay naku- kayong dalawa lang?" ani Manuela."Kung gugustuhin mu, sumama ka sa amin para may makasama ako," wika ko sa ka